CHAPTER 22
DUMATING ang araw ng aming acquaintance party. Mula sa malayo ay natatanaw ko ang iba't ibang ilaw na nagmumula sa loob ng akademya. Dahil may pagka-madilim na rin ang kalangitan ay lumalamig din ang simoy ng hangin. Maririnig ang malakas na tugtugan mula sa labas at ang mga sigawan. Batid kong kanina pa nag-umpisa ang party, at sinadya kong dumating ng huli.
Suot-suot ang apat na pulgadang itim na takong ay madali akong nakapaglakad papasok ng gym. Taas noo at nagmamalaki akong naglakad sa gitnang red carpet habang deretso ang paningin sa dinaraanan. Lumakas ang tugtugan subalit nabawasan ang mga hiyawan nang mapunta sa akin ang atensyon ng iilan.
"Look at her!"
"Who is she?--oh wait! Is that.."
"Oh my gosh! D-Don't tell me she's.."
"Look at the girl! Look at her!"
"No way!"
"A-Ang bruhang Nana?"
Palihim anong napangisi sa kani-kaniya nilang reaksyon. Naalala ko pa noong huli nila akong pinagtitinginan at pinag-uusapan. Iyon ay dahil sa nakadiri at pangit kong itsura. Subalit ngayon ay mukhang nag-iba na. Baka na bakas ang gulat sa mga mukha nila na para bang hindi makapaniwala na pinapanood nila akong maglakad sa gitna.
Nasulyapan ko pa ang aking repleksyon sa salamin. Suot ang maroon na dress ay nalantad ang maputi at makinis kong balat. Kumorte ang pabote kong katawan sa hapit na hapit na dress na iyon. Ganoon na lang kabagsak ang umaalon kong itim na itim na buhok. Dahil sa hiwa ng palda ng aking dress ay nalantad ang isa kong binti, na nagbigay ng kakaibang appeal.
Hindi ko man binago ang kolorete sa mukha ko bilang si Nana, ay hindi naman ako naglagay ng gano'n kalala at kapangit. Iyong nilagay kong korete ay sapat lang upang makita nila ang maganda kong mukha at makilala pa rin nila ako bilang si Nana.
"Bro, Nick.. Talo ka sa pustahan. Tingnan mo si Nana." dinig ko pang sabi ng aking kaklaseng lalaki, na kagrupo ni Nick.
Sakto namang lumapit ako sa gawi nila sa gilid, kung nasaan din ang iba ko pang mga kaklase. Matagal na natulala sa akin si Nick nang magtama ang paningin naming dalawa. Hindi niya naitago ang matinding gulat niya! Namilog ng husto ang mga mata niya at ganoon ang pag-awang ng kanyang labi. Malaki ko siyang nginitian at inosente pang kinawayan.
"N-No f*cking way.."
Naglinga-linga ako ng paningin upang hanapin si Colby sa paligid. Subalit bago ko pa siya mahanap ay humarang na sa akin ang mga kaklase kong babae at pinalibutan ako. Para silang nagkagulo at mabilis na dinumog ako!
"Nana, ikaw 'yan?!"
"G-Grabe, imposible! Saang salon ka nagpunta?!"
"Kyyaah! Anong nangyari sa'yo! B-Bakit gumanda ka bigla ng sobra!"
"Nana! Ang ganda mo at ng dress mo!"
"Look at her hair!! Oh my gosh! Those who bullied her will regret everything!!"
"She's so gorgeous! I can't believe my eyes!"
Kung sino-sino ang humahawak sa buhok at mukha ko, maging sa dress ko! Pare-pareho ang reaksyon nila at halos hindi ko na maintindihan pa ang pinagsasabi nila sa akin. Maging ang mga lalaki kong kaklase ay nakidumog na rin sa akin! Gulat na gulat sila at bakas na bakas din ang paghanga sa akin. Nag-uunahan sila na makalapit sa akin dahilan upang mairita kaagad ako.
"T-Teka, sandali, ano ba!" pilit kong kumawala ngunit pinalilibutan pa rin nila ako.
"Nana! You're so beautiful! Can you be my partner tonight!"
"Ulol! Huwag niyong ganyanin si Nana! Binubully niyo 'yan dati tapos lalapitan niyo?"
"Ikaw din naman, ah!"
"Ano! Sapakan na lang oh!"
Napaawang ang labi ko nang may mag aaway pa sa harapan ko! Gulong-gulo akong tumangkang umalis subalit hindi nila ako pinatakas!
"Ang ganda mo, Nana! Para kang diyosa!"
"It's so unbelievable but--"
"WHAT is the meaning of this mess?" umalingawngaw ang boses ni Sally, na siyang nagpatigil sa kanila.
Nakahinga naman ako ng maluwag nang bahagya silang lumayo sa akin upang bigyan ng daan si Sally at mga kagrupo niya. Hindi gaya ng iba, tinaasan ako ng kilay ni Sally at pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa. Ganoon din ako sa kanya. Nakasuot siya ng asul na dress at bagay iyon sa korte ng katawan niya, subalit hindi naman siya gano'n kaganda. Nagtitigan pa kaming dalawa saka niya ako pinaikutan ng mga mata.
"Well, nothing MUCH changed." madiin niyang sabi at lumapit pa sa akin. "Once a witch, always a witch! Ikaw pa rin 'yan, Nana. Nadala lang ng make-up ang ganda mo ngayon."
Nginisihan ko siya. "Kung hindi ako nag make-up, mas maganda sana ako ngayon. Pero mas pinili kong maging humble."
"As if! Ngayon ka lang gumanda." inis niyang sabi at tinuro ang mga kaklase namin. "Mga ignorante ba kayo? Nagkakagulo lang kayo dahil sa kanya? Don't ruin the party!"
Inisan niya kaming tinalikuran at naglakad papalayo. Bigla ulit akong dinumog ng mga kaklase ko na para bang walang narinig mula kay Sally.
"You're so beautiful tonight, Nana! Really!"
"Oo nga, naiinggit lang siguro si Sally! Ang laki kaya ng pinagbago mo!"
"I admire your hair, dress, and face, Nana!"
"Sana gan'yan din sa susunod!"
"Oh my gosh, paniguradong ikaw ang star ngayong gabi!"
Ngiti at tango lang ang tinutugon ko sa kanila. Hindi kaagad ako nakawala sa kanila dahil tinodo nila ang papuri sa akin. Nang magsalita ang emcee ay doon lamang nabaling ang kanilang atesyon. Doon lang din ako nakahanap ng tiyansa na umalis.
"GIVE IT UP fooooor!! The street baaaaand!!!" malakas na sigaw ng emcee.
"Kyyyaaaaaahhh!!! OH MY GOD!!!!"
"Aaaaaaahhhh!! School bad is awesome!!!"
"Kyyaaaaaaaaaahhh!!! Whooohoooo!!!"
Halos mabaliw sa kakasigaw ang lahat sa mga estudyanteng sikat na banda. Todo palakpakan sila at ganoon kaingay ang crowd! May mga iilan na hinahatak ang kanilang mga partners sa dance floor upang magsayaw, kahit intro pa lamang ng kanta ang tumutugtog.
Habang ako naman ay abala sa paghahanap kay Colby. Ganoon katindi ang saya ko nang makita siyang naglilinga-linga ng paningin sa paligid na wari'y naghahanap din. Nakakunot ang noo niya na panay ang paglingon sa kung saan-saan. Napangiti ako sa itsura niya. Nakasuot siya ng puting suit at talagang bagay na bagay sa kanya iyon. Ang buhok niya ay bagong gupit at nagmukha siyang disente tingnan. Lalo akong napangiti at dali-daling lumapit sa kinaroroonan niya.
"Duziell!" wala sa sarili kong sigaw! Nanlaki pa ang mga mata ko, pero mukha namang hindi niya iyon narinig dahil sa malakas na ingay at pagkanta ng banda.
Mas lumapit ako sa kanya, subalit hindi niya pa rin ako nakita. Tumayo ako sa harapan niya at nagtama ang paningin naming dalawa. Malaki akong ngumiti sa kanya subalit hindi niya ako pinansin! Patuloy siya sa linga-linga sa paligid.
"Where is she?" rinig ko pang bulong niya.
Napalunok ako at kinalabit siya. "Colby."
Nagsalubong ang kilay niya at bahagyang yumuko sa akin. Kahit na nakatakong ako ay talagang matangkad pa rin siya! Nagtama ang mga mata naming dalawa at matagal pa siyang napatitig sa akin!
"Ahehe.." nakamot ko ang aking buhok. "Pasensya na, late ako."
Dahil sa sinabi ko ay unti-unting nanlaki ang mga mata niya! Napaawang ang labi niya at napasinghap na napaatras!
"W-What the f*ck!" gulantang niyang sigaw, sunod-sunod na napalunok. "N-No way! N-Nana?"
Nakagat ko ang ibaba kong labi. "Oo. Hehe.. Ako nga."
Umiling-iling siya. "N-No, no! What happened? You changed, a lot! Your hair! Your face! Is that for real?! I-I can't believe this.."
"Nag-ayos lang ako ng kaunti."
Napatawa ako sa kanya. Hindi pa rin siya makapaniwala na tumitig sa akin. Ganoon ang pagbakas ng paghanga sa mga mata niya subalit natatakpan iyon ng matinding gulat. Lalo lamang akong napahalakhak at hinwakan ang kamay niya. Naramdaman kong natigilan siya kaya naman mas lalo ko siyang nginitian para maging komportable lang siya sa akin.
"Y-You're beautiful, Nana." wala sa sarili niyang usal.
Tumango ako at tumawa. "Alam ko.. at ang gwapo mo rin ngayon, Colby." talagang lahi natin.
Pinamulahan siya ng pisngi at nag iwas ng paningin. Nang magsimula ang chorus ng kanta ay dali-dali ko siyang hinatak sa dance floor. Sandali pa siyang natigilan subalit nakabawi rin. Soft ang kanta, sinabayan lang namin ang tono at daloy ng likiro niyon.
Pinatong ko ang dalawa kong kamay sa magkabila niyang balikat. Nakatitig siya sa mga mata ko habang pinaglandas niya ang kanyang kamay sa aking baywang. Saka namin hinele ang kanta.
Ang Huling El Bimbo
""Magkahawak ang ating kamay
At walang kamalay-malaaaay..
Na tinuruan mo ang puso ko,
Na umibig ng tunaaay..""
Sinasabayan ng iba ang magandang kanta. Hindi naman nawala ang ngiti ko kay Colby na titig na titig sa akin.
""Naninigas ang aking katawan..
'Pag umikot na ang plaka
Patay sa kembot ng beywang mo
At pungay ng 'yong mga mata.."
Naramdaman ko ang paghapit sa akin ni Colby papalapit sa kanya. Bahagya naman akong natigilan at hindi naging komportable sa posisyon naming dalawa subalit binalewala ko iyon. Hindi ko inalis ang ngiti ko kahit pa hindi na ako makatingin ng deretso sa kanya.
""Sana noon pa man ay sinabi na sa iyo ohh..
Kahit hindi na uso ay..
ito lang ang alam koooo!!""
Muling tumungtong sa chorus ang kanta at halos lahat ay nakikanta na rin. Humawak naman sa pisngi ko si Colbt dahilan upang gulat akong mapatingala sa kanya. Gano'n kasinsero ang ngiti sa labi niya.
"You are so beautiful, Nana." malambing niyang usal.
Napapalunok naman akong natango. "A-Ah.. salamat."
Nailang tuloy ako sa kanya sa hindi malamang dahilan. Marahil ay sa paraan niya ng pagtitig sa akin na hindi ko magawang tingnan. Nakahinga ako ng maluwag nang matapos ang buong kanta. Kaya naman bumalik kami sa table na kinaroroonan niya. Kami pa lamang ang naroon dahil ang iba'y sumasabay pa sa sumunod na kanta at patuloy na nagsasayaw sa dance floor.
"Do you want some food?" pagtatanong sa akin ni Colby.
Ngumiti ako sa kanya at tumango. "Oo, gutom na rin ako, hehe.. Sinadya ko pa namang hindi kumain sa bahay dahil alam kong maraming pagkain dito!"
Napatawa siya at tumango rin. "Don't worry, I'll get some for you. Wait here, okay?"
"Mm, salamat, Colby!"
Pinanood ko siyang umalis saka napatulala sa stage kung nasaan tumutugtog ang banda. Dati ko ring pinangarap na maging singer, kung hindi lang barag-barag ang boses ko.
Kumulo ang tiyan ko at talagang gutom na ako. Binaling ko na lang ang atensyon ko sa mga sumasayaw habang hinihintay na makabalik si Colby.
Maya-maya lang ay napangiti pa ako nang may tumayo sa gilid ko, sa pag-aakalang si Colby iyon ay malaking ngiti ko siyang tiningala. Subalit nawala ang ngiti ko nang makita si Ryker!
Nanlaki ang mga mata ko sa natatangi niyang itsura ngayong gabi. Talagang hindi siya nakasuot ng pormal na damit! Maroon na t-shirt ang nakasuot sa loob ng kanyang itim na leather jacket. Nakasuot din siya ng itim na pantalo na may hiwa-hiwa sa bandang tuhod. Ganoon kagulo ang tsokolate niyang buhok na nagbigay dating sa kanyang itsura.
Seryoso niya akong tinitigan at pinaningkitan pa ako ng mga mata. "You look awful."
"A-Ano? Awful?" napaamang ako.
Bahagya siyang yumuko sa akin nang may madilim na mga mata. "Are you done with him?"
"Ha?"
"Tss. Get up." utos niya pa at nilahad ang kanang kamay sa akin. "Come with me."
"Ano? Ayaw ko nga! Hinihintay ko pa si Colby----hoy!"
Nabigla ako nang hatakin niya ako patayo! Mahigpit niyang hinawakan ang pulsuhan ko at hinila papalayo sa lugar. Hindi ko nagawang makapiglas sa bilis ng lakad niya kaya't halos makaladkad ako!
Hanggang sa dalhin niya ako sa likod ng gym. Kung saan walang kailaw-ilaw at tanging ang buwan at mga bituin lamang ang nagbibigay ng liwanag sa paligid. Binitawan niya ako saka hinarap. Bahagya pa akong napaatras sa pagiging agresibo ng titig niya sa akin.
"So it was him?" seryoso niyang tanong sa akin.
"Ano?"
"Tsk! I meant Colby, do you like him?" unti-unting nagsalubong ang kilay niya.
Matagal akong hindi umimik at tinitigan lang siya. Siguro ito na ang pagkakataon para simulan ko hakbang ko sa kanya. Bumuntong-hininga ako at umiling.
"Ikaw ang gusto ko, hindi ba?" nakakunot-noo kong tugon.
Sandali siyang natigilan at umiwas ng tingin. "Yeah.. But.. You still choose him over me to be your partner tonight. And do you think I didn't saw it?"
"Ang alin?"
"You two were stupidly dancing! Looked like you're so happy to be with a loser like him, huh?"
Palihim akong napangiwi saka malaking ngumiti sa kanya. "Bakit galit ka?"
Sumama ang mukha niya at matalim akong tintigan. Halatang pikon na pikon. "Yeah, because I know you like me, and how could you be so flirty with Colby at the same time?"
"Magkaibigan LANG kami ni Colby."
"That's not what I see!"
"May sira ang mata mo kung gano'n."
"Tsk!"
Nagsubong ang makakapal niyang kilay at nagtiim bagang. Napailing-iling naman akong nginitian siya ng malaki.
"Ang init ng ulo mo. Selos tawag d'yan, no?" pang aasar ko pa.
"NO." madiin niyang tugon.
Nagkibit balikat ako. "Well, lahat naman ng obvious sa'yo dine-deny mo e."
"What!"
"Wala!"
Tinaliman niya pa ako ng titig na para namang matatakot ako sa kanya. Sa halip ay tinaas ko ang dalawang kamay ko upang abutin ang noo niya. Pinaningkitan niya naman ako ng mga mata, subalit hinayaan lang akong hawakan ang noo niya. Saka ko iyon hinaplos sa magkabilang direksyon upang alisin ang pagkakakulubot no'n. Unti-unti rin namang nawala ang pagkakasalubong ng kilay niya at sinimangutan na ako.
"I hate you." aniya.
Napatawa naman ako. "Bakit?"
"'Cause you're always doing it to make my anger go away! I can't do anything about it."
"Edi maganda."
"Where did you learn from doing that, anyway? It was freaking effective."
Umayos ako ng tayo at tumingila sa maliwanag na kalangitan. "Kay mama ko natutunan 'yon. Dahil tuwing galit si papa ay ganundin ang ginagawa niya para mapakalma siya."
"Oh.." ngumuso siya.
Binalingan ko naman siya. "Ikaw? Nasaan mga magulang mo?" iba kong tanong sa kanya.
Ilang beses naman siyang napakurap at napapalunok na umiling. "My mom's dead. My father's gone."
"Ha?"
Nagpakawala siya ng malalim na hininga. "My mom died because of giving birth to me. Maybe that's why my father never wants me."
Eh? Hindi ba sinabi ni Flencher ang katotohanan sa kanya? Na pinatay ang mama niya? Tsk, sabagay, tama nga si Mr. DeCavalcante na wala siyang alam.
"Bakit naman ayaw sa'yo ng ama mo?" muli kong tanong.
Napaasik siya at pinitik ang noo ko. "I just told you the reason, stupid. But.. I know my father likes me, because he gives everything to me. It's just that.. I doubt it sometimes."
Napatitig ako sa mga mata niya na gumuhit ang lungkot. Tss, samantalang hindi niya alam na sa kabila ng ginagawa ng ama niya ay palihim siyang pinoprotekhan. Sabagay, hindi naman niya iyon alam, kaya natural lang na malungkot siya.
Sandaling katahimikan ang namayanig sa pagitan naming dalawa. Hanggang sa mangibabaw ang ingay ng banda mula sa loob ng gym. Ngumisi ako saka umayos ng tayo sa harapan ni Ryker. Mas lumapit ako sa kanya na kinataka naman niya. Malaki akong ngumiti saka pinatong ang dalawa kong kamay sa balikat niya. Lito siyang napatingin doon at napatitig sa akin.
Hanggang sa lumakas ang tugtog sa loob na maging siya ay narinig na rin. Napaawang ang labi niya at napalunok.
"D-Do you want to dance?" utal niyang tanong sa akin.
Tumango-tango ako. "Mm!"
Ilang beses siyang napakurap at nakagat ang ibabang labi. Saka marahan siyang humawak sa aking baywang.
[INTRO- The Past]
""I was wrong when I hurt you..
Did you have to hurt me too?
Did you think revenge will make it better?""
Ganoon kalalim ang titig niya sa akin nang magsimula naming ihela ang napakalamig na kanta.
""I don't care about the past
I just want our love to last..
There's a way to bring us back together.. ""
Hindi naalis ang titig niya sa akin kaya't napatawa ako. "Nagandahan ka na ba sa'kin ngayon?"
"Hmm?"
"Psh, sa lahat. Ikaw lang ang parang hindi nagulat sa itsura ko ngayon."
Matunog siyang napalunok at sumilay ang munting ngiti sa kanyang labi. "You're always beautiful in my eyes, Nana. Why should I be surprised? Tama ka nga nang sinabi mong may sira ang mata ko, hehe."
Napatawa siya sa kanyang sinabi. Nangunot naman ang noo ko at sandali pang nabingi sa sinabi niya. Seryoso? Mukha nga talagang may sira ang mga mata niya. Isa pa, hindi niya tinanggi na maganda nga ako?
""I must forgive you
And you must forgive me too..
If we wanna try to put things back
The way they used to be..
'Cause there's no sense in going over and over
The same things as before
So let's not bring the past back anymore..""
Natapos ang unang chorus ng kanta. Naramdaman ko ang pagpulupot niya ng kanyang mga kamay sa baywang ko at bahagya pang lumapit ang katawan niya sa akin. Ipinatong niya ang kanyang noo sa balikat ko at nanatili roon.
"Nana?"
"Hmm?"
Niyakap na niya ang mga braso niya sa aking baywang. "C-Can you be the one who'll take care of me?"
Sandali akong hindi umimik. Saka ko napapangising hinawakan ang buhok niya at hinaplos iyon.
"Oo naman."
Naramdaman ko ang pagkatigil niya at mas humigpit ang pagkakayakap sa akin. Ipinagsiksikan niya ang kanyang mukha sa pagitan ng aking balikat at leeg.
"I promise to be good if you do."