Walang gawain! Hindi siya makapaniwala.
Halos kasing laki rin ito ng bahay nila at
maliban sa security guard ay tatlo ang katulong na babae. Pang-apat si Nana Inez at isang hardinero at driver.
"Ilan ho ang silid ng bahay na ito?"
"Pito. Apat na malalaking silid sa itaas,
dalawang guest room at isang sa akin."
At walang gawain, ha? ang nasa isip niya.
"Kami ang bahala ni Andoy sa mga gawain, Ericka. Kung talagang hindi mo gustong ipaalam ang totoo, sikapin mong gampanan ang tungkulin mo pagkaharap ang magkapatid gayundin sa harap ni Andoy para walang problema."
"Salamat ho, Nana Inez. Hayaan niyo at pagkatapos kong turuan ng leksiyon ang Mommy ay makagaganti rin ako sa inyo."
Iiling-iling ang matanda. Ang mga anak na ngayon ang nagtuturo ng leksiyon sa mga magulang. Sa nakikita niya sa kaharap ay pinalayaw ito ng mga magulang.
"May dalawang servant's quarter sa labas ng mansion at doon natutulog si Andoy. Ang isang pinto ay si Seling ang gumagamit at iyong dati pang isang katulong. Pero sasabihin ko sa magkapatid na ikaw ay sa silid ko na rin gustong patulugin."
"But of course!" may pagka arogante niyang sagot. Hindi ko maisip ang sarili kong matulog sa servant's quarter."
Napatitig ang matanda sa kanya. Maliban sa pagiging arogante ay spoiled ang dalaga. At ang nakapagtataka ay hindi naiinis ang matanda sa kanya.
Gayung kung tutuusin ay parang utang na loob pa nitong paglingkuran o ibigay sa dalaga ang magandang akomodasyon.
Kung paanong nagustuhan agad ni Nana Inez si Wilna noong unang dalhin ni Anthony ang dalaga sa mansion ay ganon din kagaan ang loob nito kay Ericka. Ang kaibahan nga lang ay likas na mahiyain si Wilna.
"Tara na sa loob hija. Ang nakita mo kanina ay si Anthony. May isa pa siyang kapatid, si Angelo.
Kambal sila at
magkamukhang-magkamukha. Ang babae naman kaninang kasama kong dumating ay si Wilna. Ang kasintahan ni Anthony at nakatakdang pakasal." Tumayo ang matanda at sinundan naman niya.
Habang naglalakad sila sa gilid ng pool ay hindi niya maalis sa isip ang anyo ni Anthony.
At nakatakda na pala itong pakasal .
Ito ang unang araw ni Ericka sa bahay ng mga Avila na wala si Nana Inez. Nasa tagaytay ito sa pakiusap na rin ni Angelo dahil nasa ikatlong buwan na ang tiyan ng asawang si Wilna.
Natatawa na naiintriga siya sa nangyari sa buhay ng magkapatid na Avila.
Ang kasintahan ni Anthony na si Wilna ay sa kapatid nitong si Angelo napakasal. At sa tingin niya ay hindi naman dinamdam ni Anthony ang pangyayari.
Siguro nga, dahil nakikita nito kung papano magtitigan sina Angelo at Wilna. Their hearts in their eyes. Parehong matindi ang pag-ibig sa isa't isa.
In one way or another, nag-i-enjoy siya sa pananatili niya sa bahay ng mga Avila. Hindi niya maiwasang hindi humanga sa magkapatid. Parehong magandang lalaki. Si Angelo ay seryoso ang klase at tipong dominante. Si Anthony ay happy-go-lucky sa tingin niya. The greatest womanizer pero brusko. Type niya ito. And she's glad, real glad na hindi ito nagkatuluyan at si Wilna.
At ngayon nga'y kinakailangang ihanda niya ang almusal ni Anthony. Mayamaya lang ay bababa na ito para mag-almusal. Ano na nga ba iyong laging inihahain ni Nana Inez?
Natapos niyang ihanda ang mesa nang bumaba ang binata. "Ano ang breakfast?" wika nito habang nagtatali ng necktie. Pagkatapos ay hinila ang upuan at naupo.
Mabilis niyang dinampot ang percolator upang salinan ng kape ang tasa nito. Tulad ng ginagawa ni Nana Inez.
Si Anthony nama'y nakatitig sa mga brasong nakahawak sa percolator. Morena pero makinis ang balat ni Ericka at may pinung-pinong balahibong pusa. Tila tinutukso ang binata na damhin iyon. Sadya at patay-malisya nitong idinikit ang sariling braso sa braso ng dalaga.
Bagaman banayad ay napapitlag si Ericka. Agad na iniatras ang kamay at sumala ang buhos ng kape mula sa percolator at natapunan ang kamay ng binata.
"Ouch!"
"Naku sir sorry ho!" Mabilis niyang ibinaba sa mesa ang percolator. "Hindi ko sinasadya," hindi niya malaman kung paano hihingi ng dispensa.
Mabilis ang ginawang pagtayo ni Anthony, tinungo ang lababo at pinatuluan ng malamig na tubig ang nabanliang kamay. Kahit napaso ay hindi nito maikakailang kagagawan nito ang nangyari. Bakit ba naman tila itong isang pilyong teenager sa edad niyang iyon.
"Hindi ko sinasadya, sir Anthony," si Ericka uli na inabutan ang binata ng malinis na pamunas. Bakit ba naman tila siya napaso sa pagkakadikit na iyon ng binata sa braso niya?
"It's alright. Ipaubaya mo na sa akin ang paglalagay ng kape sa tasa ko."
Tinanggalan nito ang takip ang mga naroon sa mesa. "Ano ito?"
"Bakon ang egg, sir."
"Itlog? Piniritong itlog!" Nagsasalubong ang mga kilay na tinusok-tusok nito ng tinidor ang puti na nagkulay brown dahil nasunog.
At ang pula nama'y na-overcooked at humalo na sa puti.
"Pinirito nga, sir Anthony."
Binalingan ng binata ang bacon na bukod sa idinaan lang yata sa kawali ay naliligo pa sa mantika.
Napapikit na tinutop ni Anthony ang noo.
"H-hindi n'yo ba gusto ang almusal na ito?"
painosenteng tanong ng dalaga.
"I don't think I'm hungry. Magkakape na lang ako." Tinimplahan ni Anthony ng asukal ang nasa tasa at hinigop. Agad ding muling ibinaba at nilingon siya.
"Ikaw ang naglaga nitong kape?" paangil nitong tanong.
Tumango si Ericka.
"Are you sure you know what you have been doing? Ang itlog mo, sunog maliban pa sa naghalo na ang puti at pula. Sanay binati mo na lang.
Itong kape mo ay tila tubig na kinulayan.
May goodness, kahit hindi ka marunong magluto pero ang mag brewed ng coffee man lang sana!
May instructions naman sa likod ng label!" pagalit nitong sinabi.
I didn't bother to read the instructions! gustong sabihin ng dalaga. "English ho ang nakasulat doon, sir ang sa halip ay nasabi niya. May halong panunuya ang tinig na ikinataas ng ulo ni Anthony at tinitigan siya ng masama.
"Eh, sir, hindi naman kasi ako sanay magluto," sanay akong ako ang ipinagluluto, gusto niyang idugtong. How dare this man na angalan siya?
Wala pang gumawa sa kanya nang ganoon. Pero nagpigil siya.
Pumasok siyang maid kaya magdusa siya.
"House girl naman ho ang inaplayan ko dito, di ba, sir?"
How could she afford to look so cute sa pagbibigay-katwiran sa kapalpakan! wika ng binata sa sarili at napapikit.
"Puwes, dahil wala si Nana Inez ay pag-aralan mong matutuhang magluto nang ganyan kasimpleng lutuin.
Angel: cut Po muna tayo
pasupport pOH and pa follow n'yo narin ako para sa sunod Kong story Angel M. Llantada t.y??