Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang mukha niya. "A-angel." Nahihirapan siyang magsalita pero kinaya niyadin. "Blaire, sabi mo walang mangyayaring masama sayo.
Blaire naman eh. Hindi dapat ikaw yung nandiyan eh." Yinakap ko siya habang nakahiga siya. Kailangan ko ng humingi ng tulong. Kahit na nanginginig ako nagawa ko pa ding kunin ang phone ko. Sakto namang may tumawag. Unknown number siya. Mukhang ito na ang sinasabi ni Francine na makakatulong saamin.
"H-hello? I- i need help."
Bigla na lang nag end ang call. Mukhang papunta na sila. "Blaire, hold on please. Diba malakas ka hindi mo ko iiwan diba." Kahit na nanghihina na siya nagawa niya pa ding hawakan ang mukha ko. "Blaire, don't you dare to close your eyes. Ako lang ang titignan mo." He slightly nod.
Agad namang dumating ang mga sinabi ni Francine. Dali-dali siyang sinugod sa pinakamalapit na ospital. "Francine, magbabayad ang bumaril sakaniya! Humanda sila saakin! Hanapin mo ang bumaril sakaniya! Ako ang tatapos sa buhay niya!" Iyak ako ng iyak sa tabi ni Francine habang inaantay na lumabas ang doktor mula sa loob. Tinawagan na din ni Francine sila Tita at Tito. On the way na daw sila. "Shhhh. Calm down. Walang magagawa yang pagwawala mo. Hindi yan makakatulong. Pinapaasikaso ko na ang nangyari. Just calm down muna." Naupo muna ako. "Wheres my son?! What happened to him?" Agad kong sinalubong ng yakap si Tita Beatrice. Umiyak ako ng umiyak sa kaniya. "I'm so sorry Tita..... I'm sorry." I sniffed. I don't know what to do. Alam kong kasalanan ko ang lahat ng ito. Pinatahan nila ako pero hindi naman ako tumahan. Iyak pa din ako ng iyak.
"Here. Drink this one." Inabot saakin ni Tito Edward ang bottled water saakin. Hinawakan ko lang yun at tinignan. "Tita, I'm so sorry. This is my fault. Sorry Tita. Siya tuloy ang napahamak dahil saakin." Inihiga ni Tita Beatrice ang ulo ko sa balikat niya. "Wala kang kasalanan dito. Isa lang itong aksidente. Wag mong sisihin ang sarili mo." Uminom ako sa tubig na binigay saakin ni Tito Edward kanina. Sabi na eh. Dapat hindi na lang ako pumunta doon. Pinagbawalan niya na akong pumunta sa event pero makulit ako at hindi nakinig sakaniya. Bakit ba palagi na lang nagkakaroon ng problema? Ayoko sa lahat ang madamay si Blaire dito. Pagbabayaram ito ni Tita Hellen. Siya ang may kasalanan nito. Pero may part pa din na sarili ko ang sinisisi ko.
Matagal bago lumabas ang doktor. Sabi nito ay natanggal na nila ang bala sa loob ng katawan niya. Sa una ay naging delikado dahil nahirapan silang kunin ang bala sa tagiliran niya. But the operation was succesful. Thank God! Pero hindi pa din nagigising si Blaire. Nilipat na siya sa ibang room. Hindi pa din kase siya pwedeng lumabas ng hospital dahil kailangan siyang i-check ng mga nurses. Nakaupo ako sa gilid niya habang hawak hawak ang kamay niya. Mahimbing itong natutulog. Magigising din daw siya mamaya. Kaya inaantay ko na lang ang paggising niya.
"Angel, kumain ka muna. Hindi mawawala yang si Blaire. Hindi ka pa kumakain magmula kanina." Inaya akong kumain ni tita Beatrice, galing kase sila sa labas para bumili ng makakain. Pero tinanggihan ko lang ito. Kakain lang ako kapag nagising na si Blaire. Binalik ko ang bracelet sa kamay ni Blaire. Nagsabi na din ako kila Tito at Tita na dito na lang ako matutulog sa ospital para mabantayan si Blaire. Nung una hindi sila pumayag pero sabi ko sa kanila ako na lang ang magbantay dahil kailangan din naman nilang magpahinga. Kaya dito niyan ako matutulog mamaya, dinala na din dito ni Tito Edward ang damit at gamit na kailangan ko. Si Francine naman umalis na dahil inutusan ko siyang magimbestiga kung sino ang nagbaril dito kay Blaire.
"Angel, tawag ka nung kaibigan mo. Francine yata yun." Agad akong lumabas sa kwarto para makita ko si Francine. May hawak siyang envelope. Malamang ay may nakuha na siyang ebidensiya. Umupo kami sa gilid at nagusap. "What's that?" Tinignan ko pa ang hawak niyang envelope. "Ang sabi ko sayo diba papaimbestigahan ko si Hellen para malaman natin kung may kinalaman ba siya sa pagkamatay ng pamilya mo. May nalaman ako. Pero it's not about your family. It's all about Blaire." Nagtaka naman ako kung bakit nadamay ang pangalan ni Blaire dito. Kilala na ba ni Tita Hellen si Blaire? Francine gave the envelope to me. I opened it.
Billy Estevan Gonzales
Yan ang pangalan na nakalagay sa isang bond paper. May mga pictures din na nakalagay dito at kahawig niya itong si Blaire. "Yan ang Kuya ni Blaire. Dalawang taon na ang nakalipas magmula noong namatay siya pero wala pa ring nakakaalam kung sino ang pumatay sakaniya. Isa siyang Lawyer. Nabalitaan na lang na namatay siya. Kung kailan namatay ang parents mo doon din namatay ang Kuya ni Blaire." Billy is a lawyer. Pero namatay na siya. Bakit ba jiya ito kinukwento saakin? Hindi ko naman kailangan ang opinyon niya about sa kuya ni Blaire. "Ang sabi ko, ang pagkamatay lang ng family ko ang iimbestigahan mo. Pero bakit sinali mo ang kuya ni Blaire? Anong kinalaman niya dito?"
Naguguluhan ako sa mga pinapakitang ebidensiya ni Francine saakin. "Kung naguguluhan ka then try to look at this picture." Inabot niya saakin ang isang litrato kung saan makikita ang isang naka shades at naka cap na babae. Malalaman mo ang kasarian nito dahil sa suot niya at posture. Nagulat ako ng mapagtantong si Tita Hellen yun. Kaharapan niya itong kuya ni Blaire. "Bakit sila magkasama? Related ba sila sa isa't isa?" Naguguluhan ako dahil hindi ko maintindihan kung bakit sila magkasama sa iisang picture.
"I don't think so. Update ko na lang sayo kung paano at bakit sila magkasama. Yan yung aalamin ko. For now, wag mo muna itong sabihin kay Blaire lalo na sa kondisyon niya." Oh! Another secret na naman. "Yeah." Binalik ko na sakniya yung envelope at umalis na siya. Pero may kinuha akong isang picture ng kuya ni Blaire at tinago yun sa gamit ko. Gusto kong malaman kung anong meron sakanila ni Tita Hellen. May sikreto na naman akong dapat itago. I-zizip ko na lang ang bibig ko. Bumalik na ako sa loob ng kwarto ni Blaire. "Are you two leaving?" Kung kausapin ko sila parang hindi sila parents ni Blaire. Parang kaibigan ko lang sila. "Yes. Ikaw na muna ang bahala kay Blaire. Ayaw na sana naming umalis kaya lang kailangan eh. Update mo na lang kami kapag gumising na siya." Yinakap muna ako ni Tita Beatrice bago sila umalis ng ospital. Naiwan naman ako dito.
Blaire gumising ka na please. Alam kong pagod ka at kailangan mong magpahinga pero para sa ikatatahimik ko. Gumising ka na muna kahit saglit lang tapos matulog ka na ulit. Gusto kong madinig yung boses mo. Gusto kong marinig kung paano mo ako tawagin. Malalagot talaga saakin si Tita Hellen. Papatayin ko siya kapag nakita ko siya. Okay pa sana kung ako yung nabaril, kaya lang si Blaire eh. Ibang usapan na kapag si Blaire.
Nagising ako ng may maramdamang may humahaplos sa buhok ko. Nakatulog pala ako sa gilid ni Blaire habang nakaupo. Nakapatong ang mukha ko sa kama niya. Kagising ko ay nakita kong gising na din si Blaire. Kaya naman sobrang saya ko ng makita siyang gising. Agad akong napayakap sa kaniya. "May masakit ba sayo? Are you okay? Ano? Sabihin mo saakin. Anonh nararamdaman mo? Are you feeling well?" Natataranta ako dahil baka may kakaiba siyang nararamdaman. Kumalas siya sa yakap at binigyan ako ng nakakahimatay na ngiti. Jusko! Mahihimatay ako sa ngiti niyang yan eh.
"Woah! Easy! I'm okay now. No need to worry." Hay. Buti naman at okay na siya. "Blaire, I'm sorry. Kung sanang nakinig na lang ako sayo na huwag ng pumunta doon sa event edi sana wala ka ngayon dito sa ospital. Sorry kung hindi kita naprotektahan. Sorry kung wala akong nagawa. Sorry kung.......I'm so sorry. I'm sorry for everything." He cupped my face and look at me. " Angel, Kapag hindi ka pa tumigil kakasorry hahalikan kita. Damn baby. Stop crying. Ayokong nakikitang umiiyak ka. Kakagising ko lang umiiyak ka na. Dapat masaya ka at gumising ako. Hindi naman ako patay para iyakan." He wiped my tear using his thumb. I tried to smile like what he said.
"Much better. Where's Mama and Papa?" Tinanggal niya na ang kamay niya sa magkabilang pisngi ko. "Umalis na sila. Ako ang magbabantay sayo ngayon. Dito din ako matutulog ngayong gabi. Anong gusto mo? Do you want to eat? Gusto mo ba yung pagkain dito? Or padeliver na lang tayo?" Tumayo na ako at tinitignan ang table kung nasaan nakaoatong ang paperbag na naglalaman ng mga damit ko. Umiling lang ito habang nakangiti. Damn! Why so handsome? Nakakalaglag ng panty ang ngiti niya. Hindi tuloy ako mapakapag focus. Natataranta ako. "All I want is you." Naubo ako sa sinabi niya. Nakakagulat ang mga binibitawan niyang salita ahh. Tumawa naman siya. Jusko! Kanina hahalikan niya daw ako ngayon naman pinipapili ko siyang pagkain ang sinagot 'all i want is you' wala naman sa choices yun.
"Ouch! It hurts!" Mabilis akong lumapit sakaniya ng makita siyang nakatayo na at medyo nasasaktan sa hindi ko malamang dahilan. "Bakit ka kase tumayo? Saan ka ba pupunta? Bumalik ka na nga diyan at humiga." Tinuro ko pa ang hospital bed. Muli siyang bumalik sa pagkakahiga sa kama. "Sure ka? Ayaw mong kumain? You need to eat. Para lumakas ka." Tumingin lang siya saakin na parang bored. "I'm strong enough. I can stand." Sus! Sinungaling! "You can't stand! Duh! Nakita ko yang pagtayo mo kanina. Para kang lasing kung tumayo." Busy ako sa pangangalkal sa mga damit ko. Magpapalit na kase ako ng damit.
"Oo nga pala. Tawagan mo nga si Papa." Kung makautos akala mo katulong niya ako. Kinuha ko ang phone ko ag dinial ang number ni Tito. "Ano bang sasabihin mo?" Kunot noo kong tanong sakaniya. "Yung sketch pad ko. Di ko pa tapos yung sketch ko. Tsaka din yung blue print doon sa may study room." Tignan mo nga naman oh. Nabaril na siya't lahat lahat yung sketch niya pa din aatupagin niya. Hindi ko na inantay na sagutin ito ni tito Edward. Pumaywang ako sa harapan niya. "No! Hindi pwede! Alam mo ng kakagaling mo palang sa ganiyan aatupagin mo na ang trabaho mo. Besides si Tito naman ang boss mo. Papa mo pa. So I knoe he understands your condition. Walang trabaho ngayon. Magpahinga ka!" Hindi siya nakinig sa sinabi ko at mukhang makikipagtalo pa yata saakin. "Oo nga. Sabihin na nating boss ko si Papa. Pero Angel, kamusta naman yung client ko? Paano na lang yun? Gusto niyang makita bukas ang final sketch ng bahay na papagawa niya. Kailangan ko yun tapusin!" Ako pa itong sinisigawan niya.
