13

3027 Words
Nagulat na lamg ako ng hilain ako ni Blaire papunta kung saan. Binuhat niya ako at pinasok sa malaking karton, kasya naman kaming dalawa dito dahil sa laki nito. Pumasok din siya dito sa loob. "What the f**k are you doing? Ang dumi dumi dito eh." Reklamo ko. I tried to lower my voice so that they could not hear me. "Shh. Wag ka ng maarte. Eto na lang ang naisip kong paraan." Bigla niyang tinaklob saakin ang isang tela na kulay itim. Nasa loob na nga kami ng malaking karton tapos tatakluban niya pa ako ng itim na tela. Ang init kaya dito! Nakaupo kaming dalawa sa loob. Mukha kaming tanga. Nasa likod ko siya at nasa harap naman niya ako. Bigla naiya na lang akong yinakap at tinakpan ang bibig ko. As if naman na magsasalita ako. Hindi naman ako makahinga sa ginagawa ni Blaire saakin. "Nandito sila!" Sigaw nung lalaki. Yumuko na lang ako. Sabi na nga ba eh mahuhuli kami dito. Nagulat na lang kami ng buksan nila ang karton kung saan kami nagtatago. Kinakabahan ako. Pwede nilang tanggalin ang telang ito at kaoag nagawa nila yun malamang dead-end na talaga ito. "Hoy! Anong ginagawa niyo diyan? Bawal kayo dito! Labas na!" Nakahinga ako ng maluwag dahil pinagbawalan sila dito sa basement. Buti na lang at may nakakota sa kanila. Nakarinig na ako ng mga yabag. Malamang ay paalis na sila. Naghintay pa kami ng ilang segundo bago lumabas. Inalalayan niya akong makalabas doon sa karton. Nakabalik din kami kaagad sa room ni Blaire. Agad naman siyang inasikaso ng nurse. Katapos nilang ibalik ang dextrose sakaniya ay umalis na din sila. Ako naman ngayon ang nagalaga sakaniya. "Ouch! Dahan dahan naman." Hindi ko sinasadyang matamaan ang gilid ng bibig niya. Ginagamot ko kase ang mga pasa na naabot niya kanina. "Magbabayad talaga yung mga mokong na yun. Tignan mo dinumihan nila ang mukha ko. Buti na lang kahit na anong mangyari gwapo pa din ako sa paningin mo." Aba! Nakapagsalita pa siya ng ganiyan katapos ng lahat. Hinampas ko anh braso niya para magtigil kakabiro. Lumipas ang isang linggo at nakalabas na siya ng ospital. Gusto na nga kaagad bumalik sa trabaho eh. "Hoy! Saan mo balak pumunta?" Tanong ko sakaniya. Kung saan saan na lang siya pumupunta. "Diyan lang." Anong diyan lang? Ano na naman ang gagawin niya? "Hoy! Ano na naman ang gagawin mo? Pumirmi ka nga dito sa bahay." Hindi siya nakinig saakin at umalis na. "Tita! Tita! Si Blaire oh!" Pagsusumbong ko pa dito. "Tch. Diyan lang ako sa may labas. May kukunin lang."ayun! Lumabas na siya ng bahay. Naupo na lang ulit ako sa sofa. Hindi naman siya nag tagal agad din siyang bumalik. At kabalik niya ay tinawag niya ako kaagad. "Sungit mo! Smile ka muna. I have something for you." Nagtataka naman akong tumingin sa kaniya. Pumunta siya sa likod ko. Namalayan ko na lang na may sinusuot siya sa aking kwintas. Nakita ko ang pendant nito. Initials ko. ALC. (Angelica Leigh Castillio) Kagaya din ito nung sakaniya. "You like it? That's for you. Naisip ko na bigyan ka din." I smiled habang hindi siya nakatingin saakin. Pilit kong tinatago ang kilig. "Tara, aalis tayo." Mukhang date na ito. Assuming man pero eto talaga ang pakiramdam ko. Makikipagdate siguro siya. "Thank you. Pero saan naman tayo pupunta? Diba you need to rest? Kaya bakit ka nagaayang umalis?" Kunwari ay ayaw kong umalis kami ngayon pero sa totoo lang, gustong gusto kong umalis kami. "These past few weeks marami ng nangyari sayo at saakin. Siguro naman hindi masamang mamasyal tayo." Ngumiti siya saakin. Hindi na ako nagpalit ng damit. Dahil disente naman ang suot kong damit ngayon. Nagpaalam muna kami kila Tita at Tito. Ayaw pa nga sana kaming payagan kaso nagpumilit itong si Blaire. Nilambing-lambing ang parents niya kaya ayan pinayagan kami. Dinala niya ako sa isang Ocean Park. Sa kagustuhang makakita ng isda. Napailing na lang ako habang tinititigan niya ang lahat ng isda dito sa aqaurium. Para siyang bata kung umasta. Nakangiti lang ako habang nakatitig sa kaniya. "Wow! Amazing!" Hangang hanga siya sa mga nakikita niya. Parang ngayon lang siya nakakita ng ganon. Natatawa na lang ako sa inaasta niya. Nagtagal pa kami ng ilang oras dito. Pagkatapos ay nagyaya na siyang umalis dito. "Hindi naman halatang nahenjoy ka no. Yang ngiti mo iba eh." Pagbibiro ko. Hanggang sa makalabas kami ng Ocean Park ay hindi mawala ang ngiti niya. "Wait! Marga?" Nagtataka akong luminhon sa harapan namin. Maganda siya pero mataray ang itsura. "OMG! Ezekhiel?" Ezekhiel? Girlfriend niya ba ito dati? Bakit naman siya tatawagin sa second name? Maybe she's important person to Blaire that's why. Nagyakapan pa sila sa harapan ko. Excuse me lang ah. Nandito ako! Kawalan ng respeto ata yun. Napasimangot na lang ako habang pinanonood silang dalawa. "Gosh! I miss you! Architect ka na ngayon ahh. Wow! I'm so proud of you." May pakapit pa sa braso ni Blaire. "How about you? Balita ko model ka na sa ibang bansa. That's cool! Lalo kang gumanda." Todo puri sila sa isa't isa. Mukhang hindi na din naman nila ako kailangan dito eh. Kaya aalis na lang ako. Hindi namalayan ni Blaire ang pagalis ko dahil busy siya sa pakikipaglandian. Ang landi landi! Sa harap ko pa sila naglandian. "Hmmm. May nagseselos." I heard Francine's voice. Anong ginagawa niya dito? "Hindi ah! Asa!" Nanatili akong nakasimangot. "Sus! Tell me. Do you have a feelings for him?" Kung makatanong ito parang chismosang bestfriend. "Sino si Him?" She rolled her eyes. "Sino pa? Edi si Blaire. Alam ko na yan. Napagdaanan ko na din yan. Goodluck na lang sa pagseselos mo." She chuckled. "Oo na. I'm f*****g jealous! Nakakainis kase! Hindi man lang niya ako nakita umalis dahil busy siya doon sa babae niya. Duh!" Inis na inis akong umupo sa bench. "Sabi na eh! Okay lang yan. Wag kang magpapadala sa selos. Mahirap yan. Pero ito lang ang tanong ko sayo, meron bang kayo para magselos ka diyan?" Oo nga. Naalala kong wala naman palang kami. "Pero hindi namang masama magselos diba? May rights din naman akong magselos." Tawa pa din ng tawa si Francine. "Mukhang kailangan ko ng umalis. Nandiyan na yung baby me." She teased me. Naramdaman ko na lang ang pagalis niya sa tabi ko. Ako naman ay naiwang nakasimangot. "Angel! Bakit ka naman napunta dito? Hindi mo ako inantay." Umupo siya sa tabi ko. Tss. "Gosh! I miss you! Architect ka na ngayon ahh. Wow! I'm so proud of you." Kumapit pa ako sa braso niya at ginagaya ang boses nung babaeng yun. I heard him chuckled. "Oh? Ano yan? Bakit mo anman ginagaya si Marga?" Nagtatakang tanong niya. Hindi pa ba obvious? Nagseselos ako! Kahit na wala namang tayo. "Omg! Ezekhiel?" Nagpatuloy lang ako sa panggagaya doon kay Angel Locsin. "You jealous? Huh?" He pinched my cheek. "No!" He chuckled. "Okay! Okay! Let's go! Mukhang may nagawa akong kasalanan sayo." Inakbayan niya ako at tumayo na kaming dalawa. "Meron talaga! Hindi mo ako pinansin nung nandiyan siya. Sino ba siya? At bakit sa second name ka niya tinatawag? Is she's something important to you? Huh?" Nagkibit balikat siya. "She's my Ex." Nakita ko siyang ngumiti. Okay! Hindi na ako nagsalita at nagtanong pa. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. No comment na ako. Sabi na eh! Girlfriend niya yun dati. I have a feeling na may relasyon sila dati kaya ganon na lang sila kung magusap. Dinala niya ako sa isang lugar na maganda. "Dinala na kita dito dati. This is my secret place. Remember? At ito yun!" Nilibot ko ang tingin sa buong paligid. Ang ganda! May lake sa harapan at may bech dito. Umupo ako dito sa tabi niya. "Wow!" Namamangha ako sa secret place niyang tinatawag. Walang tao at mukhang secret place nga ito. Dahil kahit isa ay wala akong nakikita. "See? Ganihan ka ganda ang lugar na ito. Masaya ako dahil sa wakas nakita mo din ito." Well, masaya din naman ako. Kaso naaalala ko pa din ang mga eksena kanina. Nung sinabi niya palang saakin kung anong relasyon niya doon nakakawala ng mood. Nakangiti kaya soya nung sinabi niyang Ex niya yun. "Ilang years na kayo?" I faced him so that I can see his reaction. He arched a brow. "Huh?" Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi niya pala gets! "Hotdog! Hindi mo gets? Duh! Ilang years na kayo nung ex mo?" He formed his fingers into seven. Wow! Seven years? Edi sila na! "Wow! 7 years? Imagine, ganon kayo katagal? Gosh! Sana all! Anyare?" I tried my best not to sound jealous. Baka mahalata niya. "Tch. Let's not talk about it." Naiirita na siya kaya iniwas niya ang tingin saakin. "But I want to talk about it. Dali na! Minsan lang naman 'to." Pagpupumilit ko sakaniya. "Since you're too naughty then..." ayun! Papayag din pala ang dami pang sinabi. "Then let's go home." What? Akala ko pamandin eh effective ang pangungulit at pagpapacute ko sakaniya. Damn! "And why the hell are we going? Just tell me! Parang naman ikakamatay mo yang pagkwento mo." Hindi ko na siya tininignan. "Why are you so damn naughty? Hindi mo na kailangan marinig ang kwento tungkol saamin. Matagal na kaming wala!" Galit na galit naman siya ngayon. "Eh bakit galit ka? Sorry na kase!" Nakauwi din kami kaagad. Bumawi naman sa huli saakin si Blaire. Naging sweet siya saakin pagkatapos kong manahimik at hindi na magtanong sakaniya. Kakauwi lang namin ngayon. Pumasok siya kaagad sa kwarto niya. Gusto niya lang daw tapusin ang sketch niya. Bigla namang may pumuntang bisita dito sa bahay nila at hinahanap si Blaire. Ang akala ko yung Ex niya. Yun pala client ni Blaire. Papano nila kaya nalaman na ito ang bahay niya? "Ma'am I'm so sorry. I need to rest that time kaya hindi ko po ito natapos kaagad. But I can finish this now." Napahilamos si Blaire sa mukha niya at halatang stressed dahil sa kausap niya. Ako naman ay nasa kusina at doon ko napiling makinig dahil mas maririnig ko sila dito. Lumapit naman saakin si Blaire para kumuha ng juice na ipapainom sa bisita. "Sino siya? Bakit galot na galit siya?" Nacurious kase ako doon sa babaeng yun. "My client. Hindi ko pa natapos yung sketch. May pinaparevise kase siya saakin kaso hindi ko pa nagawa dahil nga naospital ako non." Aha! Naalala ko na yun. Inaway ko pa non si Blaire dahil gusto niyang tapusin ang tinutukoy niya. "Hindi niya ba yun naintindihan? Valid naman ang excuse mo ah. Akong kakausap sakaniya!" Aalis na sana ako para sugurin siya kaso pinigilan ako ni Blaire. "No! You can't f*****g do that. Baka ako pa ang magdusa sa gagawin mo. I can handle this." Umiling ako at sinamaan siya ng tingin. "Shut up. Akong bahala. Marami pang client diyan." Hindi na niya ako napigilan pa. "Hi Miss." I greeted her. She just stared at me. "Hindi ka ba nakakaintindi? For f**k sake! Gagawin niya pa din naman yun eh! Kaya lang sinugod siya sa ospital at kailangan niya munang magpahinga. Kung gusto mo samahan pa kita sa ospital kung saan siya dinala para maniwala ka. Matuto kang magantay! Kakagaling palang niyan sa ospital ginaganiyan mo na!" Lalo ko yata siyang nagalit kaya ayan at panay ang pagirap niya saakin. "Trabaho niya yan kaya dapat gawin niya kaagad! Hindi naman pwedeng matengga na lang ang pagpapagawa sa bahay ko!" Palaban din ang isang 'to ah. "Oo nga! May point ka. Trabaho niya yan kaya dapat ginagawa niya. Pero may nangyari sakaniya! Kaya nga siya nagpagaling para maayos na niya ang gusto mong ipagawa sakaniya! Kaunting araw lang naman ang hiningi niya para magpahinga! Hoy! Tao din yan no! Kaya wag mo siyang minamadali! Gagawin din naman niya! Siguro naman naiintindihan mo na ngayon no?" Nanatili siyang nakatitig saakin. "Wag mong sasabihing hindi mo naintindihan yun." Dagdag ko pa. "Okay. Calm down. I get it. I already understand now. Thank you. Architect Gonzales, wag ka ng magalala. Hindi kita ipapapalit. Thank to your wife. Ayusin mo na lang ang mga pinapaayos ko sayo." Finally! Magagawan din naman pala ng paraan eh. "Thank you for your undertstanding. Oh she's not my wi-" His client cut him of. "Aalis na ako. Nice meeting you Mrs. Gonzales. Magaling kang asawa ah. Matatakot sayo ang mister mo kapag ganiyan ka. Ipagpatuloy mo lang yan." Napangiti ako sa sinabi niya. Katapos nung eksenang iyon ay umalis na siya ako naman ay palihim na napapangiti. "Let's go to our room now, wife." Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Ayun na siya at tumakbo paakyat. Ano nga raw ulit sinabi niya? Wife? Kinilig ako don! Ang sarap pala non sa pandinig ahh. Nakakainis lang dahil iniwan niya ako dito akala ko pamandin aakbayan niya ako para pumunta sa kwarto niya or pwede din namang hawakan niya ang kamay ko para sabay kaming pumunta sa kwarto. Pwede din namang hatakin niya ako papunta sa kwarto. Napailing ako sa naisip ko. "Hoy! Sabi ko punta ka sa kwarto!" Napansin ko siya naka dungaw mula sa hagdanan at nakatingin saakin. Nagmadali akong umakyat papunta sa kwarto niya. "Bakit ba?" Nagtataka ako bakit niya ako papupuntahin dito. Umupo siya at pinagpatuloy ang pag sketch. "So? Gusto mo bang titigan na lang kita buong magdamag? Yun lang ba?" Okay lang naman saakin yun no. Mas gugustuhin ko yun. "What if I say yes?" Tinatanong niya ba ako? "Oh edi okay!" Umupo ako sa kama at pinatong ang unan sa hita ko. Tinitignan ko lang siyang mag drawing. Kinuha ko ang phone ko at palihim siyang kinuhanan. Habang nakaside siya at seryosong nagsketch ay kinuhunan ko na siya ng litrato. Ang gwapo! Napangiti ako ng tignan ito ulit. Pinost ko ito sa twitter since dito lang naman ako active. Toxic kase minsan sa f*******:. Maraming bashers. Pero kapag sa twitter okay lang. No bashers. Kahit ano pang i-post mo. I post his picture with a caption of: My Architect Gonzales. Wala naman siguro siyang twitter no? Kaya oks lang na mag post ako ng ganito. Sana talaga hindi niya ito makita. "Hoy! Gwapo ba ako diyan? Patingin nga?" Tumayo siya kaya tumayo din ako at lumapit sakaniya. Habang pinapakita ko sakaniya ang litratong nakuhanan ko kanina, pinatong niya ang isang kamay sa balikat ko. "Nice! Gwapo!" Puri niya sa sarili niya. "Paano mo naman nalaman na kinukuhanan mo ako ng litrato?" Nagtataka lang naman ako kung paano niya nalaman yun. "Sa lahat kase ng patagong nagpipicture ikaw pa yung naglalagay ng flash. Hindi naman halatang kinukuhanan mo ako." Natawa naman siya. Nakakahiya yun! Busy kase ako. Hindi ko na tuloy na pansin na may flash pala yun. Buti hindi siya tumingin sa camera. "Saan mo naman ito pinost?" Post? Ang assuming din ng lalaking 'to! "Huh? Post ka diyan! Swerte mo naman kung ganon! Wala! Remembrance!" Pagsisinungaling ko pa. "Sus! Ayaw mo lang niyan sabihin ang totoo." Ayaw niya talagang maniwala. Hindi ko na lang siya pinansin at nilagay sa camera ang phone ko. "Umayos ka nga!" Inis kong sabi. Nagduling dulingan kase siya. "Wacky!" Sabi niya pa habang nakaduling ang mata niya. Dinuling ko din ang mata ko at dumila ganon din siya. May bago na naman akong ipo-post. Katapos ng maraming picture, ay umupo muna ako sa kama niya. Siya ang nagpindot kanina sa camera button sobrang dami nga ng kinuhanan niya. Ayun siya at pinuno na ang phone ko. Todo pose pa siya sa camera. "Hoy! Phone ko yan ahh incase na nakakalimutan mo." Hindi niya ako pinansin. Nilabas niya din ang phone niya at ako naman ang kinuhanan niya. Todo pose ako sa una pero sa huli hindi na. Tawa naman siya ng tawa habang tinitignan isa-isa ang litrato ko. Umupo siya sa tabi ko at tawa ng tawa. Inis ko siyang tinignan. "Look at yourself. You look like a puppy." Panay ang pangaasar niya saakin kada litratong titignan niya. Kaya eto ako at irap ng irap sakaniya. "Manahimik ka nga Gonzales! Hindi ka nakakatawa ah." Muli siyang umakbay saakin at nilapit ang mukha niya. Gosh! Sobrang pula ko na siguro ngayon. "Oohhh. I love hearing my surname. Specially when you are the one who calls me Gonzales." Grabe lalo akong kinikilig ngayon ah. "Shut up! Nakakairota ka!" Tinanggal niya ang kamay sa balikat ko at nilayo na din ang mukha niya saakin. "Fine! Galit na siya! Gusto mo bang kumain? Tara let's eat! Dinner na eh." Kung makaaya parang marunong siyang magluto. "You don't know how to cook, right?" I asked him and then he slightly nod na parang nahihiya pang umamin. Sinabi niya na din saakin yan dati na hindi nga siya marunong magluto. Pero bakit parang ngayon eh nahihiya na siyang umamin? "Then I can teach you naman. Let's go!" Tumayo na ako pero nanatili siyang nakaupo. "Hilain mo muna ako palabas." Psh! Ang daming alam nito. Hinila ko na ang dalawa niyang kamay. Tumayo naman siya kaya lang eh para siyang lasing kaya tawa ako ng tawa hanggang sa makalabas na kami sa kwarto niya. Napunta kami sa sala at doon ko siya pinaupo. Tawa kami ng tawa ng sabay kaming umupo. "You look like a zombie. Ahh hindi pala. Mukha kang tanga." Habang tawa pa din siya ng tawa. "Gustong gusto mo naman akong nakikitang ganito." He pinched my cheek. Tinayo niya ako at tinignan. "Mukha ka ding tanga." Habang nakatitig siya saakin unti-unti siyang tumawa. Baliw na! "Kala ko bang tuturuan kitang magluto? Ano pang ginagawa mo diyan?" Pagiiba ko ng usapan. "Susunod ako. May gagawin lang ako dito." Hinayaan ko na lang siya at pumunta na sa kusina. Binuksan ko na ang ref at tinignan kung anong pwedeng lutuin. Kakain din sila Tita at Tito kaya dapat marami ang lutuin ko. Bigla namang nagvibrate ang phone ko. Ang daming nag-dm saakin sa twitter. Ano naman kaya yun? kristine_sison: wow! Ang gwapo ng boyfriend mo. itsfrancine: woah! Level up ah! Congrats! Hindi ko alam kung anong ibigsabihin nila hanggang sa may nagsend ng picture ko na kinuhanan ni Blaire kanina sa phone niya. Napaawang ang bibig ko ng makita ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD