ANG PANGARAP NI DESIRE

1031 Words
MAG-ISA na naman ngayon si Desire sa hotel—umalis na si Obet. Nagbilin ito sa kaniya na kung gusto niya mamasyal ayos lang, tumanggi lang siya at wala siyang balak lumabas ng umagang 'yon. Ang gusto nya lang manatili sa kwarto niya. Mukhang sinasalakay na naman yata siya ng topak niya ng araw na 'yon. Wala naman siyang dalaw, sadyang mailap lang siya sa mga tao ngayon. Dito sa loob para sa kaniya malaya siya at magagawa niya ang lahat ng gusto niya lalo pa't wala si Obet. She can sleep all day o walang kasawaang manuod ng palabas. May series din siyang inaabangan ngayon, isang palabas na walang pinagkaiba sa buhay niya—buhay pornstar pinagbibidahan 'yon ni Megan Apostol isang sexy star na palaging patok sa takilya ang mga palabas. Maganda naman talaga ang babae at kahit saan anggulo mo pagmasdan napakaseksi nito—kaya nga na-li-link na lang ito kahit kanino. 'Ang showbiz nga naman,' bulong ni Desire sa sarili. Inikot niya ang paningin sa buong silid, naisipan niyang mag-ayos na lang habang hinihintay si Obet. Ang sabi nito sa kaniya babalik ito bago magdilim at may pagdadalhan daw sa kaniyang restaurant na malapit d'on sa lugar, nandoon man ang takot sa puso niya na baka may makakita sa kanila hindi niya ininda—malayo ang Batangas sa Manila. Imposibleng may makakilala kay Obet sa lugar na 'yon. Sa Morong Rizal ito naka-destino kaya tiwala siyang walang kahit na sino ang maaaring makakilala rito. Inabala ni Desire ang sarili, niligpit niya ang mga gamit ni Obet na nakakalat sa lapag mula sa mga kung ano'ng papel na dala-dala nito hanggang sa mga t-shirt na bihisan nitong tinapon lang sa sahig. Naisip niyang ganoon siguro si Obet sa sariling bahay nito, sa sariling pamilya. Napabuntong-hininga siya sa mga naisip. Hindi naman siguro at nakakasawa ang bagay na 'yon, baka palagi pa nilang pag-awayan ng asawa niya ito. Kakausapin niya si Obet pag-uwi nito, nakikinig naman sa kaniya ang lalaki. Kung sakali mang ganito nga ito sa sariling tahanan nito siya ang bahalang magsabi dito ng mga tamang gawin, hindi uubra sa kaniya ang lahat ng 'yon. Maayos siya sa gamit niya, gusto niya organize ito at kung nasaan niya ito kinuha d'on niya rin dapat ibalik. Pagsasabihan niya lang si Obet, wala naman siyang balak bungangaan ito at wala naman siyang ugaling ganoon. Bukod sa ayaw niya ng mabunganga wala siyang karapatan gawin 'to sa lalaking kasama niya wala itong pananagutan sa kaniya. Isa pang malalim na pagbuntong-hininga ang pinakawalan ni Desire sa sarili at tahimik na inisa-isa ang lahat ng kalat na mayroon si Obet. 'Mabuti na lang hindi ako ang pinakasalan niya! Tatanda sana ako ng maaga," natatawang biro ni Desire sa sarili para kay Obet. Sa isipin na 'yon masaya siya, kahit sa sarili niya nangangarap siyang maikasal sa isang lalaki—hiling niya na sana hindi ito katulad ni Obet dahil hindi niya magugustuhan 'yon. --- "I'M LEAVING TOMORROW," sabi ni Henry kay Clarissa. Magkatabi silang nakahiga sa malambot na kama sa townhouse ni Clarissa. Nakahiga ang babae sa balikat ng lalaki—ilang beses na rin itong nagpaalam sa kaniya. Pero alam niyang pinaparinggan lang siya ni Henry, may gusto lang talaga itong sabihin sa kaniya. Ang pagyaya ng nobyo niya ang dahilan kung bakit inulit-ulit nito ang bagay na 'yon. Gusto nya talagang sumama sa bahay ng mga ito—pero nakapangako na siya kay Michelle na hindi na siya aabsent pa sa buwan na 'yon. Napalunok si Clarissa. "I just want to tell mama na hindi ka makakasama," ani sa kaniya ni Henry. Nilaro-laro niya ang balahibo sa dibdib nito, habang kunwa naman nitong minamasahe ang ulo niya. "Ano ang sabi ni tita?" tanong niya. "She don't said things! Pero alam ko tulad ko masama din ang loob ni mommy, Clarissa—" tugon sa kaniya ni Henry. "Sweetheart, alam mo naman na gusto ko hindi ba? Pero alanganin talaga!" turan niya kay Henry. Nagtaas siya ng tingin dito at sinakop nito ang labi niya—pinagsaluhan nila ang malalim, matamis at mabilis na halik sa isa't isa. "Mommy will understand, Sweetie. Hindi mo lang masisisi si mommy if she always expect na maisasama kita." "Promise next time! Hindi na talaga ako tatanggi pa, hahanapan ko ng araw at panahon ang bakasyon sa inyo," ani ni Clarissa dito. Ginulo-g**o ni Henry ang buhok niya. Gusto niyang maramdaman na nagtitiwala ito sa kanya na magagawa niya ang lahat ng pangakong binitiwan niya para dito. Paharap siyang niyakap ni Henry, hinaplos-haplos nito ang likod niya. "Sa susunod ako naman ang pagbibigyan mo, Clarissa..." narinig niyang sabi ni Henry sa boses nito nandoon ang tinig ng pakiusap. Nagtaas siya ng tingin dito at muling nagtama ang mga mata nilang dalawa, may sumilay na ngiti sa labi niya at ganoon din ito sa kaniya. "Promise talaga—" Napapikit si Clarissa nang halikan ni Henry ang nuo niya, pababa sa mata niya't natigil sa tungki ng kaniyang ilong. Muli siya nitong niyakap ng mahigpit. Mahal na mahal siya ni Henry—iyon ang nararamdaman ni Clarissa sa kaniyang sarili. "Let's sleep?" ani sa kaniya ni Henry. Muli itong nahiga ng patihaya. Nakuntento pa rin siyang nakaunan sa balikat nito, nakapikit na ito nang magtaas siya ng paningin. Niyakap niya ang mga kamay sa h***d na katawan nito. Masaya ang puso niya dahil sa mga araw na magkasama sila ni Henry, hindi ito nagkulang sa kaniya sa bawat sandaling nasa kaniya ito. Mawawala man ito sa kaniya muli kinabukasan, alam niyang sa mga susunod na sandaling balikan siya nito walang magbabago sa kanilang dalawa. Tapat na nobyo si Henry at ganoon din siya rito, kaya kahit na kaunting takot sa puso niya wala siyang maramdaman kapag malayo ito. Tiwala siya kay Henry at tulad ng madalas nitong pangako sa kaniya kaunting panahon na lang ang kailangan nito para sa kanilang dalawa. Nakahanda siyang pakasalan ni Henry at hindi siya magsasawang hintayin ang sandaling 'yon. "I love you, Sweetheart..." Mabilis na kinintalan ng halik ni Clarissa ang labi ni Henry, tuluyan na itong nakatulog. Napasinghap siya sa masayang isipin na balang-araw, araw-araw niya ng makakasama si Henry.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD