Collapse "C, nagri-ring ang phone mo," ani Wendy. Nang maproseso ang kanyang sinabi ay nagpaalam na ako sa kagrupo ko para lapitan si Wendy na kasalukuyang hawak-hawak ang aking phone. "Salamat," I said. "Pahiram ulit, ha? Hindi ko pa naka-copy 'yung file," abot niya sa akin sabay salikop ng mga kamay. Naparolyo ako ng mga mata habang tinitignan kung sino ang tumatawag. It's Thea. Sinilip ko muna si Wendy bago ilapit ang phone sa tenga nang sagutin ko iyon. "Am I your database or something?" I scoffed and shook my head. Tinawanan niya lamang ako at nagpasalamat saka na umalis sa upuan ko. "What are you talking about?" I heard from the other line. "Wala. Kausap ko si Wendy," I answered to Thea. "Bakit ka napatawag?" I fixed the stuff on my table that Wendy used. She probably just

