Hindi makapaniwala si Emma Rose sa nakikita. Matthias is being dragged away by these tall and large men. Walang man lang magawa si Matthias habang pilit itong pinapapasok sa van na iyon. Nanginginig si Emma Rose sa kaba at takot. Gusto niyang lapitan si Matthias at tulungan ito pero ano naman ang laban niya sa mga naglalakihang lalaki na iyon? Girl, madidikdik ka nang wala sa oras! Kaya naman imbes na lumapit ay hinayaan nalang niya muna ang eksena roon. Tutal, wala naman siyang magagawa. Pero hindi siya papayag na basta nalang dalhin ng mga lalaking iyon si Matthias. She’ll do whatever it takes para tulungan ng lalaki. Takot ka lang mawalan ng benepisyong pangkaibigan, teh? Kahit kailan talaga ang utak niya, atribida. Nasa gitna na sila ng isang krimen ay nagagawa pang mag-isip ng gan

