Natulos sa kinatatayuan si Emma Rose habang naririnig ang mga katok sa pinto. Ano nalang ang iisipin ng mga ito kung makita silang magkasama ni Matthias. At paano nalang kung kilala ng mga babaeng iyon ang binata? Baka maissue pa sila! “Talikod ka dali,” utos sa kanya ni Matthias. Nagulat siya sa utos nito. “Ha? Bakit?” Hoy, Matthias! Kakatapos lang natin! Medyo nabugbog pa si jenejn. Umayos ka! “Basta sumunod ka lang,” sabi nito sabay hawak sa kanyang mga balikat at saka siya inikot para humarap sa sink ng counter. “Isipin mo para kang nasusuka.” “Naku, baka isipin nila buntis ako. Tas kasama ka pa!” The last thing she ever wanted is for a scandal. Matindi pa naman gumawa ng kwento ng internet. Malakas ang saltik ng mga tambay sa social media. “Wala na tayong oras, Emma Rose. Sige

