DISAPPOINTED HENRY

981 Words
NAGISING si Desire na nakatunghay sa kaniya si Obet—kaya pala pakiramdam niya may nakatingin sa kaniya. Umayos siya ng pagkakahiga hindi niya namalayan na tanghali na pala. Late na rin kasi sila nakatulog ng lalaki nagdaang gabi. Wala naman silang ginawang dalawa, nanuod lang naman sila sa hilig ni Obet. "Good morning, Sweetheart," bati nito sa kaniya. "M-may pasok ka ba? Bakit hindi mo ako ginising?" tugon niya rito. Dinampot niya ang cellphone niya sa bedside table sa kaliwang gawi niya. Pasado alas-nuevi na ng umaga. Ngayon lang yata siya nagising ng ganoon na kasama niya ito. "Ang ganda mo kasi pagmasdan kaya hindi na kita nagising," tugon sa kaniya ni Obet. "Ano ka ba! Dapat ginising mo ako para maipaghanda kita ng makakain mo," sabi niya rito. Umayos ito ng pagkakahiga sa tabi niya. Nilingon niya pa ang lalaki. "M-may problema ba, Obet?" tanong niya dito. Tumahimik kasi ito bigla at tinuon ang tingin sa kisame ng silid. "Aalis na naman kasi ako at maiiwan na naman kita," turan nito sa kaniya. "Wala ka naman dapat ipag-alala sa akin. Nandito lang naman ako." "Pero iba pa rin ang makasama kita, Desire." "Obet, alam mo naman na hindi pwedi hindi ba!" Bumangon si Desire nang tumahimik ito. Sinamantala niya ang pagkakataon na 'yon, sinuot niya ang roba niya at tumayo paharap dito. "Ipaghahanda kita ng makakain mo bago ka pumasok." Umupo si Obet. Nakangiting tiningnan siya, gumanti din siya ng ngiti sa lalaki. Mukhang maganda yata ang gising nito, aniya sa sarili. "Ang swerte ng lalaking makakasama mo habang buhay, Desire. Imagine—ang ganda-ganda ng mukha ng babaeng masisilayan niya sa bawat umaga ng buhay niya." Napalunok si Desire sa mga narinig niya mula kay Obet—kahit papano masaya siya at para dito sa sarili nito alam ng lalaking hindi pangmatagalan ang mayroon sa kanilang dalawa. "Huwag mo na isipin 'yan, hindi ko iniisip 'yan," aniya. Tumalima ako at iniwan ko muna siya para maipaghanda ko siya ng makakain niya. Lunes ngayon at maaga ang pasok nito, hindi ito dapat ma-late sa trabaho. Tumuloy ako sa munting kusina ng hotel room namin—may mga natira namang pagkain kagabi kaya iinitin ko na lang ang pizza pagkatapos ipagtitimpla ko na lang siya ng kape niya. Hindi ito agad sumunod sa akin, baka muli pa itong natulog. Mukhang maaga din itong gumising nang hindi niya namalayan --- "ARE YOU READY, HONEY?" tanony ni Henry kay Clarissa—napagkasunduan nilang dalawa na kumain sa labas. Nagyaya ang lalaki sa kaniya at pinagbigyan naman ito ni Clarissa, nagpaalam kasi sa kaniya si Henry na uuwi muna ito sa pamilya nito sa Jacksonville—ilang oras lang naman ang byahe mula sa Florida. Inalok siya nito kung sasama siya, tumanggi lang siya sa nobyo nya at may mga trabaho pa siyang kailangan. Hindi matutuwa ang ilang kasama niya sa trabaho kung iiwanan niya ang mga ito sa kasagsagan ng maraming orders sa flower shop na pagmamay-ari ni Michelle Cerdan ang isa sa matalik niyang kaibigan. "I'm ready, Hone," sagot ni Clarissa kay Henry. Nagpasya siyang isuot ang binigay sa kaniya ni Henry noong birthday niya—red gown tube na tinernuhan niya ng flat Channel sandalyas na binigay din sa kanya ni Henry. Hindi niya rin kinalimutan isuot ang coat na regalo sa kanya ni Michelle at sigurado siyang malamig na sa labas. "You're so beautiful, Clarissa—" puri sa kaniya ni Henry. Isa sa mga bagay na labis niyang nagustuhan sa lalaki, kailanman hindi ito nakakalimot purihin siya. Minsan nagdududa na siya kung talaga bang maganda siya o dahil gusto lang ng lalaking sabihin ito sa kaniya. Tulad na lamang ng gabing 'yon, hindi naman siya naglagay ng kahit na ano'ng make-up sa mukha niya maliban lang sa face powder at lip gloss na gusto nya. "Thankyou, Love..." Niyakap siya ni Henry at hinalikan nito ang labi niya. "Hindi ka ba talaga sasama sa akin bukas?" tanong nito sa kaniya. "Marami akong trabaho sa mga darating na araw, kilala mo naman ang boss ko hindi ba? Baka magalit 'yon sa akin." "Pero kaibigan mo naman siya, maiintindihan ka naman siguro niya kung gusto kong kasama kita sa pag-uwi ko, Clarissa." "Kilala ko si Michelle sa negosyo niya walang kai-kaibigan d'on. Some other time na lang, Henry," malambing niyang ungos dito. Umiling-iling ito sa harap niya at hinawakan ang kamay niya. "L-Love, naiintindihan mo naman hindi ba?" "Matagal na ni-re-request ni mommy na dalhin ka sa bahay at matagal ko na rin pinangako sa kaniyang dadalhin nga kita." "Sabihin mo na lang kay Tita Lailah na sa pasko siguradong makakarating na ako," aniya dito. Ayaw ni Clarissa na magtampo sa kaniya si Henry, dahil tama ito ilang beses na siyang nangako dito na sasama siya para muling makasama ang magulang nito. Nag-iisang anak lang si Henry at ang turing sa kaniya ng parents nito ay anak na rin—malapit siya sa mommy ni Henry. Bukod kasi sa mabait ito, magkasundo silang dalawa sa pagkakagusto sa mga aso. "Wala na akong sinabi. Let's go?" Malalim na napabuntong-hininga si Clarissa, ayaw niya man tanggihan si Henry hindi niya rin naman kailangan isaalang-alang ang trabaho nya kay Michelle, hindi naman ang kaibigan niya ang mag-isang nagmamay-ari sa flowershop kundi kasama nito ang asawa nitong Amerikano. Malaki rin ang naitulong sa kaniya ng kompanya ng mga ito, dahil don nabibigyan niya ng pinansyal na tulong ang mga magulang niyang nasa Negros. Pinagbuksan siya ng pinto ni Henry ng sariling sasakyan nito. Wala pa rin silang kibo, wala pa rin sa kanila ang gustong magsalita. Tinuon ni Clarissa ang tingin niya sa unahan ng sasakyan—kilala niya si Henry sandali lang naman ang tampo nito sa kaniya kung mayroon man at mabilis din naman 'yon mawala kapag nag-usap na sila ng masinsinan ulit. Babawi na lang siya rito sa ibang pagkakataong alam niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD