BASHA Ang isang gabi na hindi niya paguwi ay nasundan pa ng ilang araw. Hindi lang yun pati ang trabaho niya sa kompanya ay naapektuhan na rin. Kapag umuuwi siya dito madaling araw na at umaalis naman siya ay maaga pa. Kaya hindi na rin kami nakakapagusap. Naging opisina at hospital ang naging buhay niya at ako? Ito, naghihintay na magkaroon siya ng oras para sa akin. Gusto kong magalit sa kanya dahil kahit tex or tawag di niya magawa. Pero gusto ko din malaman kung anong lagay ni Sir Diego. Napatayo ako sa sofa nang bumukas ang pinto at pumasok siya. “Thadd…” “Thaddeus, sumunod ka sa akin. Magusap tayo.” Wika ni lolo sa kanya na Kakababa lamang sa hagdan. Ngayon na lamang ulit siya umuwi ng maaga pagkatapos ng tatlong araw ng pagkaka accident ni Sir Diego. Hindi man lang niya ako k

