"Are you okay now? Tangina! Ano ba kaseng pinagkakain mo?" He looked worried about me. "I'm fine. Anong sabi?" I was refering what the doctor said about my condition. I noticed na nasa kwarto na ako after what happened. "May allergy ka pala sa peanut. Hindi mo ba napansin na may peanut doon sa cupcake?" I didn't notice naman na may peanut. Umiling ako at yumuko. "Ang napansin ko lang ay may kakaiba itong amoy. Something that I don't like the smell but I ate pa din. I'm sorry!" I saw Francine walking towards my direction. "Yan ang sinasabi ko sayo kanina. Be aware and be careful. Yan pala ang ginawa ni Hellen sayo." Gosh! Hindi ako naging maingat. If only I could turned back the time para hindi ko masira ang party ni Blaire.
"Bakit hindi mo sinabi saakin na may ganong treat? You should have told me! Kaya ka napapahamak eh." Hindi niya ba alam na kapag sinabi ko sakaniya posible siyang mag panic at mataranta? I know him. "I'm sorry." I started to cry. Jusko! Ganito na nga ang nangyari sisigawan niya pa ako. "I don't want to ruin your party. I want you to be happy just for this day. Hindi ko naman lubos akalain na ganito ang gagawin niya. I'm sorry. Akala ko ay hindi ko masisira ang party mo but I was wrong. Sorry. You can now go back to-" he cut me of. "I'm sorry kung nasigawan kita. Wala na. Pinatigil ko na muna ang party. Mas uunahin kita kesa sa sarili ko. Pero nag stay ang mga kasama ko to make sure that you're okay." Dahan dahan akong tumayo para sana lumabas kaso pinigilan niya ako. "Gusto ko lang makita nila na okay ako. If you want you can come with me. Ayokong may mga nagaalalang tao sa kalagayan ko." He slighly nodded and take me out of the room. I saw his friends. They all stood up when they saw us walking towards to them.
"Guys, don't worry she's okay now. Pwede na kayong umalis." Tumango sila at pinasadahan pa nila ako ng tingin bago nagpaalam kila Blaire pagkatapos ay hinatid niya na ako sa kwarto. "Pinahanap ko na yung babaeng nagkjmbinsi na kainin mo yun. Take a rest now. Don't worry, hindi ako aalis sa tabi mo." Humiga na ako sa kama ginawa niya nga ang sinabi niya hindi siya umalis sa tabi ko. Nakaupo lang siya sa tabi ko habang ako ay nakahiga. "Blaire, can I ask you a question?" Binitawan niya ang hawak niyang phone at yumuko para tignan ako. "Your already asking." Sinamaan ko siya ng tingin. He nodded. "Why are doing this to me? Kase in the first place hindi naman talaga tayo close. Pinakiusapan ka lang ni Francine na bantayan ako at algaan pero bakit ganito ka? Bakit palagi mo na lang akong nililigtas at tinutulungan?" Naguguluhan na din ako sa mga kinikilos niya. Hindi ko alam kung may gusto ba siya saakin or assuming lang ako.
He stared at me for a few seconds. Hindi siya makapagsalita. Ano ba naman yan, Blaire! Bakit hindi mo na lang sagutin?! Ayokong umasa! "B-because...." bakit hindi niya matuloy tuloy ang sinasabi niya? Nakakainis! Ayoko sa lahat yung binibitin ako eh! "Because you are important to me!"
Umalis siya sa tabi ko at nanatiling nakatayo. Nagliwanag ang mukha ko sa sinabi niya saakin. Importante ako sakaniya. So ibig sabihin kapag importante ako sakaniya may gusto siya saakin! Diba ganon yun? Importante din naman siya saakin eh. Kaya pala ganon na lang siya magalala saakin. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sakaniya. Ano bang pwedeng sabihin? I like you too? Importante ka din saakin? Ahh! Nevermind! Tsaka na lang yun!
Uunahin ko muna ang gift ko sakaniya. "Wait! I have something for you." I stood up and look around to find my gift for him. There you are! Agad kong kinuha yun at binigay sakaniya. "Open it!" Excited kong sabi. Sinunod niya naman ako. Nagtataka siya habang binubuksan ito. Nakita niya ang bracelet and necklace. "Weird." Mahinang sabi niya I laughed because he didn't understand why I gave that to him.
"I can explain. This one." Kinuha ko ang bracelet sakaniya at winagayway yun. "Since you always helping me when I'm in danger. I bought this for you. Sabi nung matanda it's a beautiful bracelet. Kapag suot mo yan, palagi kang maliligtas. I mean hindi ka mapapahamak. Kaya i know you need this one." Kinuha ko ang kamay niya at sinuot ang color black na bracelet. That bracelet looks simple but elegant. Sunod kong kinuha sakaniya ang necklace niya. "Look at this one. Ito ang pinakamahalaga sa lahat. This is a silver necklace. It was just your initials. BEG (BLAIRE EZEKHIEL GONZALES) Alagaan mo yan ahh. Gusto ko suot mo yan everyday. Happy Birthday!" He smiled at me and pinched my cheek. "Thank you for this gift." He whispered and smiled. I nodded. Naglakad na siya papunta sa labas ng kwarto ko but before he close the door he talked. "Because you are important to me. You are my friend. Were friends." And then he already closed the door. My eyes widened when he mention 'friends'. I was about to celebrate na kase he said na I'm important to him but as a friends? Duh! Ang sakit lang dahil umasa ako.
Kinabukasan...
[You ready? This is it!]
"Ofcourse! I'll just fix myself lang."
[Okay! Go. This is exciting!]
Binaba ko na kaagad ang tawag. Nasa kwarto ako ngayon at nagaayos but I was interrupted by this guy. "Can't you see? I'm busy!" Magmula kaninang umaga ganiyan na ang treatment ko sakaniya. Kase naman umasa ako na may gusto siya saakin. I noticed na he always wore the necklace.
"Okay! Easy. I was just checking you. Hmm. You look beautiful." I didn't bother to notice what he said. Pafall lang yan! Hindi ko na ulit hahayaan ang sarili ko na mahukog sakaniya. Never! I'm finish! I look again at the mirror before go out of the room. "Hey, wait for me!" Hw shouted and ran towards me. "Friend, let's go!" Starting today I wanted to call him friend. He already said that were just friends.
Sumakay na ako sa sasakyan, hawak hawak ko ang maskara na isusuot ko kapag pumasok na ako doon sa event.
[Hello? Are you two coming?]
"Yup. Were coming."
[The event will start in a few minutes.]
"Okay!"
"Friend, faster please." I commanded. He chuckled and followed what I've said. Oh gosh! Wala pa man kinakabahan na ako. Ano kayang magiging reaksyon nila? I know my aunt. She knows me how to dance. Kaya kapag nakita niya akong sumayaw malamang ay makikila niya ako kaagad kahit na may takip pa ako sa mukha. Kaya i need to be more careful. "Friend? Why? Kanina mo pa ako tinatawag na 'friend'. That's our new endearment? Ayaw mo na ba yung baby?" He chuckled. "Tch. Were friends right? Call me friend instead of baby. Yuck!" Sa buong biyahe papunta doon sa event wala siyang ginawa kundi asarin ako ng asarin.
Bago kami bumaba, susuotin ko na sana ang mask ko. Kaso inagaw ito ni Blaire saakin. "Goodluck!" He said and playfully wink before he put my mask on.
"Good Afternoon Ma'am and Sir!" The staff greeted us. Sa hotel nag decide si Tita Hellen na gawin ang event. Ito ang malaking event na magaganap. Anniversary ng company nila or should I say namin. Because in the first place, saamin ang company na yun. Inagaw lang nung bruha kong Tita. Kapasok namin sa loob nakita ko si Tita Hellen and friends. Wow! Nagpakulay yata siyang buhok. Bago mag start ang celebration, sasayaw muna ako sa harapan. Gusto ko nga sa last part na lang, pero hindi pwedeng ako ang masunod.
"Ikaw na ba ang sasayaw for the event?" Lumapit saakin ang Tita ko. Napahigpit tuloy ang hawak ko sa kamay ni Blaire. "Oh yes! Ako nga. Why? May problem-" mabilis akong nilayo nila Francine kay Tita Hellen. "I'm so sorry Ma'am. The event will start na po kase." Nag bow pa si Francine at tuluyan na akong dinala malapit sa stage. "Are you crazy? Dapat ay pinakita mong magalang ka. Hindi niya alam na ikaw si Angel. Kaya wag kang papahalata." Sinermonan ako ni Blaire dahil sa ginawa kong pagsagot kay Tita Hellen. "Tch. Hindi ako nakapagtimpi." Inis akong umalis sa harapan niya at nagsimula ng sumayaw.
Katapos ay nagpalakpakan silang lahat. Habang dumadaan ako para puntahan si Blaire nakarinig ako ng usapan. "Hellen, where is Angel? I thought she was here. I want to see her." Si Mr. Gonowon ang kausap ni Tita Hellen. Siya ang business partner dati ni Papa at Lola. That's why he knows me. "She's not here. She want's to stay in the USA for a years I guess? Maybe she wants to take a rest. You know naman na maraming nangyari 2 years ago." What a good liar! "Story maker." Bulong ko habang nakatitig sa kanilang naguusap. "Hey, calm down. Baka mamaya lalo kang mapahamak niyan." Kinuha na ako ni Blaire at inalis ako sa pwesto kung nasaan sila Tita Hellen. "Hi! Wow! You're a ballerina? Me too! Can you teach me how to do that steps?" Hinarap ako ni Lucy. Hindi niya din nakilala si Blaire because of it's hairstyle. Hindi kase nakabagsak ang buhok nito. Nung nakita kase siya ni Lucy noon, bagsak ang buhok niya and I guess hindi niya ito maalala dahil mahina sa mga ganito si Lucy. Yes she can remember the name of that person but when it comes to the face of the person, negats na.
"You are a ballerina? Seriously? Posture mo palang walang wala na. So how could you say that you're a ballerina?" Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Napanganga pa siya sa sinabi ko. "Alam mo you reminded me of my cousin. I guess you already know her since you are a ballerina too. Every ballerina idolized her. But hindi nila alam ang totoong ugali non." Nakuha pa akong siraan. Duh! Kahit anong bad comments ang sabihin mo about saakin hinding hindi ako masisira.
"Yes I know her. She's very intelligent and beautiful. She also danced well. Bakit mo ba siya sinisiraan? Alam mo hindi dapat ganiyan ang isang ballerina. Dapat maging maingat ka sa mga sinasabi mo. Kaya hindi ka gumagaling sa pag ba-ballet." Iniwan ko na siya. Buti nga sayo! "Hey were not yet done! Your so mean! Let's talk!" Hinila niya ang buhok kong nakapusod. Kaya natanggal ito sa pagkakapusod. "Stop fighting girls." Bigla na lang pumatay ang ilaw at may putukan na ng baril ang mga narinig namin. "Ma'am Hellen nakapasok daw po si Angel dito!" Dinig kong sigaw ng isa sa mga staff ni Tita Hellen. "What?! Find her! Now!!" Alam ko na kaya sila nagpatay ng ilaw. Dahil dito. Bigla na lang may humila saakin.
Kaya natakot ako kung sino ito. "Blaire! Blaire! Help me!" Biglang tinakpan nung humila saakin ang bibig ko. "Hey, stop shouting. This is me Blaire. We need to get out of this hotel. It's dangerous for you. Nalaman na nilang nakapasok ka dito. Let's go!" Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko at tumakbo. Hindi pa din sumisindi ang ilaw sa buong hotel. I don't know why pero alam kong si Tita Hellen ang may pakana sa eksenang ito. "Blaire, wag mo kong iiwan ahh. I'm scared. Baka may makakita saakin." Hindi siya sumagot pero mas lalong humigpit ang hawak niya sa kamay ko. "Kapag sinabi kong run, tatakbo tayo ng mabilis as much as posible. Kailangan nating makaalis dito bago bumukas ang mga ilaw." I nodded as if he can see me. Nasaan na ba si Francine? Bakit nawala siya bigla? Bakit kase nagkaganito?
Hinila niya ako pababa. Nagtago pala kami sa ilalim ng table. Tinanggal ko muna ang maskara ko dahil medyo nainitan ako. "Akala ko bang tatakbo tayo? Then why are we here?" Medyo napalakas yata ang boses ko kaya sinamaan nuya ako ng tingin. "Mamaya tayo tatakbo. Kailangan nating planuhin ang gagawin nating pagtakas. May mga baril sila. Pwede tayo matamaan ng baril na pinapaputok nila." Kumapit ako sa braso ni Blaire. Gosh! I didn't expect this to happened. Mas nakakatakot kase may baril. "Blaire, wag na lang tayong tumakbo. Let's stay here for a while. Hindi naman tayo makikita dahil may cloth yung table na ito." Baka kase kapag tumakbo kami bigla silang magpaputok ng baril. Nag vibrate ang phone ko. It's Francine.
"Hello Francine? Where are you? I've been searching you a while ago."
[Sorry! Nagkakagulo na kase kaya hindi ko kayo mapuntahan diyan. Guys, listen to me carefully. You need to get out of here. May nakaabang ng sasakyan sa labas ng hotel. May mga tutulong sainyo. Once na may tumawag sayong unknown number sagutin mo. Isa yun sa mga tutulong sainyo.]
"Okay. I get it. Ingat ka."
[Kayong dalawa ang magingat. Mas delikado kayo ngayon]
She ended up the call. Tinignan ko si Blaire at mukhang nagiisip siya kung paano kami makakalabas sa hotel na ito. Nakarinig na naman ako ng putok ng baril. "Blaire, wag na lang muna tayong lumabas. Dito na lang tayo. Nakakatakot yung mga putukan sa labas." Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin. Sobrang natatakot talaga ako eh. Mas delikado ang sitwasyon namin ngayon. Pwedeng barilin nila kami kapag nakita nila kaming nandito. "Diba sabi ko sayo, wag kang matakot basta nasa tabi mo ako. Don't be scared Angel. Hindi naman kita hahayaan dito no." Kumalas ako sa yakap. Hindi naman ako natatakot para sa sarili ko. Natatakot ako para kay Blaire. Ayokong nalalagay siya sa panganib. I care for him. Jusko! Kahit na pafall pa siya hinding hindi ko hahayaang malagay siya sa panganib. I admit na I already have a feelings for him.
Gusto ko din siyang protektahan kagaya ng pagpoprotekta niya saakin. Alam kong masyadong mabilis ang nararamdaman ko para sakaniya. Pero masyado akong marupok. Kilos niya palang nahuhulog na ako. Paano pa kaya kung may feelings na siya saakin? Edi nahimatay na ako. Bigla niyang tinanggal ang bracelet na binigay ko sakaniya at sinusuot niya sa kamay ko. "What the hell are you doing? Sayo yan. Kaya bakit mo sinusuot saakin yan." I whispered baka kase may makarinig din saakin. Mas mabuti na ang nagiingat. Binalik ko ito sakaniya. "Wear this one. Gusto mo bang malagay sa panganib? Delikado ang sitwasyon natin ngayon. Mahirap na baka mamaya ano pang mangyari sayo." Ang kulit niya naman! Nakakainis! Bakit ba mas inuuna niya ako kesa sa sarili niya? "Listen to me Blaire. Kahit na hindi na ako magsuot ng ganiyang bracelet I know na safe ako. Kase nandiyan ka para i-save ako. Eh ikaw? Walang magliligtas sayo. Yan lang ang tanging mabibigay ko sayo at makakaligtas sayo." Nakita kong napahilamos siya sa mukha niya.
"f**k Angel! Sa tingin mo ba kapag suot ko ito hindi na ako mababaril? Alam mong hindi din naman ito ang makakapagligtas saakin. Hindi natin masasabi kung mamatay ba tayo ngayon dito o ano. Tangina Angel! Isuot mo ito. Akong bahala sa sarili ko." Nung nagbagsak ng kakulitan malamang sinapo niya lahat yun. "Shhh. Baka marinig ka nila sa labas. Blaire naman. Don't act like a superhero. Please. Wag ka ngang makulit. Kahit na. Bastat ikaw ang magsuot niyan. Binigay ko sayo yan." Makulit talaga siya. Sinuot niya na saakin ang bracelet. "Angel, ayokong makipagaway sayo sa ganitong sitwasyon. Wag ka na ngang makulit. Tsaka wala naman mangyayaring masama satin kung makikinig ka lang saakin. I understand you. Alam kong natatakot ka na baka mapahamak ako nito. Pero wag mo akong isipin. Isipin mo yang sarili mo. Wag mo akong alalahanin. Hindi ko naman hahayan na mamatay ako dito. Kung mamatay ako pano na ikaw?" Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.
"Blaire naman. Wag ka ngang magsalita ng ganiyan. Baliw ka ba? Walang mamatay dito no. Ang kulit kulit mo kase eh." Hinawakan niya ang kamay ko at sinuot ang bracelet. "Natatakot ka bang mamatay ako? Sabagay kapag nangyari yun wala ng magligtas sayo." Umiling ako. Ano ba yan? Hindi pa ba niya napapansin na iba ang trato ko sa kaniya? "You are important to me." Medyo naging awkward na after kong sabihin yun. Natahimik kaming dalawa. Hindi ko alam kung ano ng sunod kong gagawin. Gusto ko na lang magpakain sa lupa. Sa sobrang hiya. Bakit ko kase sinabi yun sakaniya? Ayan tuloy! Natahimik siya. Pero nanatili siyang nakatingin saakin. Kaya ako eto ako at nakayuko. Hindi ako komportable ngayon. Iba kase yung titig niya saakin.
"What are you starring at?" Nanatili pa din akong nakayuko. "Assuming! I'm not starring at you." He chuckled. Gosh! Assuming na ba ako non? Grabe siya! Dapat pala hindi na lang ako nagsalita. "Ano? Hindi pa ba tayo aalis dito? Kala ko bang mgpaplano tayo?" Humawak siya sa baba niya at medyo naningkit ang mata niya. "Since hindi pa din bumubukas ang mga ilaw, dahan dahan tayong aalis dito sa pwesto natin. Kapag wala ng harang sa mga dinadaanan natin tsaka palang tayo tatakbo. Ready?" Tumango ako. Hinawakan niya ang kamay ko. Gaya ng sinabi niya, dahan dahan nga kaming umalis sa ilalim ng lamesa. Nagkakagulo pa din dito. Kaya nasisiguro kong hindi kami makikita. Nilagay ko din ang maskara ko para matakpan ang mukha ko. Mabilis siyang tumakbo kaya napabilis din ang pagtakbo ko. "Nahanap na po namin kung nasaan sila. Ayun!" Mas lalo pa naming binilisan ang takbo kaya lang ay sa sobrang bilis nakuha ko pang matapilok. "Mauna ka na." Utos ko kay Blaire. "Ano? Eh ikaw nga ang pakay nila tapos mauuna na ako. Tara na!" Nakatayo na ako ng maayos at nagoatuloy sa pagtatakbo.
Hanggang sa nakarinig na ako ng dalawang putok ng baril. "Blaire bilisan mo." Sambit ko pa dahil ako na ang nauunang tumakbo. Bigla kaseng bumagal ang pagtakbo niya.
Hinila ko na siya para hindi kami maabutan pero nagulat na lang ako ng yakapin niya ako mula sa likod ko. Inayos ko ang sarili ko at tinanggal ang pagkakayakap niya saakin. Nagulat ako ng magkaharap kaming dalawa. May dalawang tama siya ng baril. May tama siya ng baril sa braso at sa tagiliran. Oh gosh! Nanginginig ako at natatakot. Hanggang sa napahiga na siya sa sahig.