Chapter 23

2694 Words
CHAPTER 23 "NANA! PWEDE raw bang makuha ang cellphone number mo?" Napahinto ako sa pagsusulat sa aking notebook nang tanungin iyon sa akin ni Chloe. Nakatayo siya sa harapan ng upuan ko kaya't tiningala ko siya saka kinunutan ng noo. "Number ko? Sino nanghihingi?" Kunot-noo kong tanong. Napakamot siya sa kanyang batok at tumuro sa back door. Napalingon naman ako roon at nakita ang tatlong estudyanteng lalaki na nakadungaw sa akin. Kumaway pa ang isa habang ang dalawa'y todo ang pagkakangiti. "Taga kabilang section 'yan. Gusto raw makuha ang number mo para maging text mate kayo." Dagdag pa ni Chloe sa akin. Napangiwi ang labi ko at muling tumingala sa kanya. "Bakit raw gusto nilang makuha number ko?" "Syempre! Mukhang may gusto na sila sa'yo." "Eh?" Nalukot ang mukha ko. Sa ganito kong itsura ay magugustuhan pa ako ng iba? Buhok lang naman ang binago ko sa akin, noong pinaayos ko ang pagkakakulot. Pero ang pangit na kolorete sa mukha ko ay naroon pa rin naman sa mukha ko. Hindi nga lang gano'n kalala pero sapat na para mabago ang mukha ko, tulad pa rin nung dati. Ngunit hindi ko aakalaing may iilan talaga ang napapatingin sa akin at mayroon pang nanghihingi ng number ko. "Ang ganda-ganda mo kasi nung acquaintance party, 'yan tuloy mukhang may mga gusto nang manligaw sa'yo!" Pagsasalita muli ni Chloe. Napalabi ako. Dalawang araw lang ang nagdaan pagkatapos ng acquaintance party. Lunes ngayon at simula na ng pagre-review ng mga lessons sa lahat ng subjects dahil next week na ang unang examination namin. "Nana, bigay mo na ang number mo, kanina pa sila naghihintay doon." Napabuntong hininga ako at umiling kay Chloe. "Paki sabi sa kanila na wala akong cellphone." "H-Ha? Wala kang cellphone?" "Mm, mahirap lang kami, hindi ko afford ang bumili." "A-Ahh.. gano'n ba?" Nakamot niya ang sariling batok. "Sige, sasabihin ko sa kanila." Tumango lang ako at hinayaan siyang umalis. Muli kong tinuloy ang pagsusulat sa kwaderno ko, subalit maya-maya lang ay bumalik muli si Chloe at may inabot sa akin. Napatingala ako sa kanya at napatingin sa inabot niyang cellphone. Nalukot naman ang mukha ko roon. "Ano 'to?" Lito kong tanong. "A-Ano eh.. binigay ng isa sa kanila ang cellphone na 'yan. Sabi niya gamitin mo raw 'yan para matawagan ka niya." Napapakamot sa batok niyang paliwanag. Napaawang ang labi ko at gulat na lumingon sa back door kung nasaanang tatlong lalaki. Todo ngiti pa rin sila habang kumakaway. Napairap ako at padabog na tumayo. "Argh, mga bata!" Pinalilibutan ako ng mga lalaking mas bata sa akin! Nakakakilabot na. Ni minsan sa buhay ko ay hindi ko pinangarap na magkaroon ng kasintahan na mas bata sa akin. Madalas nga akong nagkakagusto sa mga matatanda sa akin, dahil mas matured sila at may plano na sa buhay. Hindi gaya ng mga ito na puro pa-cute at pa-kilig lang ang alam. "Hi, Nana! Jake nga pala.." Nagpakilala kaagad ang isa nang lapitan ko sila sa back door. Napapangiwi akong napapailing at nilahad ang cellphone. "Sino nagbigay nito?" Masungit kong tanong. Tumayo ng tuwid ang isa at lumapit sa akin nang may malaking ngiti. "Me! H-Hi Nana, I'm Luke." Nilahad niya ang kamay niya sa akin at napakagat pa ng labi. Napapabuntong-hininga naman akong tumango-tango. "Oh, cellphone mo, hindi ko kailangan 'to." Ani ko. "I'm giving that to you," tugon niya. "I will call you later or anytime for us to get to know each other." "Ayoko, hindi kita gusto, Luke." "Pero hindi mo pa ako kilala." "At hindi rin kita gustong kilalanin." Ngiwi kong dagdag. Tumawa ang mga kasama niya samantalang sumeryoso naman siya at inilingan ako. "Accept the cellphone and I'll call you anytime." "Ang kulit sabing hindi ko nga--" "Goodbye!" Hindi natuloy ang sasabihin ko nang dali-dali siyang tumakbo paalis. Gano'n din ang mga kasama niya. Napalabi akong pinanood sila na kumaway pa sa akin hanggang sa pumasok sila sa loob ng ibang classroom. Napatingin naman ako sa cellphone at napipilitang pinasok iyon sa bulsa ng palda ko. Muli pa akong tumanaw sa hall way saka malakas na napabuntong-hininga. "Who the heck are they?" Nanginig ako sa kinatatayuan dahil sa gulat nang marinig ang malalim na boses na iyon. Mabilis akong napalingon sa aking likuran at napatingala kay Ryker. Pinaningkitan niya ako ng mga mata habang bahagyang nakayuko sa akin. Kumurap ako. "Kanina ka pa diyan? Akala ko nag cutting classes ka na. Sa'n ka galing?" Nagsalubong ang kilay niya at unti-unting tumalim ang titig sa akin. Ngunuso naman ako sa kanya. "I was asking first. Who are those jerks?" Tanong niyang muli, pagtukoy sa tatlong lalaki kanina. "Ahh.. sina Jake, Luke, at 'yung isa na hindi ko alam ang pangalan." kibit-balikat kong tugon. "Hmm, then why are you talking to them?" "Wala lang, bakit?" Nangunot ang noo ko, hindi naman nawala ang matalim niyang titig sa akin. Napangiwi na lang ako at nilagpasan siya. Bumalik ako sa kinauupuan ko saka tinuloy ang pagsusulat. Maya-maya pa'y naramdaman kong naupo na rin siya sa likuran ko at saka sinipa pa ang upuan ko mula roon. Ilang ulit niya iyong ginawa hanggang sa magsawa siya dahil hindi ko na siya kinibo pa. Nagsimula ang panibagong klase at nagtuloy-tuloy iyon hanggang hapon. Nakakalungkot lang dahil hindi ko nakita si Colby. Absent siya ngayong araw at kahit pa titigan ko ang upuan niya sa harapan ay hindi ko siya makikita. Wala ring saysay ang pagapsok ko kaya't tinuon ko na lang ang sarili sa klase at panay ang sagot ko. Tinatama ko ang mga guro sa tuwing may mali silang sinasabi at madalas akong nagtatanong ng mga bagay na wala sa libro. Kaya naman ang iba'y hindi nila nasasagot at napapaisip na lang din. Natapos ang maghapon na wala akong napala. Mag-uuwian na no'n nang papuntahin ako ni Miss An sa faculty upang kausapin. "Nana Zie? Naalala mo pa ba 'yung usapan natin nakaraang linggo?" Ngiti niyang tanong sa akin. Napaisip ako at umiling. "Tungkol ho saan?" Lumaki ang ngiti niya at humawak sa kamay ko. "About kay Damon Ryker? Malapit na ang exams niyo, kaya sana.. 'yung hinihiling ko na turuan o i-tutor mo siya ay gawin mo ngayong linggo. Gustong-gusto ko talagang maipasa niya 'yon para naman maipagmalaki ko 'yon sa daddy niya." Napataas ang dalawa kong kilay at naging interesado. "May ugnayan ka ho sa daddy niya?" "Oo e! Sa akin nanghihingi ng update si Mr. Campbell tungkol sa studies niya. Alam mo na? Kahit naman malayo ang daddy niyang 'yon ay lagi pa ring nakabantay sa kanya. Kaya naman ayaw kong iparating na nagbubulakbol siya noon pa man." Nagpakawala siya ng hininga. "Tutulungan mo naman siya, 'di ba Nana?" Sandali akong napatitig sa kanya at unti-unting ngumiti ng malaki. "Oo naman po. Ako'ng bahala sa kanya." Lumaki rin ang ngiti niya. "Hay, salamat, Nana! May malaki akong tiwala sa'yo!" Napatawa ako. "Opo, basta ba para kay Ryker." "Ayie! May gusto ka sa kanya?" Panunukso niyang tanong. Pinilit kong lakihan ang ngiti ko at nagsinungaling. "Opo. Noong una ko pa siyang makita." Gano'n na lang ang pagbakas ng kilig niya at bahagya akong siniko. "Naku, naku! 'Kaw bata ka! Paniguradong gusto ka rin niya! Nahahalata ko na dahil panay ang titig niya sa'yo tuwing nagkaklase ako!" "Gano'n ho ba?" "Hihi, alam mo ba? Nung acquaintance party ay nag-aabang siya sa labas ng gym. Akala ko kung sino ang hinihintay niya doon. Pero nung dumating ka bigla na lang siyang tumakbo! Kitang-kita ko pa ang gulat niya mula sa malayo habang tinititigan kang maglakad sa red carpet!" Nabigla ako. "H-Ho? May gano'n bang nangyari?" Lalo siyang kinilig at bahagya pang nahampas ang braso ko. Nagniningning ang mga mata niya na para bang may magandang inaalala. "Sa inyong dalawa ang tuon ko nung gabing 'yon! Pinanood ka pa niyang sumayaw kasama si Colby sa dancefloor. Bakas na bakas ang paghanga niya sa'yo kahit pa nahahalata ang inis niya kay Colby! Hahaha! Oh my goodness! Pagkatapos no'n bigla na lang kayong nawala sa paningin ko." Ilang beses akong napakurap at pilit na ngumiti. "Ahh.. hindi ko po alam ang tungkol do'n." "Hihi, basta 'wag mong sasabihin sa kanya na sinabi ko ah?" Ngiti pang aniya. Napatango-tango na lang ako. Pagkatapos ng usapan namin ay lumabas na rin ako ng faculty. May gano'n pa lang nangyari nung gabing 'yon? Tsk. Hindi naman naging masaya para sa'kin ang acquaintance party noong friday. Pagkatapos nang pagsasayaw namin ni Ryker ay nabaling din ang tuon ko kay Colby na naiwan ko noong mga oras na iyon. Kaya lang, hindi ako makalapit sa kanya at hindi ko na-enjoy ang pakikipag-usap sa kanya dahil hindi umalis sa tabi ko si Ryker. Napapahiya si Colby dahil sa kanya, na kinaiinis ko naman. Bumalik ako ng classroom para kunin sana ang bag ko. Subalit naabutan ko si Ryker sa labas ng classroom na yakap ang bag ko habang nakasukbit naman sa balikat niya kanyang bag. Napangiwi ako at lumapit sa kanya nang may pilit na malaking ngiti. "Sakto! Nandito ka pa!" Napaayos siya bigla ng tayo. "Oh, you're here.. Why did Miss An call you? What did she tell you?" "Hehe, good news! Sabi niya i-tutor daw kita! Gusto mo 'yon?" "What?" Tumawa ako habang nalukot naman ang mukha niya. "Yup, you heard it right! Ako ang magiging tutor mo ngayong linggo para naman umayos ang grado mo." Sandali siyang tumitig sa akin. Ilang beses pa siyang napakurap saka ngumuso. Nag-iwas siya ng tingin saka ngumisi. "Well.. I'm not going to complain about it." "Haha, syempre! Alam ko namang gusto mo rin na i-tutor kita." "No! I didn't say that I like it. I just said that I'm not gonna complain about it. Geez!" Asik niya pang paliwanag. "Sige, deny ka lang." Ngisi ko saka tinangkang agawin ang bag ko mula sa kanya. Pero agad niya iyong iniwas sa akin. "Nope! Let me hold it." aniya. Napapaasik naman akong bumuntong-hininga. "Sige, ikaw na! Tsk, tara na nga!" Nagpauna akong maglakad. Kaagad naman siyang sumunod habang yakap-yakap pa rin ang bag ko. "Where are we going?" tanong niya. "Sa bahay niyo." Natigilan siya sa tanong ko. Ngumisi naman ako. "In my house? D-D you want to teach me there?" "Mm." "B-But why there?" Huminto ako sa paglalakad dahilan upang mapahinto rin siya. Binalingan ko siya at nakita ang gulat sa mukha niya. Napalabi ako. "Ayaw mo ba sa bahay niyo? Hindi pwede? Sige, dito na lang kita tuturuan sa library--" "No, no!" agaran niyang pigil sa'kin at napalunok. "I-I would like to.." "Hmm?" Nakagat niya ang ibabang labi at tumango-tango. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko dahilan upang mapatingin ako roon. Nang tingalain ko siya at nagliwanag ang mukha niya. "Let's go in my house, then." Hinila niya ako palabas ng building hanggang sa makarating kami sa parking lot. Mukha pa siyang excited na sumakay ng motor habang ang bag ko ay sinabit niya sa harapang dibdib niya. Bumaling siya sa akin ng may malaking ngiti. "Hop in!" utos niya. Ngumiti naman ako at ekspertong sumakay sa likuran ng motor niya. Hinintay ko siyang paandarin iyon. "Kumapit ka." utos niya sa mahinhing paraan. Napapangiwi akong kumapit sa likurang bahagi ng motor at hinintay siyang paandarin iyon. "Hey, I said, kumapit ka." "Ano ba, Ryker? Nakakapit na ako. Paandarin mo na!" "In my waist, witch!" Binatukan ko siya. "Dami mong alam!" "Ouch! Just hold on to my waist!" "Ayaw ko nga." "What? Edi bahala ka, I will not drive this thing!" "Aba!" napaasik ako at napipilitang kumapit sa baywang niya. Narinig ko naman ang halakhak niya kaya't kinurot ko ng bahagya ang baywang niya. "H-Hey, hey! Stop that, Nana! Nakakakiliti!" saway niya at humalakhak pa. Inisan ko siyang binatukan ulit. "Kinukurot kita hindi kinikiliti!" "Ouch! Whatever!" Natatawa pa rin niyang pinaandar ang motor. Harurot siya kung magmaneho pero halatang nag-iingat siya. Halata ring gumagawa siya ng paraan para takutin ako sa paraan ng pagmamaneho niya. Subalit wala lang sa akin iyon dahil mas malala akong magmaneho ng motor kumpara sa kanya. Tinuloy niya ang pagmamaneho at huminto lamang sa napakataas na gate na itim na pinalilibutan ng mga gwardya. Dali-daling kumilos ang mga gwardya para buksan ang mataas na gate. Doon lamang niha muling pinaandar ang motor papasok sa loob. Napalinga-linga ako ng tingin sa paligid habang sakay ng kanyang motor. Puro puno at malalaking halaman ang nakapalibot sa malinis na daanan. Natanaw ko na kaagad ang malaking bahay, o mansyon mula roon at kaagad naming narating iyon. Huminto siya sa tapat ng kulay puti at itim na mansyon saka pinatay ang makina ng sasakyan. Kaagad naman akong tumalon pababa ng motor at ganundin siya. Matagal pa akong napatingala roon at hindi maiwasang humanga sa ganda at laki ng mansyon. Halos magkasing-taas lang ang mansyon ko sa mansyon nila. Pero ibang-iba ang desenyo at kulay kaya magkaiba ng uri ng ganda kung ipag-kukumpara ko silang dalawa. So.. Ito ang mansyon ng mga Campbell.. Napangisi ako dahil sa wakas ay narating ko rin ang teritoryo nila. Sa katunayan ay mahirap itong pasukin. Dahil gaya ngayon, nagkalat ang mga gwardya sa paligid. Para lang iyong mga normal na gwardya pero alam kong ibang klase ang mga 'yan. "S-So.. What you say?" lumapit sa akin si Ryker upang kuryosong tanungin iyon. Malaki akong ngumiti. "Ang ganda pala ng tirahan niyo kahit sa labas pa lang, Ryker! Ang laki-laki pa! Ngayon lang ako nakakita ng ganito harap-harapan!" Titig na titig siya sa reaksyon ko at halatang pinipigilan niya ang mapangiti. Kinagat niya ang ibabang labi at nagmamalaking tumango. "This is mine. Since my father named it to me and he doesn't usually come home here, only except with my birthdays. So yeah, that's why I own this place." Nagmamalaki niyang saad. "Ahh.. ang galing naman! Ang yaman niyo talaga, 'no?" "Yes, the way you can't imagine it." Malaki niyang ngiti at kinuha ang kamay ko. "Let's go inside." Tinangay niya ako papasok sa loob. Gano'n kalawakan ang loob at kaganda. Kumikinang ang tiles na sahig at nag-iiwan ng dumi ang mga sapatos naming dalawa. Gano'n na lang din ang pagkislap ng kanilang mataas na kisame at ang chandelier. Pinaupo niya ako sa malambot at napakalinis na sofa. "Wait here," ngiting aniya. "I'll just go get change, I'll be back in a minute." "Mm, sige." Tumango siya at bumaling sa ibang direksyon saka sumigaw. "Teresa! Give her something to eat!" Nakita ko naman ang pagkataranta ng isang babae na may edad na rin. "Yes, young master." Muling bumaling sa akin si Ryker. "You can request any food here. Suit yourself, Nana." "A-Ah.. oo sige, salamat." Napatango-tango na lang ako. Sandali pa siyang tumitig sa akin saka dali-dali rin siyang umakyat sa mataas na hagdanan hanggang sa marating ang pangalawang palapag. Nagpakawala naman ako ng hininga na bumaling sa mga maids na naglakat. Tumayo ako upang puntahan ang babaeng matanda kanina sa dirty kitchen. Sumilip pa ako roon at nakita rin ang ibang maid na may kani-kaniyang niluluto. Subalit hindi na naalis ang paningin ko sa kaninang matandang babae at ang lalaki sa kanyang tabi.. "Nay, katatapos ko lang maglinis ng sasakyan pero kaya ko pang kumilos. Magpahinga na lang po kayo, ako na ang gagawa niyan." Anito sa matandang babae. "Ay, Colby anak! Ikaw ang magpahinga roon. Dapat nga't nag-aaral ka ngayon imbes na tumulong sa akin!" "Nay naman! Kanina ka pa kumikilos. Ako na'ng gagawa niyan--" "Ay! Isa, anak! Ikaw lulutuin ko rito kapag hindi ka pa umalis sa tabi ko!" "Psh! Nay naman e.." "Kaya ko pa nga, Colby.. ano ka ba? Lumiban ka na nga ng klase para lang tulungan ako kanina. Sapat na 'yon, anak. Ikaw ang magpahinga ro'n." Ilang beses akong napakurap sa napagmamasdan. Sunod-sunod akong napalunok habang pinagmamasdan si Colby na nagtatangkang tulungan ang matandang babae. Gano'n kadumi at kandungis ang suot niya ngayon kumpara sa kasuotan niya sa school. Halata rin ang pagod sa mga mata niya habang pilit na pilit ang pag ngiti. Naramdaman ko ang kung anong kirot sa puso ko at awa sa nakita at narinig. Nagtatrabaho ang kapatid ko sa ganitong paraan? Hindi maalis ang titig ko sa kanya. Naririnig ko ang bawat pagtibok ng puso ko at bilis ng aking paghinga. Duziell..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD