MABILIS na tumayo si Desire nang may narinig siyang doorbell sa labas—inayos niya muna ang suot niyang pantulog sa bahagyang pagkatanggal ng hook ng b*a niya dahil sa ginagawa sa kaniya ni Obet.
Mabuti na lang at dumating na ang order nilang pagkain—nagkaroon siya ng sandali para makaalis sa tabi ng lalaki.
Hindi naman sa ayaw niyang pagbigyan ito, handa naman siya sa mga mangyayari sa kanila tulad ng madalas gawin ni Obet kung magkasama silang dalawa.
Gaya nga ng sinabi niya rito gusto niya munang kumain sila.
Gutom din naman ito sa maghapong trabaho kaya uunahin muna niya ang laman ng tyan nilang dalawa.
"Kamusta pala trabaho mo? Nabanggit mo kanina sa akin na marami kayong huli," tanong ni Desire kay Obet sa gitna ng pag-aayos niya ng pagkain nilang dalawa sa center table sa sofa.
"Oo, Dez, kaya nga nawala talaga sa isip ko ang tawagan ka or i-tdxt ka man lang kanina," mabilis nitong sagot sa kaniya habang nagmadali itong tulungan siya sa ginagawa.
"Ayos lang naman, Obet... ang importante ligtas ka palagi," aniya rito.
"Iyan ang gusto ko sa 'yo e. Aside of pagiging maganda, maalaga ka talaga, Desire.." sagot sa kaniya ni Obet.
"In nature ko na 'to," turan ni Desire sa lalaki.
Ayaw niyang isipin nito na sa lalaki lang siya ganoon—ang pagiging maalaga niya. Baka ito pa ang maging dahilan para isipin ni Obet na patay na patay siya rito. Ayaw niyang mangyari 'yon dahil hangga't maaari sa lalong madaling panahon makawala siya rito.
Wala sa pangarap niya ang habambuhay na magpakatali rito. Naghahanap lang siya ng tiyempo at hindi naman siya magtatagal sa poder ng lalaking 'to.
Mahihirapan man siya, pero sa sarili niya alam niyang makakaya niya—kaunting panahon lang lalo na kapag gumaling na ang Tiya Thelma niya.
"Kamusta na pala ang tiyahin mo?" tanong ni Obet kay Desire, mukhang nabasa yata ng lalaki ang laman ng isip niya.
Napalunok siya.
Kamusta na nga ba ang tiyahin niya? Ilang linggo na rin siyang walang balita dito.
Minsan masama ang loob niya rito dahil sa pagiging mahilig nito sa alak at sigarilyo lumala ang sakit nito sa bato. Bagay na naging dahilan kung bakit kailangan niyang pumasok sa iba't ibang trabaho na naging daan at makilala niya si Obet.
"Hindi pa ako nakakadalawa," wala sa sarili niyang tugon dito.
Kung siya lang ang masusunod. Nunca niya na sanang pag-usapan ito. May mga dumadating kasing pagkakataon na gusto niya ng itigil ang ginagawang pagtulong dito.
Sino pa nga ba ang aasahan nito? Siya na lang ang natitirang malapit na kakilala ng tinuturing niyang tiyahin.
Kapatid kasi ito ng nag-alaga at nagpalaki sa kaniya, ang namatay niyang nanay-nanayan.
"Kumain na tayo, Obet," alok ni Desire kay Obet.
Gusto niyang ibaling sa ibang bagay ang usapan nilang dalawa. Ayaw niyang problemahin ang tiyahin at hindi naman siya nagkulang magbigay dito—minsan pinapa-g-cash niya na lang kung kinakailangan nito.
Hindi niya rin naman maatim na puntahan ito para makita, baka may mga masasakit lang na salita ang lumabas mula sa kaniya para dito kapag nagkataon.
"Sabihin mo lang sa kin kung may kailangan ka, Desire ha."
Nagtaas siya ng tingin kay Obet, kasunod ang mabilis na pag-iling. Nangako na siya sa sarili niyang hindi na tatanggap na kahit na ano'ng halaga mula rito. Lalo pa't nag-iisip na siyang kumuwala mula sa piling nito.
"Hindi na kailangan. Huwag mo na alalahanin si Tiya Thelma," sabi niya rito.
"Pero, Desire—"
"Kaya ko na 'yon. Isa pa, maghahanap na rin naman ako ng trabaho pagbalik ko ng Cavite."
"Sigurado ka ba?"
"Oo, Obet. Hayaan mo na muna ako sa pagkakataong 'to ngayon."
"Nandito lang ako kapag kailangan mo ha.." ani sa kaniya.
Kunwa siyang tumango-tango dito para matigil na 'to. Pero ang totoo ang lalaki ang kahuli-hulihang taong hihingan niya ng tulong 'pag nagkataon. Hindi na siya kailanman magpapaalipin dito.
"Kain na tayo... tapos ikaw naman kainin ko," wika sa kaniya ni Obet.
Umiwas siya ng tingin dito nang tapunan siya nito ng nakakalokong tingin. Tama lang pala ang desisyon niyang gawin na ang bagay na 'yon dahil sa kabastusan sa katawang mayroon ito, ngayon pa lang kailangan niya ng lumaya.
---
TULOG na si Henry nang magpasya si Clarissa na iwan ito sa silid nilang dalawa.
Lumabas siya ng silid nila para magmuni-muni muna. Mailap sa kaniya ang antok at ayaw niyang abalahin ang nobyo sa pagpapahinga nito.
Alam niyang pagod ito sa byahe—galing ng Hawaii si Henry at nabanggit sa kaniya na sa susunod na buwan sa Korea na naman daw ang tungo nito, para bisitahin ang isa sa La Fontana Hotel branch sa SoKor.
Niyaya nga siya nito pero tumanggi lang siya, wala naman siyang panahon para sumama dito at kailangan din naman siya sa trabaho niya lalo pa't isang buwan na lang magpapasko na. Dagsa ang orders nila ng mga bulaklak ngayon sa iba't ibang siyudad ng bansa, addition of that sigurado naman siyang hindi rin naman sila madalas na magsasama ni Henry sa bansang 'yon dahil sa pagiging abala ng lalaki sa trabaho malimit din naman ito sa tabi niya.
Napasinghap si Clarissa sa sarili nang may maalala siyang isang taong malapit sa kaniya—ang matalik niyang kaibigan na si Desire.
Matagal-tagal niya na rin itong hindi natatawagan, minsan kasi abala siya sa trabaho ang libre niya namang oras ay alanganin na para kamustahin pa ito. Madaling araw na n'on sa Pilipinas at pahinga niya naman 'yon.
Pinapangako niya naman sa sarili na muli niyang tatawgan para kamustahin ito, na-mi-miss niya rin naman ang matalik niyang kaibigan sa Pilipinas nang hindi pa nag-desisyon ang pamilya niyang mag-migrate sila sa bansang 'yon.
Babawi na lang siya kay Desire at kapag nagkataon na sa Pilipinas ang susunod na destinasyon ni Henry, she will surprise Desire.
Iyon na rin siguro ang panahon para magkita ang dalawa at maipakilala niya ang mga ito sa isa't isa—nakaramdam ng pananabik sa sarili si Clarissa.
Malapit na mangyari 'yon, 'ika niya.