Excuse Me Year 2019 "Never, Coleen. Kahit hindi mo na hingiin sa akin ay iyon ang gagawin ko... If I leave you, it'll be the death of me." "Ms. Allester!" Naputol ang mga pababalik-tanaw ko nang marinig ko ang aking pangalan sa isang galit na tono. It was new. Hindi ako madalas na napapagalitan ng mga professor and I was considered as one of the brightest students in the university. Lahat ng mga kaklase ko ay nakatingin sa direksiyon ko ngayon at parang gusto ko na lang na lamunin ako ng lupa. Kapag minamalas ka nga naman. Major subject ko pa ito! Damn it! Pinukulan ako ng mataray na tingin ng aming professor bago muling bumalik sa pagdi-discuss. Medyo nabunutan ako ng tinik dahil doon. Mabuti na lang ay pinalagpas niya ako sa ngayon. Crap. It will never happen again, alright! Kina

