Cold War "So everything's settled, balae. Iyong exact date nalang ang kulang para mailagay sa invitation" masayang sambit ng Mommy ni Yulo sa Mommy ko ng gabing nagdinner kami sa isang sikat na restaurant. Ngumiti naman si Mommy habang pinupunasan ang kanyang labi. "That's still debatable balae, ayaw niyo naman ng October nine, dahil tulad nga ng sabi ni Yannie ay may end point ito, aba eh hindi yata ako papayag na matuldukan ang pagsasama nila. So, kayo na ang magpasya. Besides, nakausap naman na natin ang wedding coordinator at ang sabi ay may mga dates nang ibinigay ang simbahan kung kailan pwedeng maganap ang kasal" Bumaling sa akin si mommy at nagtaas ng kilay. "You were both very silent about this, how about you suggest your wedding date. So you can have a say on your own weddi

