Biglang-bigla, hindi niya alam ang kanyang gagawin. Ara was saying sorry! Big news na iyon sa kanya. He knew how mighty this woman was at hindi ganoon kadali sa isang taong tulad nito ang humingi ng paunmahin, unless she mean it. Hindi niya mapigilang makaramdam ng kasiyahan dahil ito mismo ang gumawa ng hakbang para humingi ng dispensa.
“Ara,” tawag niya rito.
Namula ang mukha nito ngunit tumalima naman. Hinintay niya munang makaalis si Domeng sa locker nito bago nagsalita. Lihim siyang nang mapansing alumpihit ito at base sa pamumula ng tainga nito.
“Hindi mo ba kayang sabihin ito?” seryosong tanong niya. Gusto pa rin niyang marinig iyon mula dito.
Napatikhim ito at nagiwas ng tingin. Hinawakan niya ang baba nito at hinagilap ang mga mata nito. Lalong namula ang kilay nito. Hindi tuloy niya maiwasang mamangha. Ganito ba niya ito apektuhan? Ah, the idea made him happy.
“I-I’m sorry…” anas nito at napakagat sa ibabang labi. “Alam ko, mali ang ginawa kong paninisi sa’yo… pasensya ka na talaga sa lahat ng nasabi ko…” anito at nahihiyang napayuko. Bakas ang labis na hiya at pagsisisi.
Napahinga siya ng malalim at ninamnam ang sinasabi nito. Mukhang hindi rin siya nito matiis at naginit ang puso niya.Bakit ganito ang tama niya kay Ara? Sa simpleng sorry lang nito ay agad niyang nalimutan ang sama ng loob dito?
“Ara—”
“Sabi ni Nida, mahilig ka sa inihaw na pusit. Heto sir,” anito saka binuksan ang sariling locker at may kinuhang baunan doon saka nito iniabot sa kanya.
Biglang-bigla siya! Ah… her effort melts his heart more! How could he say no this time? Wala sa sariling inabot niya iyon at lalong nagdiwang ang kalooban. Ara just made him lunch!
“How about you?” simpleng tanong niya pero kinakabog na ang dibdib niya sa sobrang saya.
“Mayroon din ako. Inihaw na tilapya naman. Kahapon ako nagihaw. Pasensya na kung ininit ko na lang kanina. Wala na akong oras kung kaninang umaga ko pa iihawin ‘yan,” anito saka nahihiyang tumingin sa kanya. Ah, she looks really lovely even without make-up and she blushed naturally.
“Just smile, Ara.” Anas niya. He was really waiting for her smile and looked at her intently.
Nailang ito hanggang sa natatawang napailing na lamang. Damn! It was his first time seeing her like that! Ang saya niya! “You should really smile often. God… you’re so beautiful…” buong paghangang anas niya.
“Si sir talaga…” nahihiyang saad nito. Napangiti na siya. Who would have thought that this high and mighty woman was blushing in front of him? It was such a perfect sight.
“Siguro naman sir… hindi na kayo galit sa akin,” untag nito saka nahiyang ngumiti. “Kung kulang pa ‘yan… dadalhan kita ulit bukas ng lunch. Sabihin mo lang kung anong gusto mong ulam para makabawi ako sa mga nasabi ko,”
He chuckled. He couldn’t help it! Ang anumang natitirang negatibong damdamin ay tuluyan ng naglaho sa puso niya. “You missed me. Masaya na ako at makukuntento kung aamin ka,”
Lalong lumuwang ang ngiti niya ng mamula ito ng todo. Hindi na makatingin ng diretso! Ang pananahimik nito at pagiging alumpihit sa harapan niya ay alam niyang tanda ng pagamin nito. Ganoon pala ang bagay na iyon: na kahit wala pala itong sabihin basta nakikita niya sa mga mata nito ang kasagutan ay kuntento na siya.
“Si s-sir talaga. M-may endorsement pa. T-tara na?”
Gusto niyang mapahalakhak sa pagkabulol nito. She was obvious and affected by his stares. Ang saya-saya talaga niya. Nang tumalima na sila ay napahinga siya ng malalim. Biglang gumaan ang pakiramdam niya ng sandaling iyon. He couldn’t help but smile. He was indeed happy.