Napapangiti nalang si Emma Rose habang inaalala ang muntik nang paghinang ng mga labi nila ni Matthias. Konting-konti nalang talaga kasi ay maglalapat na ang kanilang mga labi. Kung hindi lang dumating si Allysa ay malamang natuloy na iyon. Kiss na ‘yon, ‘teh! Sayang! Ilang beses naman na silang naghalikan ni Matthias. Pero never nangyari na mag-kiss sila nang hindi intention ang magsex pagkatapos. Ibig sabihin hindi lang basta libog ang naramdaman nilang dalawa kanina. It was deeper than that. Pero ayaw niyang mag-overthink masyado. Tapos masasaktan lang pala sa huli. Ayaw niya masyadong umasa. Hindi siya pwedeng masyadong malunod sa imahinasyon. Mahirap na at baka madisappoint lang siya. Pero paano kaya kung ‘di wrong timing si Allysa kanina? Baka naman nagkaaminan na ng feelings?!

