"Angel, pwede ba kitang makausap?" Tumango ako kay Tita Beatrice at sinundan siya dito sa tabi ng pool. "About what, tita?" I asked. Nakakapagtaka dahil bigla niya lang akong tinawag, ang seryoso din ng itsura niya ngayon. Ano bang meron? May problema ba siya? "Nakita mo naman siguro kung paano ka namin itrato 'diba? Nakita mo naman kung gaano ka ka-welcome sa bahay na ito, lahat ng pangangailangan mo binigay agad namin dahil alam namin na kailangan mo ng tulong. Nagpapasalamat din ako sayo kasi kundi dahil sayo, hindi namin ulit makakasama si Blaire sa iisang bubong at alam mo naman siguro kung gaano ko na-miss ang lalaking 'yon." Hindi ko alam kung saan papunta 'tong paguusap namin ni Blaire, hindi ko rin alam kung anong gusto niyang ipunto sa akin.
"Pero sa kabila ng lahat, natatakot pa rin ako para kay Blaire," she said and took a deep breath.
Parang alam ko na ngayon kung saan 'to papunta. Mukhang kailangan ko na talagang tigilan ang pakikisama ko kay Blaire. Naiintindihan ko naman si Tita Beatrice, simula noong dumating ako dito kung ano-ano na ang nangyayari kay Blaire. Panganib ang dinala ko sa pamilya nila. Kahit din naman ako natatakot din naman ako sa pwedeng mangyari kay Blaire, muntik na rin niyang ikamatay ang pagliligtas at pakikisama sa akin.
"Don't get me wrong, Angel. Hindi naman kita sinisisi sa mga nangyayari sa kaniya ngayon. Inaalala ko lang ang anak ko at ikaw. Gusto ko lang na mas lalong magingat ang anak ko habang pinoprotektahan ka niya."
"I understand, Tita. I'm sorry kung ganito ang nangyayari ngayon pero pinapangako ko sainyo na hindi ko rin naman papabayaan si Blaire. Kung pinoprotektahan niya ako, mas poprotektahan ko siya. Naiintindihan ko naman na nagiisa niyo na lang siyang anak, kaya hindi ko hahayaan na may mangyaring masama ulit sa kaniya." Hinawakan ko ang kamay niya at tsaka ito nginitian, dito siya nagangat ng tingin sa akin. Nginitian lang ako nito at hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. Sa ngayon, ayoko munang iwan ang bahay na 'to at si Blaire, hindi pa oras. Nilinaw naman ni Tita Beatrice, na hindi ko kasalanan kung anong nangyayari sa amin ngayon. Sadyang, masama lang talaga ugali ni Tita Hellen kaya ayaw niyang tigilan ang mga tao sa paligid ko. Hindi ko rin alam kung kailan siya makukuntento at kung kailan niya ako titigilan.
Naging busy na ulit si Blaire sa trabaho niya kaya hindi ko rin siya madalas nakikita, madalas din siyang umuwi ng hating gabi. Hindi ko nga siya naabutan dito sa bahay eh. Sa tuwing umuuwi siya galing trabaho, tulog na ako. Sa tuwing papasok naman siya, sobrang aga kaya hindi ko siya masyado nakikita nitong mga nakaraang araw. Si Francine tuloy ang madalas kong kausap dahil siya lang naman ang available, kasalukuyan nga akong nasa condo niya ngayon. "What's your plan?" Tanong niya sa akin. "Ewan," tipid kong sagot. Hanggang ngayon kasi iniisip ko pa rin ang sinabi sa akin ni Tita Beatrice, tungkol sa pagaalala niya kay Blaire, tungkol sa takot na nararamdaman niya. "Gusto ko siyang iwanan pero alam ko sa sarili ko na hindi ko kaya 'yon. Ayokong mawala ako sa tabi niya at ayokong mawala rin siya sa tabi ko. Gusto ko na kasama ko siya, gusto ko na nandiyan siya para sa akin. Pero inaalala ko rin naman ang kalagayan niya at ang kalagayan ng pamilya niya. Baka lalo lang silang mapahamak, kaya may parte sa akin na gusto ko siyang iwan." Naguguluhan na rin ako ngayon sa kung anong pwede kong gawin, sa kung anong matutulong ko kay Tita Beatrice para mabawasan ang takot na nararamdaman niya.
Kung aalis naman ako sa tabi ni Blaire, alam ko sa sarili kong hindi ko 'yon kakayanin. Dahil alam ko na mahal ko na si Blaire, hindi ko hahayaang lumayo ako sa kaniya o siya ang lumayo sa akin. Kaya lang sa kabilang banda, gusto kong ligtas siya. Ayokong mapahamak siya dahil lang sa akin. "Pagisipan mo 'yan, kung ano mang maging desisyon mo, sana hindi mo 'to pagsisihan." Tumango ako at nagpaalama na, ang tagal ko ring nag-stay dito sa condo ni Francince, baka gutom na si Blaire. Lunch time na rin eh. Mabuti na lang at medyo malapit ang condo ni Francine dito sa kompaniya nila Blaire, kaya hindi kami naipit sa traffic ni Mang Dan.
Kapasok ko sa kompaniya nila, kahit lunch time sobrang busy ng mga tao dito. Ang iba nagmamadaling pumunta sa isang room, marami nga silang hawak na mga papers eh. Mukhang may meeting. Wrong timing ata ako. Kilala naman ako dito kaya siguro hihintayin ko na lang si Blaire sa loob ng office niya. "Yow!" Tinulungan ako ni Alvin na dalhin ang paper bag na hawak ko. "Si Blaire? Busy ba?" tanong ko. "Akala ko naman magpapakain ka sa buong kompaniya. Si Blaire na naman pala hanap mo, di ka ba nagsasawa sa mukha ng loko-loko na 'yon?" Hindi man lang niya sinagot ang tanong ko.
"Si Blaire? Nasaan ba siya?" muli kong tanong. "Umalis eh, may aasikasuhing project. Nasa Tarlac ata siya, yun kasi ang alam ko na bago niyang project."
"Sige, salamat." Kinuha ko na ulit sa kaniya ang paper bag at naglakad na, kaya lang sinundan ulit ako ni Alvin. "Balak mo ba siyang puntahan?" tanong niya, tinanguan ko lang ito.
"Sigurado ka ba? Eh ang layo kaya dito ng Tarlac. Baka gabihin ka lang, bakit hindi mo na lang siya hintayin sa bahay?"
"Ganoon naman ang madalas kong ginagawa, kaya lang di ko pa rin siya nakikita. Hindi ko na rin kayang maghintay na lang." Nginisian niya ako, mukhang alam ko na kung anong susunod niyang gagawin.
"Ayun, kaya naman pala! Inamin din, miss mo na no? Ako na bahala, sabihan ko siya na papunta ka."
"No, 'wag. Balak ko siyang i-surprise."
Binigay sa akin ni Alvin ang address, hanggang sa makaalis ako doon hindi niya ako tinigilan, inaasar niya ako nang inaasar. Hindi naman ako masyado nagtagal sa kompaniya, kabigay sa akin ng address, agad kong pinuntahan si Manong Dan para magpahatid sa Tarlac. Gaya ng sinabi ni Alvin, sinabihan din ako ni Manong Dan na baka hindi namin maabutan si Blaire sa Tarlac. Baka matagalan din kasi kami sa biyahe. Kahit na ganoon, pinatuloy ko na si Manong Dan sa pagmamaneho. Sana lang talaga di pa siya umalis doon. Gustong-gusto ko na ulit siyang makita.
"Hello po, ano pong kailangan niyo?" tanong ng babaeng nasa harapan ko, nandito na ako sa sinasabing lugar kung saan ginagawa ni Blaire ang project niya. Maraming tao dito, bahay yata itong ginagawa nila. "Si Architec Gonzales, nandito ba?" tanong ko. Tumango naman ito. Ayun! Buti naman, akala ko wala siya dito eh. "Angel? Hala! Anong ginagawa mo dito?" Nagulat naman ako dito kay Ruben, pero parang mas nagulat siya dahil nakita niya ako dito. "Para ka namang nakakita ng multo, si Blaire nasaan ba?" Tumawa ito at may tinitignan sa isang tent. "Nandiyan ba si Blaire? Si Blaire kailangan ko eh." Umalis ako sa harapan niya at agad pumunta sa gawi kung saan siya nakatingin, kaya lang bigla na naman siyang humarang. "Ano bang trip mo?" Inis kong tanong. "Ah, wala. Wala naman kasi siya diyan." Mukhang may tinatago siya dito, ano bang meron sa loob nito? Ginawa ko ang lahat para hindi niya na ako pigilang makapasok sa loob. Nagpatulong din ako sa babaeng nakausap ko na paalisin si Ruben sa harapan ko, hindi naman na nakapalag si Ruben. Muli kong inayos ang pagkakahawak ko sa paper bag na dala ko, bumili din kami kanina ni Manong Dan ng iba pang pagkain bago kami tuluyang makadating dito.
Agad ko namang nakita dito sa loob si Blaire. Sabi na eh, nandito nga talaga siya! Napatigil ako sa paglalakad dahil nakita ko si Marga. Hindi ko nagawang gumalaw dito sa kinatatayuan ko dahil nakita ng dalawang mata ko kung paano hinalikan ni Blaire si Marga. Hindi ko alam kung bakit ganito kabigat ang pakiramdam ko ngayon. "Oo, mahal kit-" Hindi natuloy ni Blaire kung ano ang dapa niyang sabihin kay Marga, dahil nabitawan ko ang paper bag na hawak ko at gumawa iyon ng ingay, kaya ngayon nakatitig na siya sa akin. Halata sa mata niya ang pagkagulat. Hindi pa rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko, pero ang mata ko, walang ginawa kundi maglabas ng sunod-sunod na luha. Alam kong wala akong karapatan na magalit o masaktan sa nakita ko, dahil una sa lahat wala namang kami. Bukod doon, hindi rin naman nilinaw ni Blaire kung anong meron sa aming dalawa. Ang alam ko lang noon madalas niya akong asarin, yun lang. Pero hindi ko maitago na nasasaktan ako ngayon, kahit alam kong wala naman akong laban, una pa lang. Parang dinudurog ngayon ang puso ko. Sinubukan kong umurong, gusto kong umalis sa harapan niya ngayon. Mukhang gulong-gulo na rin siya sa mga kinikilos at pinapakita ko sa kaniya ngayon. Hinayaan ko na ang paper bag na dala-dala ko, hindi ko na ito pinulot dahil wala akong lakas at wala akong oras para dito. Gusto ko na nga lang magpalamon sa lupa ngayon eh.
"Oh? Okay ka lang?" Nagaalalang tanong ni Alvin, mukhang kakarating niya lang dito. Umiling ako at inayos ang itsura ko, pinunasan ko ang pisngi ko tsaka ko hinila si Alvin pabalik sa kotse niya. "Ano bang nangyayari?" Muli niyang tinignan nag tent na pinanggalingan ko, tumingin din ako dito. Nakita ko ulit si Blaire, nakatingin siya sa akin, kaya agad kong sinabihan si Alvin na mag-drive at umalis na dito. Wala naman siyang nagawa at sumunod na lang sa inutos ko, pero hindi pa man kami nakakalayo agad siyang huminto sa pagmamaneho.
"Teka nga! Ano bang nangyayari? Bakit bigla kang sumakay dito?"
"Wala, mamaya ko na sasabihin." Hindi niya ako pinansin, kinuha niya ang phone sa bulsa niya. Hinayaan ko na lang siya kung anong gagawin niya, kung papababain niya man ako dito, okay lang sa akin. Kaya ko lang naman siya hinila at sumama sa kaniya dito sa loob ng kotse niya dahil ayokong malapitan ako ni Blaire, hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko sa kaniya. "Ahh, kaya naman pala eh. Tara na, alam ko kung saan ka dadalhin." Hindi na lang ako nagtanong kung anong nalaman niya, hinayaan ko na lang siyang magmaneo. Nanatili lang akong nakatingin sa bintana. Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Blaire kapag umuwi na ako sa bahay. Malamang marami siyang gustong itanong sa akin. Ang bilis ng oras, gabi na nga. Sabagay, halos hapon na rin kami nakarating kanina ni Manong dan, ang traffic din kasi kanina eh. Sana pala hindi na lang ako tumuloy, sana hinayaan ko na lang siyang kumain, kaya niya naman sarili niya. Edi sana hindi ko nakita 'yon, edi sana hindi ako umuuwing nasasaktan. Edi sana hindi niya ako nakitang umiiyak sa harapan niya. Kaya rin siguro hindi ko na siya madalas makita sa bahay dahil busy siyang makipagbalikan sa ex niya. Mali ko rin kasi, mali na nag-expect ako na may namamagitan na talaga sa amin. Pero paanong hindi ako mage-expect? Eh madalas niya akong tawaging "baby," bukod doon, ang sweet niya rin sa akin. Inakala ko talagang meron siyang feelings sa akin kasi nga kakaiba yung pinapakita niya sa akin, iba siya gumalaw sa tuwing magkasama kami. Iba siya magalala kapag alam niyang nasa panganib ako. Kaya lang baka naman mamaya assuming lang talaga ako, na baka mamaa ganoon lang talaga ako kalakas mag-assume. Ako siguro talaga ang mali, binigyan ko ba naman ng meaning lahat ng pinapakita niya sa akin. Kaibigan at awa lang ang nararamdaman niya sa akin kaya ganoon niya na lang ako pahalagahan.
"Angel, sabi ko nandito na tayo." Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako tinatawag ni Alvin. Nauna na itong bumaba ng sasakyan, agad niya naman akong pinagbuksan ng pinto. Pareho kaming napatitig sa bar na nasa harapan namin. "Anong ginagawa natin dito?" tanong ko. "Wala, baka ang need mo 'to ngayon." Hinila niya na ako papasok sa loob. 9:00 PM pa lang pero marami na nga ang tao dito. Hindi ko alam bakit niya ako dinala dito, pero nakikita kong mukhang masaya namang mag-stay dito. "sa kaibigan ko ang bar na 'to, kaya 'wag kang mahiya. Magsabi ka kung anong gusto mong inumin." Dumiretso kami sa second floor, dito wala masyadong tao. Mas maraming tao sa first floor lalo na sa may bandang dance floor, ang daming ilaw at ang lakas ng music nila. Nakapunta naman na ako dati sa bar pero hindi naman ako pumunta doon para uminom, pumunta ako doon dahil kay Lucy. Ngayon lang talaga ako makakapag-stay dito. "Anong gusto mong inumin?" tanong sa akin ni Alvin. Nagisip ako at agad namang may pumasok sa isip ko. "Margarita?" Hindi ako sure kung tama ba ang narinig ko noon, sabi ni Francine malakas daw ang inumin na 'to, kaya susubukan kong tikman. "Wow!" sambit ni Alvin tsaka a siya dumiretso sa counter para umorder ng drinks, sinundan ko siya at dito na lang kami umupo. Binigay niya na sa akin ang inumin ko, tinignan ko muna ito bago ko ininom.
The taste was a harmonious blend of zesty lime, the subtle warmth of tequila, and the gentle sweetness of the orange liqueur. The tangy flavors danced across my taste buds, creating a delightful symphony of sensations. Each sip offered a refreshing burst of flavor, as if capturing the essence of a summer sunset in a glass. "Wow, nageenjoy ka diyan?" Tanong ni Alvin. "Oo, bakit naman hindi? 'Diba kaya tayo nandito para magenjoy?" Muli akong nag-order ng isa pang Margarita. "Masyadong matapang 'yan, hinay-hinay ka. Lagot tayo kay Archi Blaire kapag nalaman niya 'to." Sinubukan niyang ilayo sa akin ang baso pero hindi niya nagawa, agad ko kasing kinuha ang baso ko. "Sus, ano naman ngayon kung magalit siya? Edi magalit siya! Sino ba siya?" Hindi ko naman siya tatay para masermonan niya ako at mas lalong hindi ko siya boyfriend! Kaya ano naman ngayon kung magalit siya? Wala akong pake sa kung ano man ang sabihin niya.
"Angel, 'wag ako. Nasasaktan ka lang kaya ka ganiyan eh. Gago rin kasi 'tong kaibigan ko, kung ano-anong pinapakita sayo. Kahit din kami nahulog sa mga ganoong kilos niya sayo. Ewan ko talaga sa mokong na 'yon!" Napainom na lang ako at uminom ulit. Bahala na siya! Kasalanan ko rin naman na nahulog ako sa mga ganoong kilos niya. Ako talaga ang may kasalanan. Masyado akong mababawa, konting kilos niya lang agad akong nakakaramdam ng kilig.
Pinagpatuloy lang namin ni Alvin ang paginom, hanggang sa inaya niya akong pumunta sa dance floor. Noong una ilang beses akong umayaw, dahil nahihiya ako. Pero sumama rin ako bandang huli dahil nakita kong nagkakatuwaan ang mga tao dito. Masyadong wild ang iba sa dance floor, ang hirap nilang sabayan. Mabuti at walang gulo na nangyayari dito, nagkakatuwaan lang ang laat at patuloy lang sa pagsasayaw. Ganito pala ang feeling sa loob ng bar. Akala ko kasi kapag nasa loob ng bar or club, puro gulo lang ang aabutan ko doon. Ang judgmental ko sa part na 'yon pero kasi madalas kong mabalitaan na may suntukang naganap sa loob ganoon, ang dami ko pang naririnig na negative pero ako mismo nakasaksi na hindi naman pala lahat ganoon. Nagkakaraon lang na may away na nagaganap.
"Nice, galing mo pala sumayaw eh!" Hindi ko masyado narinig si alvin dahil nga masyadong malakas ang music, naghihiyawin din ang mga tao dito. Kaya bahagya akong lumapit sa kaniya. "Huh?" Tanong ko. "Sabi ko ang galing mo pa lang sumayaw," paguulit niya. "Ako pa!" I flipped my hair and continued to dance.
Maya-maya ay biglang nagkaroon ng spotlight sa gitna na medyo malapit sa akin, tinulak ako ni Alvin para masakto sa akin ang spotlight. Nagsisigawan sila na sumayaw daw ako, tinignan ko pa silang lahat, si Alvin tumatango lang at pinipilit akong sumayaw. Nagkibit balikat ako at nagsimulang sumayaw. Hindi ko alam kung tugma ba sa music ang dance steps ko pero nakiki-vibe lang ako sa music ngayon. Sobrang ingay ng mga tao dito, nakikisayaw din sila sa akin ngayon. Nakikipagtawanan lang ako sa iba hanggang sa may maaninag akong isang lalaki sa di kalayuan. Hindi ko alam kung masyadong malakas ang tama ko para makakita ako ngayon ng tao na hinid ko dapat makita dito. Sumasayaw pa rin ako pero nakapako ang tingin ko sa lalaking nakatingin sa akin sa hindi kalayuan. Ang layo niya pero kitang-kita ko ang mukha nito. Hindi nga ako sigurado kung siya ito. Baka mamaya namamalikmata lang ako. "Kilala mo ba 'yon?" Tanong sa akin ni Alvin na nasa tabi ko na ulit ngayon. Hindi ko siya sinagot, hindi ko na rin tinignan ang lalaking 'yon. Muli akong nagpatuloy sa pagsayaw at tinalikuran ang lalaking nakita ko.
Habang sumasayaw ako sa gitna ng dance floor, ang mga tunog ng musika ay kumakawala sa paligid ko. Sinasalubong ko ang mga indak at sumasabay sa ritmo ng tugtog, nagpapakawala ng aking sarili sa sayaw. Ngunit bigla, may naramdaman akong isang mahigpit na hawak sa aking braso. Tumigil ang aking mga paa sa paggalaw, at nagpatuloy ang katawan ko sa pag-ikot para harapin ang likod ko. Sa harap ko, nakita ko siya, si Blaire.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Tama nga ang nakita ko kanina, siya nga ito. sabi na eh, kahit lasing ako o bagong gising man, alam na alam ko kung anong itsura niya kahit na gaano pa siya kalayo sa akin. Kahit nakatalikod pa siya, kilalang-kilala ko siya. Kabisado ko na rin ang lahat ng galaw niya. "Tara na, tama na." sambit nito. Hindi ko siya pinakinggan at muling bumalik sa spotlight para magpatuloy sa pagsayaw. "Angel, tara na." muli ko siyang narinig pero hindi ko siya pinansin. Lumapit ako sa ibang tao na hindi ko kakilala para hindi niya na ako kulitin na umuwi.
"Angel please!"
"Sumasayaw ako dito eh! Mamaya na."
Hinarangan ng mga kasama kong sumasayaw si Blaire. "Dude, stop ruining the mood!" Muli kaming naghiyawan dahil napalitan na ang music, mas maangas at mas nakakaindak ang tugtugan ngayon. Ginawa ko ang lahat para makapagingay ako, tumalon-talon din ako at hinayaan ang sarili na sumabay sa kanta. Naramdaman ko na naman na may humawak sa braso ko at hinatak ako papalapit sa kaniya. "Ano ba? Blaire naman! Panira oh, nakitang sumasayaw yung tao eh!" Hinarap ko ito at pinakita ko sa kaniya kung gaano ako naiinis sa ginagawa niya ngayon. Kaninang umalis ako sa harapan niya, hindi niya ako nagawang pigilan, sinundan niya lang ako ng tingin. Tapos ngayon ganiyan kinikilos niya. Ano na naman ba 'to? Ayoko na ulit magpauto sa kaniya, hindi na ulit!
"Tara na, let's go home. Umuwi na tayo. Umuwi ka na sa akin, please?"