Kasalukuyan kaming nasa mall ni Blaire. Dinala ko siya dito para malibang siya ngayong birthday niya. "Tara na uwi na tayo. Naiinip na ako eh." Kanina niya pa gustong umuwi pero hindi ako pumapayag sa gusto niya. "It's too early to go home. Let's shop pa. Dapat ay pumili ka ng magandang damit for you. It's your birthday ano ka ba?" Naghahanap pa ako ng maraming damit hanggang sa may humawak saakin. Nakita ko si Blaire na hinawakan ng apat na lalaki. Matatangkad sila at malalaki ang katawan. "B-blaire." I whispered as if he could hear me. "Ano ba?! Let me go! Anong kailangan niyo saakin?!" Maya-maya ay bigla na lang nila akong nilayo kay Blaire. "f**k! Let me go! Angel!" Narinig ko pa ang pagtawag niya sa pangalan ko.
Nakarating na ako sa bahay at nakita ko si Blaire na nakatakip ang mata at sigaw ng sigaw. "f**k you! Tangina! San niyo ko dinala?! Anong trip ninyo?! Nasaan si Angel?! Mga tarantado kayo! Anong karapatan ninyong kunin siya saakin?! s**t! Who the hell are you?!" Sigaw siya nang sigaw. I'm sorry Blaire. Tinanggal na ang piring sa mata niya. "Damn you! How dare you-" Natigil lang siya sa pagsasalita ng makita niya ako sa harapan niya.
"Happy Birthday to you." Kumanta pa ako ng birthday song. "s**t! s**t! I'm so sorry for shouting and cursing at you." Umiling ako at ngumiti. "Blow the candle." Utos ko sakaniya. Pumikit muna siya bago hinipan ang candle. Yinakap niya ako matapos kong binaba ang cake sa lamesa. "Thank you!" Bulong niya. Kumalas ako kaagad sa yakap. Hindi naman ako part ng family pero ako yung una niyang yinakap.
"Akala ko talaga kung ano ng nangyari eh. Thank you for this. Sino may pakana nito?" Nagtaas ng kamay si Tita Beatrice. "Me and also Angel. I hope you like it."
Nagsimula na ang lahat na kumain. Most of the visitors are his relatives. Kakaunti lang din ang mga kaibigan niyang nandito. Halos lahat ng kaibigan niya ay mga kasama niya lang sa trabaho.
"And they live happily ever after." Tumabi ako kay Blaire habang kakatapos lang niyang magkwento sa mga pamangkin niya. "You know what kids, dapat habang maaga palang you already know that 'hindi totoo ang happy ending' wag kayong maniwala diyan sa mga story book na nababasa ninyo. Hulaan ko na all of the books na nabasayo ninyo are all ended up like this." Winagayway ko ang book na binabasa kanina ni Blaire sakanila. "At the end of the story there's always a line na 'and they live happily ever after' you know what kiddos. Hindi totoo yan. I'm telling you the truth. Balang araw you will also understand this. Hindi pwedeng lumaki kayo sa kasinungalingan. Hindi pwedeng aasa na lang kayo sa happy ending. No! It's bad-" Blaire cut me of. Kaya eto at nakasimangot ako. "Kids, don't listen to Tita Angel okay? Sige na maglaro na kayo doon." Agad na silang tumakbo paalis sa tabi namin.
"Tch. It's true kaya. Hindi naman totoo yun eh." Inakbayan niya ako at nilapit ang mukha niya saakin. "Hep! It's my birthday today. Kaya wag mong sisirain ang araw ko." Sumimangot na lang ako sa tabi niya. Habang nakangiti siya saakin. Tinanggal ko ang pagkakaakbay niya saakin.
"Ang sweet niyo namang dalawa. She's your girlfriend?" Hindi pa man kami nakakasagot ni Blaire agad na kaming pinangunahan ni Tito Edward. "Oh yes! Look how sweet they are. Kaya bakit mo pa itatanong na girlfriend niya yan. They look good together right?" Napairap ako sa kawalan. "Oh f**k! Another problem." Bulong ni Blaire at napahilamos sa mukha.
Umalis na ako sa tabi ni Blaire at tinignan ang mga bisita. "Angel right?" May tumabi saaking lalaki na hindi ko kilala kung sino. "How did you know my name?" I glared at him. He's so damn ugly. He smirked. "I heard your name earlier. My name is Polo." What kind of name is that? Polo? Yuck! "Sorry, but I'm not interested." Kumuha na lang ako ng pagkain para hindi mainip. "Hey! Stop following me." Panunuway ko sa lalaking lumapit saakin kanina. "Ayaw mong nilalapitan ka? s**t! Ikaw na lang ang lumapit. Beautiful." Tch. Manyak! "Hey! Off limits bro. She's mine already." Hinawakan ni Blaire ang waist ko at nilapit ako sakaniya. Gosh! Bakit parang kinikilig yata ako sa sinabi niya.
"Hey! Off limits bro. She's mine already." Hayy! Ginulo ko ang buhok ko. Wala na ngayon sa tabi ko si Blaire pero paulit-ulit pumapasok sa isip ko. "Wow! Angel, hindi mo sinabi na ballerina ka pala. You danced well." Nabalik lang ako sa huwisyo ng may pumuri saaking relative ni Blaire. I bow as a sign of thank you. "Oh thank you."i asid and smile at her. "Swerte mo bro. Maganda na ballerina pa." Kanina pa siya tinutukso ng mga kasama niya sa trabaho. Tawa lang naman siya ng tawa or ngumingiti. In the middle of the party my phone suddenly ring.
[Stay tuned, Angel. Mukhang may gagawing masama sayo si Hellen. You MUST be careful. Wala ka dapat pagkakatiwalaan kahit sino. Baka ma trap ka]
"Oh thanks for the info. I'm aware of the surroundings naman. No need to worry. Wala pa naman akong na noticed na suspicious here."
[Good! You should be aware also. Takecare of yourself. Wag mong sasabihin kay Blaire ang sinabi ko sayo. He might get scared for you]
"Ofcourse. Hindi ko sasabihin sa kaniya. Magiging maingat na lang ako."
[Good! Bumalik ka na sa party bama magalala na si Birthday boy. I know him]
"Okay. Takecare din ahh."
She ended up the call baka kase may makarinig sa kaniya. At may makarinig nga saakin. "Sino yun?" I bit my lower lip. s**t! I'm dead na. "Ahh. It's Francine. She called to remind me about the event." I kept my eyes contact with Blare. Ang hirap naman nito. Gosh! He stared at me for a second. "Is that true?" Pinaglaruan niya pa ang hawak niyang baso. "Ofcourse! Ano naman sasabihin saakin ni Francine. Duh! Let's go back na inside." Hinila ko na siya papasok sa loob ng bahay. Muntikan na yun. Nakahinga naman ako ng maluwag.
Nilibot ko muna ang tingin ko sa buong paligid. I want to know kung may kahina-hinala bang pumasok dito. Malay ko bang may alipores dito si Tita Hellen. "Are you okay? Parang hindi ka ata komportable? Tell me. What's the matter? Kanina ka pa tingin ng tingin sa paligid." Sabi na ehh. Hindi niya talaga ako titigilan. Gosh! Angel! Act normal! Umayos ka nga!
"Y-yes. I'm fine. Tinitignan ko lang lahat ng mga bisita." That's true naman ah. Tinitignan ko talaga sila pero hindi niya alam kung bakit. "And why? Sino bang hinahanap mo?" Tch. So daming questions.
"Architect Gonzales!" Tinawag siya ng kasama niya sa trabaho kaya kinausap niya muna ito at iniwan ako. Hoo! Hindi ako nakahinga doon ahh. Wala naman akong nakikitang kahina-hinalang visitor magmula mag start ang party. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagaasikaso sa mga bisita ni Blaire. While I'm busy with the visitors, I saw Blaire glanced at me. I just smiled at him. I think naghihinala na talaga yun saakin pero makakalimutan niya din yan after the party. Umakyat muna ako sa kwarto ko. Ano ba naman kase yang si Francine. Wala naman akong nakitang kahina-hinala sa mga visitors. I dialed her number.
[Why? Problem?]
"No. Wala naman. As in wala. I didn't notice a suspicious visitor. Sabi mo merong alipores dito si Tita Hellen. Wala naman eh."
[Angel, hindi natin alam kung sino sa mga yan ang may balak na masama. Mas mabuti na ang nagiingat. Kahit na walang kahina-hinalang tao o bisita diyan. You have to be careful]
"Fine! Fine. Muntikan na akong nahuli kanina ni Blaire."
[Kaya nga magingat ka. Sige na]
Tch. Tinago ko na lang ang phone sa bulsa ko. Sa lahat naman ng party na pwedeng sirain ni Tita Hellen itong party pa ni Blaire. Lumabas na ako ulit ng kwarto.
Nakita ko si Blaire na papunta saakin. "Tara, gusto ka nilang makilala." Inakay niya ako papunta sa baba. Sino naman ang may gustong makakita saakin? Gosh! Baka mamaya yan na yung kahina-hinalang tao. Judgemental ako sa part na yun. "Guys, this is Angel." Pilit akong ngumiti sakanila. Wala ako sa mood ngayon. Natatakot ako na baka masira ang party ni Blaire dahil saakin. "Sila yung mga kasama ko sa trabaho. This is Alvin and yung nakashades naman ay si Ruben." Tumango-tango lang ako at pilit na namang ngumiti. Tapos na ang party, sabi ni Blaire gusto niya pa daw magkaroon ng after party with his friends. Kaya dito sila sa rooftop at sinama niya pa talaga ako. "Ayokong uminom Blaire. Ikaw na lang. Tutulungan ko na lang sila Tita sa baba." Kanina pa ako umaayaw sakaniya. Ayaw niya naman akong pakinggan. Hinila niya ulit ako palapit sakaniya. Ihh! Nakakainis na siya! "Hindi naman ako mawawala kung baba ako. Babalik din naman ako ahh. Bakit ba ayaw mo akong paalisin?" Kanina pa ako nagmamaktol dito paano ayaw niya akong paalisin sa tabi niya. Hindi ko naman din kilala ang mga kasama niya. Hindi kami close. Okay lang sana saakin kung ka-close ko din yung mga kaibigan niya kaso hindi eh. "Because you are mine." Unti-unting sumasabog ang puso ko. Tch. Pafall! Kala mo naman talaga. Nakakainis lang dahil sobrang lakas ng impact noon saakin. Why he's acting like this? Ano na naman bang eksena ito? Tinignan ko kung nakatingin ang mga kasama niya saamin pero hindi naman then bakit niya ito sinasabi saakin?
"Angel!" Tawag saakin ni Blaire. Tignan mo ito iniwan iwan ako dito sa may tabi. Ayun siya, katabi niya na mga kaibigan niya. "What?" Inis kong tanong sakaniya ng hindi lumalapit. "Tch. Bakit ka nandiyan? Kanina pa kita tinatawag. Come here." Inirapan ko siya at lumapit sakaniya. Ano bang gusto niya? Katapos niya akong iwan?
"Ano? Tch. Siguraduhin mong may sasabihin kang maayo saakin." Pinaupo niya ako sa tabi niya. "Tch. Sungit!" And then he sip the glass. Wala naman pala siyang sasabihin saakin. Hindi niya naman na ako kailangan dito eh. Inip na inip akong nakatingin sakanila habang umiinom sila ng wine. "Tapos malalasing niyan siya." Bulong ko pero hindi ko inaasahan na maririnig niya. "Uy hindi mababa ang tolerance ko sa alak ahh. Tsaka konti lang naman iinumin. Bakit ka muna nagaalala?" Kainis yung lalaking ito! "Hindi ako nagaalala! Neknek mo! Oh edi hindi mababa. Ang akin lang baka mamaya guluhin mo na naman ako."
Nung isang gabi din lasing siya tapos nanggugulo siya. Though hindi naman marami ang nainom niya kaya nasa tamang pagiisip pa siya. Pero puro siya kalokohan. "Architect! Anong ginugulo? Hahaha. What do you mean by ginugulo? Ikaw ahh." Ang babastos! Kaibigan niya ba talaga ang mga yan? Sabagay, ganiyan din ugali ni Blaire. Kaya hindi na nakakapagtaka. "Ayaw mong ginugulo kita? Pero pag ikaw nangugulo saakin. Gusto mo?" Seriously? Kelan ko pa siya ginulo? Wala akong naalala na ginulo ko na siya. "f**k! Wala naman akong naalalang ginulo kita." Tumawa siya at tumingin saakin. "Ginugulo mo palagi ang utak ko. f**k Angel! Nababaliw ako sayo." And then he laugh too much. Humawak pa siya sa tiyan niya. Tinutukso na tuloy kami ng mga kaibigan niya. "f**k you too Blaire!" I glared at him. Malalagot ka saakin kapag nawala na mga kaibigan mo. "What? Oh edi f**k you Angel." Lumapit pa siya lalo saakin. "Uy nagkakamurahan na sila ahh. Bro, nagaaway ba kayo?" Umiling si Blaire at tumingin muna saakin bago nagsalita. "Ganon kami magsabi ng three words sa isa't isa. Sweet right?" I raised my brow. "Sweet? Tch. Sweet mo mukha mo!" Nakakainis na itong si Blaire. Magmula kanina ay ganiyan na siya. Nababaliw na ako eh. Hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala sa mga sinasabi niya o hindi. I don't know if he was joking or Ugh! Basta! Wag ko na nga lang isipin. Baka ma fall pa ako ng wala sa oras. Tumayo ako at tinitigan ang mga pagkain na nakapatong sa lamesa. Puros wine lang naman. Kundi wine, cake, cupcakes and brownnies ang nandito. Nakakasuya. Bumalik na lang ako sa upuan ko. "Oh? What's the matter?" Tanong niya ng makabalik ako sa tabi niya. "Nothing. Puro matatamis lang naman ang nasa lamesa. I'm on a diet! Kanina pa ako kumakain ng matamis." Natawa naman siya sa inasta ko. May nakakatawa ba doon? "If you want to eat just tell to Manang Sonya so that she could cook you something." Umiling na lang ako. Wala na akong balak na kumain. Dito na lang muna ako at makikinig sa mga usapan nila. "I changed my mind. Diet nga pala ako." Nagkibit balikat siya at nakipagusap na ulit sa mga kasama niya.
"Hoy Architect! Si Angel na ba talaga? Baka mambabae ka. Wag na! Maganda na si Angel. Makuntento ka na sa isa!" So babaero itong si Blaire. I chuckled. "Ang dami mong babae dati ahh. Nasan na sila ngayon? Bigyan mo naman kami." See? Tama ako. Madami nga siyang babae. "Tch. Wala na yun. Isa na lang ang meron ako." He glanced at my direction and playfully winked. Parang tanga si Blaire. Hindi niya ba alam na nakakabaliw ang ginawa niya? Tumayo ulit ako para mamili ng kakainin ko. Nakakita ako ng isang box ng cupcake. Tinignan ko yun. Happy Birthday! Hope you like it. It's delicious! Taste it to believe it! Be careful what you get. Luhh. Pauso ang nagbigay ng cupcake na ito. May pa letter pa. Tinignan ko muna isa-isa ang mga cupcake. Kinuha ko na ang blue na cupcake. "Try this one instead." Inabot saakin nung babaeng hindi ko kilala ang cupcake na color pink. May naamoy akong kakaiba dito sa cupcake pero hindi ko na lang pinansin. Muli akong bumalik sa tabi ni Blaire.
He opened his mouth kaya nagtaka naman ako sa ginawa niya. "Hey! What are you doing? Ang weird mo!" Sinarado niya na ang bibig niya. "Tch. Ang slow mo! Nagpapasubo ako ng cupcake sayo!" Inis siyang lumayo ng kaunti saakin. Baliw! Ang imature pa! "Bat di ka kumuha? Ang tamad!" Hindi niya ako pinansin. Tignan mo. Katapos niya akong yayain dito hindi niya naman pala ako papansinin. "Hoy! Arhictect Gonzales! Aalis na ako ahh. Hindi mo din naman ako pinapansin." Mabilis siyang lumapit saakin at hinawakan ang kamay ko. "Hindi ka naman mabiro." See? Baliw nga siya. "Hey, off limits bro. I have a boyfriend already." Ginaya ko ang sinabi niya kanina. Iniba ko lang yung sa dulo. "And who the hell is your boyfriend?" Ang sungit! I bit my lower lip, trying not to smile. "Alvin." Buti na lang naalala ko pa ang pangalan ng kaibigan niya. Napatingin tuloy ito saamin at nagtataka. "Is that true? Angel is your girlfriend?" Mabilis na napailing si Alvin. Hindi marunong!
"Why did you said that Alvin is your boyfriend?" Ang OA nito. Nagbibiro lang eh. "Oh bakit mo tinatanong? Selos ka?" Sinamaan niya ako ng tingin. Seloso! Amp! Natawa tuloy ako. "Engineer pala ang gusto hijdi Architect! Gusto ako ng misis mo. Pano ba niyan?" Misis? Anong misis? Girlfriend niya kaya ako! Wait! Mali pa! I'm not his girlfriend! Umayos ka nga Angel!
"Kumain ka na nga diyan. Huwag mo na silang pakinggan! Tangina mo Alvin!" Sinamaan niya ng tingin si Alvin. Patuloy pa din naman siyang inaasar nito. Nakakatawa nga ang mukha ni Blaire. "Bakit ayaw mong pakinggan sila? Nahihiya ka ba dahil sinasabi nila kung gaano kadami ang girlfriends mo? Yuck!" Umarte pa ako na parang nadidiri sakaniya. "What? Hindi naman ako nagkakagirlfriend ng marami. I'm nit into a relationship. I'm a f*****g playboy!" Wow! Proud pa siya! "Tch.that's the same lang! Proud ka pa! Kadiri ka!" Tawa ng tawa yung mga kaibigan niya. Siya naman ay inis na inis na dahil kanina pa namin siya pinagkakatuwaan. Sorry birthday boy! "Tch. Bakit ikaw nagkaboyfriend ka na din naman ahh. Yung manyakis pa!" Ano bang gusto niyang iparating? "Buti nga hiniwalayan ko na no. Tsaka hindi ko naman talaga yun papatuluan kundi dahil kay Tita Hellen. Siya ang nagforce saakin na sagutin si Will. Hindi ako! Napilitan lang ako!" Nagulat siya sa sinabi ko. Parang hindi makapaniwala. "I'm sorry. Wag kang sumigaw. Ang lapit ko lang sayo. Sigaw ka ng sigaw ehh." Sinamaan ko siya ng tingin. Bawal naman siya ng bawal. Eh hindi naman kami pinapansin ng mga kasama niya. "Pake mo." May regalo sana ako sakaniya kaso hindi ko na ibibigay. Nagbago na isip ko. Bahala siya diyan. "Oh bat nanahimik ka?" He smirked. Gosh! "Alam niyo? This guy is getting into my nerves! Duh! Ayokong kausapin ang mga walang kwenta." Tawa ng tawa ang mga kasama niya.
Kinain ko na lang yung cupcake na kinuha ko kanina. May iba talaga akong naamoy sa cupcake na ito eh. Hindi ko lang talaga maisip kung saan ko ito huling naamoy. Maganda ang pagkakagawa dito. At nakaka-attract ang itsura niya kaya siguro ito ang binigay nung babae saakin kanina. Masarap din naman siya. Teka nga! "Hoy! Bakit ka nakatingin saakin?" He smiled at me. "You look like a kid." Tawa siya ng tawa and then he pinched my cheek. Kinain ko na lang ulit yung cupcake. "Masarap ba? I hope you like it. Ako yung nagsabi sayo na kainin mo yan. Ang cute kase ng design niya." Nandito pala yung babaeng nagabot saakin ng cupcake na kinakain ko. Tumango ako sa kaniya at ngumiti. "Do you know her? Wag ka ngang kakausap ng iba maliban saakin. Baka mamaya mapahamak ka lang diyan." He whispered. "No. I don't know her. She just pick this cupcake for me. I was about to pick the one that has a chocolate. But she gave this cute cupcake to me." Pagkukwento ko. Hanggang sa may naramdaman akong kakiba. I don't what happened to me. Napahawak ako sa kamay ni Blaire ng napakahigpit. Oh gosh! I think I'm going to die na. Nahulog ako sa upuan at bumagsak sa sahig. Parang nasasakal ako. "Angel! Angel! Oh f**k! You guys call an ambulance!" I heard him shouting my name. And then lahat ng nakita ko it a went black
As in BLACK!