Chapter 5

1542 Words
"Garlic bread! You are serving me an american meal! Heaven's sake, hindi ako americano. Sa gutom ko, kakain ako kahit na isang buong letchon!" Hinila nya ang brasong hawak nito. Tumalim ang mga mata. "Why can't I please you? Pagkain iyan, ah," angil niya rin na nakalimot sa sarili sa kabiglaanan. "Ericka!" hindi makapaniwalang bulalas ni Anthony. Baka nakakalimutan mo kung sino ang sinisigawan mo?" Hindi makasagot ang dalaga. Bahagyang napaatras. Hindi malaman ni Anthony kung patuloy na magagalit o matatawa. Pinagtaasan ito ng boses ng isang katulong sa unang pagkakataon sa buhay ng binata. "Andoy!" malakas nitong sigaw. Agad na pumasok ang tinawag. Dumukot ng pera sa pitaka nito si Anthony at ibinigay sa lalaki. "Gamitin mo ang kotse at bumili ka ng pagkain sa labas. At dalian mo!" sigaw nito. Kay Andoy ibinunton ang iritasyon. "Yes, sir." Sinulyapan ni Andoy si Ericka bago lumabas na parang sinasabing, "Nakita mo na?" Lakas-loob na sinalubong ng dalaga ang tingin ni Anthony nang muli siyang tingnan nito. Nakatiim ang bagang ng binata. "Sorry, sir.." mahinang wika niya. "Pero sinabi ko na nga sa inyo kanina na..." Pinutol ni Anthony ang sasabihin niya. Itinaas sa ere ang dalawang kamay. "I know... I know. Hindi ka cook, housegirl ang inaplayan mo rito. Heaven's sake!" Naiiritang tumalikod ito at tinungo ang hagdan. Magsa-shower na muna si Anthony habang hinihintay si Andoy. Sinulyapan muli ang dalaga na akmang liligpitin ang mga mesa. Nahinto ito sa pagpanhik. "Leave it! That will serve it's purpose pagdating ni Andoy." Sinundan ng dalaga ng tingin si Anthony hanggang sa mawala ito sa paningin niya. Bukas talaga ay pag aaralan na niyang magluto. Siguro naman ay may cookbook na naitatabi si Nana Inez. Hindi paman siya nakakakilos sa kinatatayuan niya nang marinig niya ang sigaw ni Anthony. "Ericka!" Humakbang siya patungo sa hagdan at tumingala. Nasa b****a si Anthony. Hindi niya maipaliwanag ang ekspresyon ng mukha nito. What is it this time? "Sir?" "Pumanhik ka dito at bilisan mo!" Tila bulkang gustong sumabog ang dibdib nito. Kinakabahang sumunod ang dalaga. Ano na naman ba? Hindi pa man siya nakakaabot sa huling baitang ay mahigpit nang hinawakan ng binata ang braso niya at halos hilahin siya nito papasok sa silid. "Ano ang ibig sabihin nito?" pagalit na tanong ni Anthony na itinuro ang silid. Humigpit pang lalo ang hawak sa braso niya na gusto na niyang umaray. Napahugot ng malalim na paghinga ang dalaga. Nakalimutan niyang totoo ang silid nito! "And I thought you said you are a housegirl!" Bago pa siya nakakilos ay hinila siya nito papasok sa loob ng bany. "At iyan! Paano mo ipaliliwanag sa akin iyang?" Hindi malaman ng dalaga kung ano ang una niyang naramdaman. Ang sakit ng pagkakahawak nito sa braso niya o ang init ng galit na inilalabas ng katawan ng binata. Sa close confinement na iyon ng banyo ay nakadikit ang likod niya sa dibdib nito. Nararamdaman niya ang hininga nito sa batok niya at gustong manayo ng balahibo niya. Ang mga kamay nitong tila bakal sabraso niya ay masakit pero may iba siyang nararamdaman na hindi niya maipaliwanag. Lumingon siya upang mangatwiran at humingi ng dispensa. At dahil nga nasa likod lang niya ito ay halos magyakap sila nang humarap siya. At pagtingala niya ay halos magpang-abot ang mukha nila ng binata na yumuko rin. "Ano ang masasab..." su Anthony na nahinto in mid-sentence. Napatitig sa kanya Theire lips almost touching but not kissing. Kung gaano sila katagal sa ganoong ayos a walang nakakaam. Pareho silang tila itinulos sa pagkakatayo. " Damn!" ani Anthony nang makabawi. Ito ang unang umatras na tila napaso. Bumitaw sa pagkakahawak sa braso niya at lumabas ng banyo. Mabigat ang mga paang lumabas ng banyo si Ericka. Wala na roon ang binata. Nilingon niya ang banyo. What happened way back there minutes ago? Si Anthony ay nasa tabi ng swimming pool at naninigarilyo. Hindi malaman kung magagalit o mapapahiya sa sarili. He really had an erection! Hindi niya mapaniwalaan iyon. At sa isang magandang maid, ha! That little witch in his room must be a dynamite to have done that to him. Isipin mo, from anger t arousal. And just by being close. Abut-abot ang pagpipigil niya sa sarili na huwag itong hagkan at yakapin. He could smell her scent. Roses and sunshine. He taste her breath. At nagdulot iyon ng bolta-boltaheng kuryente sa katawan niya. Pagkatapos ay naisip si Andoy. Kung nagagawa sa kanya ni Ericka ang ganoong damdamin paano pa ang isang ka-level nito? Gusto niyang magalit. Napatuon ang pansin niya sa papasok ng kotse. Sinalubong niya ito at tinawag ang katulong. "Nililigawan mo ba si Ericka?" bungad niya. "Ho?" sagot ng nabiglang si Andoy. "Tinatanong kita kung nililigawan mo siya?' mataas na tono ng boses niya. Nalilitong umiling ang katulong. "Naku, hindi ho, Sir Anthony. Ubod ho ng taray iyang si Ericka. Talo pa nga niyan si Ma'am Wilna kung magtaray, eh." Nakahinga ng maluwag si Anthony. "Bakit ho Sir?" " Wala. Sige, dalhin mo na sa loob iyang pagkaing at ikaw na ang maghanda." Pagkatapos ay muling bumalik sa pool. Ano ang nangyayari sa kanya at pati si Andoy ay sinita niya? Eh ano kung ligawan nito ang housemaid niya? Binata si Andoy at normal lang na magligawan ang parehong katulong. Nagkagulo na ang emosyon niya. Pagalit na inihagis sa lupa ang sigarilyo at pumasok sa loob. Kinabukasan ng hapon ay maagang umuwi si Anthony pero may kasama ito. "Ericka, pakidalhan mo kami ng juice sa swimming pool," utos ni Anthony sa kanya. Inakbayan ang babae patungo sa guestroom. Isang tango ang isinagot ng dalaga na sinulyapan ang babaeng kasama nito. Tall and pretty. Very alluring. Another of his women? Tiyak iyon. Mabigat ang dibdib na ginawa niya ang iniuutos ng binata. Habang nagtitimpla siya ng juice ay nakita niyang lumabas ng guestroom ang mga ito. Naka-bikini na Ang babae at si Anthony naman ay naka-swimming trunks. Kung pwede lang na kay Andoy niya iutos ang paglalabas ng juice. Naiinis siya. Get hold of your self, Ericka, aniya sa sarili. Wala kang karapatan sa damdaming iyan. Nasa pool ang dalawa na tila mga sawang nagpupuluputan nang lumabas siya. Iniwas niya ang mga mata sa mga ito at tahimik na inilapag ang juice sa bilog na mesa. Akma na siyang papasok sa loob nang tawagin siya ng babae. "Hey, you! What's your name?" Napahinto siya at paghakbang ay nilingon ito. Ilang segundo ang pinalipas niya bago pormal na sumagot na nakataas ang noo. " Ericka." Kumawala mula kay Anthony ang babae at lumapit sa tagiliran ng pool. "Ngayon lang kita nakita dito." Hinagod siya nito ng tingin. "Ngayon din lang kita nakita dito," aniya sa pormal na tinig. Nanlaki ang mga mata ng babae. Nilingon si Anthony. "Did you hear that, Anthony? You have a very arrogant maid here. Walang galang kung sumagot. I can't believe it!" Muling ibinalik kay Ericka ang tingin. Nililipad ng hangin ang buhok niyang nalimutan niyang ipisod kanina dahil basa pa. Kumikislap ito na tinatamaan ng araw. Like a raven's wing. Nagsalubong ang mga kilay ng babae. "Hindi mo ba ako nakikilala?" Hindi nagbago ang ekspresyon ng dalaga. "Yvette Andrada. Calendar girl," aniya Nahuli niya ang pagtaas ng mga kilay ni Anthony at ang amusement sa mga labi nito. "Kung wala na kayong kailangan, Sir Anthony, may gagawin pa ako sa loob." "Sige na, Ericka," sagot ng binata. Iyon lang ang hinihintay ng dalaga at mabilis na tumalikod. "Hinayaan mong ganoon ang gawin niya sa akin?" ani Yvette sa binata "C'mon, Yvette. Pati ba naman ang maid ko ay pinag-iinitan mo?" "Pero nakita mo naman at narinig, diba?" "Wala naman siyang sinabing masama.Sinagot niya ang tanong mo. And aren't you flattered she recognized you?" "Not at all. Nang sabihin niya ang pangalan ko ay tila napakapait nito sa dila niya. Why I haven't met a hired help like that." Sinundan nito ng tingin ang dinaanan ni Ericka. "Or maybe because you've found my maid very pretty kaya pinagkaabalahan mo siyang tawagin?" amuse na tanong ni Anthony. Ikinawit ng dalaga ang mga braso sa leeg ng binata at malambing na sumagot. "I am a very jealous woman, Anthony. Alam mo naman iyon. And I have to admit that she's somewhat attractive. Nasaan na ba si Selling?" Nagkibit balikat ang binata. "Pinauwi na ng ama. Bakit ba ang mga katulong ang pinag uusapan natin?" Hinawakan nito sa ulo ang babae at inilubog sa tubig. Pagkatapos ay sumisid. Parang mga isdang naghabulan ang dalawa sa ilalim ng malaking swimming pool. Nakitang lahat ni Ericka iyon na nasa balkonahe sa itaas. Mabigat ang dibdib niya. Nagseselos ba siya? Nakatitig pa rin siya sa mga ito nang lumutang ang dalawa at maghalikan. Gusto niyang umatras papasok sa loob ng silid pero parang ipinako ang mga paa niya sa pagkakatayo. Mariing hinagkan ng binata si Yvette. Pero sa pakiramdam nito'y may nagmamasid sa kanila. Nagmulat ng mga mata. Naroon si Ericka sa balkonahe sa dating silid ni Angelo. Kung bakit biglang inihinto niya ang paghalik kay Yvette at walang kibong lumubog sa tubig. Angel: hello po paki support po para ganahan ako Lalo mag update araw araw,. oo araw araw na po nainspire ako sa inyo eh, and thank you po pala sa inyong mga nagbabasa nito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD