Dreams Sa nanginginig na mga kamay at tuhod, nagawa kong magmadali patungo sa aking sasakyan habang nagtitipa ng mensahe sa sekretarya. Me: What hospital? I'm on my way. Hindi nagtagal ay natanggap ko na ang mga detalye kaya naman kumaripas na ako ng takbo patungo sa aking sasakyan, hindi na alintana ang mga luhang nagbabadya nang pumatak. Having a preoccupied mind while driving may be wrong but nothing can stop my river of thoughts from flowing. Tuwing may namumuong luha ay agad kong pinapalis,hindi dahil takot na lumabo ang paningin at mabundol, kundi dahil takot na hindi makita si Ghunter sa lalong madaling panahon. Pagkarating sa address ng ospital na sinend sa akin ni Dorothy ay mabilis akong pumanhik sa lobby. Agad kong napukaw ang atensiyon ng mga nurse doon dahil marahil sa a

