A Friendly Kiss Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan ko habang pinagmamasdan ang matayog at sopistikadang building na nasa harap ko ngayon. Nakahigh-waisted tattered shorts lang ako na pinarisan ng puting tank top. I look so ordinary and plain. Pero mas maigi nang ganito, walang kiyeme at disente paring tingnan. Napalingon lingon ako sa mga pumapasok, kung hindi nakacorporate attire ay pulos nakapormal na dress naman. Kung papakialaman nila ang panlabas kong kaanyuan ay wala na akong magagawa. Sinadya kong hindi mag-ayos at magbihis ng pormal. Magdadala lang naman ako ng ulam ng asawa ko, hindi ko na kailangang mag-effort para maging elegante at sopistikada. At isa pa ay hindi ko ugaling magbihis para lang sa sasabihin ng ibang tao. I am not a damn sucker for people's att

