CHAPTER 26
"WHAT happened, Naziena?!"
Hindi ko pa man nahuhubad ang bag ko nang madatnan ko sa loob ng apartment si Evie nang makauwi ako. Gano'n na lang ang pagdagundong ng kaba sa dibdib ko sa hindi inaasahang pagpunta niya.
"Anong.. anong ginagawa mo rito?" Pinilit kong ituwid ang pagsasalita ko.
Nakakulubot ang noo niya at gano'n kairitado ang mukha. "Bakit hindi ka pumunta kagabi? Mom was very disappointed! It was her birthday at ikaw pa naman ang inaasahan niyang makita!"
Naitago ko ang pagkakakuyom ng kamao ko sa aking likuran saka mariing lumunok. Ngumiti ako sa kanya.
"Exam namin, Ev. Kinailangan kong unahin iyon." Pagdadahilan ko.
Sarkastiko siyang napatawa. "Don't tell me, nagseseryoso ka diyan sa peke mong pag-aaral? Once a year ka na nga lang makikita ni Mom. Tapos hindi mo pa siya pinagbigyan sa birthday niya!"
Hinubad ko ang sapatos ko at hinagis ko ang aking bag sa kama. "Magpapadala na lang ako ng regalo sa kanya."
"What?!"
Tumalikod ako sa kanya saka nag tiim-bagang. "Tell me what she likes."
"But Naziena! Ang gusto lang ni Mom ay makita ka!" Paasik niyang sigaw. "I gave you an invitation card at sinabi mong pupunta ka. But what happened? Naghintay kami sa'yo!"
Freak! Hinintay niyo lang ako para makitang patayin!
Sumama ang loob ko subalit may ngiti na muling humarap sa kanya. "Look, I am sorry, okay? Alam mo namang nahihirapan ako sa sitwasyon ngayon. I barely have spare time. Please understand, Evie. I will pay her a visit na lang."
Napairap pa siya. Nagkukunwari naman akong guilty sa hindi pagpunta. "Ano bang pwede kong gawin para makabawi kay tita?"
Akma siyang tutugon nang umalingawngaw ang tunog ng kanyang cellphone. Dali-dali niya iyong kinuha sa bulsa ng pantalon niya saka natigilan na napatingin doon. Kaagad niya iyong naitago bago ko pa man makita.
"Uh! I got to go na, Naz!" Biglaan niyang sabi.
"Agad?" Kinunutan ko siya ng noo. "Who's calling?"
"Nothing. It's just Mom!" Dali-dali niyang kinuha ang bag niya.
Hinarang ko naman ang dinaraanan niya. "Si tita? Good timing! Kakausapin ko siya."
"W-What? N-No, no! No need, Naziena. Aalis na rin ako. She's actually waiting for me."
Liar. Bumuntong hininga na lang ako at hindi na siya hinuli pa. May pagkakataon para sa kanya. Hindi pa ngayon.
"Okay then, ingat ka." Ngumiti ako ng malaki.
Ramdam kong nakahinga siya ng maluwag. Pinadaan ko siya at ako pa mismo ang nagbukas ng pinto. Pinanood ko siyang nagmamadaling bumaba ng apartment. Saka lamang ako napaseryoso at napa tiim-bagang. I hate her even more.
-
WALANG pasok kinabukasan dahil sabado, ganundin sa linggo. Kaya't nakabawi ako sa pagtulog at pahinga. Pakiramdam ko'y noon na lang ako nakapagpahinga ng maayos. Subalit ang dalawang araw ay mabilis lang na nakalipas. Ang bilis mag-lunes at kahit pa tinatamad akong pumasok ay pinilit kong makarating sa akademya.
"Oh my gosh! Hindi niyo alam, class, kung gaano ako kasaya ngayon!" Pagsasalita ni Miss An sa harapan ng classroom.
Unti-unti namang tumahimik ang kaninang ingay ng mga kaklase ko. Napatigil din si Ryker sa paglalaro ng buhok sa aking likuran at syempre, hindi nawawala ang bahagyang pagsipa niya sa upuan ko. Napalingon ako sa kanya na kinangiti naman niya. Bahagya ko rin siyang nginitian bago muling bumaling kay Miss An sa harap.
Maraming papel ang nakaayos sa kanyang lamesa, batid kong iyon na ang mga twst papers namin. Paniguradong ngayon na ibibigay ang mga resulta.
"Syempre, may iilan sa inyo na bagsak sa iilang subjects. But the thing is.." halos mapunit ang mga labi niya sa pagkakangiti. "Ang isa ninyong kaklase na laging nagbubulakbol ay halos ma-perfect ang lahat ng exam!"
Naantig ang tainga ko sa narinig. Nagbulung-bulungan naman ang mga kaklase ko.
"Miss An! Si Nick ba 'yan?"
"Ngena mo, wala nga akong mga sagot!" Giit ni Nick nang maasar siya ng kanyang tropa.
Nagsitawanan naman ang buong klase. Ngunit si Miss An ay nanatiling nagniningning ang mga mata.
"'Yung kaklase niyo na 'yon ay malamang, nilalayuan ninyo dahil sa gaspang ng ugali." Saad niya. "Popular sa kababaihan pero 'di magawang malapitan. Bansag pa nga sa kanya ng mga guro ay spoiled brat."
Unti-unti akong napangiti nang makumpirma ko sa sarili kung sino ang tinutukoy ni Miss An. Napasinghap ang mga kaklase ko at lumakas ang bulung-bulungan.
"All thanks to Nana Zie Dela Vega." Ngiting-ngiti pang dagdag ni Miss An na bumaling sa akin. Saka siya tumingin sa likuran ko. "Damon Ryker's test results are unbelievable! He almost got every perfect!"
Sabay-sabay nang napalingon ang mga kaklase ko sa kanya. Bakas ang pagkagulat at pagkamangha sa mga mukha nila. May isang pumalpak kaya't lahat na rin sila ay napapalakpak.
"Wow, idol!"
"Angas ni Ryker ah!"
"Gagi may inspirasyon 'yan pag ganyan!"
"Nag bagong buhay na si Ryker! Nick, ikaw naman!"
"Gago!"
"Ang galing naman ni Ryker! Pano niya nagawa 'yon?"
"Baka alagang Nana 'yan!?"
Gano'n ang pagkakangisi ko na lumingon kay Ryker. Nakita ko pang naiilang siya sa bawat papuring sinasabi ng mga kaklase ko sa kanya. Nagtama ang paningin naming dalawa at unti-unti nang sumilay ang ngiti niya. Nababasa ko sa mga mata niya ang pinangako kong kahilingan. Bahagya akong napatawa at pumalakpak din. Nahawa siya sa tawa ko at sinipa pa ang ilalim ng upuan ko.
Hanggang sa pinamigay na ni Miss An ang mga test papers namin. Ang mga test results ko ay matataas din subalit sinadya ko ngang hindi i-perfect. Pagkatapos namang tingnan ni Ryker ang mga papel niya ay pinapakita niya iyon sa akin.
"Are those enough for you to grant my three wishes?" Umaasa niyang tanong sa'kin.
Napangiti ako at ginulo-gulo ang kulay tsokolate niyang buhok. Akma akong tutugon sa kanya nang malakas na kumalabog ang pintuan ng aming classroom!
Napasigaw ang iba sa gulat at ang iba nama'y napipi. Sabay-sabay kaming napaharap ng tingin sa front door at nakita roon ang matandang lalaki na nakatayo at bakas ang galit sa itsura.
Natauhan si Miss An na kaagad sumalubong sa kanya. "D-Dean Laurencio! May problema ho ba?"
Dean?
Mabigat ang bawat paghinga niya na naglakad sa harapang pisara ng aming classroom. Pinalibot niya ang paningin sa aming lahat saka hinampas ang mga piraso ng papel sa lamesa!
Napatili at natakot ang mga kaklase ko sa inaasta niya. Lahat kami ay napaayos ng upo habang tahimik na nakatingin sa kanya. Napatitig naman ako sa mga piraso ng papel na iyon na hinampas niya sa lamesa.
Saka lamang napataas ang dalawa kong kilay sa napagtanto. Ahh.. iyong pinanakaw ko na answer sheets. Mukhang natagpuan na nila. Hmm.. good timing.
"Dean Laurencio! Ano ho bang sadya niyo? Tinatakot niyo ang mga estudyante." Alalang pagkausap ni Miss An sa kanya.
Nagpakawala siya ng napakalalim na hininga at gumalaw pa ang panga. Hindi siya lumingon kay Miss an at sa amin lamang ang kanyang paningin.
"First time in the history of this Academy that there is a report of missing answer sheets in your examination. In all 4th year level!" Saad niya.
Natahimik kaming lahat. Ni paghinga ay halos walang maririnig. Bakas na bakas ang galit sa mukha ng dean.
"And of course! We checked all the CCTV cameras to find out who done it! To find out who had the guts to stole these sheets!" Muli niyang hinampas ang mga papel sa lamesa.
"But we saw nothing! Punyemas na 'yon! Sinira ang system ng school!" pasigaw niyang sabi, nagtitimpi ng galit. "Ngayon, wala nang gumaganang cctv cameras sa campus. Dahil sa kagagawan ng ISANG napakatinong estudyante na 'yon!"
Sumingit si Miss An. "Mawalang galang na ho, Dean Laurencio. Pero tunay hong matitino ang mga estudyante ko. Sana'y--"
"Isa sa mga estudyante mo ang may kagagawan ng pangyayaring iyon, Miss An." seryosong-seryoso niyang putol. Natigilan si Miss An at namutla.
Napasinghap ang mga lalaki ko at bakas na bakas sa kanila ang kaba. Gustong-gusto nilang magbulungan subalit pinipili nilang manahimik na muna. Napaayos naman ako ng upo.
"Isa sa inyo ang may kagagawan no'n!" nanggagalaiting sabi ng Dean. "Patas tayo rito sa akademyang ito. Alam 'yon ng tatay mo! Kaya bago ko pa ipagsigawan ang pangalan mo ay tumayo ka na!! Hindi porque anak ka ng may-ari ng akademyang ito ay magagawa mo na ang gusto mo. Dapat kang idisiplina!"
Natigilan ang lahat sa pinunto ng dean. Sari-sari ang bulungan at pagkagulat. Dahan-dahan silang napapalingon sa aking likuran. Batid kong sa gawi ni Ryker. Dahan-dahan ko rin siyang nilingon. Bakas na bakas ang pagkalito niya sa mga nangyayari. Nagsalubong ang kilay niya at deretsong nakipagtitigan sa dean.
"What?" inosente niyang usal. "Are you referring to me, old man?"
Talagang siga..
"Dean Laurencio.. B-Baka naman ho nagkakamali lang kayo.." nanginginig na tinig ni Miss An.
Muling kumalabog ang lamesa. "Damon Ryker!! These answer sheets have found in your locker right after the examination!! How can you deny it to me that you didn't use these to cheat?!"
"I didn't cheat!" iritadong giit ni Ryker.
Gumalaw ang panga ni Dean at lumapit sa gawi namin. Kitang-kita ko ang talim ng titig ni Ryker sa kanya. Ganoon din ang dean na marahas siyang pinatayo!
Nagugulat at natatakot na nagsipag tayuan ang mga kaklase ko upang lumayo.
"We don't tolerate that kind of attitude! Show me your test results!!" galit na sigaw ni Dean kay Ryker.
Kasalukuyan ko pa namang hawak ang mga papel ni Ryker. Kunwari'y 'di ako makatingin na tumayo. Napabaling sa akin ang dean. Hindi ko pa man inaabot sa kanya ang mga papel ay inagas niya na iyon sa akin upang pakatingnan.
"Oh I see.. Almost perfect lahat ng scores mo ah?" sarkastikong napatawa ang dean at hinagis kay Ryker ang mga papel niya! Dahilan upang lumipad ito sa ere at magkalat sa sahig.
Hindi nakaligatas sa paningin ko ang pagkuyom ng mga kamao ni Ryker at ang pag tiim bagang. Nilabanan niya ang masamang titig ng dean.
"Why the f**k you do that?" mariing tanong ni Ryker.
"Bastos at wala kang modo." galit ding sambit ng dean. "Kung ikaw pa ay anak ko, malamang napipi ka na."
Nagkaroon ng tensyon sa titigan nila. Kitang-kita ko ang sobrang pagkakakuyom ng kamao ni Ryker. Kaagad na umawat si Miss An.
"Dean Laurencio! Pakiusap, idaan na lang natin ito sa pribadong pag-uusap! Huwag niyo namang pahiyain si Ryker sa harap ng mga kaklase niya--"
"Aba dapat lang mapahiya ang batang ito! Nakakawalang hiya rin ang ginawa niya sa paaralang pagmamay-ari mismo ng magulang niya!"
Nagkaroon ng sandaliang katahimikan. Hindi pa rin nawawala ang gulat ng lahat sa naririnig at nasasaksihan. Malakas na napasinghal ang dean at tumalikod.
"Follow me in my office!" Galit niyang singhal at naunang lumabas ng classroom.
Bumaling ako kay Ryker na matatalim pa rin ang paningin sa inalisan ng dean. Si Miss An naman ay pinagdadamot ang mga papel niya at dali-dali siyang hinila.
"Ryker, tara na.."
Hindi gumalaw si Ryker. "I didn't steal anything, and I didn't cheat."
"I believe you. Pero kailangan nating i-explain 'to kay Dean." Nangungusap na tugon ni Miss An.
Sandali pang hindi umimik si Ryker at dahan-dahang bumaling sa akin. Gano'n na lang ang paghalo ng emosyon sa mga mata niya. Gumalaw ang labi niya ngunit bago pa siya makapagsalita ay marahas na siyang hinatak ni Miss An. Nagbigay daan ang mga kaklase ko upang madali silang makalabas ng classroom. Nang tuluyan silang mawala ay doon lamang nakahinga ang mga kaklase ko. Biglaang bagsak ng ingay ang nanaig sa loob.
"Ryker is cheating?!"
"Nangodigo ba siya sa exam?!"
"That explains why he got those scores!!"
"Gago kaya naman pala eh! 'kala ko talaga nagbago na, lumala pa pala!!"
"Wow! That was intense! Nakita niyo ang galit ni Dean Laurencio?? Grabe!"
"Sobra na si Ryker! 'Kala niya magagawa na niya lahat ng gusto niya porke't sa kanila itong school!"
"Agreed! Kaya naman pala halos perfect! Nahiya pa, hindi pa pinerfect lahat ng sagot!"
"He's asshole talaga! Sayang ang gwapo pa naman pero matagal na 'kong turn off sa pag-uugali! He never changed since grade school!"
"That's the reason why he has no friends at all!"
"Kung ako sa kanya, 'wag na siyang mag-aral! Hindi naman siya natututo!"
"Oh, Nick! Baka gayahin mo 'yon ah?"
"Gago!"
Sari-saring negatibong komento ang lumalabas sa bibig nila. Kung kanina ay halos purihin nila si Ryker, ngayon naman ay kabaliktaran na ang nangyari. Ni-wala akong marinig na kahit isang salita na nagtatanggol sa kanya.
Well, that's how people will treat you accordingly to what they saw and hear. They will never bother to know the truth. Because to judge is way too easier.
And yes, ako ang may kagagawan no'n. Gumana nga ang plano ko at nangyayari na. Gusto ko lang gumanti para kay Colby. And I'm not feeling guilty at all. Ryker deserves it. He must learn his lesson about treating others.
Pabuntong-hininga akong tumanaw kay Colby na tahimik sa kanyang kinauupuan. Hindi siya nag rereact at nanatiling walang emosyon ang mukha niya, kahit pa kinakausap siya ni Aliyah.
"Nana!!"
Natauhan ako at kaagad na napatingin sa front door ng classroom. Nagmamadaling pumasok si Miss An sa loob upang hatakin ako palabas. Nabigla naman ako.
"Bakit po, Miss?" Ngunot ko at nagpatangay sa kanya.
"Naku, Nana! T-Tulungan mo ako. Ayaw maniwala ni Dean na nag-study kayo ni Ryker para sa exam! He's accusing Ryker sa nangyari dahil may ibedensya na raw! Diyos ko! Paano na ba 'to?" Natataranta siya at nanginginig.
Mukhang gano'n kalapit ang loob ni Miss An kay Ryker. Halata kasi ang pag-aalala niya at pagiging problemado.
Nakarating kami sa dean's office. Nagmamadaling pumasok si Miss An sa loob habang kaladkad ako.
"Dean Laurencio, this is Nana Zie Dela Vega. 'Yung sinasabi kong nag tutor kay Ryker para matulungan siya sa exam.." bungad niya sa dean.
Napalibot ko ang paningin at nakita ang dean na bakas na bakas pa rin sa mukha ang matinding galit habang nakahawak sa magkabilang baywang. Nakatayo siya sa tapat ng lamesa kung saan naman nakaupo si Ryker.
Napataas ang dalawa kong kilay nang makita si Ryker na blangko ang emosyon at deretso lang ang paningin. Magkakrus pa ang dalawa niyang braso at naka pang de kwatro na upo. Akala mo'y boss.
Lumapit kami ni Miss An sa gawi nila. Pinaupo niya ako sa kaharap na upuan ni Ryker. Nagtama naman ang paningin naming dalawa at bigla na lang siyang napayuko. Nakita ko pa ang paglunok niya.
"So tell me, Dela Vega." Agaw pansin sa akin ng dean. "Is it true that you tutored him before the exam?"
Napangiwi akong tumango. "Opo, dean. Tinuruan ko po si Ryker nang isang linggo."
Napaasik siya. "Kung gano'n.. ang nagiging dating sa akin no'n ay maaring may kinalaman ka rin sa pagche-cheat nitong si Damon Ryker! Dahil nakita ko rin ang mga test results mo, halos ma-perfect mo!"
"The f**k?" Usal ni Ryker bigla, magkasalubong ang kilay. "So you're accusing this girl too?" Sarkastiko siyang napatawa.
Nagsalita naman ako. "Dean? Bakit naman ako mangongodigo? Hindi niyo alam kung gaano ako katalino."
Napabaling silang tatlo sa akin. Sumulyap naman ako kay Ryker at ngumisi. Ngumuso siya at muling yumuko.
"Dean, totoo iyon." Pag sang-ayon ni Miss An. "Kaya si Nana ang hiningan ko ng tulong sa pag tutor kay Ryker ay dahil siya ang pinakamatalino at mahusay sa klase ko. Sa katunayan ay nangunguna siya sa buong 4th year level! She's a scholar too. And I would say that she did a great job dahil naturuan niya si Ryker!"
"Then how can you explain the fact that the answer sheets were found at Damon Ryker's locker!!" Nahampas niya ang lamesa. "Don't tell me napagtripan siya?! Dahil hindi pa ako kumbinsido na talagang makakayanan niyang makakuha ng gano'n katataas na scores! Knowing that spoiled brat?! Hindi ba't hindi ito ang unang beses na ginawa niya ito?! He did this before noong nasa elementary pa lang! Nangodigo na siya dati at hindi niya pa inamin kahit huling-huli na sa akto! Ngayon naman ay mas lumala pa! Sinira ang mga cctv cameras para manakaw 'yon! Aba?!"
Napasipol ako. Shoot! Nangodigo na pala siya dati eh? Pagkamalas.
Natahimik si Miss An at sandaling katahimikan ang nanaig. Napatitig ako kay Ryker na batid kong ramdam ang titig ko dahil naiilang siya. Bumakas ang guilty sa mukha niya.
"Dela Vega." agaw pansin muli sa akin ng dean.
"Ho?"
Sumeryoso siya. "Kahit pa scholar ka sa paaralang ito, pero dahil ikaw ang responsable sa tinuro mo kay Damon. Dawit pa rin ang pangalan mo."
Napataas ang dalawa kong kilay at palihim na napangisi. Ang talino ng dean sa pagsusuri. Psh! May kalalagyan din naman 'to.
Ngunit pareho kaming nagulat sa padabog na pagtayo ni Ryker. Tumalsik pa ang upuan niya at sinipa ang lamesa ni dean! Pahampas niyang pinatong ang dalawang kamay sa lamesa at matalim na tumitig kay dean!
"Fine! I did! I f*****g cheated!" galit niyang sigaw. "But this girl is out of this mess! Don't accuse her of the thing that I clearly did!"
Hindi kaagad kami naka-react sa ginawa niya. Natauhan ako nang kunin niya ang kamay ko at marahas akong hinila patayo.
Para lang akong papel na kinaladkad niya palabas ng opisina. Narinig ko pa ang pagsigaw nina dean at Miss An. Subalit walang hinto si Ryker sa paglalakad habang hila ako.
Nahinto lamang siya sa paglalakad nang makalabas kami ng building at makarating sa garden. Hinihingal niya akong hinarap at bahagya pa akong nagulat nang hawakan niya ako sa magkabilang braso.
"I didn't do it! I-I swear, Nana.. I didn't cheat!" nagsusumamo niyang sabi sa akin.
Napakurap naman ako. "Totoo bang nangodigo ka na noon?"
Natigilan siya at napalunok. "Y-Yes.. But not this time! I swear, I frickin' swear.." gano'n kabilis ang paghinga niya.
Napatawa ako at hinawakan ang buhok niya upang guluhin iyon. Napatitig kami sa mga mata ng isa't isa. Sinsero naman akong ngumiti sa kanya. Bumaba ang kamay ko upang haplusin ang kaliwa niyang pisngi. Gumuhit ang lungkot sa mga mata niya saka siya matunog na lumunok.
"N-Naniniwala ka naman sa'kin.. 'di ba?" umaasa at nagsusumamo niyang tanong sa akin.
Matamis akong ngumiti sa kanya. Matagal ko pa siyang pinakatitigan at nakita ang pagkislap ng kamunting tubig sa mata niya. Lumunok ako saka tumingkayad upang maabot ang mukha niya. Naramdaman ko ang paninigas niya sa kinatatayuan nang ilang segundo kong idinampi ang aking labi sa kanyang pisngi. Narinig ko pa ang matunog niyang paglunok at pagpigil niya ng hininga. Saka ko lamang inilayo ang aking sarili sa kanya at umayos ng tayo. Muli ko siyang hinarap, ilang beses siyang napakurap at bumigat ang paghinga na sinalubong ang mga mata ko.
"N-Nana.."
"Ryker.." Ngumiti ako ng sinsero. "Ano na 'yung first wish mo?"
Napaawang ang labi niya. Kasabay niyon ang hindi inaasahang pangingilid ng mga tubig sa mga mata niya.
"You believe me.."
Napatawa ako. "Oo nam--"
Natigilan ako sa sasabihin nang mabilisan niya akong hinapit papalapit sa katawan niya! Naramdaman ko ang isa niyang kamay na humawak sa batok ko habang ang isa nama'y humaplos sa aking pisngi! Bumilis ang t***k ng puso ko dala ng gulat sa paglapit ng mukha niya sa akin. Saka ko naramdaman ang mainit at malambot niyang labi na dumikit sa labi ko..
Napapigil ako ng hininga nang maramdamang gumalaw ang labi niya. Pakiramdam ko'y sinipsip niya ang ibaba kong labi! Napakapit ako sa magkabila niyang braso at nagtangkang lumayo subalit mas lalo niya akong hinapit sa katawan niya!
Napapikit ako nang dumiin ang labi niya sa aking labi. Bahagya niya pang inangat ang ulo ko nang sa gayo'y maging komportable ang pagtayo niya. Lumalim ang paghalik niya sa aking labi na hindi ko magawang tugunan. Mabagal iyon at marahan.. dinig na dinig ko ang pagbilis ng pagtibok ng puso ko..
Gano'n na lamang ang paghahabol namin ng hininga nang bumitaw siya sa halik. Idinikit niya ang kanyang noo sa aking noo at sandali pa kaming nanatili sa ganoong posisyon habang habol ang hininga.
Nang bahagya siyang lumayo ay napatitig kami sa isa't isa. Marahan niyang hinaplos ang ibabba kong labi na kinalunok ko pa. Ganoon na lamang ang pagguhit ng emosyon sa mga mata niya.
"Nana.." aniya. "I wish to be your boyfriend."