13. BEAUTIFUL ARA

1313 Words
“Samahan na kitang kumuha ng supplies sa CSR,” alok na tulong ni Doms kay Ara. Agad siyang tumango rito dahil kailangan talaga niya ng tulong. Panggabi na sila at ngarag na siya sa magkakasunod na puyat. Idagdag pang panay OB at surgery ang cases nila at maya’t maya silang tinatawag para na rin sa assistance. Isa pa’y two weeks na siyang straight dahil may mga ilang nag-resign na nurse dahil nag-abroad. Kulang sila sa staff. Gayunman, nabalitaan na nilang nag-hire na ang ospital at sa susunod na linggo ay magiging maayos na ang lahat dahil mababalik na sila sa dating schedule. Magdadalawang buwan na siya roon at maayos naman ang kanyang trabaho. Maging ang relasyon nila ni Doms ay maayos na rin. Madalas siya nitong ihatid at sinasamahan siya kung may lakad siya. Nagtungo na sila nito sa central supplies. “Okay ka lang ba? Hindi bale, malapit ng dumating ‘yung mga nurse. Magkakaroon ka na ng day off noon,” Natawa siya rito. “Parang ako lang ang hindi nagde-day off, sir. Ikaw nga… nage-extend pa. Halos sixteen hours ka na everyday.” Natawa ito. “Masyado ka namang nagaalala,” “Syempre naman,” Napakagat siya sa ibabang labi. Nadulas siya! Iyon ang unang pagkakataong nagsabi siya ng ganoon dito. Dati’y idinadaan na lamang niya iyon sa tawa at iling. Pero nadaan siya nito sa bilis at napaamin ng wala sa oras. Wala din namang saysay na itago pa niya iyon. Aaminin niya, sa nakalipas na mga araw na kasama niya ito ay masaya siya. Hindi dahil napupunan nito ang lungkot na nadama niya sa kawalang pag-asa nila ni Domeng kundi pinararamdam nito na bukod sa dalawang kaibigan ay mayroon pa ring ibang tao na gusto siyang makasama. “Sabi ko na nga ba,” ngiting-ngiting saad nito. Natawa siya ng mapansin ang pagpitik-pitik nito dahil sa kasiyahan. “Katuwa mo naman,” “Syempre naman! Ang hirap mo na ngang pangitiin, ang hirap mo pang lalong paaminin! Kaya masaya talaga akong marinig ‘yan sa’yo,” anito saka kumindat pa. Natawa siya rito at napahagikgik. Habang pababa sila nito’y ganoon ang siste. Sabay silang magkakatinginan at makakaramdam siya ng mga paruparo sa sikmura. Magngingitian sila hanggang sa kapwa na sila nito matawa. “Nagpapapogi ka na naman,” biro niya rito. “Hindi ko na kailangang gawin ‘yon dahil napopogian ka naman talaga,” sakay nito. “Kapal!” biro niya rito at inirapan ito kuno. Pero totoo naman iyon. Habang tumatagal ay lalo pang nagiging guwapo ito sa paningin niya at sumasarap na pagmasdan. Natawa na rin ito at pagdating sa CSR ay agad na nilang ibinigay ang listahan ng mga kakailanganin nila. Nang ibigay iyon lahat ay hindi siya nito pinagbuhat. Ito ang lahat kumuha ng syringe, gauze, needles at kung anupang kailangan nilang stock sa itaas. Kahit anong pilit niya ay hindi ito nagpatulong. Napangiti siya sa pagiging gentleman nito. Hanggang sa makarating sila sa station ay magkatulong sila sa pag-prepare noon para i-sterilize sa autoclave machine. Habang hinihintay ang makinang matapos ay kapwa lamang nila iyon tinitingnan. “May lakad ka mamaya?” untag nito. Agad siyang tumango. “Birthday ng nanay ko sa biyernes. Bibili sana ako ng regalo na ipapadala sa kanya,” nakangiting sagot niya. Agad itong tumango. “May bibilhin din ako kaya sabay na tayo,” “Huu… alam ko namang gusto mo lang sumama. Style mo!” biro niya rito. Natawa ito. Buti na lamang ay abala ang mga kasama nila kaya hindi pansin ang mga harutan nila ni Doms. Maging si Domeng ay toxic sa pasyente nito. Hinarap siya nito at pinaningkitan ng mga mata. “May bibilhin talaga ako. Ikaw talaga…” Natawa na siya at hinanda ang mga dadalhing supplies sa pasyente niya. Hindi na siya nakaramdam ng pagod ng oras na iyon dahil kay Doms. Ang sarap nitong kausap. Naalis nito ang pagod sa katawan niya. “Okay. Joke lang naman ‘yun,” “Pero totoong style ko rin ‘yon para makasama ka. Masama ba?” Namilipit ang puso niya sa kilig. Iningusan niya ito para hindi obvious. Pero pagtalikod niya ay napangiti siya. Ilang beses pa niyang kinalma ang damdamin. Baka mamaya ay magkamali siya ng itusok na gamot sa pasyente dahil sa ligayang nadarama. Ganadong itinuon niya ang atensyon sa trabaho hanggang uwian. Nagpaalam na siya kay Domeng dahil antok na antok na ito samantalang tila sinaksakan siya ng baterya. Dahil sarado pa ang mall ng oras na iyon ay nagagahan muna sila ni Doms sa isang fastfood at nagpalipas ng oras. Nang mag-alas diyes na ng umaga ay nagtungo na sila sa mall. “Hindi ka naman aalis dito, hindi ba? Hintayin mo rin ako at may bibilhin din ako,” Agad siyang tumango rito at pumasok na sa boutique na gusto niyang bilhan. Agad siyang naghanap ng magandang bestida at sandalyas para sa ina. Nang makuntento ay agad na siyang nagbayad. Doon naman dumating si Doms. “For you,” Napasinghap siya ng ilabas nito mula sa likuran ang J. Co donut at isang bungkos na pulang rosas. Naginit ang puso niya at napapantastikuhang napatingin siya rito. “Paborito ko ‘to…” anas niya habang kinukuha ang donut. Iyon marahil ang suhol na mahihirapan siyang tanggihan. At J.Co donut pa? Sarap na sarap siya sa donut na iyon! “Paano mo nalaman?” takang tanong niya dahil wala naman siyang nabanggit na mahilig siya sa donut. Ngumiti ito sa kanya. “Basta paborito mo, hindi imposibleng malaman ko. Ikaw pa? Ang lakas mo lang,” Kilig na natawa siya at sinamyo ang mga bulaklak. Sobrang na-appreciate niya iyon. Napaka-sweet talaga ng lalaking ito. “First time kong mabigyan ng bulaklak,” amin niya rito. Napamulagat ito. “No s**t?” Natawa siya. “No shit.” Hindi makapaniwalang napahagod ito sa buhok. “But how come? Bulag ba ang mga lalaki sa inyo? God… that’s unbelievable…” Natatawang pinalo niya ito sa braso. “Wala lang siguro silang taste?” sakay niya rito. Naginit ang puso niya ng hawakan nito ang kamay niya at pinisil saka siya iginiyang palabas ng mall. “Dalawang klase lang ng lalaki ang hindi makakapansin sa’yo. It’s either he’s gay or blind,” Tawang-tawa na tuloy siya rito. Parang hindi pa rin kasi ito makapaniwala. Panay ang dismayadong iling nito. “Para napakaganda ko naman yata sa paningin mo,” “But it’s true! I would never describe you as hot. You are a beautiful woman, Ara. At tama, walang taste ang lalaking hindi nakakapansin sa’yo. They don’t know what their missing. Pero aaminin ko, masaya ako dahil nakita ko mismo ang hindi nila nakita: I know how lovely and kind you are,” Hinalikan siya nito sa noo. Naginit ang puso niya. Tunaw na tunaw dahil sa ipinahayag nito at masuyo nitong hinawakan ang kamay niya. “Ang swerte ko dahil nahahawakan ko ang kamay ng isang magandang babaeng tulad mo,” anas nito at sinelyuhan nito iyon ng masuyong halik sa sentido. Ah… she couldn’t describe her happiness that time. Hindi niya akalaing makakaramdam pa siya ng higit na kaligayahan sa piling ni Doms kaysa sa pagpapantasya noon kay Domeng. Mas masarap pala ang ganoon: ang mayroon isang lalaking nagaalaga sa kanya at pinasasaya siya. Kahit simple at maliit na bagay ay masarap ang hatid na kaligayahan sa puso niya. Napatingin siya sa mga bulaklak at kay Doms. She was really happy because of him not because of what she’s holding. When he looked at her, she smiled. Then… he smiled too. Her heart melts. Ah, it was such a wonderful feeling.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD