bc

Stallion 52: Trigger Samaniego

book_age12+
427
FOLLOW
1.3K
READ
comedy
humorous
lighthearted
like
intro-logo
Blurb

Yeti's the only one who can tell who's who from the notorious Samaniego twins. Because her heart knew the one it cherished. Yung crush nyang si Trigger Samaniego. Pero ni minsan ay di sya nagtapat o nagparamdam sa binata mula pa nung highschool sila. Kuntento na sya na tingnan ito sa malayo at i-stalk sa internet. Sa lahat kasi ng in love, sya pinakamatad kumilos to pursue the love

chap-preview
Free preview
Chapter 1
  “OH, MY gosh!  Nakita ko si Trigger Samaniego sa pathwalk ng school natin!  As in nakasalubong ko siya pagpasok ko kanina!  Grabe!  Nginitian niya ako!  Kahit parang umiwas agad siya ng tingin bago pa man ako makasagot ng ngiti sa kanya.  Grabeh!” “Oh, my gosh!  Really?  Ang suwerte mo, bruha!  Pahawak nga!  Para maambunan naman ako ng biyayang dumating sa buhay mo!” “Ay naku!  Swear!  Ngiti!  Gosh!  Parang gusto kong lumuhod sa harap niya kanina!  O kaya naman, halikan ang nilalakaran niya sa sobrang…eeeehh!  I love him!  I just love him!” “I love him too!” “I love him three!” Sinulyapan ni Jeuliette ang mga kaklaseng maingay na nagkukuwentuhan sa harap ng classroom nila.  Halos lahat na yata ng kaklase niyang babae ay nag-uupukan doon habang masayang-masayang nagkukuwentuhan at nagpapalitan ng kani-kanilang close encounter with the great Samaniego twins.  “Ang cute-cute talaga ni Trigger!” “Hindi!  Guwapo siya!” “May pagkakaiba ba iyon?” “Oo naman, ‘no?  Ang salitang cute, para lang sa mga mukhagn totoy.  Sina Trigger at Jigger, ibang klase sila.  Ibang level ang ka-cute-an nila.  Guwapo.  That’s the right term for them.  Walang duda!” “Mas guwapo si Jigger!” “Hindi!  Mas guwapo si Trigger!  Tiningnan pa nga niya ako kanina, eh!  Plus one thousand pogi points iyong namamansin!” “Pinansin ka na ba niya nun?  E tiningnan ka lang naman niya.” “Pinansin niya ako!  Marunong pa kayo sa pinansin ni Trigger!” “Teka, sigurado kang si Trigger iyon?” “Wala akong pakialam.  Magkamukha naman sila so puwede kong ilagay ang pangalan nila sa kahit na kanino.  Period.  Ang kumontra, pangit!” Lihim na lang siyang napabuntunghininga.  Minsan parang gusto niyang layasan ang paaralang iyon dahil napakababaw mag-isip ng mga estudyante.  Kahit pa nga nasa star section na tulad ng section nila.  Hindi marurunong mag-isip. Hinawi niya ang may kahabaang bangs para mas mabasa ng maigi ang binabasa niyang aklat.  “Hindi nyo ba alam na dalawang tao ang pinag-uusapan ninyo?” tanong niya sa mahinang boses habang nakatutok ang mga mata niya sa kanyang binabasa.  Sarili lang naman kasi niya ang kinakakusap niya.  “At hindi po si Trigger ang nakasalubong mo sa pathwalk kanina kundi si Jigger.  Dahil pala-ngiti man si Jigger, hindi siya katulad ni Trigger na kakawayan ka at babatiin.  Trigger is way better and nicer than his twin.” Paano niyang nalaman iyon?  Inaamin niya sa kanyang sarili na sa puso niya ay sinasamba niya ang isa sa pinakasikat na kambal na nakilala niya sa buong buhay niya.  She was just fourteen years old and on her first year in highschool, yet she could truly say that what she feels for Trigger Samaniego was for real.  Mula nang araw na nasilayan niya ang mukha ng naturang binatilyo sa paaralan nilang iyon, hindi na ito naalis sa isip niya.  Hindi rin niya alam kung bakit ganon na lang naakit ang kanyang atensyon sa binatilyong iyon.  Na ni hindi nga halos siya nakikita dahil hangga’t maaari ay ayaw niyang umangat ang presensiya siya sa kahit saang lugar na kinaroroonan niya.  Mula sa malayo, binubusog niya ang mga mata niya ng imahe nito kapag nagkakaroon siya ng pagkakataon na masilayan ito.  Trigger Samaniego’s eyes, smile, easy strides, warm voice, friendly disposition and his ultimate weapon, his being a true blue gentleman.  Lahat ng iyon ay naka-stock lahat sa puso at isip niya.  Sa kabila ng kamiserablehang nararamdaman niya sa loob ng kanilang klase, dala ng mga napakabababaw niyang kaklase ay nagagawa niyang i-tolerate lahat iyon dahil na rin kay Trigger.  Kung hindi nga dahil sa binatilyong iyon, matagal na siyang lumipat ng paaralan.  Ngunit sa dami ng pagkakataon na nakikita niya ito, na maaari niya itong makatabi man lang, hindi niya iyon pinanghawakan.  Magkaiba kasi ang mundo nila ni Trigger Samaniego.  Simple lang siya at hindi pa malalaman ang presensiya niya kung hindi siya matatabig o masasangga.  Samantalang ang binatilyong iyon, mabanggit lang ang pangalan ay parang magkakaroon na ng kaguluhan.  Hindi kasi magkandaugaga ang mga estudyante, lalo na ang mga babae, sa pagkukuwento ng mga bagay tungkol dito.  At kapag nagpakita naman ito sa mga simpleng mortal na tulad niya, sus!  Kulang na lang ay sambahin nga talaga ng mga estudyanteng babae ang nilalakaran nito. Meron pa nga siyang nakita minsan na talagang dinampot pa sa basurahan ang tetra pack ng juice na ininuman nito.  That’s how crazy those girls are for Trigger.  Or Jigger.  Hindi siya sigurado kung si Trigger o si Jigger ba ang pinagkakaguluhan ng mga ito dahil katwiran ng mga babaeng iyon, magkamukhang magkamukha naman kasi talaga ang mga ito at wala na silang pakialam kung sino pa sa dalawa ang hinahangaan nila. Well, iba siya.  There’s just one Samaniego boy for her.  Si Trigger nga.  Sigurado siya roon. “Kapag kinausap ako ni Jigger, magpapapiyesta talaga ako sa barangay namin!” patuloy na kuwentuhan ng mga kaklase niya.  “Tapos maghahanda na rin ako para sa kasal namin.” “Anong kasal ninyo?  Hija, nangangarap ka na naman ng gising diyan.  Kaming dalawa ni Jigger ang magpapakasal.” “Akala ko ba si Trigger ang gusto mo?” “Wala ka ng pakialam!  Basta, pakakasalan ko kahit sino sa dalawa!” “Ako rin!” “Same here!” “Malapit na ang birthday nila, ah.  Anong ireregalo ninyo kay Jigger?  Ako, dalawa silang bibigyan ko.  Hindi kasi kaya ng puso na pumili sa pagitan nila.  I just love them both.” “Talagang hindi puwede ang isa lang!” “Me too!” “Me three!” Nawala siya sa kanyang binabasa.  Oo nga pala!  Malapit na ang birthday ni Trigger!  At wala pa siyang nabibiling magandang regalo.  Ano kaya ang puwede niyang bilhin para rito?  “Ano ba naman ang iniisip kong ito?” tanong niya sa kanyang sarili.  “As if I could give it to him…” With a big sigh, she just buried her face to her books.  Pero hindi naman gumagana ang utak niya na maintindihan ang binabasa niya.  Dahil ang kanyang isip ay naroon sa binatilyong itinatangi ng batang puso niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.8K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
96.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.1K
bc

His Obsession

read
74.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.6K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook