19

3649 Words
Ilang araw na kaming hindi naguusap ni Blaire, hindi ko na siya talaga pinapansin. Wala na rin akong ganang makinig sa mga sinasabi niya. Hindi pa rin ako nakakaalis dito sa bahay nila at hindi ko pa rin nasasabi sa parents niya ang balak kong paglipat. Gusto ko kasi kapag sinabi ko na s akanila may lilipatan na ako agad, na ready na akong umalis. Kaya lag wala pa kaming nahahanap ni Francine na pwede kong malipatan. Kasalanna niya rin 'to eh, gusto niyang makahanap ng apartment na malapit sa kaniya o sa mga kakilala niya para alam niya at sigurado niyang safe ako. Sinabihan ko namna siya na kaya ko ang sarili ko kahit na magisa lang ako pero ayaw niya akong pakinggan. Pinagpipilitan niya na mas mataas yung chance na mapahamak ako kapag wala akong kasama. Gets ko namna yung point niya, kaya lang kilala niya naman ako. Alam ko naman sa sarili ko kapag malapit ako sa panganib, agad ko namang sasabihin sa kaniya. "What if magkaroon ako ng studio?" Napaisip ako kung ano bang dapat kong gawin. Since hindi ko pa naman alam kung paano ako makakaganti sa Tita ko, siguro dapat may iba muna akong pagkaabalahan. "Studio? Ano namang gagawin mo doon?" Nagtatakang tanong ni Francine, magkasama kami ngayon sa garden sa bahay nila Blaire. Siya lang ang nakakausap ko bukod sa parents ni Blaire at kina Manang dito sa bahay na 'to. "Sa studio na 'yon pwede akong magturo ng ballet, ballet lessons." "Bakit mo naman biglang naisip 'yan?" "Wala lang, kailangan ko ng pera eh, kailangan kong kumita ng pera para agad na akong makaalis dito. Gusto ko na humanap ng malilipatan." sinarado ni Francine ang laptop niya at humarap sa akin. "Gusto mo ba talaga? Support ako sayo sige." Agad naman siyang bumalik sa laptop niya para maghanap ng studio. "Agad-agad?" Natatawang tanong ko at tumabi sa kaniya para makita ko rin yung mga hahanapin niyang studio. "Ang dami pa lang available na studio, gaano ba kalaki gusto mo?" "Sakto lang, hindi naman sobrang laki. Gagamitin ko lang siya pansamantala hindi ko naman plano na magtagal sa ganiyan." Sana lang talaga hindi ako guluhin ni Tita Hellen sa gagawin kong 'to, pero mukhang himala ang kailangan ko para lang mangyari itong mga sinasabi ko ngayon. As if tigilan niya ako, eh ang favorite niyang gawin ngayon ay walang iba kundi pahirapan ang buhay ko. Nakuha niya na nga sa akin lahat, hidni pa siya marunong makuntento. "Teka, ano ba sa tingin mo ang magandang unahin? Apartment or studio?" Hindi ko alam kung anong uunahin ko ngayon, pero dahil hindi ganoon kalaki ang naipon ko at ang natia sa akin ngayon, parang mas gusto kong unahin ang studio kaysa sa apartment. Maayos naman pakikisama ko kay Tita Beatrice at Tito Edward, welcome na welcome naman ako sa bahay nila. Kaya ko rin namang hindi kausapin habnag buhay itong si Blaire, so I guess studio muna? Pero syempre kailangan ko hingii itong thoughts ni Francine. "Nasa sayo naman kung ano talagang gusto mo, ano bang naiisip mo ngayon? Pakinggan ko muna bago ako magsabi kung anong dapat mong gawin." Sobrang thankful ko dahil nandito si Francine sa tabi ko, na kahit papano may tinira pa rin sa akin kahit isa lang. Ang laki niyang tulong ngayon sa buhay ko, kung wala siguro siya hindi ko alam kung anong gagawin niya. "Gusto ko sanang mauna yung studio, since okay pa naman ako dito sa bahay nila. Studio na lang muna, if magkakaroon ulit ng problema like magdala ulit ako ng panganib sa pamilyang 'to. Pwedeng sa studio muna ako tumira, at least kahit na doon ako tumitira, kumikita pa rin ako. Kaysa kapag apartment ang inuna ko, baka lalo lang akong maging pabigat and alam kong alam mo na ayaw na ayaw kong maging pabigat lalong lalo na sayo, 'diba?" Tumango-tango lang ito at sa huli humanap kami pareho ng studio na pwede naming rentahan. "May plano ka pa lang umalis dito? Bakit hindi ko alam?" Nagkatinginan kami ni Francine nang marinig namin ang boses ni Blaire. Sunod kong tinignan si Blaire, seryoso siyang nakatingin sa akin. Napansin ko naman sa tabi ko si Francine na nagliligpit na ng mga gamit niya, kaya tinulungan ko na siya. "Anong ginagawa mo?" bulong ko sa kaniya habang tinutulungan ko siya. "Aalis na? Mukhang kailangan niyo na talagang magusap at kahit anong pagiwas mo hindi mo kakayanin 'yan. Kilala kita, Angel." Inirapan ko siya, agad siyang umalis sa tabi ko at nagbow dito kay Blaire, ngumiti rin ito tsaka siya tumakbo palabas. Problema niya? Lumapit ako sa gate at pinanood ang pagalis ni Francine, humanda siya sa akin kapag nagkita ulit kami. Iniwan ba naman ako dito. At sa lahat ng tao, dito pa niya ako iniwan kay Blaire, alam niya naman kung anong nangyari eh. Nananadya talaga yung babaeng 'yon. Ramdam ko na nasa tabi ko na ngayon si Blaire, mukhang pinapanood niya rin ang pagalis ni Francine. Pasimple ko siyang tinignan, nanlaki ang mata ko nang makita kong nakatingin pala siya sa akin. Sana pala hindi ko na lang siya tinignan. Nakita ko ang pagngisi niya kaya agad ko siyang inirapan at tinalikuran. "Hindi mo talaga ako papansinin?" Tanong niya. Bahala siya diyan! Kahit anong mangyari hindi ko na talaga siya kakausapin. Ilang araw na simula noong naghanap kami ni Francine ng studio, ang dami naming nahanap kaya lang sobrang mahal nung iba. Kaya nagpatuloy lang kami sa paghahanap ng iba pang studio na medyo kaya ng budget na meron ako. Sabi nga ni Francine na pwede niya naman akong pahiramin ng pera pero agad ko siyang tinanggihan. Ayokong madagdagan ang utang na loob ko sa kaniya. Ang dami niya na ngang natulong sa akin, sobra-sobra na kung maging ang pambili ng studio. "Hello Tita! Nag-grocery ka?" Pansin ko na may mga dala itong malalaking box kaya tinulungan ko na rin siya. "Oo, hinahanap kita kanina, isasama sana kita. Nasaan ka ba?" Tanong nito. "Nasa kwarto lang naman ako kanina, hindi niyo ko hinanap doon?" "Hindi, sabi rin nitong si Blaire na 'wag kang istorbohin." Sumimangot ako habang bitbit ang mga pinamili ni Tita. "Sayang gusto ko sanang sumama eh." Napalitan ng pagirap ang pagsimangot ko dahil biglang inagaw sa akin ni Blaire ang bitbit ko. "Ako na," sambit niya at tuluyang pumasok sa loob. "Tulungan mo na lang ako magluto ng pancake," Nilapitan ako ni Tita at humawak sa braso ko, sabya kmaing pumasok sa loob. Hinayaan na namin ang ibang box kay Blaire. Bago kami nagsimulang magluto, inayos muna namin ang mga pinamili ni Tita dito sa fridge. Feeling ko napapansin ni Tita ang pagiwas ko kay Blaire ngayon, kasi paminsan-minsan niya akong tinitignan pagkatapos ay sunod niyang titignan ang anak niya. Hindi ko na lang masyado ipapahalata, eh kasalanan din ni Blaire, alam niya namang hindi ko siya papansinin pero gustong-gusto niyang nagpapapansin sa akin. Kahit kanina, kung ano-anong ginagawa at pinagsasabi niya. Tinatawag niya pa ang pangalan ko ayan tuloy nakakahalata na nanay niya. Sinimulan na namin ang pagluto ng pancake, sakto meryenda time na rin kaya tamang tama itong pagluto namin ng pancake. Medyo naparami nga ang naluto namin parang ang dami naman naming kakain pero ang sabi naman ni Tita Beatrice, okay lang daw na ganito karami. Sinadya niya na damihan dahil na rin kay Blaire, nalaman ko ngayon na favorite niya pala ang pancake. Pero ano naman ngayon? As if may pake ako. Pinaupo na ako ni Tita, siya na lang daw ang magtutuloy tutal konti na lang ang kailangang lutuin. Katabi ko ngayon si Blaire, wala akong choice kundi dito umupo para hindi na makahalata si Tita, baka kapag nalaman niya na hindi kami okay ng anak niya bigla niya akong paalisin dito. Hindi pa ko ready umalis, so 'wag muna. Please Tita, have mercy on me, charot. "Okay lang ba kayong dalawa? May problema ba? Nagaway ba kayo?" Omg! Iligtas niyo ko dito please. Ayan na, nagtanong na. Lagot na! "Blaire? Okay lang kayo?" Agad akong tumingin sa gawi ni Blaire, pasimple kong sinipa ito. Hindi naman ito mapapansin ni Tita dahil nga nagluluto ito at hindi niya talaga 'to makikita dahil nga nakaharang ang lamesa. Nang tinignan ako ni Blaire agad ko siyang pinanlakihan ng mata. I'm sure alam niya kung anong ibig sabihin nun. "Oo, okay lang naman kami." Buti naman at maayos niyang nasagot. Akala ko kung anong sasabihin niya eh. Tama 'yan, kahit isang beses man lang sa buhay mo may gawin kang tama. Kahit ito na lang gawin mong tama, okay na sa akin 'yon. "Sure ah, wala talagang problema, Angel?" Ako naman ngayon ang tinignan ni Blaire, akala ko okay na eh. Nakasagot naman na ang anak niya, hindi pa ba sapat 'yon? Grabe naman manigurado si Tita Beatrice. "Of course, Tita! No problem at all!" Tumawa pa ako at hinampas ang braso ni Blaire. Ang hirap pa lang magpanggap na okay kami. Sobrang exaggerated naman ng sagot ko. Mapatango lang si Tita tsaka niya nilapag sa mesa ang pancakes na ginawa namin, nagready na ako ng chocolate syrup and honey sa gili tsaka ko rin nilagay sa lamesa ang tinimpla kong juice. Ngasimula na rin kaming kumain, pinagtabi na namin si Manang Sonya at Manong Dan, mamaya pa raw kasi nila 'to kakainin. Si Tito Edward naman nasa kompaniya pa, mamaya pa siyang gabi uuwi kaya hindi na namin siya pinagtabi ng pancake. Nasa isang kwarto ako dito sa bahay nila Blaire, nakita ko kasi na naglilinis si Manang SOnya dito kaya gusto ko siyang tulungan. Hindi na ginagamit ang kwartong 'to dahil nga sa Kuya io ni Blaire na pumanaw na. Hindi rin nila 'to binuksan simula noong matapos siyang ilibing, si Blaire ang nagsabi na 'wag papakielaman ang mga gamit dito pero nagdesisyon siya na ipalinis ito. Gusto niyang ipalinis pero walang dapat na itapon na mga gamit dito. "Maiwan muna kita dito, may kukunin lang ako sa labas." tinanguan ko lang si Manang Sonya dahil may nakaagaw ng atensyon ko dito sa kwarto. Isang malaking picture ang nandito sa kwarto, picture ito ni Blaire at ng Kuya niya. Nilapitan ko pa 'to para mas makita ko ang mukha nila, bata pa rito si Blaire. Nasa 15 or 17-year-old pa lang ata siya dito. Sa picture pa lang na 'to, malalaman mo kung gaano sila ka-closed eh. Nakaakbay sa kaniya ang Kuya niya, pareho silang nakangiti dito. May iba pa silang picture bukod dito, pero ito ang nakaagaw pansin sa aking atensyon. Sa picture lasi na 'to parang ito talaga yung picture nilang dalawa na gustong-gusto nilang makita since ito lang ang kaisa-isang malaki na picture. "Favorite namin 'yang picture na 'yan, kasi yan yung pinakamatino sa lahat ng pictures na meron kami." Nasa tabi ko na pala si Blaire, paano niya nalaman na nandito ako? Tinignan ko ang pinto, nakabukas ito. Hindi siguro sinarado ni Manang kanina. "Sinong may pake?" Tanong ko sa kaniya, umalis ako sa tabi niya para lumabas na. Kaya lang hindi pa lang ako nakkahakbang palabas, biglang sumara ang pinto. Kaya agad akong sumilip sa bintana, nakita ko si Tita Beatrice. Siya ba ang nagsara ng pinto? "I think you two need to talk! So, go and talk first before cleaning that room!" sigaw nito. Lumapit agad ako sa pinto para makaisip ng paraan kung paano makakalabas sa kwartong 'to. Wala naman kaming dapat pagusapan ni Blaire, kaya aalis na ako dito. Pinihit ko ang door knob pero nakalock ata ito sa labas kaya hindi ko mabuksan, sinubukan akong tulungan ni Blaire pero hindi niya rin ito nabukas. "Okay, I think we don't have a choice but to talk." Pumunta ito sa kama, inalis niya muna ang alikabok at ibang dumi na nandito bago siya tuluyang umupo. Tumingin ito sa akin, tsaka niya tinapik ang kama na inuupuan niya, senyales na maupo rin ako sa tabi niya. "Ayoko, dito lang ako. Ayaw kitang katabi." Tinawanan niya lang ako kaya agad ko siyang inirapan at nanatiling nakatayo sa tabi ng pintuan. "So anong gagawin mo ngayon? Hindi mo pa rin ba ako papansinin? Malapit na magisang buwan, Angel." Bakit ba niya binibilang kung ilang araw ko na ba siyang hindi pinapansin? Wala naman akong pake, kahit taon pa 'yan kayang-kaya kong gawin. "Ako nga ba talaga ang dapat na may gawin?" Tanong ko, tinaasan ko 'to ng kilay, hinihintay kung anong isasagot niya. "I already told you, gagawin ko ang lahat para maging better ako sayo. Inaamin ko na mali yung nagawa ko pero hindi ko naman na uulitin 'yon." Ayan na naman siya, hays. "Kahit anong sabihin mo hindi ako maniniwala sayo, wala na rin tayong dapat pang pagusapan. Simula noong araw na 'yon, tinanggal ko na lahat ng feelings ko sayo. Redflag ka, Blaire. Ayokong magpaka-colorblind para sayo, hindi ako ganoon katanga." Pagod na akong maging tanga sa pagibig, pangalawang beses ko na 'tong maging tanga. Nong unakay will, ngayon naman kay Blaire. Nangako ako sa sarili ko na hindi ko na 'to kailanman uulitin. Wala akong gustong gawin ngayon, kundi mag-focus sa sarili ko. Sa kung paano ko maibabalik ang mansion at ang kompaniya sa pangalan ko, dahil sa akin naman talaga dapat 'yon. Ngayong wala na ang pamilya ko, walang ibang magpapatakbo ng kompaniya kundi ako lang. Ako lang mismo. "Hindi ka ba naniniwalang kaya kong magbago? Bakit ganoon? Ano bang tingin mo sa lahat ng tao? Na lahat ng tao sa mundo hindi kayang magbago at hindi dapat bigyan ng second chance?" "Hindi ko naman nilalahat ah, bakit kita bibigyan ng second chance kung alam kong kaya mong ulitin yung nagawa mo?" "Angel, sinabi ko naman sayo. Kaya kong magbago. Oo, alam ko na nagkamali ako noong nakaraan, pero hindi ko naman na uulitin 'yon." "Ewan ko sayo, Blaire." Muli kong sinubukang buksan ang pintuan, pero ayaw pa rin nitong bumukas. Hanggang kailan ba balak ni Tita Beatrice na ikulong kami dito? Hanggang mamayang gabi ba? Sobra naman siya kung hanggang mamayang gabi pa 'to. Sawang-sawa na ako sa mga pinagsasabi ng kasama ko dito eh. "Kung ayaw mong maniwala, then fine. Papatunayan ko sayo." Kung ayaw niyang mahirapan edi sana noong una pa lang hindi niya na ginawa ang bagay na 'yon. Wala pa nga kaming label, hindi pa kami nagd-date pero nakipaghalikan na siya sa babaeng 'yon kahit na alam niya sa sarili niya na hindi niya naman gusto 'yon. Ang daming paraan para tumanggi siya sa halik at iwasan ang halik na 'yon, ang dami ring paraan kung paano patunayan kay Marga na hindi niya na mahal yung babae na 'yon pero dahil sobrang gago niya hindi siya umisip ng paraan. Hinayaan niyang halikan siya kahit na ayaw niya naman si Marga. That's not make a sense! He's a f*****g jerk! "Wala kang dapat patunayan, Blaire. Makikita at makikita ko yang sinasabi mo na pagbabago sa ayaw at sa gusto mo. Kung talagang nagbago ka nga, ako mismo ang makakapagsabi na napatunayan mo nga." "Pwede bang 'wag mo na akong iwasan? Okay lang sa akin kung susungitan mo ako pero yung iwasna mo ako? Angel, kahit yung mga taong nasa paligid natin hindi maintindihan kung anong nangyayari sa kanila. Para na rin sa ikakatahimik ng parents ko, nagaalala na sila sa atin. Kaya please, kahit 'yon lang ibigay mo na sa akin." Tinignan ko lang ito, nagiisip kung anong pwede kong gawin o sabihin. "Okay, pero 'wag kang umasa na gaya pa rin 'to ng dati." Nagplano ang pamilya ni Blaire na magbakasyon muna sa isang resort, para na rin mapahinga si Tito Edward. Gusto rin magbakasyon ngayon ni Tita Beatrice, kaya nagiimpake na ako ngayon, mamaya na kasi kami aalis. Dapat bukas pa, kaya lang excited masyado si Tita Beatrice, sabi niya mas maganda raw kung ngayon kami aalis para masulit namin ang bakasyon. Ang alam ko three days lang kami sa resort pero gustong mag-extend ni Tita Beatrice. Siya lahat ang nagplano ng bakasyon na 'to, kasi siya talaga ang may gusto nito. Ayaw nga sana ni Tito Edward na magbakasyon dahil marami pa siyang inaasikaso sa kompaniya nila pero dahil ready na si Tita Beatrice, wala na siyang magawa. Nang matapos ako, sinarado ko na ang bag ko, dalawa ang dadalhin ko na bag. Hindi naman masyadong malaki, sakto lang. Hindi ko rin sigurado kung hanggang kailan kami mag-stay sa resort na 'yon kaya nagdala ako na good for five days na damit. Sana lang talaga hanggang five days lang kami kais lagot ako kapag sumobra pa ng five days. I'm sure hindi naman tatagal ng five days, sobra-sobra na 'yon kapag nagkataon. Nag-ayos na muna ako bago nagpasyang lumabas. nag-curl ako ng buhok ko, ever since may mga outing, laging naka-curl ang buhok ko. Wala lang, feel ko lang talaga mag-curl ng buhok parang ang ganda kasing tignan lalo na kapag naglalakad ka sa gilid ng pool. "Tulungan na kita," Kukunin niya na sana sa akin ang mga dala kong iba pang gamit, kaya lang hindi ko 'to hinayaan na kunin niya. "Ako na," sambit ko at tuluyan na itong dinala sa van. Van ang ang gagamitin naming sasakyan dahil nga hindi kami kasya sa kotse ni Blaire. Gusto ngang humilaw ng sasakyan ni Blaire, pero hindi pumayag si Tita Beatrice. Mas maganda raw na sama-sama na lang kami sa iisang sasakyan. Sa Tagaytay kami ngayon papunta, sumakay na ako sa van dahil ready na rin naman na ako. Sinigurado ko rin na wala akong naiwan sa loob ng bahay. Komportable na sana ako sa upuan ko at papikit na rin sana, kaya lang may biglang umepal. Si Blaire. Umupo siya dito sa tabi ko. "Ang daming pwedeng upuan, dito pa talaga." bulong ko. Alam niya namang hindi ko siya papansinin diyan sa tabi ko, pero pinagpipilitan niya pa rin ang sarili niya. "Saan na sil Alvin at Ruben?" tanong ni Tito Edward. Oo nga pala, kasama rin pala sila dahil gusto nilang sumama. Okay lang naman sa akin kung kasama sila, waang problema. Mas maganda rin para hindi ako ang palaging ginugulo ni Blaire. Sayang wala akong ibang kasamang babae bukod kay Tita Beatrice. Okay naman kasama si Tita Beatrice pero syempre gusto ko pa rin makasama yung medyo kasing edad ko para syempre mas lalong mag-enjoy. "Yehey! Tagaytay wait for us!" Dumating din ang dalawang maingay at makulit na kaibigan ni Blaire. "Dito ka Alvin!" Niyaya ko itong umupo sa kabilang side ko, bale pinaggigitnaan ako nilang dalawa ni Blaire. At least okay na ako dito sa upuan ko. Medyo closed naman na kami ni Alvin kaya okay lang na katabi ko siya. "Bestfriend mo?" Tanong sa akin ni Blaire. "Oo, inggit ka?" Balik kong tanong sa kaniya, sinimangutan ako nito. "Ako kaya kaibigan ni Alvin, 'diba? Sinong pipiliin mo? Ako o yang nagpapanggap na bestfriend mong si Angel?" Agad kong pinangsingkitan ng mata si Alvin. "Ayusin mo sagot mo," sabi ko pa, halata sa mukha niya ang takot. Hindi niya rin alam kung anong isasagot niya. "Pwede bang both?" "HINDI!" sabay kaming sumagot ni Blaire, nagkatinginan pa kami pero agad akong nagiwas ng tingin. "Hindi ko alam kung tama bang sinama kayo, nakakastress kayong dalawa. Tita, bakit niyo sinama 'tong may isnag buwan nang LQ?" Napakamot ito sa batok niya at hindi na kami pinansin ni Blaire. Nakarating din naman kami sa Tagaytay, ang ganda ng resort na 'to. Nirentahan ni Tita Beatrice ang buong resort na 'to. A meticulously manicured garden framed the pathway leading to the entrance, with vibrant blooms and fragrant blossoms adding bursts of color and sweet scents to the air. Upon stepping into the lobby, the sight that unfolded before their eyes was nothing short of breathtaking. The interior exuded an air of sophistication, its design seamlessly blending contemporary aesthetics with touches of Filipino craftsmanship. The polished marble flooring mirrored the soft glow emanating from crystal chandeliers hanging overhead, casting a warm and inviting ambiance. The lobby featured comfortable seating areas that beckoned tired travelers to rest and unwind. Large floor-to-ceiling windows allowed sunlight to pour in, offering glimpses of the surrounding beauty. The sound of a trickling water fountain provided a serene backdrop, its gentle melody soothing the soul. Beyond the lobby, a vast courtyard awaited, reminiscent of a secret garden. Stone pathways wound through meticulously landscaped gardens, leading visitors to hidden nooks and crannies where they could find solace amidst nature's embrace. The courtyard featured a sparkling pool, its turquoise waters inviting guests to indulge in a refreshing dip or simply bask in the warm sunshine on comfortable lounge chairs. Each room boasted large windows that opened up to panoramic views of the rolling hills, the lush gardens, or the picturesque Taal Lake. The interior of the rooms continued the theme of refined elegance, with tasteful furnishings and carefully selected décor. Soft, earthy tones adorned the walls, creating a warm and welcoming ambiance. Wow! Grabe! Sobrang ganda! "Everyone, may kailangan tayong i-celebrate!" Sabay-sabay kaming napatingin kay Blaire. Ano na namang pinagsasabi nito? Kanina pa 'yan nagiingay sa van, hindi ko naman siya pinapansin. Napaka life-save nga ng headphone na dala ko dahil hindi ko naririnig ang boses niya kanina. Nilakasan ko talaga ang volume para wala akong marinig tapos ngayon, ayan na naman siya. "Anong celebration?" Tanong ni Ruben. "Nakakuha na ng studio si Angel!" Ano raw? Studio? Paano niya nalaman yung tungkol sa studio? Walang ibang nakakaalam kundi si Francine at ako, kami lang dalawa. Kahit sa parents ni Blaire never kong na-open ang bagay na 'yon. Magkausap pa lang kami kahapon ni Francine, sinabihan niya ako na wala pa siyang nahahanap, kaya anong sinasabi nito? Kung makakahanap man agad si Francine, sa akin niya 'to sasabihin dahil alam niya na kami lang ang may alam sa bagay na 'to. Sinabihan ko rin naman siya na 'wag munang sabihin 'to kahit kanina. Kaya anong nangyayari ngayon? Anong pinagsasabi ni Blaire?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD