7. GO AWAY!

518 Words
“Uuwi ka na? Baka p’wedeng dumaan ka sa bahay, nakalimutan mo ‘yung tuxedo at mask mo,” nakangiting aya ni Domeng kay Doms. Gustong mulagatan ni Ara ang kaibigan pero wala siyang nagawa. Uwian na nila at may plano sana siyang ayain itong lumabas. Hayun ang napala niya kakakuha ng buwelo, naunahan na siya tuloy ni Domeng. Panay kasi ang kausap ni Doms sa kanya tungkol sa mga pasyente. Propesyunal ito pagdating sa trabaho pero hindi niya mapigilang mainis sa sitwasyon. She needed to stay away from Doms. Ang destiny at ang lahat na lamang ng kaugnayan niyang nakalipas dito ang nakikita niya. Kaya kailangan na niyang kumilos para maibalik ang dating disposisyon. Pero paano niya magagawa kung mismong si Domeng ay hindi sinasadyang makagawa ng daan para hindi sila makapagsolo? Ah, it was really so frustrating. Nang mapaisip si Doms ay nanalangin siya na tumanggi ito. Pero naalarma siya ng tumango ito. Restless na siya at hindi na lamang kumibo. Sumakay na siya sa sasakyan ni Domeng at nag-convoy sila. Pagdating sa bahay ay agad na siyang nagpaalam ay pumasok sa sariling unit. Pabagsak siyang naupo sa sofa at naihilamos ang kamay sa mukha. Pakiramdam niya ay mayroon siyang malaking problema. Napaigtad siya ng may kumatok sa pinto. Nang buksan niya iyon at makita si Doms ay napabuga siya ng hangin. “Kung tungkol sa trabaho ang sasabihin mo, bukas na lang. Pagod ako,” naiiritang taboy niya rito. Naiirita na rin siya sa nadarama. Because the idea of being alone with Doms were giving her butterflies in stomach. And it was a really, really a very bad sign. Bahagyang kumunot ang noo nito. “I just want to check on you. Sabi ni Domeng nagiisa ka lang dito.” Simpleng sagot nito at pasimpleng iginala ang paningin. Natunaw ang puso niya sa sinabi nito. Hindi niya inaasahang pupunta ito doon para alamin ang kalagayan niya at hindi ang inisin siya. “Where are your parents?” usisa nito sa kanya. “Nasa Aurora. Taga-doon talaga kami ni Domeng,” simpleng sagot niya at huminga ng malalim. “Doms, hindi mo kailangang gawin ito. Alam mong walang patutunguhan ito.” Napakunot ang noo nito. “I came here as your friend. Wala akong nakikitang masama doon,” Pero ako, meron! Diyos ko naman… tigilan mo na ako! Nawawala ako sa plano ko! hiyaw ng isip niya. Pinakalma niya ang sarili. “Maayos naman ako dito. Salamat sa pagtatanong,” simpleng sagot niya at huminga ng malalim. “Makakaalis ka na,” Pumasok na siya sa loob at isinara ang pinto. Doon niya napagtantong nanginginig siya sa pagsikil ng sariling damdamin. Hindi niya magawang umalis sa likuran ng pinto. Hawak pa rin niya ang doorknob at pinakikiramdaman si Doms. Nang marinig niya ang yabag nitong papaalis ay nanghihinang napasandal na lamang siya sa pinto. Nagwawala na naman ang puso niya. Napahinga siya ng malalim at kinalma ang sarili. Hindi siya dapat makaramdam ng ganoon sa simpleng gawi ni Doms. Hindi niya iyon dapat binibigyan ng meaning. Tama. Si Domeng ang dapat niyang atupagin!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD