Chapter 17 Getting Him Back

2420 Words
Kishree’s POV “Y-yes… ako talaga ito, Ree ree…” Parang sasabog ang puso ko. Akala ko magagalit ako at magwawala kapag nakita ko siya ulit. Sabi ko noon, kapag nagkita kami ulit, susumbatan ko siya. Ipapamukha ko sa kaniya kung ano ang sinayang at pinakawalan niya. Ngunit ngayong nasa harapan ko na siya ay iisa lang ang naging laman ng isip ko – iyon ay ang mayakap siya at maramdamang naririto na nga siya talaga sa piling ko. Patakbo akong lumapit sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit. Parang gripong umagos ang mga luha ko habang patuloy sa mabilis na pagtibok ang puso ko. Ramdam kong nanigas siya sa kinatatayuan dahil sa ginawa ko. “Please, hug me, too. Make me feel that you’re really here. I miss you so much, my bae!” pagsusumamo ko. Dama kong napalunok siya ngunit kasunod din niyon ay ang pagyakap niya sa akin ng buong higpit. Lalong bumaha ang luha ko at mariin kong ipinikit ang mga mata ko. “I’m so sorry. Kishree, please, I am very sorry. Patawarin mo ako sa lahat ng nagawa ko sa iyo. Hindi ko sinasadya. Patawarin mo ako, Ree ree ko,” malungkot niyang sambit. Yumugyog ang balikat niya at gaya ko ay umiiyak na rin siya ngayon. Humigpit ang pagkakayakap namin sa isa’t isa at sa loob ng ilang minuto ay walang nangahas na magsalita. Nakatayo lang kami habang mahigpit na magkayakap at patuloy na umiiyak. Hindi ko alam kung gaano katagal ngunit parang ayaw ko nang matapos ang sandaling iyon. I just wanted to be in his arms, feeling his warmth ang comforting embrace. Nang kumalma ay marahan siyang kumalas ang pagkakayakap sa akin. Bagama’t tutol ang aking kalooban ay hinayaan ko lang siya. Ikinulong ng mga palad niya ang mukha ko at ngayon ay magkahinang na ang mga mata namin. “I’m so sorry. Hindi ko alam… hindi ko alam kaya sinaktan kita nang paulit-ulit. Patawarin mo ako, Kishree. Patawarin mo ako. Gagawin ko ang lahat para makamit ko lang ang kapatawaran mo,” madamdamin niyang saad. Namumula ang mga mata niya dahil sa pag-iyak. Ako naman ay sumisinok-sinok pa rin. Kusang tumakas ang mga luha mula sa mga mata ko kaya pinahid niya iyon sa pamamagitan ng mga hinlalaki niya. “Wala na akong nararamdamang galit sa iyo. Na-miss kita. Sobrang miss na miss kita. Sa loob ng sampung taon, lagi kong tinatanong ang sarili ko kung may mali ba sa akin. May kulang ba ako? May nagawa ba akong hindi mo nagustuhan kaya bigla mo na lang akong iniwan? Laging may bakit at kung paano mo ako natiis nang ganoon katagal?” Mariin siyang pumikit at hinalikan ang noo ko nang marinig ang mga sinabi ko. Suminghot ako dahil sumikdo na naman ang bigat sa dibdib ko at muling naiyak. “Kahit kailan, hindi ko gugustuhing iwan ka. Mahal na mahal kita. Mahal na mahal na kapag sinasaktan kita, nasasaktan din ako. Kaya lalong naghihirap ang kalooban ko dahil laging umaapaw ang galit sa puso ko. Mas galit ako sa sarili ko kasi kahit ano’ng gawin ko, hindi mawala-wala ang pagmamahal ko para sa iyo. I’m really sorry, Kishree. I’m really sorry for being cruel to you when you’re blameless and innocent of any crime,” pahayag naman niya na lalong nagpaiyak sa akin. Tumingkayad ako para maabot ang mga labi niya. I kissed him deep. Naramdaman ko agad ang isang braso niya sa baywang ko at tinugon niya ang halik ko. He kissed me gently and passionately. Hanggang sa maging mapusok ang halik na iyon. Naramdaman ko na lang na nakahiga na pala akong muli sa kama at nasa ibabaw ko siya. Inalis ko muna ang lahat ng iniisip ko at nag-concentrate sa matamis niyang mga halik. Ito ang unang pagkakataon na maghahalikan kami ng ganito karubdob mula ng ikasal kami. Dahil masiyado akong naliliyo at nalalasing sa mga halik niya ay hindi ko namalayang pareho na pala kaming walang saplot. “Let me love you with all my heart, Ree ree…” bulong niya. Ungol lang ang naging tugon ko dahil napapasinghap ako habang hinahalikan at dinidilaan niya ang panga ko hanggang sa leeg ko. It was so hot that I began gripping his hair. “Ahh…” mahinang ungol ko nang damhin ng dalawang kamay niya ang mga dibdib ko habang patuloy sa paghalik sa leeg at balikat ko. “I love your perky and luscious breasts. Your n*****s are like pearl in the middle of a flower petals,” he whispered and licked my erected n*****s. Lalong nanigas ang mga iyon at umaangat ang balakang ko dahil sa kiliting dulot ng paglalaro ng dila niya sa mga n*****s ko. “Do you want me to suck them, baby?” nang-aakit niyang tanong. Nakagat ko ang pang-ibabang labi at tumango. “Y-yes. f**k me hard, my bae…” paungol kong sagot. “Damn!” Para siyang nanggigil sa sagot ko kaya agad niyang isinubo ang isang u***g ko at tila nananabik na dumede roon. Humigpit ang pagkakasabunot ko sa buhok niya dahil sa kuryenteng gumapang at bumasa sa p********e ko. “Oh, s**t! Ahh…” malakas kong halinghing nang isunod niya ang kabilang n****e. Kasabay din niyon ang paglalaro ng mga daliri niya sa kuntil ng p********e ko. “Vinz… God! Please take me now!” halos maiyak nang pakiusap ko. Ngunit napadilat ako nang mahina siyang tumawa. “Not yet, Ree ree. I still want to taste you down there,” nakangising sagot niya at mabilis na bumaba roon. Ang mga daliri niyang naglalaro roon kanina ay pinalitan ng kaniyang dila. Halos tumirik na ang mga mata ko sa sunod-sunod na bugso ng kilabot at kiliti. Nakakaubos ng hininga. “s**t, Vinz! Oh, my gosh!” Napapasigaw na ako sa tindi ng sensasyong pabalik-balik na lumulukob sa buong katawan ko. Pakiramdam ko ay apoy na ang dumadaloy sa mga ugat ko. Hindi ko na rin namamalayan ang pamamaluktot ng mga daliri ko sa paa. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa magkabilang gilid ng unan habang wala siyang tigil sa pagdila at pagsipsip sa kayamanan ko. “That’s it, baby! Come for me,” narinig ko ang nasasarapang bulong niya saka ipinasok ang dila sa butas ko. Kumakalikot ito doon. Umangat ang balakang ko at tuluyan nang sumabog ang namuong delubyo sa puson ko. Mabagal ang paghinga ko at halos magdugo na ang labi ko sa diin ng pagkakakagat ko roon. He licked my juices kaya halos manginig ang mga binti ko. Parang biglang naubos ang lakas ko dahil doon. Mabilis siyang pumuwesto sa gitna ko at walang anumang seremonyang ipinasok ang matigas niyang p*********i. “Ahh… damn!” mahabang ungol ang kumawala sa akin. Kahit ilang beses na kaming nag-s*x ay hindi pa rin ako makaagapay sa laki ng alaga niya. Talagang punong-puno ako at may hatid pa ring kirot. Ngunit sa pagkakataong ito ay mas matindi na ang pleasure kaysa sa pain. “I love you, Ree ree. f**k, ang sarap mo!” mabangis niyang ungol at mahigpit akong niyakap. Nagsimula na siyang umulos ng mabilis kaya napapanganga ako. Katatapos ko lang labasan dahil sa ginawa niyang paghalik sa p********e ko kanina ngunit ito at papaakyat na naman ako sa panibagong kasukdulan. He was being rough now, but I just love how his long and hard c**k stretch my tight core. Damang-dama ko talaga ang bawat pagtama niya sa G-spot ko kaya napapahiyaw ako sa sensasyon. “Ohh… ahh… Vinz, sige pa! Ugh!” Sa totoo lang nasasaktan ako sa tuwing sasagad siya pero para rin akong mababaliw sa nagsasalimbayang kilabot sa bawat mabilis at madiin niyang pagbaon sa akin. “You’re mine, Ree ree! You are only mine!” Inangkin niya ang mga labi ko pero hindi ko matugunan ng maayos ang halik niya dahil umaawang ang mga labi ko sa paglalabas-masok niya sa akin. “Oh, damn!” naiiyak kong ungol dahil sa malakas kong pagsabog. Dama kong humigpit ang p********e ko kaya maging siya ay umungol din sa pagbalot ng mainit kong katas sa p*********i niyang walang tigil na bumabaon sa akin. “s**t! You’re squirting, baby! I love that hot fluid from you,” umiigting ang mga pangang sambit niya at mas bumilis pa sa ginagawa. “More, Vinz. I want more!” pakiusap ko kaya mas pinag-igi pa niya ang pag-indayog sa ibabaw ko. Mahigpit kaming magkayakap at nakapulupot ang dalawang hita ko sa likod ng mga hita niya. At doon nga ay sabay naming inabot ang rurok ng kaganapan ng aming pagtatalik. Mabangis siyang umungol at para naman akong maiiyak sa sobrang sarap ng paghahalo ng mga katas namin sa loob ko. Mainit at nakakakiliti talaga. Huminto lang siya sa pagbayo noong mailabas na niyang lahat ang dapat niyang ilabas. Walang kuwenta ang malakas na aircon ng silid dahil basang-basa kami ng pawis at parehong humihingal. Ngunit hindi gaya ng dati na nagpupuyos sa galit ang dibdib ko sa tuwing inaangkin niya ako. Ngayon ay masaya ako. Masayang-masaya at bawat himaymay ko ay dama ang tindi ng pinagsaluhan naming pag-iisang katawan. “Don’t sleep on me, Ree ree,” babala niya. Natawa ako at napadilat dahil doon. Sa totoo lang ay hinahatak na naman ng antok ang mga mata ko. “I’m not going to sleep,” kaila ko. Umangat siya at taas ang isang kilay na tumingin sa akin. “Lagi mo nga akong tinutulugan pagkatapos, eh!”kunwari ay tugis niya sa akin kaya natawa ko. Ngunit nauwi rin sa ungol dahil pumintig ang p*********i niyang hanggang ngayon ay nasa loob ko pa. “Alisin mo na nga iyong ano mo. Mamaya mabuhay na naman iyan,” kunwa’y reklamo ko. Siya naman ang natawa at sabay kami napaungol dahil muli siyang kumislot sa loob ko. “Isa pa, please. Gawin pa natin ulit iyon. Gusto ko ng isa pa,” hiling niya. Napangiti naman ako. Sa totoo lang ay gusto ko rin naman kahit medyo nangingirot na. “Later, please. Kailangan pa nating mag-usap.” Sumeryoso naman ako. Bumuntong-hininga siya saka tumango. Maingat siyang umalis sa ibabaw ko. Nakagat ko pa ang pang-ibabang labi ko dahil nakiliti ako sa paghugot niya sa alaga niya. Ang laki ni Vinz, kaya hindi ko alam kung paano iyon nagkakasya sa akin. Masakit na masarap kapag inaangkin niya ako. Nagpahinga lang kami saglit bago naligo at nagbihis. Alas-dos na ng madaling araw pero gising na gising pa rin ang diwa ko. Guminhawa ang pakiramdam ko roon sa maligamgam na tubig na pinangligo namin. “Vinz, pakawalan mo na ang mga kaibigan ko. Alam ko, mabigat ang ginawa nilang kasalanan sa iyo. Pero ayaw kong maging masama ka ng dahil sa kanila. Mas mahalaga sa akin na magkasama na tayo ngayon, kaya kung hihilingin mong putulin ko na ang kaugnayan ko sa kanila, gagawin ko. Huwag ka lang makagawa ng mabigat na bagay,” hiling ko sa kaniya. Nakaunan ako sa braso niya habang nakahiga kami sa kama. Hinahaplos niya ang pisngi ko habang titig na titig sa mukha ko. “I want them to confess what they did to me and show it to the world,” matigas niyang tugon. Napalunok naman ako dahil sa galit na mababanaag sa mga mata niya. Tumango ako. “They will. I know they will. Maging ako ay hindi makapaniwala sa ginawa nila. Kaya pala hindi man lang sila affected kahit halos araw-araw akong umiiyak dahil bigla ka na lang nawala. Sila pala ang may kagagawan. Pero nasasaktan pa rin ako sa nangyari kay tito. Sorry talaga, Vinz. Ginawa lang naman nila iyon dahil sa akin kaya hanggang ngayon hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko,” kako naman. Umiwas siya ng tingin sa akin at marahas na nagbuga ng hangin. “Wala kang kasalanan sa nangyari. Alam kong mga bata pa sila noong gawin nila ang ginawa nila sa akin, pero hindi birong hirap ang pinagdaanan ko. Sa kanila, isang simpleng bagay lang ang bullying. Pero sa katulad kong biktima, panghabang-buhay na iyong nakatatak sa puso at isip ko. Hanggang ngayon, tinatanong ko ang sarili ko at ang Diyos kung bakit ko kinailangang pagdaanan ang lahat ng iyon? Naging mabuting tao naman ako at walang sinaktan na kahit sino. Pero bakit kailangang mangyari sa akin at sa pamilya ko iyon? Porke ba mahirap kami at walang anumang maipagmamalaki, puwede na kaming saktan at paglaruan ng sinumang mayroong impluwensya? Imagine, how young they were but still, they were able to hurt me and my family just like that,” mabigat ang loob at galit niyang pahayag. Parang biniyak na naman ang puso ko sa mga sinabi niya. Ilang beses akong lumunok at pinahid ang mga luhang bumalong mula sa mga mata ko. “I’m so sorry…” tanging nasambit ko. Pero umiling siya at hinapit ako papalapit sa kaniya. “It’s not your fault. Don’t blame yourself, Ree ree. Huwag kang mag-alala, pakakawalan ko na sila pagkatapos nilang magawa ang ipinagagawa ko,” sabi naman niya. Muli akong bumuntong-hininga. “But, what if idemanda ka nila? Kidnapping at illegal detention pa rin ang ginawa mo sa kanila. Ayaw kong makulong ka o masangkot ang pangalan mo sa eskandalo,” may pag-aalalang paalala ko sa kaniya. Ngunit umiling siya sa akin. “Hindi nila gagawin iyon kung ayaw nilang tuluyang gumapang sila sa pusali. Kaya kong pabagsakin ng tuluyan ang mga kabuhayan nila kapag mas pipiliin pa nilang kalabanin ako,” mariing deklara niya. Napalunok na naman ako. Totoo iyon. Sa lawak ng kapangyarihan at impluwensya ni Vinzon ngayon, siguradong sa isang iglap ay kayang-kaya niyang gawin ang banta niya. “Gusto mo bang makita ang ginawa nila sa akin noon?” Napasinghap ako nang muli siyang magsalita dahil hindi ako umimik sa huling sinabi niya. “What do you mean?” kunot-noong tanong ko. “I just recently found out about it yesterday. Kinuhanan pala nila ng video ang lahat ng pagpapahirap na ginawa nila sa akin noon. Pero hindi ko pa napapanood kasi hindi ko kayang balikan ang nakaraang paghihirap ko.” Nanlaki ang mga mata ko at halos mapabangon ako sa matinding pagkagulat. “What? That was too cruel,” nasambit ko habang muling pumintig ng mabilis ang puso ko ___________________________ Hello guys, Next week na ako mag-update dito. Baka isang bagsakan na hanggang ending para hindi na kayo mabitin. Kay Marco na muna ako mag-daily update. Sa mga hindi pa nakapag-add, WILD NIGHT WITH MARCO po ang title. Salamat sa support guys. Don't worry, may ending ito rito kahit magiging Physical Book siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD