“SIR, SALAMAT talaga dahil nandoon ka para maihatid si Ara. Hiyang-hiya nga ako sa kaibigan ko, sir. Pero wala eh… ayoko namang pakawalan ang pagkakataong nagkita kami ulit ni Romina. Mabuti’t pumayag na siyang makipagbalikan sa akin,” ganadong kwento ni Domeng kay Doms habang naglalakad sila sa pasilyo. Nagkasabay sila nitong pumasok sa lobby at hindi nito kasabay si Ara dahil dinaanan muna nito ang nobya nitong si Romina. Sa lahat ng naging estudyante niya, kay Domeng siya napalapit. Mabait kasi ito at magalang. Kahit kaibigan ang turing niya rito’y hindi pa rin ito nakakalimot na igalang siya. Itinuring na niya itong nakababatang kapatid din.
Napabuntong hininga siya at nagalala kay Ara. He knew Domeng’s news would make Ara devastated. Dalawang linggo buhat na nangyari ang pangiiwan nito kay Ara sa Baclaran. Ngayon lang ito nagpasalamat sa kanya. Marahil ay nasabi ni Ara dito na siya ang naghatid para makauwi ito.
Hindi niya mapigilang mainis dito. Iniwan nito ng ganoon si Ara. Sana man lang ay nagpaalam ito. Muli siyang napahinga ng malalim at tinapik ito sa balikat. “Pero sa susunod naman, magpaalam ka ng maayos para hindi naman nahihilong naghahanap sa’yo si Ara,” pangaral niya rito.
Ngumiti ito sa kanya. “Nag-sorry na rin ako sa kanya. Binigyan ko pa ng donut para naman hindi na magtampo. Paborito niya ‘yun,” proud nitong saad.
Tumango siya rito kahit gusto niya itong batukan. Nakakagigil din naman kasi ito. Kahit na hindi maganda ang nangyari sa kanila ni Ara, he still cares for her. Actually, he cares for her a lot.
So, she likes donut, huh… Napatikhim siya sa naisip. Why? Does it matter? You made a promise, remember? Kontra ng isang bahagi ng isip niya at napahinga siya ng malalim.
Hindi niya alam kung magpapasalamat kay Domeng o ano dahil sa mga nangyayari. Ara always ending up to be with him. Nagsimula iyon sa Party of Destiny. Kundi siya pumayag na sumama kay Domeng. Kundi sumama ang tyan nito ay hindi mangyayari ang isa sa mga bagay para maging masaya siyang muli.
Because meeting Ara was one of the best things in his life. He finally felt that after a terrible heartache, he could still be able to like someone again. It wasn’t just for s*x. Yes he followed her but he was not even thinking about that. Her innocent smile and amateur kisses made him puzzled and captivated. He couldn’t understand too. Maybe an unexpected kissed shocked his world. The sweetness and softness of her lips made him loose his mind. Marami na siyang nahalikang babae sa edad niyang iyon. But Ara’s lips were way different because he felt something. She ignited something inside him.
The last time he felt like that were two years ago. Gayunman, nang makabangon siya sa pagkabigo mula sa huling nobya ay natutuwa siyang malaman na may kapasidad pa rin pala siyang makaramdam ng ganoon. Bagay na malayong iniisip niyang mangyayari pa.
After that kissed, he couldn’t measure his urge to follow her. Kung maaari lang ay habulin niya agad ito. Sobrang napukaw ang pansin niya. His heart was beating so fast. It was hard for him to breathe. Lalo na’t muling umukilkil sa utak niya ang ideyang itinanim ng matandang lumapit sa kanya sa Boracay.
Six months ago, he went to Boracay to unwind. Halos nasuyod na niya ang mga beach resort sa buong Pilipinas at balak niyang magtagal doon. He tried everything. Magmula ng isubsob niya ang sarili sa pag-aaral at pagtuturo hanggang sa maging Head Nurse sa Saint Matthew ay madalang na lamang siyang nagkaroon ng gimik kaya ginawa niya ang lahat. Magmula sa scuba diving, snorkeling, waterskiing, surfing at marami pang iba.
He loves water so much. Kaya ng sabihin ni Domeng na gaganapin ang party sa isang resort sa Batangas ay agad namula ang hasang niya. Nagbiyahe pa siya ng napakalayo—dahil nasa Bora pa siya noon—para makahabol dito. But he ended up alone because of his stomache.
He badly needed to relax too. Mahigit isang taon nang nakakalipas ay may nangyari sa buhay niya para magkabangga silang tuluyang magkapatid.
Napabuntong hininga siya dahil nalulungkot pa rin siya sa nangyari sa kanila ng kuya Don niya. He was five years older than him. Thirty years old na siya at thirty five na ito. Hindi naman sila ganoon noong mga bata pa sila.
They were the best buddies. Kung nasaan ito ay nandoon din siya. Pinagbibigyan nito ang lahat ng kakulitan niya. He was his best friend. Muli siyang napahinga ng malalim dahil alam niyang kahit kailan ay hindi na maibabalik pa kung ano ang samahan nila noong mga bata pa sila.
“Mahilig din ‘yun sa red ice tea. Pareho talaga kayo, sir,” natatawang saad ni Domeng habang paakyat sila ng hagdan. “Parang destiny?”
Natawa siya ng bahaw. If destiny leads Ara to him… he couldn’t just let destiny rule everything. Kailangan pa rin niya ng effort. Napahinga siya ng malalim dahil nakaramdam siya ng lungkot.
Ginawa naman niya ang lahat para ipabatid dito na hindi lang s*x ang habol niya. Kung ibang lalaki marahil ay hindi na ito papansinin. Worst case, they would end up saying what happened to all their friends. Hindi siya ganoon. Nirerespeto niya ang bawat babaeng nakakaniig.
Besides, Ara was different. Lahat ng bagay na pinagsaluhan nila ay awtomatikong itinago ng kanyang puso. That’s how Ara hooked him. After what happened, he couldn’t stop thinking about her. He even hired someone to look for her. Suntok iyon sa buwan dahil hindi niya alam ang pangalan nito at nagbase lamang siya sa sketch na ginawa ng isang imbestigador. Gusto niyang alamin ang kalagayan nito at bumawi dito. At nakahinga siya ng maluwag dahil bago pa lumabas ang resulta ay nagkita na sila nito. Idagdag pang nasa maayos naman itong kalagayan.
Sa tuwing tinitingnan ito, hindi niya maiwasang mapaisip kung ito ba talaga ang babaeng tinutukoy ng matandang nagpakilalang manghuhula sa kanya sa Boracay. Lumapit ang matanda sa kanya habang kampante siyang nakaupo sa harap ng beach isang hapon. Hindi sana siya magpapahula dahil hindi naman siya naniniwala doon pero naawa siya rito. Mukhang gusgusin kasi ito at kapag tinititigan niya ang mga mata ay tila nagmamakaawa iyon.
He ended up showing his palm on her. At nabigla siya dahil alam nito ang madidilim niyang sikreto kung bakit siya nag-file ng indefinite leave at nagliliwaliw. Kinikilabutan siya pero itinawa na lamang niya ang lahat, thinking it was only a coincidence.
When the old woman mysteriously smiles, he shivered. Napalunok siya ng maalala iyon.
“May babaeng bulusok na dadating sa’yo at bulusok din ng pagalis. May nakikita akong letra… ah… letrang‘A’… Maaaring nakatakda siya sa’yo o hindi. Depende ‘yan kung kaya mong panatilihin siya sa tabi mo…”
Napahinga siya ng malalim at hinamig ang sarili. Tumatayo pa rin ang balahibo niya kapag naalala iyon. Kaya din niya pinilit inalam ang pangalan nito. Tinanong niya ang pangalan nito sa front desk pero mahigpit ang mga itong magbigay ng impormasyon sa mga nagche-check in doon.Gaya ng sinabi ng matanda, bulusok din ang naging pagalis nito at may bonus na galit pa.
“Wala ba siyang boyfriend?” pasimpleng usisa niya kay Domeng. Humigpit ang dibdib niya kakahintay sa sasabihin nito.
Umiling ito. “Wala pang nagiging boyfriend ‘yon, sir,” anito saka natawang napailing. “Hindi ko nga maunawaan, sir. Marami namang gustong manligaw pero hindi nagpapaligaw,” anito saka napailing pa.
Because she liked you! Naiinis na hiyaw ng isip niya. How could be this man so blind? And the idea hurt him because he knew that it would hurt Ara. Ah… baka bawiin niya ang sinabi niya ritong tatantanan na ito kapag nangyari iyon. Maisip pa lang na iiyak si Ara ay masama ang dating noon sa puso niya. Habang tumatagal ay ganoon ang nadarama niya kay Ara. Ang simpleng kuryusidad na nauwi sa paghanga ay lumalalim pa dahil sa mga natutuklasan niyang ugali nito. Aaminin niya, nalulula siya sa nakikitang loyalty nito kay Domeng. May nangyari na nga sa kanila, solid pa rin na si Domeng pa rin ang gusto. Minsan ay nakakadama siya ng panghihinayang na sana, sa kanya na lamang ito loyal. Ah, he would be the happiest man alive.
Napabuntong hininga na lamang siya muling naisip ang simpleng kagandahan ni Ara. Para sa kanya, wala ng mas gaganda pa sa babaeng simple. Pinay na pinay ang ganda nito. And there was something in her he just couldn’t ignore. Ang presensya man nito o ang boses nito. Everything about her was so lovely.
Ah, he suddenly missed everything they did that night. It was awesome. It was wonderful. It was complete heaven. A stranger’s kissed fascinate him to no end and left him puzzled. He even thought he knew her because she called his name. Questions ran inside his head. He followed her to find the answers. He saw her standing beside the window. He felt her overwhelming presence. Her sweet and wonderful smell was all over the place. He couldn’t believe what he felt that moment: seeing lovely Ara was like magic. She even made him forget why he was there and just realized he was kissing her shoulder…
Lumiko na sila sa pasilyo ni Domeng. Hindi na siya kumibo hanggang sa marating ang nurse station. Nandoon na si Ara at nang matama ang mga mata nila ay parang inipit ang kanyang baga. Damn his heart beat! Hindi na naman maawat sa pagtibok.
That’s how this woman affects him. But it was really hard for him too. He was pretending that he didn’t care anymore. Gusto niyang ipakitang mayroon siyang isang salita. Na tao din siyang nasaktan sa ginawa nito. Nalulungkot siya dahil alam niyang kahit kailan ay hindi siya nito makikita. Dalawang linggo magmula ng pagsalitaan siya nito sa Baclaran. Magmula noon ay hindi na niya ito nilapitan at nagkakasya na lamang siya sa pasulyap-sulyap dito. Thinking of other way to get close to her. Siguro ay hindi pa niya magagawa iyon sa ngayon.
“Good morning, sir,” mahinang bati nito sa kanya.
“Good morning,” pormal na bati niya at nagtungo na siya sa locker. Pagbukas niya roon ay napakunot ang noo niya dahil sa nahulog na maliit na dilaw na papel mula sa kanyang locker. Pinulot niya iyon at humigpit ang dibdib niya sa nabasa.
Sir Doms,
Sorry…
Ara