CHAPTER 24
"I-Iha! Kanina ka pa nandiyaan? Nagugutom ka na ba? Naku s-sandali lang! Pasensya na!"
Ganoon ang gulat ko nang makita ako ng matandang babae na nakatayo sa harapan ng dirty kitchen. Natataranta siyang kumilos habang napapalunok naman akong napaawang ang labi, 'pagkat hindi ko malaman kung ano ang sasabihin ko. Nanlalaki ang mga mata kong napatingin kay Colby. Na ngayon ay nanlalaki rin ang mga mata na nabaling ang paningin sa akin. Nagtama ang mga mata namin at ganoon na lamang ang gulat sa isa't isa.
"N-Nana?"
Napasinghap ako ng hangin. "A-Ah.. Ano.. H-Hi Colby.."
Pinilit kong umakto ng normal sa kabila ng pagsiklab ng emosyon ko habang nakikita siya sa ganoong kalagayan.
"A-Anong.." bahagyang namutla ang mukha niya. Bakas pa rin ang gulat at pagka-taranta.
Lumunok ako at pilit na ngumiti ng matamis. "Hi Colby! N-Nandito ka pala!"
Napapalunok siyang umatras at natitigilan. "P-Pero.. anong ginagawa mo rito?"
Mariin kong nakagat ang ibang labi saka ngumiti pa rin ng matamis. Nanlalamig na mga binti akong naglakad papalapit sa kinaroroonan ng matandang babae na ngayon ay nabaling ang atensyon sa aming dalawa.
"Anak? Iha? Magkakilala kayo?" Tanong niya sa mababang boses, panay ang palitan ng tingin sa amin.
Mabilis kong nilahad ang malamig kong kamay. "Ah, hello po! Ako po si Nana, classmates ho kami ni Colby."
Sandali siyang natigilan at saka unti-unti ring napangiti sa akin. Akma niya sanang ilalahad ang kanyang kamay ng pigilan niya iyon.
"P-Pagpasensyahan mo na iha, marumi ang kamay ko." Nakangiti man ay nahihiyang paumanhin niya.
Naittanggi ko kaagad ang kamay ko. "Hala, ayos lang po! Hehe, pasensya na ho!"
Matamis siyang ngumiti kahit halata ang pagod sa itsura. "Ang ganda-ganda mo namang dalaga, iha."
"S-Salamat po.."
Sumulyap ako kay Colby na hindi maipaliwanag ang emosyon sa mukha. Nakatitig siya sa akin at napapalunok na nag-iwas ng paningin. Muli kong napagmasdan ang madungis niyang kasuotan at bahagyang nakaramdam ng awa. Iniwas ko kaagad ang paningin saka bumaling sa matandang babae.
"K-Kayo ho ba ang mama ni Colby?" Nahihiya kong tanong.
Natauhan siya. "Ay! Pasensya na, nakalimutan kong magpakilala, iha. Tawagin mo na lang akong tita Terasa, at oo, anak ko itong gwapong binatilyong ito!"
Mahina siyang tumawa at bumaling kay Colby upang kurutin ang pisngi nito. Natigilan si Colby at bumakas ang hiya na yumuko.
"Ahehe.. Ang cute naman po.. nagagalak ho akong makilala ka.."
Pinilit kong umaktong normal para hindi makaramdam ng hiya si Colby. Subalit halatang naiilang siya at hindi makatingin sa akin.
"Iha, gusto mo ba ng brownies? Ininit ko muna iyon sa oven dahil hindi pa tapos ang niluluto ko.." umaasa niyang alok sa akin. "B-Baka kasi nagugutom ka na at.."
Ngumiti ako ng malaki. "Hala, tita, ayos na ayos na po iyon sa'kin. Hindi niyo na ho ako kailangan lutuan ng ibang pagkain. Mabubusog na ako sa brownies."
Natigilan siya. "P-Pero, iha, sigurado ka? Ah hindi! Magluluto pa rin ako para ihanda sa inyo ni Damon."
"Naku, tita, ayos na po 'yon! Hindi rin naman po ako magtatagal dito. I-Ipahinga niyo na lang ho ang sandaling oras.." napalunok ako. "Narinig ko ho kasi na napapagod na po kayo.."
Lumambot ang ekspresyon ng mukha niya at sinsero siyang ngumiti sa akin. Mahahalata na talaga ang pagiging pagod niya base sa mga bumibigay niyang mga mata.
"Ang bait mo naman, iha, para kang itong anak ko." Sumulyap siya kay Colby. "Pero ayos lang talaga ako, iha. Ihahatid ko na lang ang pagkain sa iyo sa oras na matapos ito."
Wala na akong nagawa dahil ini-insists niya talaga iyon. Hindi na ako nakatugon pa at pinabood na lamang siya sa ginagawa. Subalit naputol din iyon nang lumapit sa akin si Colby. Napatingala ako sa kanya.
"P-Pwede ba tayong mag-usap sandali?" Naiilang at hindi makatingin niyang tanong sa akin.
Ngumiti ako ng matamis saka tumango. Nagpauna siyang maglakad palabas ng dirty kitchen. Sumunod naman ako. Nahinto siya at muli kaming humarap sa isa't isa.
"A-Anong ginagawa mo rito, Nana?"
"Hehe, ano kasi.. itu-tutor ko si Ryker para sa susunod na exam ay maipasa niya 'yon.. kaya ako nandito." Pinilit kong ngumiti ng matamis.
Kunurap-kurap siya at hindi malaman kung anong susunod na sasabihin. Napayuko siya sa kanyang sarili at bumakas muli sa mukha ang hiya.
"Am, bakit nga pala hindi ka pumasok kanina?" Mababang boses kong tanong.
Bumuntong-hininga siya. "Kailangan kong tulungan si mama rito.." pilit siyang ngumiti. "Maraming pinagawa at iniutos si Ryker sa akin.."
Nanlulumo siyang tumingin sa akin. Hindi ko naman naitago ang emosyon ko. "P-Pwede ka namang hindi na lang sumunod sa kanya?"
"No, I-I can't do that. Kung hindi ko susundin, si mama ang gagawa ng lahat." Tugon niya at tipid na ngumiti. "Isa pa.. nagalit sa'kin si Ryker kaya gano'n na lang siya kung mag-utos ngayon.."
"Bakit naman siya nagalit?"
"Remember nu'ng acquaintance party?" Yumuko siya. "He got mad because we're partners."
Hindi ako nakaimik sa sinabi niya. Matagal na katahimikan ang nanaig sa pagitan naming dalawa. Nang akma na sana akong magsasalita ay nakarinig naman kami ng mga yapak ng mga paa na papalapit sa amin. Sabay kaming napatingin kay Ryker na malayo pa lang ay kitang-kita na ang pagkakasalubong ng mga kilay.
Nang tuluyan siyang makalapit sa kinapupwestuhan naming dalawa ay pwersahan niyang itinulak si Colby!
"The f**k are you standing here? Go back to your work!" Ma-awtoridad niyang sabi.
"I will." Walang nagagawang tugon ni Colby saka mabilis kaming tinalikuran upang bumalik sa dirty kitchen.
Palihim kong naikuyom ang aking kamao sa aking likuran. Gano'n na lang ang inis na sumisiklab sa akin. Ngunit galit naman akong hinarap ni Ryker.
"I told you to wait there, but I found you here talking to a loser."
"Hmm," pilit akong ngumiti ng malaki. "Napadaan lang ako rito. Hindi ko alam na narito pala si Colby."
"Tsk! Now you're happy to see him, aren't you?" gumalaw ang panga niya. "Is that why you want to come here in the first place?"
"Hindi ba't itu-tutor kita kaya ako narito ngayon?"
"Maybe it's just your excuse, but the truth is you want to see him here!"
Napatitig ako sa galit niyang mukha. Saka ako napabuntong-hininga. Pinilit kong kalasin ang pagkakakuyom ng aking kamao at pilit kinalma ang aking kalooban.
"Hindi ko nga alam na narito si Colby." saad ko. "Bakit hindi na lang natin simulan ang lesson? Para maaga tayo matapos."
Pabuntong-hininga siyang umasik. "Fine, tsk! Come with me, frickin' witch."
Kinuha niya ang kamay ko at kinaladkad ako sa mataas na hagdanan. Nagtungo kami sa napakalaking silid na puno ng mga libro sa book shelves. Isa iyong library na halos tumbasan ang laki ng library sa school namin. Gano'n karami ang mga libro at talagang napakalinis sa loob.
Hinila niya ako patungo sa lamesang malapit sa bintana. Siya na mismo ang nagpa-upo sa akin sa upuan na kinangiwi ko naman. May mga libro na ang nakapatong doon at naroon din ang bag ko.
"Okay, teach me." naupo siya sa kaharap ko na upuan at nakapangalumbaba na tumitig sa akin.
"Tss. Anong gusto mong unahing subject?"
"Science." ngumiti siya. "I like science more than my life."
"Eh?"
Bumungisngis siya sa akin dahilan upang sumingkit ang mga mata niya at sumilay ang mapuputi at pantay-pantay na ngipin. Napapailing ko namang hinugot sa bag ko ang notes ko sa science.
"Okay, from lesson 1 up to lesson 10, tungkol lang ito sa plate boundaries, continental drift theories, plate tectonic theories, etcetera.." binuklat-buklat ko ang notebook ko.
"Hmm, I'm listening." ngingiti-ngiti niyang sambit.
Nginiwian ko siya. "Alam mo? Kung babasahin mo 'to lahat at isasa-ulo ay hindi na kita kailangang turuan pa. Madali lang 'to, Ryker."
"I'd rather listen to you reading it for me."
"Tamad." kinunutan ko siya ng noo. "Bakit ka ba diyan nakaupo sa harapan ko? Dito ka sa tabi ko nang makita mo ito ng maayos."
Nagliwanag pa lalo ang mukha niya. Nabigla ako nang lumusot siya sa ilalim ng lamesa at sumulpot sa katabi kong upuan. Mabilis siyang nakaupo at pinagdikit pa ang upuan niya sa upuan ko.
"Distansya naman ng konti. Baka magkadikit na ang mukha natin niyan." ani ko.
Hindi siya kumilos at tumawa lang. "So, what are the plate boundaries, teacher Nana?"
Nilingon ko siya sa tabi ko at pinaningkitan ng mga mata. Kinagat niya ang ibaba niyang labi upang pigilan pa ang mas malaking ngiti.
"Convergent, Divergent, and Transfrom-fault boundaries." ngiwi kong tugon sa tanong niya.
"Wow."
"Tss. Sige nga, tingnan natin kung may knowledge ka about sa mga boundaries." saad ko. "Among the three boundaries, which one do you think Philippines islands were originated from?"
Ngumuso siya. "Uh? I don't know."
Bumuntong hininga ako. "Philippine Sea plate is bordered mostly by convergent boundaries."
"Ahh," tumango-tango siya. "Now I know. Ano pa?"
Pinakita ko sa kanya ang notes ko. "Syempre, balik-aral ka muna. Kailangang alam mo ang definitions ng mga 'yan. May mga pinag-aralan ka nung 3rd year mo na kasama pa rin dito. Kaya magiging madali na lang 'to. Sobrang dali, ang kailangan mo lang ay masaulo ito!"
"Do I have to memorize it?"
"Nope!" umiling-iling ako. "Ang pagkakabisado ay nakakabobo sa test. Paano na lang 'pag na mental block ka bigla? Lahat ng kinabisado mo ay mawawala na lang! Ang kailangan mo lang ay basahin at unawain ang mga 'to. Makakatulong din kung susulatin mo. Tutal ang mga tanong sa test ay binabali-baliktad lang naman--"
*TOO~TOOT*TOO~TOOT*
"What's that sound?"
Pareho kaming nagulat sa tunog na iyon at naglinga-linga pa kami tingin sa paligid upang hanapin kung saan nanggagaling ang tunog na iyon.
"Tumutunog yata cellphone mo, Ryker?" kunot-noo kong sabi.
Umiling-iling siya. "My cellphone isn't here."
Natauhan din ako nang biglang may mapagtanto. Nagugulat kong dinukot sa bulsa ng palda ko ang cellphone na ibinigay sa akin ng lalaki kanina sa akademya. Binuksan ko iyon at tumambad sa akin ang numero at pangalan ng lalaki.
Luke..
Napaawang ang labi ko. Talagang tumawag? Ako pa talaga ang napagtripan ng mga 'to.
"Who the heck is Luke?" nanginig ako sa madiing tanong ni Ryker.
"Ah.. ito.. wala lang 'to--"
Nabigla ako nang hablutin niya sa akin ang cellphone. Gano'n kasama ang mukha niya at ang talim ng pagkakatitig niya sa akin habang sinagot ang tawag.
"Hey, Nana! I thought you're not gonna pick my call." boses ng lalaki sa kabilang cellphone, batid kong si Luke.
Lalong sumama ang mukha ni Ryker ngunit hindi tumugon. Aagawin ko sana ang cellphone sa kanya nang saluhin niya ang kamay ko. Napalabi na lang ako.
"Hello? Are you there, Nana?"
Sandali pang tumitig ng masama sa akin si Ryker bago tumugon kay Luke. "Who the f**k are you?"
"What? Excuse me? Who's this?"
"I was asking first, moron." mariing sabi pa niya.
"Wait, wait? Isn't this the phone that I gave to Nana? Nakanino 'to? Where is she?"
Pinanliitan ako ng mga mata ni Ryker. Akma ko na namang aagawain ang cellphone sa kanya nang bahagya niyang sipain ang ilalim ng upuan ko!
"Why did you give her a phone, huh? Sino ka ba?" gumalaw ang panga niya. Bakas ang inis sa kausap.
"Tsk! I'm Luke, Nana's soon to be boyfriend."
Nanlaki ang mga mata ko. A-Ang kapal ng mukha.
Mabilis na nakatitig ng masama sa akin si Ryker. Naitanggi ko naman ang dalawang kamay ko. Padabog siyang tumayo, tumalsik pa ang upuan niya! Naglakad siya patungo sa bukas na bintana at tumayo roon.
"You know what? f**k you." aniya saka hinagis ang cellphone sa labas ng bintana!
Napatayo ako sa gulat at kusang umawang ang labi ko. Napalunok naman ako ng humarap na siya sa akin ng may madilim na awra. Lumapit siya sa akin at bahagya pa akong napaatras. Marahas niyang ipinatong ang magkabila niyang kamay sa lamesa kung saan ako pinaggigitnaan at kinukulong ng mga braso niya. Halos mapaupo ako sa lamesa nang iyuko niya ang kanyang ulo sa akin upang magpantay ang paningin naming dalawa.
"Ahehe.." awkward kong tawa. "Bakit?"
"Is he?" seryoso niyang tanong.
"Ha?"
"Is he your soon-to-be boyfriend?"
Seryosong-seryoso siya sa tanong. Palihim akong napangisi saka umiling.
"Hindi."
"Do you like him?"
"Hindi rin."
Pumungay ang mga mata niya na titig na titig sa mga mata ko. "Then tell me, who do you like?"
Natitigan ko ang mga mata niya. Naroon ang umaasa niyang tono at ang pagka-gustong marinig ang gusto niyang marinig. Ipinakita ko ang matamis kong ngiti.
"Ikaw." tugon ko. "Sino pa ba?"
Nagliwanag ang mukha niya at matunog na napalunok. Para bang nakahinga ng magaan. Nakagat niya ang ibabang labi saka hindi napigilan ang pagsilay ng kamunting ngiti.
"Can you say it in a nice way?" demanding niya pang tanong.
"Psh!"
"Please?"
Nagniningning ang mga mata niya. Hindi inalis ang pagkakatitig sa akin. Napalabi pa ako saka ngumiti.
"Gusto kita, Ryker. Gustong-gusto."
Kung pwede ko lang dugtungan 'yon..
Ngumuso siya upang pigilan ang kumakawala niyang malaking ngiti. Nag-iwas na siya ng paningin at naramdaman kong mas nilapit niya ang kanyang katawan sa akin. Dahilan upang tuluyan akong mapaupo sa lamesa. Saka siya agresibong tumitig muli sa akin.
"Prove it." aniya.
Natigilan ako at kinunutan siya ng noo. "Anong prove it?"
"Prove that you like me."
Natigilan ako. "Ano? P-Pano?"
Dahan-dahang bumaba ang paningin niya sa aking labi na kinalunok ko. Napatingin ako sa palad niya nang humawak iyon sa kabilang pisngi ko. Gano'n na lang kalamig ang kamay niya. Muling nagtama ang mga mata naming dalawa.
"Y-You'll be the first.." bumigat ang paghinga niya.
Naikuyom ko ang dalawa kong kamao at nanigas sa kinauupuan nang makitang unti-unting lumalapit ang mukha niya sa akin. Dumagundong ang kaba sa dibdib ko kahit hindi ko iyon gusto. Naramdaman kong humawak ang isa niyang kamay sa aking baywang at hinapit niya ako papalapit sa kanya..
Subalit ang makapigil hiningang sitwasyon namin ay nayanig nang may kumalabog sa pintuan!
"Brownies---!"
Naitulak ko si Ryker palayo sa akin at napatalon ako sa ibabang lamesa. Natigilan din siya at pareho kaming napatingin sa pintuan.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Colby roon na may hawak na tray ng pagkain. Gano'n ang paninigas niya sa kinatatayuan.
Well, that's just great.