16

3070 Words
"Gising ka na. Thank God at hindi malala ang nangyari." Nakita ko si Blaire na puno ng pasa at pumutok pa ang labi niya. "How are you feeling?" He asked. "I'm fine. Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan. Does it hurts?" Umiling siya at lumapit saakin para hawakan ang kamay ko. "Alam mo bang muntikan ka ng mamatay dahil nilason ka! Ano bang kinain mo? Hayop yung Will na yun!" Pinaklama ko muna siya at iniisip kung ano bang nakain ko at nalaso ako. Wala naman akong ibang nakain. Ang naalala ko lang ay yung juuce na ininom ko bago ako hinila ni Will. "Uminom ako ng juice kanina sa mansyon. Yun lang ang naalala kong posible na may lason." Humawak si Blaire sa baba niya at malalim ang iniisip. "Gago yata si Will! Nagawa ka niyang lasonin! May nalalaman pa siyang mahal ka niya at gusto ka niyang balikan." Mabilis akong umiling dahil nagkamali siya sa sinasabi niya. "No Blaire! Nagkakamali ka. Hindi si Will ang may gawa nito saakin." Napahilamos siya sa mukha at mukhang stressed. "Kakampihan mo pa talaga si Will? Sabagay ex mo nga pala siya." What? Akala ba niya mas kakampihan ko si Will? "Seriously? Are you out of your mind? Kahit ex ko si Will hindi ko siya kakampihan! Hindi si Will ang naglason saakin! Si Tita Hellen!" Nagulat siya at napaawang ang bibig niya. "Bakit hindi mo sinabi saakin? Bakit hindi mo ako tinawagan?" Hindi niya ba hawak ang phone niya? Hindi niya ba nareceive ang text at calls ko? May load ba ako kanina? "Anong hindi?! I texted you! Tinawagan din kita! Hindi ka naman sumasagot! Ilang beses kitang tinawagan pero hindi mo yun nagawang sagutin! Sabagay, kausao mo nga pala ang ex mo." Kinuha niya ang phone sa bulsa niya. "s**t! Nakasilent!" See? Baka sinilent niya talaga yan oara hindi maistorbo ang paglalaindan nila nung ex niya. "Sabagay, hindi mo naman ako priority. Sino ba naman ako diba? Thanks to Will at i alis niya ako sa impyernong mansyon." Inis na inis na siya ngayon. "What are you saying?!" Hindi niya ba gets? Hindi niya ba maintindihan? "I'm just telling the truth Blaire! Iwan mo na ako! Gusto kong magpahinga!" Imbes na umalis siya, umupo pa siya sa sofa. "I said leave me alone!" Dahil sa lakas ng sigaw ko nakuha niya ding lumabas ng kwarto. Ngayon ko lang napansin na nasa hospital pala ako. I thought inuwi niya ako. "Angel! Oh my god! Thank God at maayos ka." Nilapitan niya ako at chincek ang buong katawan ko. "Francine? May dapat ba akong malaman sayo?" Naguguluhan siya ng tignan niya ako. "What? Anong dapat malaman?" Tinaasan ko siya ng kilay. Ayaw ko sanang gawin ito. "Totoo bang ikaw ang nagsumbong kay Tita Hellen na pupunta ako sa event?" Nanalaki ang mata niya sa gulat at hindi alam kung paano i-eexplain saakin. Ilang minuto siyang natahimik. "Silence means yes. Bakit mo naman yun ginawa? I trusted you! Traydor ka! Pinagkatiwalaan kita! Ikaw ang nagsabi na aalagaan mo ako at kakampihan!" Lumayo siya saakin at tinabig ko ang kamay niya. Nagsimula na siyang umiyak sa harapan ko. "Angel........... hindi ko ginusto yun...." hindi niya ito matuloy tuloy dahil hindi niya alam kung paano ito sisimulan. "Ang. Narinig niya ako na kinakausap ka sa phone." Handa akong pakinggan siya dahil alam kong may dahilan talaga siya kaya niya nagawa yun. Sumenyas ako na magpatuloy siya. "Wala akong nagawa kundi sabihin dahil tinakot niya ako. Ang sabi niya papatayin niya ako at ang pamilya ko. Angel wala akong nagawa kundi sabihin sakaniya na pupunta ka pero hindi ko sinabi kung nasaan ka, kung anong suot mo at kung sino ang kasama mo. Yun lang ang sinabi ko. I'm so sorry. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko nung araw na yun pero hindi ako traydor. Wala lang talaga akong choice." I understand her reasons. Pero nagtataka lang talaga ako kung sino ang bumaril saamin ni Blaire. "It's okay now. May alam ka ba kung sino ang bumaril kay Blaire nung araw na yun?" Tumango ito ng mabilis. Lumapit siya saakin. "Isa sa mga tauhan ni Hellen. Pero hindi nila alam na kayo yun. Ang sabi nila nabaril lang nila yun dahil nagkamali sila ng pindot. Kaya hinahanap na nila ang taong yun pero ako na angasikaso doon. Ang sabi ko kilala ko ang taong nabaril at ako ng bahala ang umasikaso sakaniya." Nanahimik kami at hindi na muna nagsalita. Kung makasumbong saakin si Tita Hellen parang hindi niya ito tinakot para paaminin. May araw ka din saakin Tita. "How are you feeling?" She asked. Nagkibit balikat ako. "Eto kakatapos lang naming magaway ni Blaire." Mukhang hindi yata siya nagulat sa sinabi ko, malamang nagkasalubong sila sa labas at sinabi ni Blaire ang nangyari. "Nakwento niya nga saakin. Wag ka kaseng magpadala sa selos. Masama yun. Lalo na't wala namang kayo." We chuckled. Ouch! Ang sakit naman non. Tagos sa puso. "I can't help myself! Alam ko naman yun kaya lang hindi ko ma-control ang sarili ko." Nagkwentuhan pa kami ni Francine hanggang sa l nagpaalam na din siya dahil may trabaho pa siya. Kalabas ni Francine, pumasok naman si Blaire at inayos ang dala niyang pagkain. "Kumain ka na muna." Utos niya. Tinignan ko lang siya pero hindi ko kinuha ang pagkain na nasa lamesa sa gilid ko. "Wag ka ng makulit. Wag mo ng hintaying subuan pa kita. Aalis pa ako." Lalabas na sana siya sa pintuan kaya lang pinigilan siya ni Tito Edward. "Aalis ka na? Saan ka naman pupunta? Bantayan mo itong si Angel baka mamay may mangyari ulit sakaniya." Wala siyang nagawa kundi bumalik sa sofa at umupo. "Tignan mo nga yang sarili mo Blaire. Aalis ka ng ganiyan ang itsrua? Dito ka na lang muna." Kinuha ko na ang pagkain at hindi na naginarte pa dahil nagugutom na din naman ako. Habang abala ako sa pagkain ay nakikinig din ako kay Tito Edward na sinesermonan ang kaniyang anak. Bigla namang pumasok ang isang nurse na nakangiti saamin. "Good news po Ma'am and Sir. Pwede na po siyang lumabas bastat sisiguraduhin niyo lang na babantayan niyo po ang mga kinakain niya." Nagpaalam din kaagad ang nurse. Si Tito Edward ang umasikaso ng bill. Ako naman ay inalalayan ako ni Blaire para makalabas sa ospital. Nakaupo nga ako ngayon sa wheelchair. Gusto ko sanang maglakad na lang dahil hindi naman ganon kalala ang nangyari saakin pero gusto niya daw na i-wheel chair na lang ako. Nagaway pa kami sa huli ay siya naman ang nanalo. Sakto namang pumasok kami sa kotse ay dumating na din si Tito. "Pa? Nasaan ba si Mama? Bakit hindi mo yata siya kasama?" Tanong ni Blaire sakaniya habang inayos ang buhok niya na nagulo dahil sa hangin. "Nagpaiwan siya sa bahay. May bisita eh." Oh may bisita pala sila. Sino kaya yun? Baka relatives nila kaya hindi maiwan ni Tita Beatrice. Agad kaming nakarating sa bahay nila Blaire. Nakita ko si Tita sa kusina at may kausap na babeng nakatalikod. "Ma, ano na namang-" napatigil si Blaire sa pagsasalita nang humarap saamin ang bisita. "Marga?" Gulat na gulat si Blaire. Bakit siya nandito? Welcome pa din ba siya kahit ex na? "Hindi na ako nakasama sainyo dahil ayokong iwan dito si Marga." Okay. Edi sila na close ni Tita. Siya na kase ang favorite. Epal naman niyan. Kinamusta ni Tita ang lagay naming dalawa ni Blaire. Tinanong niya kung okay lang kami. Alalang alala pa ito pero pagkatapos niya kaming kinausap binalingan niya itong si Marga at silang dalawa na ang nagusap. "Tita, sino siya?" Tinuro niya pa ako. Wow! Hindi niya ba ako kilala? Gosh! Naglakad ako palapit sakaniya. "Angelica Leigh Castillio. Ballerina and soon to be the CEO of Dominguez Group of Companies." Kaya pala Dominguez ang pangalan ng kompanya namin ay dahil pagmamay-ari ito ni Lola at ni Lolo. Silang dalawa ang nagmamanage ng company. But sad to say na hindi na sila ngayon ang nagmamanage nito. Dahil si Tita Hellen na. Pormal kong pagpapakilala. Gulat na gulat ang lahat ng magpakilala ako sa harapan ni Marga. "Dito ka nakatira?" Parang hindi pa yata siya makapaniwala. "Yes, nakatira ako dito for the meantime. Bakit?" Hindi niya na nasagot ang tanong ko dahil biglang dumating ang kaibigan ni Blaire. "Woah! Nandito si Ex!" Hiyaw naman ng hiyaw sila Alvin. "Hi Alvin! Long time no see." Hindi pinansin ni Alvin ang pagbati ni Marga sakaniya. Dahil ako ang binalingan ni Alvin. "Hi there Mrs. Gonzales! Hoy Blaire, bakit ang tamlay naman yata ng misis mo?" Kung nakaupo lang ako sa sofa malamng nahulog na ako dito dahil sa sinabi ni Alvin. Napaubo naman si Marga. "Mrs. Gonzales? Asawa mo siya Blaire?" Wow! Kung makatanong eh akala mo girlfriend pa din siya. Selos lang yan. Sasagot na sana si Blaire kaso pinangunahan siya ni Alvin. "Sus! Hindi wari halata? Ang sweet kaya nung dalawang yan." Gulat na gulat tuloy siya. Nakakatawa ang itsura niya. Thanks to Alvin! Hahaha. Nagpaalam muna ako kila Alvin. Pumunta muna ako sa garden. Sakto ko namang nakita si Scott. Agad siyang tumakbo at sinalubong ako. "Namiss kita Scott." Umupo ako sa bench at tumabi saakin si Scott. Saglit lang akong umupo para magpahinga ng kaunti. Dinilaan niya bigla ang pisngi ko. Natawa naman ako kaya nagpasya akong tumayo para maghabulan kaming dalawa. Tawa ako ng tawa dahil agad niya akong naabutan. Natigil lang ako ng makita ko si Blaire sa harapan ko. "Let's talk." Ano naman ang gusto niyang pagusapan? Sasabihin niya na ba na sila na ulit ni Marga? "Blaire, ayoko munang magusap tayo. Baka pwedemg bukas na lang yan." Umiling siya at nanatili sa harapan ko. Seryoso siya. Nakita ko pa ang paggalaw ng adam's apple niya. Medyo nakakatakot ang aura niya dahil sobrang seryoso niya. Pero hindi naman ako matatakot diyan. Baka siya pa ang matakot saakin kapag sumigaw ako at nagmaldita. "No, Angel. This is all about me and Marga." Baka aamin na nga talaga siya kung anong namamagitan sakanilang dalawa. I remained silence. "Kitang kita ko ang pagkagulat mo kanina noong nakita mo dito sa bahay si Marga. Angel, kahit din ako nagulat. I didn't expected her to come." Pinagkrus ko ang braso sa dibdib ko. "Bakit mo naman sinasabi saakin yan? For what?" Lumapit siya lalo saakin at hinawakan ang braso ko dahilan para matanggal ito sa pagkakakrus. "I don't know. Parang may nagpush saakin na sabihin ito sayo. Angel naguguluhan ako." Baliw na ba siya? Wala namang kami para magkaroon ng ganitong eksena pero kung gusto niya talagang magpaliwanag at kausapin ako tungkol dito. Edi okay! "And what about the kiss? Anong meaning non?" I arched a brow and stared at him. "How did you know that?" Nagtatakang tanong niya at parang mababaliw siya kakaisip. "May binigay lang naman saaking litrato si Will kanina nung magkasama kami at kayong dalawa yun ni Marga. Naghahalikan! Seriously Blaire? Ano yun? Nainip ka lang?" He heaved a sight. "No! Si Marga ang unang humalik. Nagulat na lang ako nung bigla niya akong hinalikan. Look, wala na akong ferlings sayo. It's been a year. Akala ko din pag nakita ko siya babalik ang feelings ko sakaniya pero hindi. Wala na! Teka! Bakit ba ang big deal nito sayo?" I gulped and I don't know what to do. Umayos ka Angel. Hindi pwedeng malaman niya na mag gusto ka sakaniya. Not now. Mas lalo ka lang mahihirapan. "Huh? Hindi naman big deal saakin yun eh. Ikaw ang unang kumausap saakin at ikaw din ang unang nag open ng topic about doon. Kaya nagtanong na din ako." Eh totoo naman kase eh. Siya naman talaga ang unang nagopen ng topic about sakanila ni Marga kaya hindi ko tuloy napreno ang bibig ko kakatanong. "Eh bakit parang concerned ka doon sa naghalikan kami?" Hays. Ano ba naman itong si Blaire. "Syempre curious lang ako. Baka kase mamaya nakikitira pa ako dito sainyo tapos may girlfriend ka na pala ulit. Ang kapal naman siguro ng mukha ko para makipagsiksikan dito. Umiling siya at pinitik ang noo ko. "Walang kami. I'm sorry. Dahil tuloy sakaniya hindi kita nagawang iligtas kanina nung kailangan mo ang tulong ko. Edi sana hindi ka nalason. I'm sorry." Mabilis na nakita ng mata ko si Marga na nakatingin sa gawi namin. Hindi niya yata napansin na nakatingin ako sakaniya kaya nanatili ang titig niya saamin. Hindi ko alam kung saaming dalawa ni Blaire o kay Blaire lang siya nakatitig. Aha! Napangiti ako sa naisip ko. Bigla kong yinakap si Blaire ng mahigpit. "No need to say sorry. I'm fine. Kasalanan ko din yun. Kung hindi ko sana ininom yun hindi ako malalason. Good thing at hindi ko yun naisipang ubusin dahil baka pinaglalamayan niyo na ako ngayon." Kumalas siya sa yakpa at pinitik ang bibig ko kaya sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sakit ng pagkakapitik niya saakin. "Tss. Wag mo ngang sabihin yan." Hinila niya na ako papasok sa loob. Naabutan namin ang mga kaibigan niya sa sala. "Oh? Archi anong ginawa niyo ni Ballerina sa garden? Kayo ahh." Ngumisi siya saaming dalawa. Nagtinginan kami ni Blaire at tumawa. Pinaulanan tuloy kami ng tukso. "Pre tignan mo yang si Angel oh. Diba kanina ang tamlay niyan. Mukhang masaya na siya ngayon." Nakisama pa si Ruben sa panunukso saakin at kay Blairw. Tawa naman sila ng tawa kaya pati ako ay natatawa sa mga baon nilang jokes. Si Tita Beatrice naman panay ang pagtawag kay Marga para tulungan siya. "Angel, oo nga pala gusto ko sana magpatulong sayong magluto. Hindi kase marunong itong si Marga." Oohh poor Marga. Kaya pala sila naghiwalay dahil hindi siya marunong magluto. Tumayo na ako at nagoasyang tulungan na sila doon. Tinuruan ko kung paano magprito si Marga. "Omg! Bakit mo sinunog? Uulitin na naman natin ito." Inis kong tinapon ang nasunog niyang manok. Nakakainis siya! Hindi siya fast learner. Ayoko sa lahat yung mga hindi madaling matuto. "Marga! What happened? Bakit mo nama sinunog? Nasasayang na ang mga pagkain na ito." Buti n alang at pinagalitan na siya ni Tita Beatrice. Kanina ko pa kase nilalakasan ang boses ko para mapansin ni Tita ang kapalpakan niyang magluto. "Sorry Tita." Napayuko na lang ito ako naman ay nagpipigil ng tawa sa itsura niya. Kababae niya kaseng tao ay hindi siya marunong magluto. Baka nga sanay siya na may katulong. Dati bulag ako pero marunong akong magluto dahil tinuruan ako ni Lola. Para kahit daw bulag ako may pakinabang ako. Hindi ko lang non nagawang paglutuan ng pagkain si Blaire nung nasa bahay niya ako dahil nga hindi ko kabisado ang lugar. Sa mansiyon kase ay kinabisado ko ang bawat sulok non. Kung nasaan nakalagay lahat ng gamit para hindi ako malito. "Wow! Ang bango naman niyan Angel. Parang ang sarap. Ang galing mo naman magluto." Ngumiti lang ako dahil busy ako sa pagluluto. Binalingan naman nila ang luto ni Marga. "Marga seryoso? Yan na yun? Parang ayaw mo naman yata kaming pakainin ahh." Tawa sila ng tawa ng makita ang niluto niyang sunog. Kanina niya pa yan tinititigan. "Pwedeng turuan mo ako ulit?" Aba! Inutusan niya pa ako. "Tinuruan na kita kanina. Ngayon, kung hindi mo pa din yun na gets ikaw ang may problema at hindi ako. Dapat ay sinasapuso mo ang ginagawa mo para hindi ito nagiging palpak." Pumalakpak naman sila Blaire at ang dalawa niyang kaibigan. "Yun ohh! Kaya proud ako sayo pare eh. Ang galing mong pumili." Tinapik niya pa ang balikat ni Blaire at sabay sabay silang nagtawanan. "Ano ba? Ako lang 'to." Proud pa ako dahil sobra sobrang papuri ang binibigay nila saakin. Nakita ko naman ang pagtalim ng tingin saakin ni Marga. Kung nakakamatay lang ang tingin malamang kanina pa ako bumulagta dito. Kanina ko pa napapansin yang tingin niya. Ang sarap tusukin ng tinidor o kaya naman ay kutsilyo. Insecure ka girl? Sorry ka! Sabihin na nating paborito ka nga yata ni Tita Beatrice pero paborito naman ako nila Blaire. Meaning to say, mas lamang ang ganda ko sayo. Galaw galaw din. Weak. Chos. "Oh? Mas maganda at masarap ang niluto ni Angel." Pinuri ako ni Tito Edward ng makita ang luto ko na hinahain sa mesa. "Ayy hindi naman Tito." Kunwari ay humble muna ako. "Ano ka ba? Mas maganda din naman yung kay Marga. Na over cooked nga lang. Pero nagsisimula palang si Marga." So kinampihan talag ni Tita Beatrice si Marga. "Nagsisimula? Aba! Babae siya kaya dapat alam niya na lung paano magluto. Basic na lang sa babae yun." Agree naman ako kay Tito. Kung ako ang tatanungin okay lang naman saakin ang mga babaeng hindi marunong magluto, magkukusang loob pa akong tulungan sila. Pero kung si Marga ang hindi marunong magluto? Aba! Who you siya saakin! Ilang beses ko na siyang tinuruan. Prito nga lang ang pinapagawa ko sakaniya hindi niya pa din ma-perfect. "Tito, may oras din diyan. Malay nayin matuto pa itong si Marga at lalo pa soyang gumaling." Pagkakampi ko kay Marga. Rule number 1: Dapat ay marunong kang makipagplastikan sa mga karibal mo. Para magmumukha kang mabait sa harap ng iba. Hindi pwedeng nageenjoy ka dahil panay ang papuri nila sa galing mo dapat ay inaalala mo din ang karibal mo. Inasikaso na namin ni Tita Beatrice ang mga pagkain tsaka kami sabay sabay kumain. Syempre katabi ko si Blaire kaya lang sa bandang kaliwa niya ay katabi niya naman si Marga. Ano ito? Love triangle? Chos. Akala ko pamandin masosolo ko dito si Blaire. Habang kumakain kami todo papuri sila sa lasa nito. Sobrang sarap daw kase nito ehh. Umalis din sila kaagad nung bandang hapon na. Dahil may kaniya kaniya din silang gagawin. Kasalukuyan kaming nanonood ni Blaire sa sala ng bigla kaming nakaramdam ng kaluskos. Kaya nagmadali si Blaire na hilain ako paakyat sa itaas. Dahan dahan kaming sumilip dito. Nakita namin ang dalawang lalaki na parang tauhan ni Tita Hellen. May biglang sumuntok kay Blaire. Hindi namin inaasahan na makikita kami kaagad at si Blaire pa ang nakuha nilang saktan. Nakatayo naman kaagad si Blaire. Tinago niya ako sa likod niya. Sakto namang pababa na sila Tita at Tito. Nagulat sila sa nakita nilang eksena. Nagtulungan sila Tito at Blaire na kalabanin ang dalawang iti. Si Tita naman ay nilapitan ako at ginawakan ng mahigpit. Kitang kita ko kung paano siya natakot. Kitang kita ko ang dinala kong panganib sa bahay nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD