17. BE MINE

1229 Words
“Hannah and I were getting married one year ago,” anas ni Doms habang nakatitig ito sa kanyang mga mata. Nanantya ang mga mata nito at nakikita niyang nilalakasan nito ang loob para sabihin ang lahat ng nakaraan nito sa kanya. Nabibigla siya sa sinasabi nito ngunit hinintay pa rin niya itong nagpatuloy. “Nurse din siya dati sa Saint Matthew. Two years din ang itinagal ng relasyon namin bago kami magdesisyong magpakasal.” Anito saka napabuntong hininga. Tumingin ito sa malayo. “My brother… he hates me so much.” Anas nito at naghihinanakit na napailing. “Sana, hindi na niya dinamay pa si Hannah. The night before our wedding, itinanan siya ng kuya ko. Nawala sila ng mahigit isang buwan at pagbalik nila, kasal na sila. Ang masama… Hannah fell in love with my brother. Wala na sanang kaso sa akin kung ano pa ang nangyari sa kanila sa loob ng isang buwan. Ang mahalaga, ako pa rin ang mahal niya pero nagiba na siya ng makabalik siya.” “I was angry that time. Sa galit ko, nagkaroon kami ng mainit na pagtatalo ng kuya ko. I couldn’t understand his anger. Malapit kaming magkapatid noong mga bata pa kami. Nagbago siya ng pakikitungo sa akin noong muntikan na akong mamatay. Wala ang parents namin noon. They were both out of the country. Katulong at si kuya lang ang kasama ko. I was ten years old that time. Umakyat ako sa puno sa likod namin at nahulog. Ang malala doon ay may pumasok na kahoy sa paa ko. Ginamot niya iyon noon at inalis. We thought it was fine. Hindi na ako nagpadala sa ospital noon dahil natatakot ako. But that was the reason I almost died. Na-tetano ako noon at severe.” Napahinga ito ng malalim. “My parents were mad at him. After that, he always stays out of my way. Nagbago din ang pakikitungo ng parents namin sa kanya.” anito saka natawa ng bahaw. “That’s why, he always says that I was the favorite.” “D-doms…” anas niya at nakakaunawang hinaplos niya ang mukha nito. Nakaramdam siya ng matinding simpatya dito at lubos na naunawaan kung bakit ganoon ang kuya nito. Gusto niyang ipabatid dito na nauunawaan niyang hindi nito ginusto ang lahat. Nadarama niya ang lungkot nito at parang sinasakal ang puso niya. Napatuloy ito. “Pero kahit ganoon ang nangyari, hindi ko inabuso ang kabaitan ng mga magulang ko. Siguro gusto lang nilang bumawi dahil kung nataon na nandoon sila, siguro ay hindi mangyayari iyon. Nauunawaan ko sila lalo na ang kuya ko. So I tried everything to get close to him.” “But Hannah came to our lives.” Anito saka napabuntong hininga. “Naiintindihan mo naman siguro na kinalingan kong umalis sa Saint Matthew para makahinga pagkatapos ng lahat. Sumikip ang Saint Matthew sa aming tatlo kaya nagpasya muna akong magpalamig. I travelled a lot to forget her. Kinausap naman niya ako bago umalis nang masinsinan. She was sorry because she felt out of love…” Naluha siya sa dinanas nitong sakit. Pakiramdam niya ay nandoon siya nang oras na iyon at parang sinisipa ang sikmura niya. Her heart broke for him… “Doms… I’m… I’m sorry to hear that,” naluluhang saad niya at niyakap ito. Gusto niyang ipadama dito na nandoon siya at magiging masaya pa ito sa kabila ng naging kabiguan nito. Na mayroong isang tao na kahit kailan ay hindi mananakaw ng kuya nito dito. At siya iyon… “Hey… are you crying?” natatawang anas nito saka siya nito tinitigan. Nagtiim ang bagang nito at ito mismo ang nagtuyo sa luha niya. “Ara… I’m okay. I moved on. What made me sad was my brother. Natanggap ko na ang nangyari sa amin ni Hannah. Wala na rin siya dito sa Pilipinas. Nasa states siya kasama ang tatay niyang may sakit. Siya ang nagaalaga. Dinadalaw siya doon ni kuya.” “Pero nasaktan ako sa mga narinig ko, Doms…” amin niya rito at napayuko. “Hindi ko maisip kung paano nagawa ni Hannah na kalimutan ka sa loob ng maigsing panahon. You are kind, Doms…” Masuyo itong ngumiti sa kanya. “Maybe she didn’t love me that much and I learned to accept that. Hindi ko lang inaasahan na magmamahal pa akong muli. Noon, iniisip ko na hindi na siguro ako magmamahal pa. Imagine the heartaches I had? Siguro iyon ang dahilan na kahit tanggap ko ang lahat ay hindi na ako umasa pa.” anito saka hinaplos ang pisngi niya. “But you came, Ara…” “Doms…” anas niya at humigpit ang dibdib niya kakahintay sa muli nitong sasabihin. “You came and now we’re okay. I have no intentions on letting you go. Do you want to make this formal? God… I would really love to call you mine…” anitong punong-puno ng lambong ang mga mata. Napasinghap siya. “Doms…” “If you still felt something for Domeng, I’ll wait, Ara.” Naiyak siya at niyakap ito. Natutuwa siyang marinig na sa kabila ng pinagdaanan nito ay handa pa rin itong sumubok. Na handa pa rin itong maghintay. Gayunman, alam niya ng oras na iyon ay mayroon siyang damdamin dito at si Domeng ay mananataling naging parte ng pangarap niya noon. “I love you…” anas ni Doms at tinitigan siya nito sa mga mata. “Please… be mine, Ara…” “I love you too…” amin niya rito at hinawakan ang pisngi nito. Nakaramdam siya ng kiliti sa palad dahil sa pagtawid ng init nito sa balat niya. “Aaminin ko na Doms… mahal kita at pumapayag ako na magsimula tayo. I am very much willing to be yours,” Napatanga ito sa kanya. Nang makabawi ay parang namutla pa at napakurapkurap. Mukhang hindi inaasahan ang pasabog niya. Nahihiyang napayuko tuloy siya. “Y-you love me?” Tumango siya. “Y-Yes…” anas niya at kabadong napalunok. Ang hirap palang umamin! Alumpihit tuloy ang puso niya. “Hindi ko alam kung kailan nagsimula Doms. Basta ang alam ko… hindi na si Domeng ang iniisip ko kundi… ang makasama ka.” “God…” anas nito at nabigla na lamang siya ng bigla siya nitong niyakap ng mahigpit. Natawa siya na naiiyak tuloy dahil dama niya ang labis nitong kaligayahan. “I love you so damn much!” Natatawang tinapik niya ang likuran nito. “Magsimula tayo, ha.” Anito saka hinaplos ang mukha niya. Tila natuturete na hindi niya mawari. Napatili ng yakapin siya nitong muli at umangat siya sa ere. “Doms!” awat niya rito. “You made me the happiest man alive, Ara!” Kusang namigat ang talukap ng kanyang mga mata ng gawaran siya nito ng mainit na halik. Awtomatikong niyapos niya ang leeg nito samantalang pumalibot ang braso nito sa katawan niya. It felt so perfect and she was indeed happy. Iiwanan nila ni Doms ang lahat ng negatibong damdamin at nakaraan kung saan iyon nararapat. Magsisimula sila nito at alam niyang magiging lubos ang kanyang kaligayahan dahil kasama niya ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD