bc

Salamin

book_age16+
1
FOLLOW
1K
READ
dark
goodgirl
bxg
scary
supernatural
office lady
like
intro-logo
Blurb

Tiffany Cruz is an ideal woman. May stable na trabaho at maganda kaya't marami ang nagtatangkang manligaw. Ngunit wala pa iyon sa isip ni Tiffany.

Subalit, may malaking pagbabagong mangyayari sa buhay ni Tiffany. Sa pagkakataong ito, matatagpuan niya ang pag-ibig at haharapin na siya ng kanyang tunay na tadhana.

chap-preview
Free preview
Ang Unang Pagtatagpo
Nagising na naman ako sa pag-aaway ng aking mag-asawang kapit-bahay. Lagi kong sineset and aking alarm sa 4:30 ng umaga, ngunit pilit nila itong inuunahan, tila gusto nilang gisingin ang buong baranggay ng 4:15 araw-araw. Ako si Tiffany Cruz, twenty two years old. Marami ang nagsasabing ako ay maganda. Marami sa aking mga kaupisina ang nagtatangkang manligaw ngunit hindi ko sila pinapansin. Hindi ako makaluma o suplada. Siguro, nalilibang pa ako sa pagpapahabol. Ang aking umaga ay nagsimula na naman sa pagtilaok ng aking mga kapit-bahay. Ang aking almusal ay laging mainit na kape lamang na aking binibili sa “Drive-Thru” ng Macdo patungo sa aking opisina sa Makati. Ako ang laging pinaka maagang dumarating sa aming opisina at ang panggabing “security guard” pa nga ay lagi kong inaabutan. Ako ay isang masipag na bank account manager. Isang tipikal na manager, subsob sa trabaho na kinakailangan ko pang magpahatid ng pananghalian sa aking upisina dahil hindi ko kayang ilayo ang aking mga mata sa kompyuter. Si Jerome Torres ay aking kaupisina. Siya ay isang treyder sa aming treasury department. Lagi niya akong inaanyayahang mananghalian pero hindi ko pa siya pinagbibigyan kahit minsan. Siya ay matangkad, disente at dalawang taon lamang ang tanda niya sa akin. Noon ko pa napapansin na siya ay may gusto sa akin, mula pa nang kami ay unang magtagpo sa aming job interview sa tanggapan ng personnel. Dalawang taon na rin kaming nakakapag-usap sa aming coffee room kapag nagkakasabay kaming mag coffee break. Ngunit siya pa rin ay isa lamang kakilala. Hindi ko pa siya itinataas sa level ng isang kaibigan. Isang pagbabalik-tanaw.... Lagi akong nagigising sa kalagitnaan ng gabi dahil sa mga masamang panaginip. Lagi kong nararamdaman ang lamig ng tubig dagat. Ano nga ba ang pakiramdam ng isang nalulunod? Para akong nasusuka pero wala namang mailuwa. Marunong naman akong lumangoy, pero sa pagkakataong iyon, parang hindi ako marunong. Parang hindi naman ako basa pero malamig, sa isang saglit maliwanag biglang didilim. Liliwanag ulit, pagkatapos, dumilim na ng tuluyan. Para akong isang TV na bigla na lamang pinatay. Hindi ko talaga matandaan ang buong detalye ng aking karanasan. Bakit ako nandoon sa gitna ng dagat? Sino ang aking kasama? Ni hindi ko alam kung bakit nagising na lamang ako sa ospital. Nalaman ko na lamang ang mga pangyayari sa kuwento ng isang mangingisda na nagsabing mabuti na lamang daw at nakita niya ako agad. Ako ay pinayagang makalabas ng ospital pagkatapos ng isang araw mula sa aking pagkagising. Balik tayo sa kuwento... Huwebes, nang ang aming upisina ay nagpauwi ng 2:00 ng hapon dahil sa matinding pagbabaha dulot ng malakas na pag-ulan mula pa noong umaga. Baha na ang mga kalsada at mahihirapang umuwi ang lahat, kaya kami ay pinauuwi na. Madalas naman itong mangyari. Puwede naman akong maghintay sa opisina hanggang tumila ang ulan at bumaba ang tubig sa lansangan, ngunit inalok ako ni Jerome na iwanan ko na lang ang aking kotse sa opisina at siya na lamang ang maghahatid sa akin sa bahay. Delikado raw para sa akin na magmaneho sa ganoong kalagayan ng panahon. Alam ko namang style lamng ito ni Jerome. Hindi naman niya ako maihahatid agad sa aking bahay dahil baha pa at malamang, kami rin ay mapipilitang huminto sa isang lugar upang magpatila ng ulan. Pero ako ay umoo. Siguro dahil kursunada ko ang kulay ng kanyang polo shirt; old rose, ang aking paborito. Sa isang anggulo, medyo kahawig ni Jerome yung gumanap na Superman sa pelikula. Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero pumayag akong magpahatid kay Jerome. Sumakay kami sa kanyang kotse. Hindi pa kami nakakalayo, kinailangan na naming himinto sa pinakamalapit na mall dahil masyado talagang matas ang tubig sa kalsada at hindi kakayanin ng kotseng makadaan. Alam ko naman na ito ay mangyayari ngunit ito ay akin lamang hinayaan. Niyakag ako ni Jerome na mag coffee at mag dinner, okey din lahat ito sa akin. Sa totoo lang, lagi kong sinaasabi sa aking sarili na sana mas mahahaba pa ang aming mga coffee break sa opisina para nakakapag-usap kami ni Jerome ng mas mahaba-haba, para ang aming mga pag-uusap ay maging mas intimate. Pero ngayon, sa wakas, napakahaba ng aming pagkakataong makapag-usap at magkakilala. Bigla kong naramdaman ang pagiging isang karaniwang dalaga. Masyado akong nalibang sa pagpapahabol. Siguro dapat ko nang bigyan ng pagkakataon ang aking sarili na ligawan at mahalin. Malambing ang mga mata ni Jerome, para akong tinutunaw. Kailangan kong maging maganda para kay Jerome, kaya pagkatapos kung maubos ang aking unang tasa ng cappuccino, kinailangan kong pumunta sa ladies room para mag-ayos. Lumabas ako ng coffee shop upang magpunta sa ladies room. Hindi ko ginamit ang ladies room sa loob the coffee shop sapagkat gusto kong makapaglakad-lakad, baka sakaling makatiyempo ako ng malaking salamin kung saan makikita ko ang aking buong kaanyuan, mula ulo hanggang paa. Nang ako ay pumasok sa ladies room mayroong apat na babaeng nananalamin at nag-aayos ng kanilang sarili. Ako ay nahihiyang makita nilang nag-aayos din kaya’t ako ay naghugas na lamang ng aking mga kamay, nag-aantay sa kanilang pag-alis upang ako naman ang makapag-ayos. Mula sa salamin, nakita ko silang isa-isang lumabas maliban lamang sa isang babaeng nakatayo lamang doon sa dulo, sa tabi ng pader na tila hindi naman nag-aayos. Nakatayo lamang siya at nakayuko. Ang kanyang mukha ay natatakpan ng kanyang mahabang bohok na kulot-kulot at gulo-gulo. Aking inisip na marahil itong babaeng ito ay tulad ko ring nag-aantay makapag-isa at nag-aantay sa aking pag-alis kaya’t nagdesisyon akong umalis na lamang. Sinara ko ang gripo at nagsimulang magtungo sa hand drier. Ako ay nagulat sapagkat ang babaeng nakita ko sa salamin ay wala pala sa tabi ko tulad ng aking inaakala. Ako ay tumingin ulit sa salamin at nakita ko siyang nakatayo na sa aking harapan, nakatingin sa malayo. Ang aking pagkagulat at pagkatakot ay biglang nalibang ng may apat na babaeng pumasok sa ladies room. Liningon ko sila para malaman kung nakikita rin nila yung babae sa aking harapan, ngunit tila hindi, sapagkat sila ay abala lamang sa pag-aayos ng kanilang sarili. Nang tinignan ko ulit ang babae sa salamin, bigla itong tumitig sa akin at dinamba ang salamin parang gusto niya akong abutin. Sa tinding takot, hindi ko nakitang mabuti ang kanyang itsura. Ang alam ko lamang ay alam niyang nakita ko siya. Nagmadali akong lumabas ng ladies room at sinadya kong iwasan ng tingin and salamin. Hindi ko masabi kay Jerome ang nangyari sa akin sa ladies room dahil ako man ay hindi rin sigurado sa aking nakita. Hindi na ako makasabay sa aming kuwentuhan kaya’t sinabi ko na lamang kay Jerome na gusto ko nang umuwi. Nang kami ay papunta na sa parking lot, bigla kong naisip na sumilip ulit sa ladies room upang patunayan sa aking sarili na ang aking nakitang kababalaghan ay dala lamang ng sobrang pag-inom ng kape. Dumadagundong ang aking puso habang dahan-dahan kong binubuksan ang pintuan ng ladies room. Hindi ko binuksan ng todo ang pinto, sapat lamang upang ako ay makasilip. Nandoon pa rin ang babae sa salamin. Bigla akong napaatras ng ang babae ay biglang lumingon at tumingin sa akin. Alam niyang ako ay babalik. Inaasahan niya ang aking pagbabalik. Tumakbo ako papalayo sa ladies room. Sa aking pagmamadali, nabangga ko pa ang ilang mga taong papunta sa mcomfort room. Sinalubong ako ni Jerome at nabasa niya ang takot sa aking mukha. Ngunit, ng ako ay kanyang tanungin kung ano ang problema, ang tangi kong nasabi, “Jerome, gusto ko nang umuwi, paki hatid mo na ako please.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.4K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

The naive Secretary

read
69.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook