Chapter 4

1762 Words
Ano ba ang kinakain mo sa inyo at pati pagpiprito ng itlog ay hindi mo alam?" hinaluan nito ng kaunting galit uli ang tinig. "Kamote ho...at saging," ang naisagot ng dalaga na nabigla sa tanong. "Kamote at...oh, dear! What have I got here?" bulong ng binata na abut-abot ang pagpipigil sa sarili. Hindi mapigil ni Ericka ang mangiti sa itsura ni Anthony. Nahuli ng binata ang ngiti nya at nagsalubong ang mga kilay nito. Lord, the witch is prettier when she's smiles! "Bigyan mo nalang ako ng instant coffee!" pilit nitong itinatago sa galit na tinig ang admiration. Sa pakiwari nito ay sumikat ang araw sa dining room ng ngiting iyon. Pagkatapos ibigay ni Ericka ang instant coffee ay tahimik niyang pinanood ang binata sa pag-inom ng kape. Ano ba naman ang naka-attract sa akin sa iyo, gayong marami nanang nanligaw sa aking mga gwapo at macho rin naman? bulong ni Ericka sa sarili habang nakatitig sa binata. And to think you're the greatest womanizer of all! Nalala niya ang pangyayari sa Landmark kung saan nahuli nila ni Wilna ang binata na kasama si Lucille. Litong-lito ang isip niya noon dahil ang alam niya'y ikakasal na ito kay Wilna pero sige pa ring nakikipag-date sa ibang babae. Inaasahan din niyang magagalit at magseselos si Wilna pero di ganoon ang nangyari. Iyon pala'y dahil si Angelo nga ang iniibig ni Wilna. Pagkatapos ay inisip niya kung magkaka-crush siya kay Angelo kung binata pa ito considering na identical ito at si Anthony. Napailing siya nang wala sa loob. Mas type niya si Anthony at tingin niya'y mas gwapo ito. "Bakit ka umiiling mag-isa?" usisa ni Anthony sa kanya. Bahagyang nagulat si Ericka. Napatitig nang husto sa binata. Her dark eyes ang slightly parted lips ay sapat na para umiwas ng tingin si Anthony. "Sa itaas ko na tatapusin itong kape." "Yes, sir." She's sick and tired with her dialogue. Pagkaalis ni Anthony ay tinawagan ni Ericka ang abogado niya ng long distance. "Si Ericka po ito Attorney Rivas, yes...how's everything?" Sumulyap siya sa kusina dahil baka pumasok ni Andoy. "So far ay wala akong nakikitang problema, hija. Nabigla at nagulat si Adrian sa termination letter mo. Inaasahan kong gagamitin niya ang Labor Union para muling mabalik sa trabaho pero hindi nito ginawa," anang abagado sa kabilang linya. "Dahil alam niyang pag dinala niya sa union ang bagay na ito ay hindi maaaring hindi siya gagastos at alam niyang wala siyang ikakaya doon. Iyon ang dahilan, Attorney," pagalit niyang sagot. "Nag-aalala sa iyo si Edelfa, hija.Tinanong sa akin kung nasaan ka. Nasaan ka nga ba, Ericka? It has been three months mula nang umalis ka. Why don't you go home and stop this foolishness?" patuloy ng nag-aalalang si Attorney Rivas. Ang corporate lawyer at isa sa mga director ng Alonzo Undergarment Corporation. "Kung hindi ko ginawa ito, attorney, my mother would have been married by now to that good for nothing opportunist!" Napangiwi ang abogado sa kabilang linya. "Eh... Ericka, hija, ang mommy mo at..." hindi nito naituloy ang sasabihin dahil muling nagsalita si Ericka na nasulyapan si Andoy na pumasok. "Saka na lang tayo mag-uusap uli, attorney," pagkasabi noo'y ibinaba na niya ang telepono. Sumandal siya sa sofa at pumikit. Alam niyang tama ang ginagawa niya. Kung hindi siya umalis ay tiyak na nagpakasal na ang mommy niya kay Adrian. "Hoy, Ericka, linisin mo na ang kusina. Bakit ka natutulog diyan?" sita ni Andoy. Bigla ang pagmulat niya ng mga mata at tinitigan nang matalim si Andoy. Hinagod ng tingin mula ulo hanggang paa. Tumayo siya. "Huwag mo akong pagtaasan ng tono, Andoy," aniya sa nagtatagis na mga bagang. "Kaya kitang bayaran." Sinabayan niya ng talikod patungo sa kusina. Nagkamot ng ulo si Andoy. "Sinabi ko lang na maglinis, nagtaray na agad. Ang ganda-ganda mo pa naman, saksakan ka ng sungit," bulong nito. Sinundan ni Andoy ng tanaw ang dalaga. Naiilang ito sa kanya. Mataas ang dating niya kay Andoy, na hindi akma sa isang katulong. At tama naman ito sa pag-iisip na mas sosyal pa siya kumilos kaysa sa Ma'am Wilna nito. Si Ericka ay sa silid ni Anthony nagtuloy upang maglinis. Ito rin ang unang pakakataong mapapasok siya sa silid ng binata. Si Nana Inez ang sa tuwina'y nag-aasikaso ng mga gamit ng magkapatid. "Nakup...!" bulalas niya sa nabungaran. "Ganito ba lagi ang silid ng lalaking iyon?" Magulo ang kama. Nagkalat sa sahig ang mga pinagbihisan. Bukas ang closet ng mga damit at may naka-hanger, na marahil sa paghugot ng isusuot ay nabagsak. Dalawang drawers sa chest ang naiwang nakabukas at gumulo ang laman dahil siguro sa paghahalungkat. Nakabukas ang pinto ng banyo at tuluy-tuloy siya roon. Nakita niyang nasa tiles ang underwear at basang tuwalya. Sa marmol na lababo ay hindi ibinalik ang toothbrush sa pinaglagyan. Hindi tinakpan ang toothpaste. Bukas din ang bote ng aftershave nito. Nanlulumong bumalik siya sa silid at naupo sa stool ng dresser. "Anong gagawin ko?" Gusto na niyang maiyak. "How do I start fixing all these things?" Gusto niyang tawagin si Andoy at sabihing ito ang maglinis ng silid pero alam niyang hindi susunod iyon. Maliban pa sa hindi naman pumapanhik si Andoy sa itaas kung hindi tinatawag ni Nana Inez upang gamitin sa silid ang floor polisher. Gusto niyang hangaan si Nana Inez sa matapat na pagtingin nito sa magkapatid. At nakadarama siya ng guilt na mula nang mawala si Selling ay inako na ng matanda ang gawain nito. Siya ay papunas punas lang ng alikabok. Gawin niya ngayon ang gawain ng matanda at ni Sellin. Tumayo siya. Inikot ang mga mata sa loob ng malaking silid. "I'll take care of you later. Unahin ko muna ang ibang silid na punasan ng alikabok. Yes, that's right." Lumakad siyang palabas at isinara ng paa ang dalawang nakabukas na drawers. Naipit ang ilang mga naroong underwears pero hindi niya pinansin. At iyon nga ang ginawa niya. At dahil nga matagal-tagal na ring hindi gaanong nalilinis ang buong kabahayan mula nang umalis si Selling ay talagang nahirapan siya. "Ericka, hindi pa ba tayo? Pasado ala una na," si Andoy na katatapos lang linisin ang lawn. "Ha?" Nagulat pa siya sa tanong na iyon. Talking of food, nakadama siya ng gutom. "Magbukas na lang tayo ng de lata, Andoy. Marami kasing naipong linisin dahil hindi naman nakapag-general cleaning mula nang ikasal sina Angelo at Wilna, di ba? "Puwede na ang sardines." Umabot ito ng de lata sa kabinet at pagkatapos ay nagbukas ng mga kaldero. "Wala bang sinaing dito? Malinis ang rise cooker, ah." Ngumiti siya. "Hindi na kailangan. Sanay naman ako sa slice bread. Butter and tost will be fine and a glass of juice." Sinabayan niya ng kibit balikat. Nakangangang tinitigan siya ng lalaki. "Ano ba ang pinagsasabi mo, Ericka? Tinalo mo pa roon si Ma'am Wilna, ah. Hindi puwede sa akin ang tina-tinapay lang at hindi ako mabubusog doon. Teka nga at ako na ang magsasaing," Padabog nitong kinuha ang rise cooker at tinapunan siya ng matalim na tingin. "Pa-englis-englis ka pa riyan." Isang tawa ang pinakawalan niya paglabas ni Andoy. Ano kaya ang magiging reaksyon ng mga tao rito pag nalamang nagmamay-ari siya ng isang multi-milyon export and import business? Pagod siya.At kahit na ganoon ay hindi niya makuhang itanggi sa sariling nag-i-enjoy siya sa ginagawa niya. Hindi namalayan ni Ericka ang paglipas ng mga oras sa dami ng ginagawa. Mabuti na lang at marunong siyang gumamit ng washing machine. Itinuro iyon sa kanya ng lola niya noong siya'y nasa Amerika. "Pasado alas-singko na, Ericka. Magluto ka na at baka umuwi na si sir Anthony. Iwan mo na sa akin iyang mga halamang ipapasok," sabi ni Andoy. "Para namang hindi mo kilala si Anthony, Andoy. Lagi nang sa labas kumakain iyon," katwiran niya. "Oo nga. Pero pag walang date at appointment ay dito kumakain si sir Anthony. At dito man siya kumakain o hindi ay lagi nang may inihahandang pagkain ang Nana Inez," pilit nito. Kanina pa inoobserbahan ni Andoy si Ericka. Kaunting trabaho lamang ay matagal gawin at kung wariin nito'y hindi marunong magtrabaho ang dalaga. "Sige na nga. Ano ba ang lulutuin ko?" "Maraming laman ang ref. Bahala ka na," pagkasabi'y lumabas na ito. Kumpleto ang laman ng freezer. Oh dear! Ano ba ang alam niya sa pagluluto? Buong buhay niya'y dumudulog na lamang siya sa mesa. Hindi na bale ang paglilinis. Simpleng common sense lang iyo. Bahala na. Alas-siyete ng gabi at katatapos pa lang niyang maligo nang marinig ang pagpasok ng sasakyan ni Anthony sa garahe. Kinabahan siya. Kanina pa niya ipinanalangin na sana'y may appointment ito sa labas. Subalit mukhang hindi narinig ang panalangin niya. Lumabas siya ng silid upang salubungin ang amo. Inilapag ng binata ang attache case sa center table at niluwagan ang necktie. Mukhang pagod ito. Marahil ay pinangatawanan na nito ang trabaho sa kumpanya ng mga Avila. "Good evening sir," bati niya rito na sinagot ng binata ng tango. "Gusto ninyo ng kape?" Nagsalubong ang mga kilay ni Anthony. Ngumiti siya. "Hindi na po kapareho kanina, sir," Don't smile at me like that! gustong sabihin ng binata. Iniwas ang tingin at tinungo ang bar. Nagsalin ng alak. "I'll have a shot bago maghapunan." Muli siyang sinulyapan at hinagod ng tingin. Checkered na pink and white ang suot na uniporme ni Ericka. Nakahapit iyon sa katawan ng dalaga. Not voluptous but she has the curves in all the right places. Plus a perfect behind. Uso na ba ang seksing housemaid ngayon? anito sa sarili. At kailan pa naging seductive ang dating ng uniform ng maid? Shut up, Anthony! Pati maid ay pinag-uukulan mo ng pansin, saway nito sa sarili at mabilis na inubos ang laman ng kopita. Tumalikod si Ericka papasok ng dining room. Gusto niyang matunaw sa tinging ipinukol ni Anthony sa kanya. Ganoon ba talaga tumingin ang lalaking iyon? Why he could melt her knees with those eyes! "Ano ang hapunan?" tanong ni Anthony na sumunod. Inalisan ng takip ang mga serving bowls. "Ano ito? At ito?" "Canape, sir. Vegetable salad and cheese ensalada," nakangiti niyang sagot. Mahusay siyang gumawa ng cheese ensalada. Natutuhan niya iyon sa Mexico noong naroon siya. Wala marahil maipipintas ang binata roon. "Alam kong canapes ito at alam kong salad ito!" tumaas ang tono ni Anthony. Maghapon siya sa meeting na puro kape ang laman ng tiyan niya. "Nasaan ang main course? Ano ang ulam? These are all appetizers!" "May garlic bread. Inilagay ko sa oven para tostado pagdating ninyo. Kukunin ko." Bahagya siyang ninerbiyos sa tono ng binata. Akma siyang tatalikod nang hawakan ni Anthony ang braso niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD