“Romina, nasa trabaho ako! Hindi kita mapupuntahan ngayon. I’m sorry,”
Napatingin si Ara kay Domeng ng ibaba nito ang cellphone. Napahagod ang kaibigan niya sa buhok at napailing. Ilang araw na niyang napapansing aligaga ito. Hindi siya nito masyadong kinakausap magmula ng ibalita niya ritong nobyo na niya si Doms.
Napahinga siya ng malalim. Gustuhin man niyang pagaanin ang kalooban nito ay hindi na siya kumilos. Kaibigan pa rin niya si Domeng pero iginagalang niya ang relasyon nila ni Doms. Alam nito ang history ng damdamin niya noon kay Domeng at ayaw niyang makasira iyon sa magandang samahan nila.
Kailangan niyang magingat sa kilos pagdating kay Domeng. Mahal niya si Doms at alam niyang isang kilos lang ang gawin niya para sa kaibigan ay baka magtampo si Doms. Alam naman niyang hindi makipot ang pagiisip ng nobyo pero gusto pa rin niyang ingatan iyon.
“Hon,” untag niya kay Doms. Pabulong iyon para hindi sila tudyuhin sa station. Napapansin na ng mga kasamahan nila ang sweetness nila sa isa’t isa kaya tinutukso sila. Gayunman, pinakikita pa rin nila na propesyunal sila at pasimple lang kung maglambingan. “Nagluto ako ng paborito mo, ha. Huwag ka ng magpabili ng lunch sa labas,”
Nakangiting tumango ito sa kanya. Nagtungo na siya sa mga lalagyanan ng charts at kinuha ang chart ng pasyente niya. Napasinghap na lamang siya ng tabihan siya ni Doms at may isinilid sa bulsa niya ng pasimple.
“It was just a note. I love you,”
Kinikilig na napangiti siya ng umalis na ito para pumunta sa sarili nitong pasyente. Ginawa na rin niya ang trabaho at nang matapos iyon ay nagtungo siya sa CR. Kinikilig na binuksan niya ang maliit na liham.
Honey,
You are my honey forever…
Your Doms
Kilig na ibinulsa niya ang liham at hindi niya mapigilang mangarap. Forever daw! Diyos mio… tunaw na tunaw ang puso niya. Napakaromantiko talaga ni Doms kahit saang anggulo. Ito pa mismo ang nagsuhestyon na tawagan nila ang mga magulang niya para ipaalam ang relasyon nila. Agad naman itong humihingi ng pahintulot para makapunta sila sa Aurora at makilala ng personal ang mga ito.
She couldn’t stop falling in love with Doms over again. Maaari pa lang mangyari ang bagay na iyon: ang ma-in love sa isang tao ng paulit-ulit. Lalo niya itong minahal dahil sa kaalamang kahit maghapon lang sila nitong nagkukulong sa silid niya at walang nangyayari sa kanila ay nandoon pa rin ang contentment.
Lumabas na siya at itinuon ang sarili sa trabaho. Nang sumapit ang uwian ay nagtaka siya ng lumapit si Domeng sa kanya. Hindi na rin kasi siya madalas magpaalam pa dito dahil lagi naman silang may plano ni Doms.
“Hindi ka pa ba uuwi?”
“Ay, may dadaanan pa kami ni Doms, eh. Bakit?”
Napahinga ito ng malalim at hinagod ang buhok. “Wala naman. Napapadalas ka na kasing gabihin sa paguwi,”
Natawa siya rito. “Natural lang naman na mag-date kami dahil magnobyo naman kami. I-date mo rin si Romina,” suhestyon niya rito at kinuha ang bag. Tinapik na niya ito sa balikat at tinanguan. “Mauuna na ako, ha.”
“Ready?”
Agad siyang ngumiti kay Doms at lumapit dito. Napasinghap na lamang siya ng hayagang hawakan nito ang palad niya. Nakipag-holding hands ito kahit sa loob mismo ng ospital! Ngayon lang nito ginawa ang bagay na iyon.
“Ang daming nakakakita,” napapantastikuhang saad niya.
Matiim siya nitong tinitigan. “When I told you I want to call you mine, I intend to show it to everyone, okay?”
Napatitig siya rito. Mukhang sumama ang mood nito hanggang sa napangisi siya. “Nagseselos ka kay Domeng?” nanatyang tanong niya rito. Natawa na siya ng magiwas ito ng tingin.
Ilang sandali pa ay napabuntong hininga siya. Isa iyon sa iniiwasan niya pero hangga’t hindi pa malala ang lahat ay paliliwanagan na niya ito. “Sinabihan na kita ng I love you, hindi ba? Hindi mo ba mapanghahawakan ‘yon?”
Tumingin ito sa malayo. Lihim siyang napangiti. Natutuwa siyang makita kung gaano siya kahalaga rito kaya ito ganoon. “I love you,” lambing niya rito at hinawakang maigi pa ang palad nito. “Doms, sumagot ka naman,”
“Of course I love you… it’s just that… ugh…”
“Hindi mo mapigilang magselos.” Pagpapatuloy niya sa hindi nito masabi. “Wala ka na dapat na ikaselos. Heto ang ebindensya!” aniya saka itinaas ang kamay nilang magkahawak. “Nasa mga palad mo ang puso ko. Ikaw nga… baka kapag bumalik si Hannah, bigla mong maalala ang lahat at iwanan na lang ako sa isang tabi,”
“Hon, that’s impossible.” Agad nitong saad. Tumigil ito sa paglalakad at hinarap siya. Huminga ito ng malalim at pinakatitigan siya sa mga mata. “Hannah was part of my past. Kuntento na ako doon, okay?”
Napangiti na siya at kuntentong tumango rito. “So dapat patas lang. Wala kang dapat na ikaselos kay Domeng, okay? I used to like him. Past tense din, okay?”
Ngumiti na ito at tumango. Napangiti na siya ng makitang wala na ang gatla nito sa noo at maganda na muli ang mood habang nagmamaneho. Panay pa ang halik nito sa palad niya kapag may pagkakataon.
Napakunot na lamang ang noo niya ng iba ang daan na tahakin nila. “Saan tayo pupunta?”
Ngumiti ito. “We’ll see my place. Do you want to stay for the night?”
Napangiti siya. “Bakit hindi? Bisita ako, ha. Natural na pagsilbihan mo ako,”
Napahalakhak ito at tumango naman. Natawa na rin siya dahil alam niyang tototohanin nito iyon. Ilang sandali pa ay huminto sila sa isang malaking bahay. Moderno ang disenyo noon at alaga sa mantini.
“Ang ganda pala ng bahay mo, eh.” Takang saad niya at buong paghangang iginala ang paningin. Natatawa tuloy siya rito. “Ang ganda ng bahay mo at nagsusumiksik ka sa apartment ko,” kantyaw niya rito. Magmula kasi ng maging sila nito ay halos doon na ito tumutuloy sa kanya.
Ngumiti ito. “Natural na puntahan ko ang lugar kung nasaan ka. Come on… you’re still asking me about that?”
Kilig na kilig tuloy siya sa sinabi nito. Ah, ang puso niya’y ayaw na namang pumirmi sa kaligayahan.
Pumasok na sila at gusto niyang matawa ng malakas ng pagsilbihan nga siya nito. Habang pinanonood niya ito sa pagluluto ng tinolang manok ay kumakain naman siya ng cake.
“Magisa ka lang talaga dito?” basag niya sa katahimikan. Napapangiti rin siya habang pinagmamasdan ito. Mukhang sanay ito sa pangungusina.
“May stay out akong katulong.” Anito saka nagkaroon ng kislap ng kapilyuhan ang mga mata nito.
“Doms ha. ‘Yang mata mo,” awat niya rito. Naku, mukhang uulanin na naman siya nito ng halik. Walang kasawaan ang lalaking ito sa labi niya.
Natawa ito. “What? Gusto ko lang namang sabihin na malaya kang gawin ang kahit na ano sa akin. Hindi naman ako lalaban sa’yo,”
“Doms!”
Napahalakhak ito. Pulang-pula na ang mukha niya sa tudyo nito. Gigil na hinalikan siya nito sa labi. “Hindi mo ba ako sisingilin?” anas nito sa pagitan ng mga labi nila.
Napangisi siya. “Maniningil ako. Thirty minutes mind blowing kiss. Wala akong pakialam kung ma-dehydrate pa tayo,”
Pinuno ng halakhak nito ang buong kabahayan. Nahawa na rin siya rito. Ah, she was really happy. Kuntento na siya sa lalaking ito at alam niyang hinding-hindi na sila nito magkakaroon pa ng dahilan para magkasira pa. They love each other. So wala na talaga silang problema pa. All they need to do is to wait for the right moment. Ah, she felt excited about the idea being married to a very wonderful man.
“I’m done!” ganadong saad nito at hinarap siya. His eyes were full of hopes and anticipation. Napabungisngis siya. “I am so ready for a thirty minutes mind blowing kiss,”
Tumalima siya. She kissed Doms passionately and again… she couldn’t remember if it lasted for thirty minutes. She just found herself making love with him. Not on the table this time but inside his room. He managed to bring her there without further ado. Lahat ng atensyon niya ay na kay Doms lamang.