Hindi ko alam kung paano ako napauwi ni Blaire kagabi, wala ako masyadong naalala. Hindi ko alam kung paano niya ako nakumbinsi na umuwi. alam ko sa sarili ko kagabi na ayoko pang umuwi. Baka nga kung ano-ano pang sinabi ko kagabi eh, lagot ako nito! Bumangon ako sa kama ko pero muli akong bumalik sa pagkakahiga dahil nga nakaramdam ako ng sakit sa ulo. Sobrang mali na nagpakalasing ako kagabi, pero nag-enjoy naman ako kahit papano. Maganda rin na doon ako dinala ni Alvin, nalibang yung utak ko kahit papano. Sobrang sakit talaga ng ulo ko ngayon, mukhang hindi muna ako makakalabas ng kwarto sa lagay ko ngayon. Mas okay na rin 'to, may excuse ako para hindi ko makita si Blaire. Malamang magtatanong siya tungkol sa nangyari sa akin kahapon, ayoko pa man ding pagusapan 'yon. Wala rin naman akong gana kumain kaya hindi talaga ako lalabas ng kwarto ngayon. Nakalimutan ko palang i-lock yung pinto, pansin ko na biglang gumalaw ang door knob kaya nagmadali akong magtago sa ilalim ng kumot ko. Hindi ako sigurado kung si Blaire eto pero magtatago pa rin ako dito sa kumot. Kunwari tulog pa ako.
"Angel, gising na." Karinig ko ng boses ni Blaire, agad kong pinikit ang mata ko kahit nakatakip naman ang mukha ko ng kumot. Sabi na eh, siya yung unang pupunta dito sa kwarto ko. Ganiyan naman gawain niya, pero hindi na ako mahuhulog sa mga paganiyan niya. Bahala siya, doon na siya sa ex niya. Ay mali, hindi niya pala ex, nagkabalikan nga pala sila kahapon. Okay, congrats! Maghihiwalay din naman niyan sila ulit! Bitter na kung bitter pero naghiwalay nga sila noon eh imposibleng hindi sila maghihiwalay ngayon. Hindi ako sumagot, nanatili lang akong tahimik at pinakikiramdaman ang mga kilos niya. "Bangon na, Angel. Kailangan mong kumain ng breakfast." Kahit anong gawin niya hindi ko gugustuhin na bumangon dito. Bahala siya diyan! Ilang minuto rin ang tinagal niya dito sa loob bago siya nagpasyang lumabas. Nang marinig ko na bumukas ang pinto, dito ko na tinanggal ang kumot sa mukha ko. Nilibot ko ang tingin sa buong kwarto, wala naman siyang iniwan na kahit ano so I'm sure hindi na siya babalik.
Hanggang ngayon iniinda ko pa rin ang sakit ng ulo ko, kailangan ko na talaga sigurong uminom ng gamot. Tumayo ako at lumapit sa cabinet kung saan nakalagay ang mga gamot at iba ko pang gamit. Hindi ko lang sure kung may gamot dito para sa sakit ng ulo, sana meron para hindi na ako lumabas. Kinalkal ko ang cabinet ko, namamagasang meron ngang gamot dito. kaya lang halos itaob ko na nag cabinet ko dito pero wala pa rin akong gamot na nakikita na pwede kong inumin ngayon. Wala akong magagawa kundi pagtiisan itong baso ng tubig sa lamesa na nasa gilid ng kama ko. Ito na muna, maalis naman siguro 'to kapag dinaan ko rin sa tulog. Dapat pala si Francine tinawagan ko kahapon para sa condo niya muna ako ngayon. Bakit ba hindi ko yun naisip? Ayan tuloy, hirap na hirap ako sa kung anong gagawin ko ngayong araw.
"Gising ka na pala,"
Wala na akong nagawa, kahit gustuhin ko mang bumalik sa kama, hindi ko na magagawa pa. Nakatingin na sa akin ngayon si Blaire, may dala-dalang tray, nakalagay dito ang pagkain, tubig at gamot. Wow, masyadong maalaga. Pero ops, hindi na ako mahuhulog. Malinaw na sa akin lahat.
"Ilagay mo na lang diyan," utos ko sa kaniya. Binaba niya ang tray sa maliit na lamesa dito sa gilid ng kama ko kung saan nakalagay ang baso na nakita ko kanina. Kinuha niya ang pinggan at umupo dito sa kama. "Kain ka na." Sumandok na ito sa kutsara pero hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siya, agad ko rin naman itong tinanggal. "Ako na bahala sa sarili ko." Inagaw ko na sa kaniya ang pagkain na dala niya tsaka ako umupo sa kama. Nakatingin lang siya sa akin, sinusundan ang bawat kilos ko. Nakakairita ah! "Pwede ka nang lumabas, ako na bahala sa pinagkainan ko mamaya." Anong gusto niyang gawin? Bantayan ako? Baka mamaya sugurin lang ako dito ni Marga kapag nalaman niya na inaalagaan ako ng boyfriend niya. "Okay lang naman, ako na bahala diyan. Kumain ka na, oras na rin eh." Hindi ko na siya tinignan, nagsimula na akong kumain.
"Hindi ka pa ba aalis?" tanong ko sa kaniya.
"Bakit naman ako aalis?"
"Wala lang, privacy?"
"Gusto kitang bantayan, masama ba?"
"Oo, masama. Lalo na kung ayoko namang magpabantay. Bata ba ako para bantayan?" Hindi niya ako inansin, tumayo siya at inayos ang kurtina dito sa may bintana. Anong balak niya dito ngayon? Hindi talaga siya aalis? Mabilis kong inubos ang pagkain ko para iwanan niya na ako. "Oh ayan, makakaalis ka na." Binigay ko na sa kaniya ang pinagkainan ko at pinagtutulakan siyang lumabas.
"Ayaw mo ba talaga akong makita ngayon? Sasamahan lang naman kita. Hindi ka naman ganiyan sa akin noon." Naging seryoso ang mukha nito at kinuha ang tray. "Ayoko, kailangan ko pa bang ulitin? Ilang beses ko ba sasabihin? Magsabi ka lang, hindi ako magsasawang ulit-ulitin."
"Let's talk later, kapag wala ka nang hangover. Inom ka na ng gamot, okay?"
Ano namang paguusapan namin? Yung nangyari kahapon? Yung ginawa kong pag-walk out? Bakit ba kailangan niya pang malaman kung bakit ganoon naging reaksyon ko kahapon? Dapat hindi niya na yun pinapakielaman eh, ano namang pake niya sa bagay na 'yon? Bahala siya, tutulugan ko na lang siya ulit. Hanggat binibring up niya yung nangyari kahapon, gagawa ako ng paraan para hindi namin mapagusapan yun. Kailangan ko na talagang umalis dito, magpapahanap ako kay Francine ng panibagong matitirahan. Dinial ko ang number ni Francine.
[Hello, Angel? May problema ba?]
"Nope, wala naman. Hihingi lang sana ako ng favor sayo."
[Favor? Sure, ano ba 'yon?]
"Pwede mo ba akong mahanapan ng malilipatan? Kahit apartment lang na maliit, wag na condo. Wala pa akong pambayad doon]
[Lilipat ka? Bakit? May nangyari ba diyan?]
"Oo sana, kailangan ko na umalis dito eh."
[Huh? Bakit? Anong nangyari sianyo ni Blaire? Nagaway ba kayo?]
"Basta, ipanghanap mo na lang muna ako. Mahabang kwento eh."
I already ended the call, hindi ko na siya hinintay na sumagot pa. Tsaka ko na lang ikukwento sa kaniya kung anong nangyari, kapag nagkita na kami sa personal. Mas maganda rin na sa personal ko makwento sa kaniya, kasi baka mamaya kapag sa call lang may makarinig na iba. Kailangan kong magingat kasi baka mamaya nakabantay si Blaire kahit na hindi niya ipahalata. Ayoko na rin kais talagang i-open up yung nangyari sa akin kahapon. Ayokong pagusapan, sa akin na lang 'yon. Sa tingin ko hindi niya na rin dapat pa na malaman. Bakit kapag ba sinabi ko sa kaniya may magbabago ba? Wala naman. Kaya mas magandang hindi na namin pagusapan. I'm sure after ilang days mawawala rin 'to sa isip niya. Sana nga hindi na lang talaga ako pumunta ng Tarlac, dapat nakinig na lang ako kay manong Dan and Alvin na 'wag na tumuloy dahil malayo. Kaya lang wala eh, ginusto ko naman na puntahan siya. Pero at some point parang maganda rin yung naging desisyon ko kahapon. kasi if ever man na hindi ako tumuloy, baka lalo lang akong mahulog sa kaniya ngayon since wala akong alam sa kung anong ganap sa love life niya. Syempre sa mga actions niya, maga-assume pa rin naman ako na gusto niya 'ko.
Ngayon na alam ko na, ididistansiya ko na lang ang sarili ko. Ayoko namang sirain ang relationship nila. Nagpapakabitter lang ako kasi nga may part sa akin na hindi ko pa tanggap yung nakita ko, pero ayoko namang maging masamang tao tapos sirain kung anong meron sila dahil gusto kong mapasaakin si Blaire. Hindi naman ako darating s aganoong point, kahit na ayoko sa ugali ni Marga. kahit anong laban ko sa kaniya hindi ako mananalo. nauna sa akin si Marga eh.
Buong hapon hindi talaga ako lumabas ng kwarto, mabuti at hindi nagtaka ang parents ni Blaire, hindi na rin ako ginulo ni Blaire dito sa kwarto. Maayos naman akong nakapagpahinga ngayon, hindi na masakit ang ulo ko. Kakagaling lang dito ni Manang Sonya, inabutan niya ako ng snacks. Napansin niya siguro na hindi ako masyado lumalabas ng kwarto kaya pinagdala niya ako dito ng pagkain. Alagang-alaga niya talaga ako dito simula noong dumating ako dito.
"Angel, si Francine 'to. Pwede ba akong pumasok?" Hindi ko akalain na bibisitahin ako ni Francine ngayon. Alam ko kasi na busy siya dahil bukod sa maraming pinapagawa sa kaniya si Tita Hellen, may mga inaaasikaso rin siyang iba, gaya ng pagiimbestiga sa kung ano ngang nangyari sa parents at sa Lola ko. Tumayo ako para pagbuksan siya ng pinto. Agad niya akong sinalubong ng yakap. Hindi ko alam bakit tuwanag-tuwa ako ngayon. Siguro dahil siya lang ang nasasabihan ko ng mga problema ko bukod kay Blaire, siya lang din ang nagiisang tinuring ko na pamilya simula noong pumanaw ang pamilya ko.
"Are you okay? What happened?" Bakas sa kaniyang mukha ang pagaalala.
"Okay lang, I guess?"
"Hindi ka mukhang okay, maupo ka nga. Magkwento ka." Sabay kaming umupo dito sa kama.
Hindi naman na ako nagpaligoy-ligoy pa, sinabi ko na lahat kay Francince, alam niya rin naman na gusto ko si Blaire kaya ang kinwento ko na lang ay yung mga nangyari kahapon, kung ano ang mga nakita ko.
"Mas mabuti nga na umalis ka na dito," pagsasangayon niya sa naging desisyon ko.
"Hayaan na natin si Blaire, isa pa baka mapahamak lang din siya kung mananatili ako dito." Kahit naman hindi nangyari yung kahapon, alam ko naman na mangyayari ang araw na 'to, yung araw na aalis ako kasi kailangan. Tama na yung tatlong mahahalagang tao ang nawala sa akin. Ayoko na idamay yung iba sa sitwasyon ko. "Sinimulan ko na kanina maghanap, wala ako masyadong mahanap kanina. Iilan lang ang nakita ko, pero tignan mo. Baka magustuhan mo naman nag mga nakita ko." Pinakita niya sa akin ang phone niya, nandito ang mga pictures ng apartment na sinasabi niya. Nahanap niya lang ang mga 'to sa online. "Maganda naman halos, ako lang naman nag magisa doon kaya hindi naman kailangan na masyadong malaki." Kahit anong klaseng apartment lang naman ang kailangan ko, hindi naman ako ganoon kaarte. Basta may matirahan lang ako pansamantala bago ko muling bawiin ang mansion namin. "Sigurado ka ba? Mas delikado ata kung magisa ka lang." Ayoko rin naman na magisa, pero kailangan. hanggat ganito ang sitwasyon, hanggat hindi tumitigil ang tiyahin ko, hindi ko hahayaang may makasama ako sa tinitirahan ko. Mas gugustuhin kong ako na lang kaysa may madamay na iba, gaya ng pamilya ni Blaire. Kilala ko si Tita Hellen, kapag nakita niya na hindi umobra ang mga ginagawa niyang pagtangkang pagpatay sa akin para takutin ako, ang susunod niyang target ay yung mga taong nakapaligid sa akin.
"Okay lang ako, ako bahala sa sarili ko. Kaya ko naman 'to, basta tatawagan naman kita palagi."
Hindi man masyado nagtagal si Francine dito sa kwarto ko, wala rin siyang bagong ebidensiya na nakuha. Masyado raw kaisng mahirap imbestigahan si Tita Hellen, parang pinagplanuhan niya talaga ang lahat noon pa lang. Wala pa akong nahahanap na malilipatan, kinakausap ko pa lang ang mga may ari ng apartment na nakita namin ni Francine kanina. Baka next week pa lang ako makalipat, pero ngayon pa lang isa-isa ko nang iniimpake ang mga gamit ko. Para kapag may malilipatan na ako at naayos ko na ang lahat, hindi na ako mahirapan sa mga gamit ko. Baka bukas ko na lang din ito sabihin sa parents ni Blaire, kahit s akanila ko na lang siguro sabihin yung tungkol sa paglipat ko dahil sila naman ang mayari ng bahay na 'to at alam kong masyadong busy si Baire ngayon, baka hindi ko na naman siya maabutan. Ayoko rin siyang kausapin. Nakapagdesisyon na rin ako na hindi ko rin sasabihin s akaniya kapag aalis na ako, pakikiusapan ko na lang ang parents niya na 'wag 'tong sabihin sa kaniya. Gusto kong umalis na tahimik. Kung aalis man ako, ayokong makita ko siya. Baka hindi ko kayanin at pilit kong ipagsiksikan ang sraili ko dito kahit alam ko naman na meron na ulit siyang Marga.
Kailangan ko pa lang ilabas 'tong pinagkainan ko ngayong dinner. Inutusan ko kanina si Francine na pagdala na lang ako ng pagkain dito sa loob, nakalimutan ko pa lang ipasuyo sa kaniya na ilabas ulit. Hindi ko alam paano ako lalabas dito, pero alam ko wala pa si Blaire. Late na siya dumadating eh, kaya I'm sure walang bakas ni Blaire dito sa labas. Bibilisan ko na lang. Kinuha ko na ang pinagkainan ko kanina at dahan-dahang lumabas ng kwarto. Sumilip muna ako bago ako talaga tuluyang lumabas, sinisigurado ko na wala si Blaire dito. Kung parents naman niya ang makikita ko, okay lang naman sa akin. Basta 'wag na 'wag lang si Blaire. Hindi ko kakayanin. Pilit kong kinakalma ang sarili, nagbabantay sa bawat galaw at reaksiyon ng mga taong nasa paligid. Ewan ko ba, bakit masyado akong kabado ngayon. Alam ko naman na himalang umuwi agad ngayon si Blaire pero di talaga ako mapakali ngayon.
"Finally, lumabas ka rin." Napapikit ako at naestatwa sa kinatatayuan ko, napa-aray ako nang bigla kong mabitawan ang plato na hawak-hawak ko. Aray! Bakit ba siya nandito ngayon? "Teka! 'Wag kang gagalaw," Sinunod ko lang ang sinabi niya. Nanatili akong nakapikit dahil bukod sa ayaw kong makita ang pagmumukha niya, iniinda ko rin ang sakit ng paa ko. Natamaan lang naman ang paa ko ng plato, paniguradong naliligo na sa dugo ang paa ko ngayon. Naramdaman ko na umangat ako kaya unti-unti kong minulat ang mata ko. Buhat-buhat na ako ngayon ni Blaire, sisigaw pa lang sana ako para ibaba niya ako kaya lang inunahan niya ako. "Subukan mong maginarte lalong lalala 'yang sugat mo." Nanatili na lang akong tahimik habang pinapanood siyang asikasuhin ang katangahang ginawa ko. Pinaupo niya muna ako dito sa upuan, nakaangat pa rin ang paa ko dahil nga nagkaroon ito ng sugat, nadaplisan kasi ng pinggan eh. Hindi naman marami ang sugat na nakuha ko. Mga tatlong sugat lang naman, ang saya. Ballerina pa man din ako tapos paa talaga ang matatamaan sa akin ngayon. Umalis siya sa tabi ko para linisin ang kalat sa sahig. kung ano-ano kasing iniisip ko eh, ayan tuloy nakabasag pa ako ng pinggan. Pagkatapos ay agad niyang inasikaso ang paa ko.
Dinala niya ako sa banyo para malinis muna ang sugat ko bago gamutin. Hindi ako umiimik, siya lang ang nagsasalita sa amin. Kung ano-anong panenermon ang natanggap ko sa kaniya. Hindi ko man nga pinapakinggan ang iba. Kasalanan ko naman talaga kung bakit nangyari sa akin 'to, kaya hindi na rin ako nakikipagtalo sa kaniya. Isa pa, ayoko siyang kausapin.
"Next time, magingat ka ah." Muli na naman niya akong pinaalalahanan. Hindi naman kami masyado nagtagal sa banyo, hindi naman kasi ganoon kalaki ang sugat ko, hihilom din naman 'to bukas. "Hindi ka pa ba tapos?" tanong ko, alam ko kasi nabigyan niya na 'to ng ointment eh. Ang hapdi nga eh! "Hindi pa, may kailangan pa tayong pagusapan." Sabi na eh, pinapatagal niya lang para dito, para makapagusap kami. "Inaantok na ako, matutulog na ako." Agad akong tumayo at umalis sa tabi niya. Delikado 'to, kailangan kong iligtas sarili ko sa ganitong paguusap. Hindi pa man ako masyado nakakalayo, naramdaman ko na agad ang kamay niya sa braso ko. "Please, magusap na tayo," pakikiusap nito. "Wala namang dapat pagusapan, Blaire. Iniisip mo lang na meron kaya ka nagkakaganiyan." Sinubukan kong tanggalin ang kamay niya sa akin pero masyadong mahigpit 'to. "Ano ba? Bitaw na!" Hindi ko napigilan ang sarili ko at napagtaasan ko pa siya ng boses. "Bakit ba ayaw mo akong kausapin? Bakit ba iniiwasan mo ako ngyaon? Ano bang problema mo sa akin?" sunod-sunod niya akong tinanong. Binitawan niya na ako ngayon, hindi ko na siya tinignan at naglakad na, pero ramdam ko na nakasunod siya. I closed my eyes and took a deep breath. "Hindi ikaw ang problema, ako!" I exclaimed. "Huh? Anong ikaw? Ipaliwanag mo!" Sumisigaw na rin siya ngayon gaya ko, malamang naiinis na siya sa ginagawa kong pagiwas sa kaniya.
"Alam kong mali 'to Blaire, ayokong i-open 'to sayo. Pero dahil makulit ka, sasabihin ko na. Kaya kita iniiwasan dahil sa nakita ko kahapon. Kaya ayokong makipagusap sayo dahil ayokong tanungin mo ako sa naging reaksyon ko noong nakita mo ako kahapon. Kasalanna ko rin naman 'to. Ayoko ng gulo, ayokong may masira akong relasyon. Kaya please hayaan mo na lang ako, pwede ba 'yon?"
"Paano kita hahayaan kung nagaalala ako sayo? Paano kita hahayaan kung hindi ko naman kaya na basta ka na lang hayaan?"
Humarap ako sa kaniya dahil naguguluhan ako sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin? Ano bang meron? Ano na namang pagpapaasa 'to? Sasabihin niya na importante ako kais kaibigan niya lang ako? Ano ba?
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.
"Angel, alam ko kung anong nararamdaman mo sa akin. Hindi ako manhid! Hindi ako tanga, para hindi 'yon mapansin! Kasi kung anong nararamdaman mo, ganoon din ang nararamdaman ko sayo!" Natigilan ako sa sinabi niya. In that moment, time seemed to stand still. The world around me faded into the background as Blaire's confession echoed in my mind. Hindi o alam kung anong sasabihin ko o kung dapat ba akong magsalita. Ang daming tanong sa utak ko na gusto kong sagutin niya pero nanatili akong tahimik, tinititigan lang siya. Hindi ko alam kung paano ko ipoproseso ito sa utak ko, gulat na gulat pa rin ako sa sinabi niya ngayon.
"Kung pareho tayo ng nararamdaman, bakit mo siya hahalikan? Bakit narinig ko na sinabi mong mahal mo siya?" Naguguluhan na ako ngayon kay Blaire, parang mali talaga na ngayon kami nagusap. Lalo lang akong naguluhan ngayon. May feelings nga siya oo pero sobrang gago niya naman para makipaghalikan ulit sa ex niya! Hindi makatarungan na sinasabi niyang gusto niya rin ako pero may iba siyang hinahalikan! Ang mas malala, ex niya pa 'yon. "Okay, makinig ka sa akin." Hinila niya ako para maupo sa kama. Nanahimik lang at sinusundan ng tingin ang kilos niya ngayon. Ano na namang sasabihin niya? Anong ipapaintindi niya? Mas doble yung sakit ngayong nalaman ko na gusto niya pala ako pero hinayaan niyang halikan siya, hindi lang isa ah kundi dalawang beses pa!
"Siya ang unang gumawa nun!"
"Ayan na naman, siya na naman ang nauna. Kung siya palagi ang nauna, bawal bang ilayo mo yung sarili mo sa kaniya? Tuwing ganoon ang nangyayari, hahayaan mo na lang ba?" Sobrang tanga ko naman kung maniniwala pa ako sa mga sinasabi niya, ang dami niyang dahilan na kesyo di siya makatanggi kasi biglaan? Talaga ba? Baka naman kasi ginusto niya kaya hindi niya matanggihan!
"Hindi ko hinayaan, pinaramdam ko lang sa kaniya na hindi ko na talaga siya mahal! Hinalikan niya ako pero sa halik na yun, walang pagmamahal doon! Hindi ko pinaramdam sa kaniya yung nararamdaman ko noon sa tuwing hinahalikan niya ako. Hindi ako humalik pabalik! Ramdam niya yun!"
"So sinong maniniwala sa mga sinasabinmo ngayon?"
"Maniwala ka man o hindi, ganoon ang nangyari. Oo tama ang narinig mo na sinabi kong mahal ko siya pero may kasunod yun. Mahal ko siya noon, yun ang sasabihin ko na hindi ko nasabi agad dahil nga bigla kang dumating! Mali ang nakita mo!"
"Blaire, ang daming paraan para ipakita sa kaniya na hindi mo siya mahal! Bakit hahayaan mong halikan ka niya? Sa tingin mo tama yung ginawa mo na hinalikan ka niya pero hindi ka humalik pabalik? Anong gusto mong gawin ko? Palakpakan kita? Bigyan kita ng award? Putangina Blaire!"
Wala akong karapatan na magalit kasi wala pa namang kami, pero dahil sinabi niya na gusto niya rin ako. Tangina edi may karapatan na akong magreklamo sa ginawa niyang yun. Binibigyan niya na ako ng karapatan ngayon dahil sa sinabi niya, dahil sa inamin niya. Ang lala ni Blaire!
"Kahit sinong matinong lalaki, hindi niya hahayang mahalikan siya ng babae. Lalo na kung ayaw niya naman yung babaeng yun! Lalaki ka niyan, Blaire? f**k you! I hate you!" Oo, gusto ko siya pero ang laki niyang gago. Gusto ko siya pero hindi ko gustong makipag-gaguhan sa kaniya!
Ilang araw ko nang hindi pinapansin si Blaire, hindi ko alam kung pansin 'yon ng parents niya. Hindi rin naman nila ako tinatanong masyado kung anong nangyari sa amin. Simula noong nagusap kami ni Blaire, hindi ko na siya tinignan gaya kung paano ko siya tignan dati. May mga times na kinakausap niya ako pero wala siyang nakukuhang sagot sa akin. Madalas din akong magkulong sa kwarto ko pero napapansin ko na mas maaga na kung umuwi ngayon si Blaire. Hindi ko alam kung hindi na ba siya busy sa trabaho kaya maaga siyang nakakauwi at ayaw kong alamin.
Hindi pa ako nakakahanap ng matinong apartment na pwede kong lipatan, kaya hindi ko pa 'to nasasabi sa parents ni Blaire. Ayoko namang magsabi agad sa kanila na hindi naman ako sure kung meron na nga akong lilipatan. Once na meron na, agad naman akong magsasabi sa kanila.
"Angel," tawag sa akin ni Blaire pero hindi kos iya pinansin, nanatili lang akong nakaupo dito sa sala at tutok na tutok sa pinanonood ko.
"I'm sorry for what happened. But I promise it won't happen again. Maniwala ka man o hindi, I'll be better. I want to be a better man, not just for you but also for myself as well."