Chapter 25

2789 Words
CHAPTER 25 "GUSTO ko ng alak." Bungad ko at dere-deretsong pumasok sa loob ng mansyon ng mga DeCavalcante. Nagtataka naman akong sinundan ni Mei Mei sa living room. Pabagsak akong naupo sa malaki at malambot nilang sofa saka nagpakawala ng mahabang hininga. "Naturingang estudyante gusto ng alak?" Ngising sabi ni Mei. Napatingin naman ako sa huniporme ko saka ngumisi. "Kunwari lang 'to, dali na! Gusto ko ng alak." Sandali niya pa akong tiningnan saka tumalikod. Napangisi pa ako nang mag-utos siya sa isang maid. Pagkatapos ay naupo siya sa tabi ko sa sofa. "Bakit ka narito ulit?" Tanong niya sa'kin. "May kwento ako." Umayos ako ng pagkakaupo. "Nakapasok ako sa mansyon ng mga Campbell kanina dahil kay Damon Ryker. Nakapasok ako sa teritoryo nila!" "At?" "At nakita ko roon ang kapatid ko." Sumeryoso ako, nangunot naman ang noo niya. Nang dumating ang bote ng alak ay kaagad ko iyong kinuha saka tinungga. Nagulat pa ang maid dahil ihahanda pa lang sana niya ang baso. Muli akong bumaling kay Mei. "Guess what? Ginagawa nilang katulong ang kapatid ko! Nung nakita ko siya kanina.. para bang gusto kong magalit pero lumalamang 'yung awa ko e!" Muli kong nilaghok ang alak. Nginiwian niya ako. "Ibig-sabihin.. kaya ka lang nandito ay para maglabas ng sama ng loob?" "Tsk, wala akong ibang makausap tungkol dito. And I know you can help me. Hindi ko palalampasin ang nasaksihan ko kanina. Naaawa ako kay Duziell. He doesn't deserve it! He's my little brother and I'll do everything para mabawi siya! Pero sa susunod na 'yon. Ang importante ngayon ay maipagtanggol ko siya at maipaghiganti!" Nanggagalaiti kong saad. Napatango-tango siya. "Anong gusto mong gawin ngayon?" "Gagantihan ko si Damon Ryker." Tugon ko. "Exam na namin next week, Mei. I need your help. Gusto kong kunin niyo ang mga answer sheets sa bawat subjects." "Hmm? Dahil gusto mong ma-perfect ang exam?" Ngunot niyang tanong. "What? No! Hindi ako. Si Ryker! Ipapalabas kong nangodigo siya. Once na malaman ko ang form ng test, ayon ang ituturo ko sa kanya. Kaya kahit alam niya sa sarili niyang hindi siya nangodigo, iyon ang makakarating sa faculty ng akademya. Everyone will be gossiping about his bad actions. At ako lang ang makakaunawa sa kanya. And everything will work the way how I wanted!" Napakurap siya. "Ang mangyayari ay.. nabawian mo na ang kapatid mo sa kanya, nabilog mo pa ang ulo niya?" "Yeah, sure." Tumungga ako ng alak saka nagpakawala ng hininga. Bumakas sa alaala ko ang kamuntikan nang mangyari kanina sa mansyon nina Ryker, kung hindi lang dumating si Colby. He almost kissed me.. almost! Muli akong bumuntong hininga. "Damon Ryker almost kissed me earlier." "Hmm? Bakit almost? Hindi natuloy ang halik?" "Yeah.. and I think.. he's slowly falling for me?" Nagtitigan kami ng matagal. Nangunot naman ang noo niya. "Tapos?" "The point of it is.. if he fell for me harder. I can make him under me. I can hurt him mentally and emotionally. Hindi ba't gagamitin ko lang din siya sa plano ko? Bakit hindi ko na sagad-sagarin ang paghihiganti? He's Campbell afterall. Inaabuso niya ang kapatid ko. Ayon ang kinagagalit ko! Sa loob ng 17 years ay walang nangyayari at kami ang kawawa. Hindi ko hahayaang magwagi sa huli si Flencher Campbell! Sobra-sobra na ang pagtitimpi ko, gustong-gusto ko nang sumabog! Maging sina Evie ay nakuha na niya! Tapos ano? Ako na ang susunod kung wala pa akong gagawin!" Muli kong nilaghok ang alak. Hanggang sa maubos ko iyon ay pinanood lang ako ni Mei Mei. Muli niya akong inabutan ng alak. "Sobrang naaawa ako sa kalagayan ng kapatid ko. Nakita kong napapagod na siya kanina at hindi ko tanggap na madungis ang sinusuot niya! I can't just let it be. Damon Ryker is responsible for his own and his father's action. Humanda siya sa'kin!" Tinungga ko ang panibagong alak. Nakinig lang si Mei sa mga hinanakit ko sa buhay. Nakaubos din ako ng tatlong alak na sunod-sunod. "Kung papaibigin mo ang lalaki, magiging madali lang 'yon lalo pa't sa sitwasyon ng pamilya niya. Kung naghahanap siya ng kalinga sa iba, maaaring mahanap niya 'yon sa'yo." Aniya. "Pero mapaninindigan mo ba ang plano mo? Paano kung ikaw din ay mapa-ibig niya?" Nginisihan ko siya at umiling-iling. "No, no, no, and a freaking no! Hindi ako mahuhulog. Sinisiguro ko 'yon. He's not actually my type. Besides, hindi ako madaling bumigay, kung 'yan ang iniisip mo. I have strong emotions but I don't fall easily." "Ipalagay nating hindi ka nga madaling bumigay. Pero sa laro ng pag-ibig, malaki ang tiyansa na mahulog ka kahit gaano ka pa katibay." Seryosong aniya. Umasim ang mukha ko at lalong napangisi ng sarkastiko. No way. I'm not gonna fall. Not with a freaking son of Campbell. Galit ang nararamdaman ko sa kanila. Nagtagal pa ako ng ilang oras sa mansyon ng mga DeCavalcante na kausap lang si Mei, para maglabas ng sama ng loob. Lahat na yata nang ginawa ko kanina ay na-kwento ko sa kanya. At aaminin kong gumaan ng kaunti ang damdamin ko. Wala rin naman kasi akong ibang masasabihan. Wala naman na si Evie. Isa pa, hanggat maaari ay ayokong magkwento na sa kanya. Ngayong araw ay nabasa ko ang mga text messages niya sa akin. Pinapaalala niya sa akin ang birthday daw ng mommy niya ngayong week at kailangan kong pumunta sa lugar na nakalagay sa invitation card. Alam ko namang set-up lang iyon. Kaya naman hindi ako tumugon sa mga messages niya. Lalo lang sumasama ang loob ko at nadadagdagan pa ang galit ko. - SUMUNOD na araw. Nakuha ko kaagad ang mga sagot sa exam, sa tulong ni Mei. Binasa at inintindi ko iyon ng maagi saka sinaulo. Iyon ang itinuro ko kay Ryker nang muli akong makapasok sa mansyon nila. "Done solving!" Ibinigay sa akin ni Ryker ang notebook pagkatapos niya ma-solve ang equation sa math. Sinuri ko iyon at napangiti na bumaling sa kanya sa katapat kong upuan. "Ang bilis mo namang matuto." Ani ko dahil nakuha niya ang tamang sagot. Halos wala pa sa trenta minutos na tinuruan ko siya sa equation na iyon pero nakuha niya kaagad. Siguro'y tama nga si Miss An na fast learner siya at matalino. Sadyang tamad lang mag-aral at nagbubulakbol. May ibinigay ako sa kanyang bagong equation. "Ito naman ang sagutan mo." Ngumuso siya sa akin at kinuha ang papel. Pinanood ko siyang sagutan iyon. Subalit hindi pa siya natatapos nang bumaling muli siya sa akin. "Nana?" "Hmm?" Humaba ang pagkakanguso niya. Nagmistulang mata ng tuta ang paraan ng pagtitig niya sa akin. "Uh.. about yesterday.." Nangunot ang noo ko. "Ang alin?" Nakagat niya ang ibaba niyang labi saka muling ngumuso. "Y-You know.. about that." Kumurap ako ng dalawang beses saka palihim na ngumisi. "Ang alin ba? Sabihin mo." "U-Um, about the.. ki--" Natabunan ng tunog ng pintuan ang boses niya. Napalingon kaagad ako sa pintuan ng library at nakitang pumasok doon ang nanay-nanayan ni Colby. May dala siyang malaking trey ng cookies. Pumasok din naman ang isa pang maid na may dala-dalang dalawang basong gatas. Pinanood ko silang ilagay iyon sa magkabilang gilid ng lamesa namin ni Ryker nang walang sali-salita. Pareho silang nakayuko at maingat sa pagkilos. Sayang at hindi ko pa nanakita si Colby ngayong araw. Batid kong may kinalaman iyon sa nangyari kahapon. Hindi siya pumasok kanina sa school, siguro'y may pinagawa na naman itong si Ryker! "Salamat po, tita." Ngiti kong sabi sa nanay-nanayan ni Colby. "Walang anuman, iha." Ngumiti rin siya subalit hindi sinalubong ang paningin ko. Pinanood ko silang umalis at maingat na isinara ang pinto. Muli akong bumaling kay Ryker na nakakunot na ang noo. "Why you call her tita?" Napaasik ako. "Wala lang, bakit ba?" "Tsk! Is it because she's Colby's mother?" "Ano namang kinalaman ni Colby?" "You got a crush on him, aren't you?" Naningkit ang mga mata niya. Nanlaki naman ang mga mata ko at kinilabutan sa sinabi niya. Binato ko siya ng notebook na agad naman niyang naiwasan. He's my little brother, idiot! "Hey!" Nagsalubong ang kilay niya. "Don't be so guilty! You're too obvious!" "A-Ano?!" "You got a crush on him--" "Shut the f**k up, Damon!" Iritado kong sigaw at nahampas ang lamesa. Natigilan siya at nanlaki ang mga mata. Nagugulat siyang tumitig sa akin. Nakita ko pa nang sunod-sunod siyang mapalunok. Tinitigan ko siya ng masama bago ko pa napagtanto ang inaasta ko! Unti-unti kong natikom ang bibig ko at ilang beses na napakurap. Shoot!! Napaiwas ako ng tingin at napalunok. "S-Sorry.." Nag-angat ako ng paningin sa kanya at nakitang hindi pa rin siya nakakabawi sa gulat. Kunurap-kurap siya at kumibot ang labi. "B-Bakit galit ka?" Bumigat ang paghinga niya. "Did you just.. shout and called me Damon?" Mariin akong napapikit at nakuyom ang kamao ko. Saka pinilit ang ngumiti. "I-Ikaw kasi.. huwag mo nang uulitin na sabihing may gusto ako kay Colby." Matagal siyang tumitig sa akin at wala sa sariling napatango-tango. "G-Galit ka?" Sunod-sunod akong umiling-iling. "Hindi, hindi! Nabigla lang ako! Hindi ko 'yon sinadya. A-Alam mo namang ikaw ang gusto ko.. 'di ba? Bakit mo pa ini-insists na gusto ko siya?" He's my little brother for Pete's sake! Ayokong iniisip niyo na may pagtingin ako sa kanya. Unti-unti siyang napayuko. "Y-You scared me." Napabuntong hininga ako at ngumiti ng malaki. "Sorry na, hindi ko naman sadya." Ngumuso siya at nag-angat ng paningin sa akin. "Don't call me Damon again, hmm?" "Bakit?" "Coz it gives me goosebumps. Feels like you're mad or like you're someone else." Palihim akong lumunok saka ngumiti ng matamis. "Hindi na. Sorry!" "I-I am sorry din." Tumawa ako. "Oo na, sige. Tuloy mo na lang ang pagsasagot. Masasayang ang oras." Sumilay ang ngiti niya at muling tinuloy ang pagsasagot. Kinalma ko naman ang sarili ko at kumain ng cookies. Tinungga ko ang gatas ko at agad iyong naubos. Hindi ako nakuntento at inubos din ang gatas ni Ryker. Halos makain ko lahat ng cookies. Napatigil lang ako sa pagkain nang mapagtantong pinapanood ako ni Ryker. Napaawang ang labi niya subalit unti-unting napalitan ng matamis na ngiti. "Hungry?" Bumungisngis siya. "I wonder what it feels like to get inside your lips." "Ano?" "You can eat me too if you want." Matamis na ngiti niya pang sabi. Ngumisi ako. "Next time." Natigilan siya at lumunok saka napaayos ng upo. "You better mean what you say, Nana." Umayos din ako ng upo at sumeryoso. "Oo ba, gusto mo ng deal?" "What deal?" Okay, it's time. Kumulumbaba ako na tumitig sa kanya. Titig na titig naman siya sa akin, naghihintay ng sasabihin ko. "Kapag na perfect mo ang lahat ng exam o kahit almost perfect, magiging fairy godmother mo ako." Ngumiti ako. "I will grant your three wishes!" "Any wishes?" kuryoso niyang tanong. Tumango-tango ako. "Mm! Kahit anong hilingin mo. " "Deal!" Nilahad niya pa ang kamay niya. Lalo akong napangiti saka nakipag-kamay sa kanya. Gano'n na lang din ang pagngiti niya nang malaki at pagkinang ng mga mata niya. Let's see.. - LUMIPAS ang linggo. Lahat kami ay tahimik na nakatingin kay Miss An sa harapan ng classroom. Binibilang niya ang mga test papers at nang matapos ay may ngiti siyang bumaling sa amin. "Okay class! Ito ang kauna-unahang examination ninyo para sa taong ito. Siguro naman ready na kayo?" "No, Miss An!" "Hindi pooo!" "We're not ready!" "Hindi pa po!" Hindi sumang-ayon ang halos sa mg kaklase ko. Napailing-iling si Miss An. "Aba! Isang linggo ang binigay sa inyo para makapaghanda? Tsk, hindi kayo nag-review, ano? Pwes wala pa rin kayong magagawa dahil tuloy ang exam! Get one and pass!" Inabot na niya ang mga test papers at pinagpasa-pasahan na nila iyon hanggang sa makuha ko ang sa akin. Inabot ko naman kay Ryker sa likuran ko ang natirang papel. Sinipa niya pa ang upuan ko saka ngingiti-ngiti na magsimulang magsulat. Napailing naman ako saka bumaling sa papel ko. Gaya ng ibinigay sa akin ni Mei. Ganoong-ganoong ang nakasulat sa test paper sa English. Iyon din ang tinuro ko kay Ryker nakaraang linggo. Panigurado namang hindi na siya magkakamali rito? Bumaling ako kay Colby sa harapan at nakita siyang tahimik na nagsasagot. Napangiti ako saka nagsimula na rin sa pagsagot. Ang mga sumunod na test ay mga minor subjects lang kaya't hindi gano'n kahirap para sa akin, bukod sa alam ko naman na ang mga sagot. Pero syempre, hindi ko itinama ang lahat. Ang iba'y sinadya kong maliin at lagpasan. Ganoon din ang nangyari kinabukasan sa pangalawang exam namin. Mga major subjects na at kabalikataran ng kahapon. Dito ang pinakamahihirap na tanong sa test. Pinagpapawisan at nangangamote ang mga kaklase ko pagdating sa Mathematics. Sa tuwing tatalikod si Miss An ay kani-kanya silang kopyahan. Ang iba pa'y nagsi-sign language. May iba na kunwari'y nililipad ang papel o nahulugan ng ballpen basta lang makakopya. Kaya proud ako na makitang si Colby ay tutok lang sa sarili niya sa pagsagot. Sa tuwing may kumakalabit naman sa kanya ay nagbibigay din siya ng sagot. Habang si Ryker naman.. Siya yata ang naunang natapos sa pagsagot at walang pakialam sa mga gustong mangopya sa kanya. "Times up! Pass your papers!" sigaw ni Miss An. Nataranta na ang mga kaklase ko at sa huli'y pinasa rin nila kahit hindi pa man natatapos. Nakita ko namang confident na pinasa nina Ryker at Colby ang mga papel nila. Ganoon din ako. Nang tumunog ang bell ay nagsilabasan na ang mga kaklase ko sa classroom. Dali-dali kong kinuha ang bag ko at hinabol si Colby sa paglalakad sa hall way. "Hi, Colby!" malaking ngiti kong pagbati. Sandali pa siyang nagulat. "O-Oh.. Hi." "Hihi, kumusta ang exam?" "Fine." Binilisan niya ang paglalakad. Halos naman mapatakbo-lakad ako para lang mahabol siya. "May gagawin ka ba ngayong uwian?" "Wala." Nagliwanag ang mukha ko. "Sakto! Gusto bang gumala muna? Kain tayo sa labas, libre ko!" Napatigil siya sa paglalakad. Napatigil din ako at halos hingalin na tumingala sa kanya. Blangkong emosyon niya akong tiningnan. "Why?" "Hmm? Um, wala lang. Gusto lang kitang yayain na kumain sa labas. Wala ka namang gagawin, 'di ba? Pwedeng--" "Look, I'd like to go out with you." malamig na aniya. "But I would rather be home and do nothing." Natigilan ako. "H-Ha? Anong ibig sabihin no'n?" "It's a no." "Pero bakit? A-Ayaw mo bang--" "Goodbye." nilagpasan niya ako! Napatingin ako sa pag-alis niya at napalunok. Galit ba siya sa'kin? Sa katunayan ay hindi ito ang unang beses na nagtangka akong kausapin siya at lagpasan niya lang ako. Halos hindi ko rin siya makausap nitong mga nakaraang araw. Pakiramdam ko nga'y iwas na iwas siya sa akin. Ano bang nagawa ko? Nanlulumo akong mabagal na nagpatuloy sa paglalakad. Nang bigla na lamang may humila ng bag ko sa likuran dahilan upang mapahinto ako. "Where you goin'?" hinila niya ako! Napatingala ako kay Ryker na nakakunot ang noo sa akin. Pinilit kong ngumiti ng malaki. "Uuwi na. Sa'n pa ba?" Ngumisi siya at umiling. "You can't. Remember our deal? Grant mo na ang una kong wish." "Eh?" napangiwi ako. "Wala pa ngang results!" "Sure it is all perfect!" inakbayan niya ako. Tinanggal ko naman ang braso niya sa balikat ko. "Nope. Hanggat wala pang result, hindi ako mag-gagrant ng wish!" Napalabi siya at mabilisang tinanggal ang bag ko na nakasukbit sa balikat ko! Kinuha niya iyon at niyakap. Saka siya nagpaunang maglakad. "Oy! Akin na 'yan!" sumunod ako at tumakbo naman siya! "Come and get it!" Napaamang ako at napapailing na hinabol siya sa pagtakbo. Para kaming tanga na naghahabulan sa gitna ng campus. Pinagtitinginan na kami ng mga estudyante. Talagang ayaw niyang ibigay ang bag ko kahit pa nakararing na kami sa kung saan-saang bahagi ng school! Pareho kaming hingal na hingal na napahinto sa locker area. Tumulo na ang pawis ko at gano'n na lang kainit. Napapagod akong lumapit sa kanya. Laking pasasalamat ko na hindi na niya nakayanang tumakbo pa. Nakasandal siya sa mga locker habang tumatawa mag-isa, yakap pa rin ang bag ko. Nakapamaywang akong tumayo sa harap niya. "Happy? Akin na nga 'yan!" dinakma ko ang bag ko at nakuha na nang tuluyan. Gano'n na lang kaliwanag at kasaya ang mukha niya na tumitig sa akin. "I feel so good.." "Talaga? Kahit pa tumutulo na 'yang pawis mo sa kakatakbo?" Tumawa siya at kinuha ang kamay ko. Gano'n na lang ang gulat ko nang marahan niya akong isinandal sa locker! Siya naman ang tumayo sa harapan ko at bahagya pang niyuko ang ulo sa akin. "You know what, Nana.." malambing na aniya. "There are approximately 171,146 words in the English language. But there's only one word that exists in my vocabulary right now." Nangunot ang noo ko. "Um?" "Wanna know what it is?" tanong niya. "Hmm? Ano?" Hinawi niya ang hibla ng buhok ko. "You."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD