Hindi ko na mabilang kung ilang beses nanlaki at umawang ang mga labi ko habang pinapanood ang video na sinasabi niya. Nakatakip ang dalawang kamay ko sa bibig ko at nanginginig ang buong katawan ko.
Bawat hagupit nina Denzo at Gabby sa katawan ni Vinzon ay napapangiwi ako at mas malalaking butil ng luha ang dumadaloy mula sa mga mata ko.
Isang babaeng maigsi ang buhok at nakasombrero ang nagsalita at gumaya nga sa boses ko. Halos lumuwa na ang mga mata ko dahil hindi ko akalaing may taong kayang gayahin nag boses ko ng gano’n.
Pero natakpan ko na ang buong mukha ko nang walang awa niyang idikit ang nagbabagang bakal sa gitna ng mukha ni Vinz – sa mismong balat niya.
“Please, tama na! Hindi ko na kayang panoorin,” humahagulgol kong pakiusap. Nakatakip pa rin ang mga kamay ko sa mukha ko at parang paulit-ulit na dinudurog ang puso ko.
Ibinaba ni Vinz ang hawak niyan camera ngunit patuloy lang na nagpe-play ang video. Niyakap niya ako pero ramdam ko rin ang panginginig ng katawan niya.
Lalo pa akong naiyak nang marinig ang kaulunos-lunos na pag-iyak at pagsigaw niya sa video. Hindi ko na alam kung ano na ang pagpapahirap na ginagawa sa kaniya roon, ngunit base sa saklap ng daing niya ay alam kong matindi iyon.
“Paano nila nagawa ang ganito? This is too much! Oh my God!” nasambit ko habang halos hindi na ako makahinga sa kaiiyak. Kahit balikan ko ang lahat ng pananakit na ginawa sa akin ni Vinz mula noong ikasal kami ay wala pa pala sa kalingkingan ng dinanas niya sa mga kamay ng mga kaibigan ko.
“It was truly painful, Ree ree,” malat ang boses na usal niya. Lalo lamang iyong nagpakirot sa puso ko. Hindi ko ma-imagine kung paano kinaya ng katawan niya ang ganoong klase ng torture. 16 years old lang siya noon!
“I’m so sorry, Vinz. Dahil sa akin… dahil sa akin kaya ka nagdanas ng gano’n. I am deeply sorry…”
Yumakap ako sa kaniya habang patuloy lang sa pagluha. He was very sad, too, and that gave me a more painful feeling.
“It’s not your fault. I don’t want revenge anymore. Gusto ko na lamang ng katarungan para sa nangyari sa akin. Gusto kong makita ng lahat na ang mga ganitong uri ng gawain ay talagang makasisisra sa buhay ng isang tao. I want a lot of people to be aware that something like this is really happening in real life,” mabigat ang boses na pahayag niya.
Tumango naman ako at suminghot. Pinunasan ko ang mga luha ko at tumingala sa kaniya.
“Hindi ko alam kung kaya ko silang patawarin sa ginawa nila sa iyo. Pero huwag mo na silang sasaktan, okay? Kasi kung ipagpapatuloy mo ang pananakit sa kanila, magiging mas masahol ka na sa kanila. Sasabihin ng mga tao na menor de edad pa sila noon ng gawin iyon, samantalang nasa tamang gulang ka na ngayon. Puntahan natin sila at ako mismo ang magpapaamin sa kanila sa ginawa nila,” determinadong wika ko. Tumiim naman ang mukha niya at saglit na natigilan. Maya-maya ay tumango na rin siya kaya nakahinga ako nang maluwag.
“We will. Sa ngayon, matulog ka na muna. You need to sleep because I am so worried about your health, okay?” tugon naman niya. Bumuntong- hininga ako ng mabigat bago tumango.
Magkayakap kaming natulog kahit sa totoo lang ay napakahirap makatulog pagkatapos ng napanood ko. Pero kalaunan ay inantok din ako at tuluyan nang nahimbing.
Alas onse na ng tanghali nang muli akong magising. Mag-isa na lamang ako sa kama. Bumaba ako ng kama at tinungo ang banyo. Pagkatapos kong gawin ang morning routines ko ay lumabas na ako ng silid.
“Ay, gising na po pala kayo, Ma’am. Gutom na po ba kayo?” salubong sa akin ni Manang Fely. Medyo nagulat din ako na masigla na siyang makipag-usap sa akin ngayon. Dati kasi ay halos hindi niya ako pinapansin, kagaya ng ibang mga katulong. Napag-alaman kong utos daw pala ni Vinz na huwag nila akong kakausapin.
“Si Vinz po?” magalang kong natanong. Tila kinikilig naman na napangiti ang matanda.
“Nagluluto si Sir. Nagulat nga kami kasi ngayon lang nagawi iyon sa kusina. Tapos pinaalis ang lahat ng katulong at siya lang daw muna ang gagawa roon,” pagbibigya-alam niya sa akin.
“Magaling po talagang magluto iyang si Jemson, este Vinz kahit noon pa,” nakangiting tugon ko naman. Kumunot ang noo nito pero nakangiti pa rin ang mga mata.
“Talaga po, Ma’am? Hindi ko alam kasi nga ngayon ko pa lang siya nakitang magluto. Pero patapos na po siguro iyon kasi mahigit isang oras na mula nang magsimula siya kanina,” sabi pa niya. Bigla tuloy na parang may mga paruparong naglalaro sa tiyan ko.
“Sige po, pupuntahan ko na lang. Salamat po, Manang.”
Ngumiti at tumango anman siya sa akin kaya tinalikurna ko na siya. Kahit napakabigat ng nagdaang gabi ay mas gusto ko munang isipin ang magandang bagay ngayon. Ipinangako kong babawi ako kay Vinz. Pasasayahin ko siya sa lahat ng paraan na alam ko.
Kahit sino ay hindi deserve ang nangyari sa kaniya kaya gagawin ko ang lahat para naman lumigaya na siya sa piling ko. I will love him unconditionally and treat him as my king.
Papasok pa lang ako sa pintuan ng kusina ay nalanghap ko na agad ang masarap na amoy ng pagkain. Hindi ko alam kung ano iyon pero mabilis na kumalam ang sikmura ko.
Bigla ko ring naalala na ang huling kain ko pala ay noong kumain kami sa restaurant. Niyaya niya akong kumain kaninang madaling araw pero nawalan ako ng gana dahil sa napanood kong video. Ngayon ko lang ulit naramdaman ang gutom ko.
“Ang bango naman niyan!” pahayag ko na nagpalingon sa kaniya. Mabilis namang sumilay ang ngiti sa guwapo niyang mukha.
Bakit nga ba hindi ko agad napansin ang mga mata niya. Noon pa man talaga ay maganda na ang mga mata niya. Lalo na ang ilong at labi na hindi napapansin dahil nga sa malaking balat sa mukha niya noon.
Ngunit ngayong wala na iyon ay lumabas na iyong totoong hitsura niya. He’s really handsome and hot.
“Are you hungry now? I know you are,” sagot din niya sa tanong niya kaya napabungisngis ako.
“Wow, meatball pasta!” pansin ko agad doon sa dalawang pinggan na may lamang pasta. Lalong lumapad ang ngiti niya.
“I asked them to prepare that yesterday pero hindi ka naman nakakain. I cooked chicken enchilada and baked salmon for you. Para naman sa dessert, I bought your favorite Turkish delights,” deklara niya.
Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya. Hinalikan naman niya ang mga labi ko.
Ngunit ang simpleng halik ay nauwi sa isang make out session na tumagal yata ng sampung minuto.
“Lalo akong nagutom dahil sa mga labi mo,” bulong niya kaya lalo akong napangiti.
“I’m hungry now, hubby,” lambing ko naman. Natawa siya at tumango.
“Fine. Let’s feed my queen, now.”
Banayad niyang hinila nag kamay ko at tinungo na namin ang adjacent door papunta sa dining area. Doon ay nakahain na ang lahat ng mga pagkaing sinasabi niya.
“Coffee?” tanong niya. Sunod-sunod naman agad akong tumango. Itinihaya ko na ang mga pinggan namin at nagsimula na akong magkarga ng pagkain.
“Let’s finish the pasta first,” sabi naman niya nang ilapag na ang kape sa tabi ng pinggan ko.
Habang kumakain kami ay marami siyang mga tinatanong tungkol sa akin. Lalo akong ginaganahan kumain kasi ang gaan-gaan lang ng mood namin pareho. Dati ay halos hindi ko malunok ang pagkain sa sobrang sama ng loob at galit ko sa kaniya. Iyon pala, siya ang mas may karapatang magalit at sumama ang loob dahil sa mga nangyari sa kaniya.
Nag-ingat ako na huwag mapunta ang usapan sa kahit na sino sa mga kaibigan ko para hindi masira ang araw namin.