"Akong kakausap sakaniya. Akong bahala. Maiintindihan niya yun. Ano ka ba? Parang naman masama yung taong yun para matakot ka." Lumapit na muna ako sakaniya para pagsabihan siya. "Masama nga yun. Ang sungit sungit! Palibhasa walang boyfriend kaya sinusungitan ako. Kapag ako nayari non ikaw ang malalagot Angel." Ako pang tinakot niya. "Ohhh. I'm scared." Umarte pa ako na parang natatakot.
"Hoy! Kung gusto niyang madaliin yun edi ipagawa niya sa iba. Sino ba yan? Kakausapin ko bukas na bukas. Papuntahin mo siya dito. Nang magkaalaman na." May mga binubulong pa si Blaire at alam kong naiinis lang siya dahil hindi ko siya pinayagan. Ganiyan na ang kondisyon niya yung trabaho pa din ang nasa isip niya. Hindi naman mawawala ang trabaho niya eh. "Malaking kliyente yun. Sayang naman. Dali na. Kaya ko naman eh." Sinamaan ko siya ng tingin. "Tayo! Umalis ka diyan sa hospital bed! Akong hihiga diyan! Oh? Kala ko bang kaya mo? Bakit hindi ka tumayo diyan?" Ngumiti siya na parang pilit at hindi alam ang gagawin.
"Oo na. Hindi na ako mangungulit. Basta ikaw bahalang kumausap doon ahh!" Aish! Papayag din pala siya. Tumango na ako. Kinuha ko muna ulit ang damit at pumasok sa banyo para magpalit. Katapos ko ay humiga ako sa couch. "Dito ka! Wag ka diyan. Hindi komportable. Dito sa tabi ko. Bilis!" Tinapik niya ang hospital bed. "Ayoko! Sayo na yang kama mo. Wala naman akong sakit. Hindi din naman tayo kasya diyan. Baka hindi ka komportable." Malki naman ang kama niya. Kasya nga kaming dalawa eh. Pero ayoko lang yumabi talaga sakaniya. Pwede naman kase ako dito sa couch. "Tch. Kulit! Bahala ka. Sasakit yang likod mo diyan." Aba! Gusto niya talaga akong oatulugin sa tabi niya. "Sige! Ikaw sa labas ako diyan. Ano gusto mo pa? Madali naman akong kausap eh." Sumimangot siya at nanahimik na lang sa pwesto niya. Ako naman ay umayos ng higa. Malambot naman ito ah. Hindi din naman siguro sasakit ang likod ko dahil nga sa sobrang lambot ng upuan.
Kinabukasan....
Nagising ako dahil sa ingay ng kung sino.kaya minulat ko ang mata ko at bumangon na din. Nagtataka ako dahil parang sobrang laki naman ng hinihigaan ko. Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang hospital bed. Bakit dito ako nakahiga? Hinanap ng mata ko si Blaire. Ayun na siya at nakaupo sa couch nakikipagkwentuhan sa mga kasama niya sa trabaho. Ganon na ba ako ka late na gising? Agad kong tinakpan ang buong katawan ko. Nakakahiya ganito ang itsura ko. Naka sando akong black tsaka naka shorts. Ito na lang ang pinangtulog ko dahil wala namang nakalagay sa paper bag na pantulog. Fo f**k sake! Lantad na lantad yung kaluluwa ko no. Puros lalaki pamandin yan. Napansin kong tumingin saakin si Blaire. I gave him a death glare.
Lumapit ito kaagad saakin bitbit ang dextrose niya.
"What the f**k they are doing here? Bakit hindi mo ako ginising? Langya ka. Ganito lang suot ko." Bulong ko sakaniya para hindi madinig ng mga kasama niya. "I'm sorry kung hindi na kita nagising. Masyadong mahimbing ang tulog mo kaya hindi na kita inistorbo. Bakit mo ba pinoproblema ang suot mo?" Hindi ba siya nagiisip? Malamang lalaki yung mga kasama niya tapos babae ako. Eh kung sinilipan nila ako habang natutulog? "Edi sana inistorbo mo na ang tulog ko." Inis ko siyang tinignan. Tumayo siya at may sinabi sa kasamahan niya, hindi ko yun narinig dahil binulong niya lang ito. Sabay sabay na silang lumabas ng kwarto. Nakahinga naman ako ng maluwag.
After nilang umalis, nagbihis kaagad ako para bumili ng pagkain sa labas. Ayaw niya din naman kase ang food dito sa hospital. Mabilis lang din naman akong nakabalik sa ospital. May malapit naman kaseng fast food chain dito kaya hindi ako nahirapan. Kabukas ko ng pintuan. Nakita ko si Blaire na natutulog ng mahimbing at may lalaking nakatayo sa harapan niya. Naka mask ito at hindi ko makita ang itsura niya. May hawak siyang unan at mukhang balak niya itong patayin. Bakit naman siya papatayin? Dali-dali akong lumapit at sakto may nakuha akong baso na babasagin hindi ko alam kung effective 'to pero I'll try. Hinampas ko siya ng baso sa ulo dahil matangkad ito kailangan ko pang tumingkayad para maabot lang siya.
Medyo effective naman yun. Doon ko napagtantong gising pala si Blaire. He smirked at me. Grabe! Paano niya nagagawang ngumisi ng ganon kung nasa panganib na ang buhay niya? Mabilis na tumayo si Blaire at sinipa ang lalaking nagtatangkang pumatay sakaniya. Muntikan pa siyang masuntok nito mabuti na lang at nakailag siya kaagad. Akala ko ay dito na natatapos ang eksena pero may lalaking lumabas mula sa banyo, kagaya nung lalaki kanina naka mask din ito. Mabilis akong hinila ni Blaire palayo doon sa tabi ng banyo. Nagtataka ako kung anong ginagawa nila dito sa kwarto ni Blaire. Aatakihin na sana siya nito kaya lang ay mas naunahan siya ni Blaire. Pero nakatanggap din ng isang malakas ma suntok si Blaire sa mukha.
May hawak na isang baso ang isa pang lalaki. Ibabato niya sana yun saakin. Kaya lang mabilis na kumilos si Blaire at hinila ako papunta sa kabilang side. Naging mas mainit pa ang labanan nila. Kaya nung nagkaroon kami ng pagkakataon na makalabas sa kwarto ay ginawa na namin kaagad. Kaso hinahabol pa din kami ng mga ito. Mabilis na inalis ni Blaire ang dextrose niya. Hinila niya na ako papunta kung nasaan ang elevator. Pinindot niya ng pinindot ito yun nga lang ay matagal pa bago ito bumukas. Tumingin ako sa buong paligid para maghanap ng ibang daan. Sakto namnag nakakita ako ng hagdan. Hinila ko na siya papunta sa hagdanan. Mabilis ang ginawa naming pagtakbo, saglit akong tumingin sa likuran ko. s**t! Nakasunod pa din sila. Dahil sa kakamadali at sa kakatalbo pababa ng hagdanan hindi namin namalayan na napunta na pala kami dito sa basement ng hospital. "s**t! Mukhang wala na tayong ibang mapupuntahan." Wala ng ibang daanan. Kung aakyat ulit kami ng hagdan malamang makakasalubong namin yung dalawang yun. May elevator naman eh. Pupunta na sana ako sa elevator kaso hinila niya kaagad ako. "We can't use that elevator. Malamang matagal pa yang bubukas." Ano ng gagawin namin? May naririnig na kaming kaluskos mula sa hagdan. Oh gosh! Saan naman kami magtatago? Wala naman ibang pwedeng puntahan. Dead-end na ba talaga?
"Blaire, ano na? Papahuli na tayo sa kanila? Paano na tayo? Mamatay na ba tayo?" Ilang beses umiling si Blaire saakin. "Clam down Angel. Hindi ko namang hahayaang mamatay tayo dito. We need to find a way. But how? f**k! Bakit kase tayo nagtuloy-tuloy sa basement? Ayan tuloy wala na tayong ibang mapupuntahan." Inis na inis pa ito sa sarili niya. "Shhh. They might hear us. Ano na? Saan na tayo magtatago?" Nagisip ako ng nagisip kung saan pwedeng tumago. Tinignan ko ang buong paligid. Gosh! Paano na? Paano kami tatago? Agad din naman kaming makikita dito. "Oh f**k! Malapit na si-" tinakpan ko ang bibig ni Blaire. Mura siya ng mura kanina pa.
"Shh. Stop talking. Maghanap na lang tayo ng paraan." Pero mukha over na talaga. Dahil nakakita na ako ng dalawang anino ng dalawang lalaki. s**t! I can't walk! Hindi ko magawang lumakad ng mabuti dahil sa sobrang taranta.