Back to Normal "I'm okay..." ani Colt. Sinimangutan ko siya. Bumalik ako sa mini ref para idampi ulit ang bimpo sa malamig na tubig. "Giniginaw na ako," pahabol niya. Kanina pa siya nagmamakaawa na tigilan ko na ang pagpunas sa kanya ngunit binabalewala ko iyon. "Kailangan na nating makapasok bukas. Running for Valedictorian ka, Colt..." sabi ko sabay balik sa upuan at pinunasan ang kanyang noo. Minulat niya ang kanyang mga mata. "It doesn't make sense. Not a reason." Hindi na ako nagsalita. It doesn't make sense? Siya itong walang sense kausap. Kanina pa siya angal nang angal pero hanggang doon lang talaga iyon. Kung talagang ayaw niya, puwede naman siyang tumagilid o pigilan ang mga kamay ko sa pagdampi sa kanya pero hinahayaan niya lang ako. Ano nga iyon? 'Yung tawag sa mga gani

