15

2144 Words
Maagang umalis si Blaire sa bahay pero nandito naman ngayon si Francine para bisitahin ako. "Nasaan si Architect? Nakita ko ang tweet niyo kagabi. Nakakakilig kayo." Oh yes! I expected this to happened. Yung mago-open siya ng topic about last night. "Architect is not around may meet up daw sila nung ex niya. Kinilig ka ba doon? Palabas lang yun." Ni-hindi nga siya nagpaalam na aalis siya. Kagising ko wala na siya. Masyadong excited! "Palabas lang ba talaga? I know you Angel. Bakit hindi ka na umamin?" The hell? Umamin daw? Bakit ako ang aamin? "Gosh Francine! Anong aamin ka diyan? Baka ano pang sabihin non. Tsaka remember nandiyan na si Ex so expect ko nakapag nagkita kami mamaya ang sasabihin non. Go pack your things ang leave my house. Dahil nga sila na ulit nung ex niya. Nagkabalikan na sila. Tsaka, ireject pa ako non." Tawa naman siya ng tawa sa sinabi ko. "Wow! Ang advance mo magisip ah. Ikaw irereject? Sa ganda mong yan? Ano bang itsura nung Ex niya? Malamang mas maganda ka pa doon." Napailing na lang ako kay Francine. "Oh yes ofcourse! Mas maganda ako sakaniya pero ang tanong mahal ba ako ni Blaire? Hahaha. Lamang nga ang kagandahan ko. Pero parang mas lumamang naman si Ex dahil mas lamang siya sa puso ni Blaore." Tawa namn kami ng tawa habang punaguusapan yun. "Can we talk about the company?" I changed the topic baka may makarinig pa saamin. Mas mabuti na ang nagiingat. "Oh yes! Yun pera ng kompanya niyo. Ngayon ko na lang ulit na check ito dahil iba ang nakatoka dito. I found out na nababawasan ang pera nito. And I guess si Hellen ang nasa likod nito. Who would it be? No other than your aunt." She's right. I know her. "Nasa kaniya na ang lahat but still parang hindi pa yun sapat. Pati ang pera ng kompanya nanakawin niya. Darating ang araw, malulugi ang kompanya dahil sa kapabayaan niya. Tumango tango si Francine at sangayon siya sa mga sinasabi ko. "Araw araw ko ng iche-check ang pera ng kompanya. Babantayan ko din ang kilos ng Tita mo." Buti na lang nandiyan si Francine to check the company. "Thank You. Good thing hindi mo ako iniwan. Siguro kung wala ka hindi ko alam kung pano lahat gagawin ito." She hold my hand. "I'm always here for you." I smiled at her. Parang ko na siyang sister, mother, or should I say family. Kahit na wala sila Lola, Mama at Papa, nandito naman si Francinw. Thanks to her. She hugged me tight. "Nangako ako sa Lola mo na aalagaan kita. That's why I'm doing this for you." Umalis din kaagad si Francine dahil pinatawag siya ni Tita Hellen. Hindi niya alam kasabwat ko si Francine. Pero paano nila nalaman na pumunta ako noon sa event ng kompanya? Bukod kay Blaire, si Francine lang naman ang nakakaalam non at wala ng iba. Hindi niya naman siguro ako tinraydor. I know Francine very well. Kabisado ko na ang mga kilos niya. Matagal ko na din siyang kasama. At alam kong hindi niya yun magagawa. Nagulat ako ng mag ring ang phone ko. Akala ko si Blaire o kaya si Francine. But I was wrong. Unkown Number. [Angel, siguro iniisip mo kung paano ko nalaman na pumunta ka sa event nung company. Tama ba ako?] "T-tita?" [Yes It's me! Ang Tita Hellen mo na nagmamahal sayo. How are you? Miss na miss na kita, mahal kong pamagkin.] "I'm fine. Lalo na ngayong hindi na kita kasama at hindi na kita nakikita. I miss you too Tita." [Gusto kitang imbitahan sa mansyon. I want to talk to you. Namimiss ka na din ng mga tao dito sa mansyon.] "Really? Well, that's good. Gusto ko na din kaseng makita ulit ang mansion. I'm just wondering kung ano na nga ba ang itsura nito. Malamang mukha itong impyerno. Anong oras mo ba ako kailangang kausapin?" [Ngayon na. May nagaantay na sayo sa labas] Nakarinig nga ako ng busina mula sa labas. Sumilip muna ako. Mga tauhan nga niya iyon. Pero paano niya nalaman na dito ako nakatira? Aha! Sinabi siguro ito ni Lucy sakaniya. Agad kong dinial ang number ni Blaire. Gosh! Nakailang tawag na ako pero hindi niya pa din sinasagot. "Pick up the phone Blaire." Inis na inis na ako. Sa huli ay tinext ko na lang siya kung saan ako papunta at kung anong address ng mansyon. Sana lang Blaire hindi ka busy ngayon dahil malamang ay kailangan ko ng tulong mo. Siya na nga lang ang inaasahan ko bukod kay Francine. Kung si Francine naman kase ang tatawagan ko at ite-text ko, malamang ay wala naman siyang magagawa at hindi siya makakakilos kaagad dahil nga amo niya ang pupuntahan ko. Hindi niya naman pwedeng kalabanin si Tita Hellen dahil pag ginawa niya yun. Wala na akong source. Wala na akong kakampi. Wala na akong pamilya. Lumabas na ako at sumakay ng kotse. Kinakabahan ako sa balak ni Tita Hellen saakin. Alam kong may masama siyang balak. Masama ang kutob ko. Nakarating din naman ako kaagad sa mansyon. Bago na ang lahat ng designs sa mansyon. Wala na din ang family picture namin sa sala. "Angel! Natutuwa ako na makita ka. May nakapagsabi din saakin na okay na yang mata mo. Nakakakita ka na! Good thing." Naiilang akong nakipagbesohan. Umupo ako, nagpatimpla din daw siya ng juice para saakin. "Bakit mo naman ako papapuntahin dito? Anong meron? Papatayin mo na ba ako? Anong balak mo?" Ngumiti siya pero alam kong yung ngiti niyang yun ay may binabalak na masama. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Si Francine ang nagsumbong saakin na pupunta ka sa event." Hindi ko alam kung maniniwala ako sa sinabi niya. Pero may part na gusto kong maniwala dahil wala naman ibang magsusumbong non kundi si Francine kase nga siya yung malapit kay Tita Hellen. Secretary siya ni Tita Hellen. Pero hindi! Hindi siya ganon. I know Francine. Hindi niya basta-basta gagawin yun. Tumayo ako at tumayo din siya. "Sa tingin mo, maniniwala ako sayo?" Binigyan ko siya ng isang ngiti. Ngiti na may kasamang pangaasar at galit. "What are you talking about? I'm just telling the truth! Gusto ko lang na magingat ka kay Francine." Wow! Good actress! The way she talked and the way she cared for me. Halatang scripted! Luma na ang style niya. Katapos ng ginawa niya sa buhay ko? Katapos niyang gawing miserable ang buhay ko? Kakampihan niya ako ngayon! Sisirain niya pa si Francine. Eh samantalang alam ko kung paano kumilos si Francine. Nababasa ko siya. Sa tagal naming magkasama. "Hindi mo naman sinabi na kakampi na pala kita ngayon. How come? Sino na ang kalaban si Francine? Duh! Magingat kay Francine? Baka si Francine ang magingat sayo. Remember ikaw ang kalaban at hindi siya. Incase na nakalimutan mo. Bakit naman ako maniniwala sa isang MAGNANAKAW, SAKIM at MANLOLOKO?" Mabilis niya akong nasampala kaya napahawak ako sa pisngi ko dahil sobrang bigat ng kamay niya. May hato ba sa kamay niya? "Ang lakas ng loob mo akong pagsabihan ng ganiyan! Nagsasabi lang naman ako sayo Angel. Tandaan mo na inalagaan kita noong namatay ang kapatid ko at ang Lola mo. Ako ang tumayong nanay sayo!" Natawa naman ako sa mga sinabi niya. "Inalagaan at tumayong nanay saakin? Kelan mo yun ginawa? Bakit naman hindi ako nainform? Sinong niloko mo? Bulag ako noon pero aware ako diyan sa kademonyohan mo! Nagpapatawa ka ba? Nice Joke!" Inis na inis niya akong tinignan. Pagbubuhatan niya pa sana ako ng kamay kaso may humawak dito sa braso niya. "Don't you dare!" Pagbabanta pa nito. "Will?" Gulat ako ng makita siya sa harapan ko. Expect ko si Balire ito. Nadismaya ako dahil hindi naman siya ang inaasahan kong mg ligtas saakin. O baka naman palabas lang nila ito? "Will! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Nagtataka at gulat na gulat si tita Hellen sa ginawa ni Will. Kahit din naman ako nagulat. Lumayo sila at may pinagusapan. Umupo ulit ako at tinignan kung may message ba si Blaire saakin. Umaasa ako na bigla na lang itong magring at magflash sa screen ang pangalan ni Blaire. O kaya naman ay magsend siya ng text saakin na papunta na siya. Nang makita kong wala ay tinago ko na ulit ang phone ko. Nakakainis! Hindi niya man lang magawang tawagan ako o kamustahin kung okay lang ba ako dito sa mansiyon. Akala ko pamandin kapag nagsend ako ng madaming message sa kaniya at pagnag missed call ako ng marami eh agad na siyang pupunta dito para iligtas ako. Pero nandiyan kase si Ex. Kaya malamang busy yun. Siguro nagkabalikan na sila no. Ang sakit naman sa part ko. Uminom na lang ako ng juice na nakalagay sa harapan ko. Kaunti lang ang nainom ko dahil hinila na ako ni Will. "Let's go! I'll take you home." Mabilis niya akong hinatak palabas ng mansyon. "Nasa panganib ka. Wag ka na ulit pupunta sa impyernong ito. You need to get out of here. Iuuwi na kita." Humalkhak ako at humawak pa sa tiyan dahil sobrang natatawa ako sa mga kilos niya. "You son of b***h! Ikaw ililigtas ako? Really Will? Natatandaan mo pa ba noong kailangan ko ang tulong but you said na wala akong silbi kaya mas minabuti mong hindi ako tulungan? Tapos ililigtas mo ako ngayon? Sorry! But it's already late." Hinila niya ako papasok sa kotse. Nilagyan niya ng tali ang kamay ko at sinuotan ng seatbelt. Paano naman ako makakatakas sa ganito? Aish! Inis na inis akong umupo sa kotse niya. "You don't need Blaire. All you need is me!" Mabilis niyang hinagis saakin ang isang litrato at napaawang ang bibig ko ng makita ang litrato ni Blaire na kahalikan si Marga. Parang tinutusok ang puso ko. I don't know what to do. Totoo ba ito? "See? Bakit mo pa pinagsisiksikan ang sarili mo? Nandito ako Angel!" Hindi naman edited ang picture na ito. Kaya ba hindi niya ako magawang sagutin kanina nung tinatawagan ko siya dahil busy siya sa pakikipaglandian niya? Bakit ba ako umaarte ng ganito? Samantalang wala naman kami. Pero mas maniniwala ako kung si Blaire mismo ang nagsabi saakin non. "Hindi ako naniniwala sayo Will! Wala na tayo! Tapos na tayo! Dahil wala naman akong sil-" hininto niya ang kotse at tinanggal niya ang seatbelt ko at ang pagkakatali sa kamay ko. Sabay kaming lumabas ng kotse. "Oo Angel! Alam ko yun! At nagsisisi na ako sa ginawa kong pagiwan sayo! Kaya ngayon nandito ako para ibalik ang dating tayo! Kitang kita ko ang pagluha ng mata niya at nagulat na lang ako ng mapaupo siya sa lupa. Nagangat ako ng tingin. Nakita ko si Blaire na galit na galit. May dumating na tatlong lalaki. "Alam niyo na ang gagawin niyo!" Inutusan ni Will ang mga ito na bugbugin si Blaire. "Will! Tigilan mo na nga si Blaire!" Si Blaire naman ay nakikipagsuntukan na pero mas malakas talaga ang alipores ni Will "Tigilan? Angel! Hindi ka dapat dumidikit diyan! May girlfriend yan! Tumayo si Will at hinawakan ang kamay ko. "Don't you dare to touch her!" Sigaw ni Blaire sa kaniya. Kitang kita ko kung paano siya nahihirapan dahil sa mga lalaking nanakit sakaniya. Ayoko sa lahat yung sinasaktan si Blaire eh. "Angel, bakit ba yaw mong bumalik na lang ako sayo? Bakit ba ayaw mong ibalik ang dating tayo? Am I not enough?" Wow! Ang arte ahh. "Alam mo kung bakit ayaw ko na? Dahil unang una sa lahat, hindi na kita pinagkakatiwalaan. Wala ka na ding silbi saakin. Katapos mo akong ipagtabuyan at hiwalayan ngayon babalik ka? Ano sa tingin mo ang pinasok mo? Isang laro na pwedeng mag pause at pwedeng mag resume? Gago ka ba? Katapos ng masasakit na salitang binitawan mo saakin babalik ka? O baka naman kaya ka bumabalik dahil wala ka ng ibang malandi? Ano Will? Ngayon ka magsosorry katapos ng lahat? Grabe naman yun! Ang tagal na nating wala tapos ngayon mo lang maiisipang mag sorry?" Humalakhak pa ako para mas lalo siyang mapikon. "Angel diba kinailangan mo din naman ang tulong ko? Diba pumunta ka sa condo ko? Pero bakit ngayong nakilala mo na si Blaire parang kinalimutan mo na kung paano ka nagmakaawa saakin noon." Ano na naman ang pinagsasabi ni Will? Nagmakaawa daw ako? "Excuse me? Kelan ko ginawa yun? Never akong nagmakaawa sayo! Nung sinabi mo saaking hindi mo ako kailangan at pinagtabuyan mo ako sa condo mo. Umalis ako ng kusa! Hindi ako nagmakaawa! Ano bang ininom mo at parang hindi mo naalala ang nangyari? Are you in drugs?" Habang nakatingin ako kay Blaire parang anytime ay babagsak ako. Hindi ko alam kung anong nangyayari saakin. Nagiiba ang pakiramdam ko. "Blaire." Mahina kong tinawag ang pangalan niya. "Angel!" Narinig ko pa ang pagtawag nila sa pangalan ko noong bumagsak ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD