"Blaire, dito nga." Hinila ko siya papunta sa isang sulok kung saan wala masyadong tao. Kailangan kong malaman kung saan niya nakuha yung ganoong klaseng information. "What? Hindi ka ba masaya?" he asked. "Hindi naman sa ganoon, kaya lang bakit mo alam ang tungkol doon?" Napakaimposible na galing ;to kay Francine, ilang beses ko siyang sinabihan na walang makakaalam sa bagay na 'yon kundi kaming dalawa lang. Nangako rin siya sa akin. Tapos ngayon malalaman ko na alam 'to ni Blaire?
"Kailangan mo ba talagang itago sa akin?" Kanina nakangiti pa ito, ngayon biglang sumeryoso ang mukha nito.
"Nauna akong magtanong, kaya sagutin mo na lang kung kanino mo 'to nalaman?" Napailing ito at napakamot sa kaniyang batok, nanatili lang naman akong nakaingin ng diretso sa kaniya. "Narinig ko na naguusap kayo tungkol doon, nalaman ko na wala ka pa palang nahahanap kaya naisip kong humanap din para makatulong ako sayo kahit papano. I'm sorry if hindi ko sinabi agad sayo, gusto sana kitang i-surprise tungkol doon."
Akala ko naman kaya niya nalaman ang bagay na 'yon dahil kinukulit niyang tanungin si Francine tungkol sa mga napapagusapan namin tuwing magkausap kaming dalawa, narinig niya lang pala. Sabagay, madalas kaming magusap ni Francine sa garden nila Blaire kaya siguro narinig niya rin ang bagay na 'yon.
"Thank you," sambit ko, tumalikod na ako para bumalik kung nasaan ang iba pa naming kasama.
"Anong pinagusapan niyo?" tanong sa akin ni Tita Beatrice.
"Wala, Tita." tipid kong sagot.
"Okay, tara na hintayin na natin ang food natin sa labas."
Sabay-sabay kaming pumunta sa labas para mag-dinner. Gusto nilang ma-try na kumain dito sa labas ng hotel, ito rin kasi ang nirecommend sa amin ng mga taong nakausap namin dito kanina. Maraming ilaw dito sa labas, kaya tuwang-tuwa ang mata namin habang pinagmamasdan ang buong paligid. Sa isang sulok dito nakalagay ang isang mahabang lamesa, pinapaggitnaan ito ng mga magagandang bulaklak. Sobrang ganda dito!
Hindi nagtagal agad din namang sinerve ang pagkain namin, nakakatuwa nga dahil sa isang table na 'to para kaming isang buong pamilya na nagbabakasyon dito.
"Hindi mo kami sinabihan na balak mo pala kumuha ng sarili mong studio. So, what's your plan?" Tanong ni Tito Edward habang kumakain kami. "Plano kong magtayo ng maliit na studio sa ballet lessons for kids, Tito. sasabihin ko naman sainyo as soon as makahanap agad ako kaya lang hindi kami nakahanap agad noong nakaraan, kaya hindi ko pa muna binanggit sianyo," pagkukwento ko. Napatango naman ito. "Sana sinabihan mo agad kami kahit na nagpaplano ka pa lang para ako mismo nagasikaso, but good thing naayos na ngayon ni Blaire. Congrats!" Tinignan nito si Blaire at tinanguan, sinuklian naman siya ng ngiti ni Blaire. Pagkatapos naming pagusapan ang plano ko, sunod na kinausap ni Tito edward ang tatlo tungkol sa trabaho nila, habang kaming dalawa ni Tita ay tahimik lang na kumakain sa tabi nila. Hindi ko rin masyado maintindihan ang pinaguusapan nila tsaka usapang trabaho kaya hindi ako masyado nakikinig, sa pagkain lang nakatutok ang atensyon ko.
Busy ang iba sa paglilibot ng buong resort, habang ako naman ay nandito lang sa balcony ng room ko. Magkakatabi lang naman ang room namin dito. Magkasama sa iisang room si Tito Beatrice at Tito Edward, si Blaire naman kasama niya ang dalawa niyang kaibigan, habang ako solo ko ang buong kwarto na ito. Nakapatong ang paa ko sa isa pang upuan, habang ang libro ay nasa hita ko, mamaya na lang ako maglalakad-lakad sa buong resort, wala pa kasi akong energy.
"Angel, anong ginagawa mo?" Hinanap ko kung saan nanggagaling ang boses ni Blaire. Akala ko nakapasok siya sa loob ng kwarto ko, pero wala namang tao dito. Tumingin ako sa baba dahil baka nandito siya pero wala rin siya.
"Psst, dito!" Nandito lang din pala siya, nasa balcony siya ng room nila. Magkatabi ang room namin kaya kapag may tao pareho sa balcony nila, makikita ko agad.
"Nagbabasa, hindi ba obvious?" pagsusungit ko.
"Tara lakad tayo doon," aya niya, tinuro niya pa kung nasaan nakatayo ang dalawa niyang kaibigan, medyo malayo sila sa amin pero alam na alam mong sila ito. "Ayoko." Dinala ko ang libro ko at pumasok na sa loob. Alam niya namang ayaw ko siyang kasama tapos bigla niya akong aayain. Bakit ba ang kulit niya? Manhid ba siya? Iyan ba yung sinasabi niyang pagbawi?
Hindi ko alam kung anong gagawin ko dito sa loob, siguro manonood na lang ako ng movie pansamantala. Gusto ko sanang lumabas kaya lang kapag nakita ako ni Blaire, baka mamaya mangulit na naman siya. Dito na lang muna ako, mamaya na lang ako lalabas kapag medyo late na. Siguro naman, pagod na silang lahat sa oras na 'yon. Naghanap muna ako ng pwede kong mapanood ngayon, habang hinihintay na maghating gabi. Hindi ko alam kung ano bang magandang panoorin, kaya bago ko pinagpatuloy ang paghahanap, kumuha na lang muna ako ng chips para habang naghahanap may kinakain ako.
Hindi ko man tinapos ang pinanonood ko, nainip din ako bandang kalagitnaan ng movie. Muli akong lumabas sa balcony, sinigurado ko munang walang tao sa balcony nila Blaire. Pasimple pa akong sumilip dito, wala naman akong nakita. Mukhang natulog na sila. Oras na rin kasi, halos ilang oras din akong naghanap ng mapapanood ko kanina. Hindi ko na nga namalayan ang oras eh, ngayong nainip ako dito ko lang napagtanto na oras na pala talaga. Lumabas na ako ng kwarto para makapaglakad-lakad dito sa buong resort.
A gentle coolness embraced my skin, carried by a soft breeze that seemed to have traveled far and wide, whispering secrets from distant lands. It played with my hair, causing it to sway gently, and carried with it the fragrance of blooming flowers and the subtle scent of the nearby ocean. I closed my eyes for a moment, allowing the breeze to caress my face and fill my lungs with its refreshing touch.
Naglakad-lakad pa ako, hinayaan ko lang dalhin ako ng sarili kong paa sa kahit anong sulok ng resort na 'to. Nakatingin lang ako ngayon sa dagat. Bigla ko na namang naalala ang pamilya ko, sayang hindi na kami nakapagbakasyon gaya ng ginagawa ko ngayon. Matagal na noong huli kaming nagbakasyon sa isang resort, pero hanggang ngayon naalala ko pa rin ang ngiti nila sa mukha noong nagtatampisaw kami sa dagat. Wala sa sariling napangiti ako at pumikit, iniisip ko ngayon na nasa harapan ko lang sila.
Miss na miss ko na kayo.
Yinakap ko ang sarili kong braso, dadalawin ko na lang sila ulit kapag nakauwi na kami.
Unti-unti kong minulat ang mata ko nang may maramdaman akong tela sa balat ko. Jacket? Sino naman ang maglalagay sa akin nito? Nilingon ko kung sino ang nakatayo sa likod ko. Si Blaire? Akala ko bang tulog na siya? Bakit siya nandito ngayon. "Nilalamig ka na," sambit nito. "Can I hug you?" Hindi pa man ako nakakasagot yumakap na ito sa akin, kakalas na sana ako sa yakap kaya lang narinig ko ang mahinang hikbi nito. Umiiyak ba siya? Anong nangyayari sa kaniya?
"Are you okay?" I asked. Hindi ito sumagot.
"10 minutes, let's stay like this for just 10 minutes, please." his voice broke.
Anong nangyari sa kaniya? Bakit ganito siya ngayon? May problema ba siya? Ayoko sana na ganito kami ngayon dahil sa nangyari sa amin kaya lang mukhang kailangan niya ng masasandalan ngyaong gabi. Pero kasama niya naman ang mga kaibigan niya, kaya bakit siya ganon? Bakit ako pa ang pinuntahan niya? Samantalang kasama niya naman sa kwarto ang mga kaibigan niya. nahihiya ba siyang umiyak sa harap ng mga 'to?
Matapos ang sampong minuto, siya na mismo ang kumalas sa yakap. At least, sinundan niya kung anong sinabi niya kanina. Buti at hindi siya sumobra sa oras, inoorasan ko kasi kung ilang minuto na siyang nakayakap sa akin dahil nga hindi pa naman kami maayos talaga, at alam niya naman ang bagay na 'yon. Hindi ko rin alam kung kailan ko siya mapapatawad, pero ngayon lang 'to.
Pasimple ko siyang tinignan, hindi na ito umiiyak pero hindi niya man lang nagawang punasan ang luha niya, para siyang bata! Hindi man ito umimik, nakatingin lang siya sa malayo, mukhang malalim ang iniisip. Ayokong basagin ang katahimikan, hindi ko rin naman kasi alam kung anong sasabihin ko sa kaniya ngayon.
Nagsimula itong maglakad kaya naman sinundan ko rin siya, hindi pa rin siya nagsasalita hanggang ngayon. Wala ba talaga siyang balak na i-share kung anong mero sa kaniya ngayon?
Huminto ito sa paglalakad, kaya dahan-dahan akong umurong, ayokong malaman niya na nakasunod ako sa kaniya.
"I'm sorry, alam kong ayaw mong ganito tayo but I don't know what to do right now. Ikaw ang naisip ko na lapitan, kasi magaan ang pakiramdam ko kapag ikaw ang kasama ko. Nasanay na ako sayo eh, kaya siguro ikaw ang pinuntahan ko ngayon." Humakbang ito papalapit sa akin, muli naman akong umurong.
"What are you doing?" I asked, medyo kabado pa nga eh.
"I love you," saad nito at napapikit ako dahil naramdaman ko ang labi niya sa noo ko.