Untitled
He was happy‚
because he will become a father soon.
Ng ipanganak ko ang anak namin‚
Hindi ko maipaliwanag ang kaniyang reaksyon.
Sobrang saya ko‚
Habang pinagmamasdan ang mag ama ko.
Habang nakatingin ako sa kanilang dalawa‚
Napangiti ako at nasabi sa sarili ko na—
Kahit silang dalawa lang ako’y masaya na.
Akala ko permanente na ang kasiyahan na nadarama ko‚
At akala ko matutupad lahat ng pangarap ko.
Pero lahat iyon naglaho‚
Ng malaman kong siya’y gumagamit ng Ipinagbabawal na gamot.
Hanggang isang araw‚
Umuwi siyang wala sa sarili‚
Na siyang ikina-bahala ko‚
Hindi para sa sarili ko—
Kundi para sa anak ko.
Lumapit ito saakin‚
Nanghihingi ng pera.
Ang sabi ko ay wala akong pera‚
Kaya nagalit siya.
Lumapit siya saakin‚
At pagkatapos ay sinampal niya ako.
At pilit humihingi ng pera‚
kahit wala naman talaga akong pera.
Sumunod ay sinuntok niya ang sikmura ko‚
Sinubukan kong pumalag—
Pero napakalakas niya at nanghihina na ako.
Ilaang beses niya akong sinuntok‚
Inuntog sa pader ang ulo ko‚
At walang awang tinadyakan.
Sinakal niya rin ako‚ sinabunutan—
At pinaghahampas ng bakal na upuan.
Sinubukan kong lumaban‚
Pero hindi na kaya ng aking katawan.
Umiiyak na ako sa sakit‚
At hapdi ng natamo kong sugat—
At pinipilit kong lumaban kahit puro na ako sugat.
Nalaglag ang anak ko‚
Hindi ko man lang nalapitan ito at nasalo.
Hindi na kinakaya ng katawan ko‚
At unti-unti ng nandidilim ang paningin ko.
At bago ako mawalan ng buhay‚
Tanging na sambit ko nalang ang katagang “Diyos ko‚ kayo na pong bahala sa anak ko.”