THADDEUS “Paano kung pigilan kita? Aalis ka pa rin ba?” mahinang tanong niya habang kumukuha ako ng jacket sa closet. Nilingon ko siya at sinara ang pinto. “Sorry, but I need to go. Diego is already part of my life before I met you. As of now ayokong mamili sa inyong dalawa. May relasyon pa rin kami Basha. At hindi ko siya puwedeng pabayaan sa ganung kalagayan.” paliwanag ko sa kanya. “Naintindihan ko Thadd, wala naman talaga akong balak pigilan ka. Pero dahil sa sagot mo. Alam ko na ngayon na wala akong lugar diyan sa puso mo.” Tinalikuran niya ako kaya hinatak ko siya pabalik. “Basha please…intindihin mo naman ako.” paki-usap ko sa kanya. “Thaddeus, mas mabuting sabihin mo na sa akin ng maaga kung may aasahan ba ako sayo. Mas masakit kung kailan mahal na mahal na kita saka mo p