“Maliban kay Yohan? Mayroon ka pa bang ibang naging boyfriend?” tanong niya. Umiling naman agad ako.
“Ang hirap mag-move on sa iyo. Kaya kahit marami akong manliligaw noon, mas nag-concentrate na lang ako sa pag-aaral ko. Last year lang naging kami ni Yohan kasi feeling ko, sa lahat ng suitors ko, siya iyong pinaka-okay,” pagtatapat ko. Tumango-tango naman siya, pagkatapos ay sumeryoso ang mukha niya.
“Do you… love him?” may pag-aatubiling tanong niya. Nagbuga naman ako ng hangin saka tumango.
“Yeah. Pero hindi katulad ng pagmamahal na iniisip mo. I more love him like a best friend. Someone I can really trust and comfortable to be with. Sabi ko noon, kung hindi na talaga ako ma-i-in love ulit, siya na lang ang pakakasalan ko. Tapos dumating ka,” tugon ko. Lumunok siya. Kitang-kita ko iyon dahil sa paggalaw ng Adam’s apple niya.
“I was so jealous and freaking mad. Pero noong malaman kong ako pa rin ang nakauna sa iyo, hindi ko maipaliwanag iyong contentment at happiness na naramdaman ko. I was just too furious because I thought…” hindi niya itinuloy ang sasabihin.
“At least, ngayon alam na natin ang totoo. Hindi ko rin alam kung ano ang magiging reaksyon ng mga magulang ko, pero isa lang ang sigurado ako. Hindi na ako papayag na mawala ka pa ulit sa akin. I won’t suffer the same agony again,” mariing pahayag ko. Tumitig naman siya sa akin habang nginunguya ang laman ng bibig niya.
“Hindi rin naman ako papayag na mawala ka pa sa akin. Kahit ano pang mangyari, akin ka lang. But still, I will pursue my plan on revealing the evil deeds of your friends. With our without their confessions,” tugon naman niya. Tumango lang ako. Pero ayaw ko muna silang pag-usapan.
“Ikaw, ilan ang naging girlfriend mo habang wala ako?” tanong ko naman. Napangisi naman siya sa tanong ko kaya pinaningkitan ko siya ng mga mata.
“Hindi ako nag-girlfriend. I just do hook ups or one night stand. Pakiramdam ko may trauma pa rin ako dahil sa nangyari sa atin. Iyon pala iisa lang ang dahilan.”
Nagsalubong naman ang mga kilay ko sa sagot niya.
“Ano’ng dahilan?” may dudang tanong ko. Lumapad na naman ang ngiti niya.
“Ikaw pa rin ang laman nito,” itinuro niya ang gitna ng dibdib niya. “Kahit galit na galit ako sa iyo, ikaw pa rin ang mahal ko. Kahit ano’ng gawin kong tanggi hindi nakapagsisinungaling ang puso,” dagdag pa niya.
Napayuko tuloy ako para itago ang ngiti ko. Ang suwabe talaga magpakilig ng lalaking ito, nakakainis!
Kunwari naman ay hindi ako naniniwala.
“Talaga? Kahit minsan hindi ka nag-girlfriend? Parang imposible naman yata iyan!”
Siya naman ang naningkit ang mga mata sa akin at ibinaba pa ang hawak niyang kutsara at tinidor.
“You know very well that I don’t lie. Wala talaga,” giit pa niya.
Iyon na yata ang pinakamatagal na pagkain ko sa buong buhay ko kasi halos hindi kami nauubusan ng pag-uusapan. Marami akong bagay na nalaman sa kaniya, lalo na noong tumira na sila ng Mama niya sa New York.
Mabuti na lang din talaga at naging mabuti naman ang stepfather niya sa kaniya. Ngayon ay excited na akong ma-meet ang half-sister niya.
____________________
Hi guys,
mag-update lang ako ng isa para sa mga nag-aabang. Sa weekend isang bagsakan na lahat hanggang ending. Pasensya na po kau kung natagalan kasi talagang sobrang busy lang po. Hindi po ako na-o-offend s amga humihingi ng update. Normal naman po iyon. Basta wag lang po sana nating hahaluan ng masamang salita, kasi lalo po siyang nakaka-pressure sa part ng writer. Alam nio naman po kung gaano kahalaga ang peace of mind sa mga author para mas gumana ng maayos ang utak at panatag din ang emosyon. Salamat po talaga sa inio.