CHARMAINE Pagkatapos ng halos kalahating oras naming pag-aayos ng aming mga sarili ay malapit na rin kaming makapunta sa mall. Habanag naglalakad sina David at Cassie sa harapan namin ay nakita pa namin silang nag-apir na para bang mayroon silang natupad na kung anong plano. “Mukhang totoo nga ‘yung sinabi mo na sinet-up tayo nila David at Cassie,” iiling-iling na sambit ko kay Caleb at nung sinulyapan ko naman si Jayden ay wala siyang reaksyon, pero nung napansin niyang nakatingin na ako sa kanya ay bigla na lang siyang ngumiti. Nang makapasok na kami sa loob ng mall ay pinagtitinginan kaming dalawa ni Caleb kasi kami lang nga ang nakaporma sa loob ng mall, pakiramdam ko tuloy ay isa ako sa mga nagmamay-ari nito. Kung saan-saan lang kami nakarating, nakalibot kami sa bawat floor upang ma

