“Baguio?” Tumatawang tanong ni Davian.
“Oo, uwian natin.” Sambit ni Saraiah habang naka ngiti.
Ilang weeks palang ang nakaka lipas mula ng bumalik si Saraiah sa Pilipinas, at himalang gusto niyang pumunta sa Baguio knowing na andoon lahat ng memories nila ni Achilles.
“Talaga bang ikaw ang nag aya?” Hindi makapaniwalang sambit ko habanng titig na titig sakanya.
“K fine, pinilit ni Annaya.” Pa gamin niya na ikinatawa ko.
“Are you really okay about this huh?” Seryosong tanong ko at bahagya siyang tumango.
“Yeah, anyways, ngayon nalang din naman ako uuwi ditto kaya okay lang.” Sambit niya at nag kibitz balikat.
“Halika na, sa amin ka sasabay.” Pag aaya ko at hinitak na si Saraiah papunta sa aming sasakyan kung saan nag hihintay si Davian.
“Tara na?” Tanong niya matapos naming pumasok sa loob.
“Oo, susunod na sila Noah.” Sambit ko habang inaayos ang aking seatbelt.
“So?” Tumatawang sambit ni Saraiah.
“Mag kaibigan kami.” Sambit ko agad dahil nararamdaman ko na kung ano ang itatanong ni Saraiah.
“Yeah.” Naka ngising sambit ni Davian kaya napa nguso nalang si Saraiah at bahagyang napa irap.
“Hanggang ngayon defensive ka pa rin.” Reklamo niya at sumandal sa kaniyang kinauupuan.
“May pag kain diyan sa bag na katabi mo, kumain ka nalang kesa kung ano ano tinatanong mo. Ikaw gigisahin ko e.” Naka ngisi kong sambit dahilan para mas humaba ang kaniyang pag nguso na ikinatawa naman ni Davian.
“Chill girls.” Biro niya pa habang seryosong naka tingin sa daan.
Nang makarating sila sa Baguio ay pasado madaling araw na rin kaya napag desisyunan nalang nilang mag pahinga na muna.
“Wow, may sarili kwarto si Achilles ditto?” Gulat na sambit ni Noah.
“Oo, si Kuya Iyo nag pagawa.” Sambit ni Saraiah at nag iwas ng tingin.
I knew it, siya ang nag pumilit.
“Sah?” Nakangiti kong sambit matapos basahin ang pangalan nan aka lagay sa pinto ni Achilles.
“Napag papalit yung room naming since mag katabi and identical. When Kuya Iyo decided na lagyan ng palatandaan, nag kamali sila at yung dapat room ko ang lalagyan, napunta sa room ni Achilles.” Mabilis niyang paliwanag na ikinataas ng kilay ko.
“Hindi naming tinatanong?” Takang sambit ko kaya napa irap siya ng bahagya.
“Kulang ka lang sa tulog, tara na at hayaan mo niyo na yang mga partners niyo.” Sambit ni Saraiah at hinitak na kami ni Annaya papunta sa kwarto niya.
“Really? Si Kuya Iyo pa talaga dinahilan mo?” Tumatawa kong sambit matapos maka pasok sa loob ng kwarto.
“We all know what the real reason is.” Biro ni Annaya na dahilan para mapaiwas siya ng tingin.
“Antok lang yan.” Pag tataboy niya sa amin na ikinatawa nalang naming ni Annaya.
“Ay nga pala.” Sambit ni Annaya, mag uumaga na at hindi pa rin kami makatulog tatlo.
“Yung dalawa kaya tulog?” Tanong ni Saraiah.
“Tulog yun, pagod sa byahe tapos gabi pa.” Sambit ko at nag kibitz balikat.
“Wala namang nagalaw sa bahay niyo diba?” Tanong ni Annaya.
“Bakit?” Tanong ni Saraiah.
“Remember the time capsule na binaon natin malapit sa may pool?” Tanong ni Annaya.
“Ay gagí oo!” Natatawang sambit ni Saraiah.
“Tara?” Tanong ko, alam ko namang hahanapin nila yon.
“Oo, tapos basahin natin yung naka lagay.” Sambit ni Saraiah.
At since halos mag uumaga na rin naman ay napag isipan na naming lumabas at hindi na rin namin ginising pa ang boys para makapag pahinga sila.
“Shít nasan gawi na nga yun?” Naka ngusong sambit ni Saraiah. I am just watching them find their mark.
Ang tagal na rin nito, 5 years had passed.
“Found it!” Sambit ni Annaya at agad na kinuha ang trowel para kapain ang pinaka kahon.
“Excited na ako.” Sambit ni Saraiah kaya bahagya akong napangiti.
Fúck.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko matapos nilang ilabas ang time capsule. I remember what I wrote in that fúcking letter.
“Pwede bang basahin muna bago mag decide na ipakita sa iba?” Tanong ko and I am trying my best not to sound like there is something fishy knowing na there is really something fishy.
“Yeah. Choice mo?” Sambit ni Annaya kaya bahagya akong napahinga ng malalim.
Thank you Lord.
Matapos nilang makuha ay bumalik na rin kami sa bahay at para hindi na mag kalat ay sa balcony na naming napag desisyunan na buksan ito.
“Grabe, limang taon.” Sambit ni Annaya.
“Edi mababasa mo na sulat ni Achilles?” Naka ngisi kong sambit.
“Malas naman ni Achilles, hindi niya mababasa letter mo.” Biro ko pa na ikina nguso ni Saraiah.
“Mabuti na yon, kaysa mabasa niya at malaman kung ano talaga nararamdaman ko, hanggang ngayon.” Sambit ni Saraiah.
“Hanggang kailan mo balak?” Tanong ni Annaya.
“Hanggat napipigilan.” Sambit ni Saraiah at nag kibit balikat nalang.
Habang nililinis nila ang time capsule ay kumakabog na ng mabilis ang aking dibdib.
“Before we read it, ayain natin boys.” Sambit ni Annaya at tatayo n asana ng pigilan ko siya.
“Wag, tayo muna.” Seryoso kong sambit.
I knew dámn well na kapag nandito sil Davian ay hindi ko kakayaning Makita kung ano ang letter na isinulat niya, pati na rin ang isinulat ko.
“Sus, sabihin mo nanlalambot ka kapag nandyan si Davian.” Mapang asar na sambit ni Annaya at muling umupo sa kaniyang pwesto.
Nang Makita ko ang letter na sinulat ko ay agad koi tong kinuha.
“Woah chill.” Naka ngising sambit ni Saraiah.
“Halatang may tinatago ah.” Biro ni Annaya kaya ngumisi lang ako.
“Wala, excited lang.” Sambit ko at dahan dahang binuksan ang liham.
This was once my confession before, I wrote everything in here. Lahat ng pinag daanan at problema ko, pati na rin ang confession ko na hindi masabi.
I am fully aware of everything, lalo na kay Davian. But I am scared, scared na hindi ko ma reciprocate that time, scared nab aka dahil gusto niya lang ako kaya ako nag kakaganito, scared dahil baka may mag bago sa amin.
I don’t want to risk our friendship, ayokong mag sacrifice and in the end mag sisisi lang kami.
“Alam mo bang alam ko kung ano nakasulat diyan?” Seryosong sambit ni Saraiah na ikinatigil ko.
“What do you mean?” Kinakabahan kong sambit.
“Alam kong confession mo yan.We all know, except you and Davian.” Kibit balikat na sambit ni Annaya dahilan para mapabuntong hininga ako.
Well, at least yun lang alam nila.
“Shhh.” Banat ko aat ngumuso.
“Bakit hindi ka pa kasi umamin? Secured naman ah?” Tanong ni Saraiah.
“That’s not the main point. Basta complicated.” Seryoso kong sambit at saka nag iwas ng tingin.
“Pare pareho lang pala tayo ng situation.” Buntong hininga ni Saraiah.
“Mali.” Natatawa kong sambit.
“We’re both on the same page. Same problem, but not situation.” Sambit ko habang napapa iling.
“Hi girls.” Sambit ni Davian na agad na ikinagulat ko.
Shít!
“Hi.” Sambit nila Saraiah habang ako ay ngumiti lang. I’m too stunned to speak.
“Uy gagó yung time capsule natin.” Tumatawang sambit ni Davian at agad na kinuha ang letters niya.
I was just looking at him, kung paano niya kuhanin hanggang sa basahin.
“Kung nalulusaw lang si Davian, baka kanina pa siya lusaw.” Bulong ni Noah at bahagya akong tinapik.
“Titig na titig ka masyado.” Dagdag ni Noah bago samahan si Davian at hanapin na rin ang kaniyang letters.
Luma na ang mga papel, lukot lukot, halos kupas na rin ang mga naka sulat pero mababasa pa rin naman at maiintindihan.
“Limang taon na ‘to ‘no?” Sambit ni Davian na tinanguan naman nila Saraiah.
“Oh, letter ni Achilles.” Naka ngisi kong sambit at ibinaba sa harap ni Saraiah ang mga letters.
“Keep it, kung hindi mo pa kayang basahin.” Seryosong sambit ni Noah.