PANGAMBA NI CLARISSA

1054 Words
TULAD ng pangako ni Obet kay Desire na ilalabas siya nito nang gabing 'yon, tinupad 'yon ng lalaki sa kanya. Dinala siya nito sa isang restaurant sa Batangas. Napagkasunduan nilang dalawang hindi na lumayo pa. Iyon ang pang-apat na buwan mula ng makilala nila sa isa't isa. Wala naman pormalidad ang selebrasyon na 'yon para sa kanila. Simple lamang ang suot ni Desire—naka-formal dress lamang siyang puti at flat sandal na parehong bigay ni Obet sa kaniya. "Maganda ang lugar na 'to," sabi ni Desire kay Obet. Pinagbuksan siya nito ng pinto— La Fontana ang pangalan ng restaurant na 'yon ang sabi sa kaniya ni Obet may pagmamay-ari din daw 'yon na hotel sa lugar. "Baka may makakilala sa 'yo," may pangamba sa boses ni Desire nang sabihin nya ito kay Obet. Hindi 'yon pinansin ng lalaki—kinuha nito ang kamay niya at nilagay sa balikat nito. "Ako ang bahala sa 'yo, Desire, kung sakali man mayroon nga sagot kita. Wala kang dapat ipag-alala." Napatango-tango siya sa sinabi ni Obet sa kaniya. Malaking bagay ang mga binibitiwan nitong pangako sa kaniya ng lalaki, kahit papano sa sarili niya alam niyang ligtas siya. Malaki at buo ang tiwala niya ritong hindi siya nito pababayaan. Nakasunod lamang si Desire kay Obet, mukhang mamahalin ang lugar at halata 'yon sa ambiance ng bawat naaabot ng tanaw niya. Namangha siya sa nakikita—naiisip niya sa sarili niya kung papalaring matupad niya ang pangarap niya magandang set up ang restaurant na 'yon para sa pagdadausan ng isang magarbong reception sa isang kasal. Hindi maiwasan ni Desire ang paghangang nararamdaman sa buong paligid—nakahawak pa rin ang kamay niya kay Obet. Hanggang sa igiya siya nito sa isang tagong bahagi sa may dulo malapit sa malaking piano. "May mga tumutugtog din dito," sabi sa kaniya ni Obet. Pinaghila siya nito ng upuan. "Salamat," aniya. "Sabihin mo lang kung ano ang gusto mo ha. Huwag kang mahihiya sa akin," anito sa kaniya. Mangilan-ngilan lang ang tao na nandoon—halos limang pwesto lang ang okupado kabilang na sila. Sabagay lunes ang araw na 'yon kaya malamang may mga trabaho halos ang tao, baka kapag weekends marami rin ang nandoon sa lugar na 'yon. "Masarap ang mga pagkain dito," untag nito. Nabaling ang tingin niya sa lalaking kasama—ngayon niya lang napansin ang suot nito polo shirt na itim na may maong na jacket at pantalong maong. Dinaanan lang pala siya nito sa hotel kanina kaya siguro sa bahay nito ito nagbihis. "May problema ba, Dez?" tanong sa kanya ni Obet. Napabuntong-hininga siya bilang tugon dito. "Ilan na ang babaeng dinala mo rito?" wala sa sariling tanong niya sa kaharap. "Are you kidding right? Ikaw pa lang naman ang nadala ko rito, Desire. Ano ba ang iniisip mo?" tanong nito sa kaniya. Hindi niya rin alam kung bakit natanong niya 'yon sa lalaki. Wala siyang intensyon mangialam sa nais nito sa buhay nito—hindi niya rin namalayan 'yon. "Uhm! Sorry. Mali yata ang napili kong tanong sa 'yo." "I’m not as bad as you think, Desire. Alam mo 'yon, wala akong ibang babae maliban sa 'yo at sa asawa ko!" sabi nito sa kaniya. Desire sighed. He didn't want to say anything bad about Obet. Tulad nga ng sinabi niya nabigla lang naman siya at hindi na dapat 'yon palakihin pa. ---- MAAGA pang tumayo sa tabi ni Clarissa si Henry—alas cinco ng madaling araw pa lang, maaga daw ang byahe nito pauwi sa kanila. "Babe, ang aga naman ng gising mo—" bungad ni Clarissa dito nang magmulat siya ng mga mata niya. "Para hindi ako tanghaliin," tugon sa kaniya ni Henry. Umupo siya sa kama at sinandal ang likod niya sa headboard. Naka-ayos na ito. Mukhang kanina pa nga ito gising at nakasuot na rin ng sapatos kahit na ang bag nito na madalas nito gamitin nakahanda na sa may paanan nito habang nakaupo ito sa sofa sa silid niya sa likurang bahagi ng pinto. "Kakain ka ba muna?" tanong ni Clarissa. Tumayo si Henry, akmang lumapit sa kaniya. Umupo ito sa kama sa may tabi niya. "Kaya nga hindi na kita ginising para hindi na kita maabala pa, Clarissa," sabi sa kaniya ni Henry. "Masakit ang ulo ko. Nakalimutan ko rin uminom ng tea kagabi bago ako matulog." "Matulog ka na lang kaya, ano'ng oras ba pasok mo?" "Alas dyes pa," sagot niya rito. Napahawak siya sa nuo niya nang maramdaman ang p*******t nito. "Sigi na matulog ka na," aniya sa kaniya ni Henry. Dumukwang ito sa nuo niya at hinalikan ito. "Sigurado ka bang okay ka lang? Masama pa ba ang loob mo sa akin, Henry?" tanong ni Clarissa dito. Binaba niya ang tingin niya sa kamay niyang hinawakan ng nobyo. "Wala akong dapat ikasama ng loob sa 'yo, Clarissa—it's your choice! Wala akong karapatan saklawan ka sa kung ano man ang gusto mo." "P-pero hindi ba dapat pagbigyan kita?!" "Babe, alam ko naman na ginagawa mo ang lahat ng best mo eh! Hindi lang talaga pwedi at walang masama sa akin d'on, naiintindihan kita, Clarissa." Dinala ni Henry ang kamay niya sa labi nito. Napasinghap siya't napatinging nakangiti dito nang muli siyang magtaas ng tingin. "Babawi ako ha! Promise ko 'yan, one of this days I will surprise Tita." "You will, Babe! Hindi ako mapapagod hintayin na dumating ang sandaling 'yon. I trust you that you can..." Hinawakan niya ang pisngi ni Henry—sa puso niya nandoon ang takot na baka dahil sa mga nasisira niyang pangako dito bigla na lamang itong magsawa sa kaniya at maghanap ng iba. Natigilan si Clarissa, hindi malabong mangyari ang lahat ng 'yon kung patuloy ang pagkukulang niya para dito. Tulad na lamang ng mga simpleng pabor na hindi niya kayang ibigay dito. Paano na lang pala kung makita sa iba ni Henry ang mga bagay na gusto at kailangan nito? Paano na siya? Makakaya niya bang mawala ito sa buhay niya. "Are you okay, Babe?" "Natatakot ako, Henry! Natatakot akong mawala ka sa akin, Babe—" hindi maiwasang sabihin ni Clarissa sa harap ng lalaki ang takot sa puso niya. Mabilis siyang niyakap ni Henry, sa ginawa nito nabawasan ang lahat ng negatibong damdamin niya. "I will not leave you whatever happen, Clarissa—"

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD