Nagising ako ng maaga para magluto ng breakfast. 5:00 am palang gising na ako. Nakapagluto na ako and ready na ang lahat. Kung hindi kailangan ni Blaire ang pagpapasalamat ko ito na lang ang gagawin ko. Mas matutuwa pa siya.
"Goodmorning Angel! Ikaw nagluto ng breakfast? How sweet of you." Umupo na si Tita Beatrice kasama si Tito Edward. "Oh wala pa ba si Blaire? Oras na bakit hindi pa siya gising?" Hinanap naman ni Tito si Blaire. Oras na yun natulog kagabi eh.
"Oh? Anong meron bakit ang daming nakahanda?" Bagong gising lang itong si Blaire. Humikab pa siya bago umupo. Nagulat nga ako dahil naka boxer lang ito at wala ng pantaas. Grabe itong si Blaire. Alam niya ng nandito ako. Malamang sanay na ang parents niya pero ako? Hindi pa no. Kitang kita ko yung abs niya. Hay! Nakakainis!
"ANGEL!" Sabay sabay nilang tawag saakin. Nataranta naman ako kaya narinig kong tumawa si Blaire. "Sabi ko kumain ka na din." Ahhh. Umupo na ako sa tabi niya. Jusko! Nakakasilaw kase ang abs niya. Natutulala tuloy ako. Nakakaasar! "I saw you. Pervert." He whispered. Ako pa ang bastos ngayon? Sinamaan ko siya ng tingin.
"Napano yang noo mo Angel? Are you okay? Blaire! Anong ginawa mo kay Angel?" Binaba naman ni Blaire ang hawak niyang kubyertos at humarap kay Tito Edward. "Hindi ako ang gumawa niyan Pa. Kung pagalitan niyo ako parang mas anak niyo pa si Angel kesa saakin. Kagabi natamaan siya niyan nung sumilip siya sa bintana." Sabi niya hindi niya sasabihin sa parents niya. Traydor! "Hala! Sino ang may gawa niyan? Nakita niyo ba? Hindi ba masakit?" Kitang kita ko ang pagaalala ni Tita Beatrice saakin. "I'm okay now Tita. Don't worry about me." I gave them an assuring smile for them not to panic. I know na mag o-over react sila. Ganiyan ang parents ko dati.
Pumasok na sa trabaho kanina itong si Blaire pati itong si Tito Edward. Kakatapos lang naming kumain ng lunch ni Tita. "Tita, what are you doing?" Busy kase siya ngayon sa sala. "I'm planning for Blaire's upcoming birthday. Malapit na din kase. But I don't know what to do." Oh! Birthday niya na pala niya. "Tita I'll help you. Incase na you need help." Tumango ito. Napagusapan namin ang gagawing party for him. Since gusto ni Blaire na simple lang. We decided to make it simple na lang. Pupunta din ang relatives niya dahil matagal na din nilang hindi nakikita si Blaire.
"Thank you Angel." Sambit ni Tita nang matapos kaming magplano. "Welcome Tita." May inasikaso siya sa kusina kaya sinundan ko siya. "Gusto ko sanang ibigay ito kay Blaire kaso I have a meeting. Can you do this for me?" Agad akong tumango at dali-daling nagbihis para maihatid ang pagkain. Nagpahatid ako kay Manong Dan para mas mabilis. Ayaw ko namang mag book ng car. Nandiyan naman si Manong Dan eh. "Miss, I'm looking for Blaire." Tinitigan niya muna ako. "Architect Blaire." Paguulit ko baka akala niya ay kung sino ako. Ngumiti siya saakin. "This way Ma'am." Sinamahan niya ako sa loob ng pinagtatrabahuan ni Blaire. I was wearing a blie silk tank top and a black leather skirt partnered with black heels. My hair was in a soft curls. Pinaghandaan ko talaga ito.
"Sir, may bisita po kayo." Nakatalikod si Blaire. Nilapitan siya nung babae at may binulong kaya tumawa ito. Tumakbo ako kaagad papalapit sakaniya. "Tch. You don't know my surname? You even called me Blaire. Respect please." Wow! Parang hindi niya ako kilala. Inis kong iniwan sa harapan niya ang paper bag na hawak ko. Tumalikod na ako at umalis. Bigla niya namang hinawakan ang braso ko. "Hala! Architect, galit na si misis." Tinanguan lang ni Blaire ang kasama niya. "Anong gusto mong itawag ko sayo? Sir? Boss? Architect? Tch." Inis akong humarap sakaniya. Pinaghandaan ko pamandin ito ngayon. Ang ganda ganda ng mood ko kanina. "Baby." Natigilan ako sa sinabi niya. "Ayun oh! Iba ka Architect!" Lahat ng mga tao ay nakatingin na saamin. Gosh! Balak niya pa yatang gumawa ng eksena. Nakita ko ang pagngisi niya. Ahh oo nga pala. Naalala ko na ang surname niya. Malay ko bang surname ang tinatawag sakanila dito. "Architect Gonzales!" I said in my warning tone. Muli akong naglakad hinabol niya naman ako. "I'm just kidding. Hey, Did you take a lunch already?" Humarap na ako sa kaniya pero masama pa din ang tingin ko. "Yup! You eat your lunch na. I need to go." Aalis na sana ako ng tawagin niya ulit ang pangalan ko. "What?" Iritado at inis na inis kong tanong. "Eat with me. Dali na." Nagmakaawa pa ito at nagpacute sa harapan ko syempre hindi naman ako makakatanggi kaagad. Tumango ako.
Mabilis niyang kinuha ang paper bag na iniwan ko sa harapan niya at hinila na ako palabas ng office. "Saan ka ba kakain?" Tanong ko ng makalabas kami doon. "Diyan na lang sa labas. Masyadong chismoso ang mga kasama ko. We need a privacy." Pumayag naman ako. Dinala niya ako sa parang veranda. May upuan ag lamesa dito. "Hindi ka ba mapapagalitan sa boss mo niyan?" Abala siya sa paglalabas ng mga tupperwear sa paper bag. "My boss is Sir Gonzales or also known as Engineer Gonzales." Oh ano ngayon kung ka apelyido niya? Kailangan siya na ang batas? "Tch. His your boss pa din. Even though same kayo ng surname." He laugh out loud na akala mo I was joking. "You don't know him? Engineer Edward Gonzales. My dad." Agad akong napasapo sa noo ko. Bakit hindi ko yun naisip? Masyado akong slow.
Ilang oras din kaming nagtagal ni Blaire. Halos buong oras na iyon ay nangungulit lang siya at nagkukwento ng mga nangyari sakaniya sa trabaho. "I'm going home na." Pagpapaalam ko. Ako na din ang nagdala ng paperbag. Iuuwi ko na ito kaagad. "I'm coming with you." What? Hindi siya magtatrabaho? "You can't come with me. Nasa work ka. And you need to work. Nandiyan si Manong Dan. Kanina pa siya naghihintay saakin." Inis niya akong tinignan. "Come with me instead." Ano? Wala kami sa school. Akala niya siguro nasa kalagitnaan siya ng klase at pwede akong maki-sit in. Hinila niya na ako papasok ulit sa loob. Nakasalubong naman namin si Tito. "Pa, uuwi na ako. Namiss yata ako ni Angel eh." Tumawa naman ang Papa niya. Nakakainis! "Misis time ba Sir?" Nagkaroon ng tuksuhan sa loob. Panay naman ang pagirap ko.
"Okay. Tapusin mo yan sa bahay ahh. Pasaway kang bata ka. Mas inuuna mo pa yang asawa mo." Tito Edward joked. "Hey, you can't go home pa. Look, may pinapagawa pa sayo si Tito." Umiling naman siya at parang boss kung umasta. "I can do this at home. I can work at home. Let's go baby." Wala na akong nagawa. Hinila niya na ako palabas ng office nila.
"Hey, puro ka naman biro. Atupagin mo yang ginagawa mo. Magpapractice lang ako." Hindi niya ako pinakawalan. Kanina niya pa kase hawak hawak ang kamay ko habang nag sketch siya. Ang galing no! Kaya niyang gawin yun. May pagka malandi din ang isang 'to. "You can dance here." Ayaw niya talaga akong paalisin. Kanina pa siya ganiyan. "Paano ka makakapagfocus kung sumasayaw ako sa harap mo?" Nasa study room kami. Malaki naman ito pero how can I dance here kung busy siya? "You know me. Boss ko si Papa. Maybe I can do this tomorrow." Mabilis akong humindi. "Magpapractice na ako doon sa labas." Hindi niya na ako napigilan pa. Yung isang guest room ang gamit ko. Pinatanggal ni Blaire ang bed dito at mga gamit para dito ako makapagensayo. Wala naman din kasing gumagamit. Sobrang dami din ng kwarto dito kaya okay lang daw.
Nakailang practice ako ng sayaw. Katapos ko ay saktong tumawag si Francine.
"Yes what?"
[Are you ready? Your Tita said that this Wednesday ang event. Be ready, Angel. Malaking event ang pupuntahan mo.]
"I was born ready. Yup. I know that. Tiyak na magugulat silang lahat. Okay. Just text me na lang kung what time ang event."
[Ofcourse! I will. After the event pupuntahan ko si Detective Laurence. For the update sa nangyari 2 years ago.]
"Okay. I'll hang up na."
Nakita kong nandito na din sa loob si Blaire. May dala siyang brownies and chocolate drink. "Too sweet. Maapektuhan ang diet ko. I need to be fit for tomorrow's event." Inis niyang kinain ang brownies na nakapatong sa lamesa. "Diet ka ng diet. Magkakasakit ka diyan sa diet mo. Eat this one para naman mas emergetic kang sumayaw." Ang kulit naman eh. "Just one brownies only. Mas prefer ko din ang water instead of chocolate drink. Look, it's too sweet." Napakamot siya sa batok niya. Wala siyang nagawa kundi pangkuha ako ng tubig. Lumabas siya ng kwarto at kumuha ng tubig. Napangiti naman ako habang kinakain ang brownies na binigay niya. I like this one. Hindi naman pala siya sobrang tamis kaya okay lang.
"Akala ko bang isa lang? Halos maubos mo na yang brownies oh. Hoy! Kumakain din ako." Kinuha niya na yung isang brownies. Ang damot! Eh sa napasarap ang kain ko eh. Umupo ako sa sahig since wala naman siyang iniwang sofa dito. "Bakit ba hindi mo iniwan ang sofa na nandito? Ang tigas ng sahig ang sakit sa pwet." Reklamo ko sakaniya habang abala pa din siya sa pagkain. "Pinatira kita dito. Pinakain. Pinatulog. May kwarto ka nga eh. Wag kang abusada." What? Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Okay! Ako na ang abusada!
"Fine! Wag mo kong kakausapin. Hoy Gonzales! Wag ka ding feeling boss. Parents mo may ari ng bahay. Hindi ikaw." Hindi siya makapaniwala na tinawag ko siya by his surname. Tumayo na ako at pinunasan ang mukha ko. "Bahay ko din ito. Wag kang feeling girlfriend." And that hits me. Okay fine. Sabi niya eh. Girlfriend? Ganon ba umasta ang girlfriend? "Hoy! Hindi naman ganito umasta ang girlfriend. Duh! As if!" Lumabas na ako at iniwan siya sa loob pero dahil alam kong makulit yan susundan niya ako.
"Tch. Bakit paano umasta ang girlfriend?" Nakataas ang kilay niya at nakangisi. "Bakit ko gagawin? I'm not uto uto!" Bumaba ako at pumunta sa living room. "Edi wag! Bahala ka diyan. Hindi kita tutulungan kapag napahamak ka!" Nagtatampo na niyan siya. Hindi niya bagay! Mukha siyang tanga. Maya-maya ay bigla na lang akong nadulas sa living room. "Ay Ma'am bagong mop po yan kaya mabasa pa." Malas ko naman. Inalalayan nila akong tumayo. Ouch! Parang nabali ang bewang ko.
"What the f**k is happening here? Did you get hurt?" I glared at him. "Oh sounds worrying! Akala ko bang hindi mo na ako tutulungan and then why are you here?" Tinaasan ko siya ng kilay at umupo sa sofa.
"Assuming! Nagaalala ako sa sahig. Baka malakas ang pagkakabagsak mo diyan sa sahig. Kawawa naman ay baka mag crack pa." Kunwari ay kinakausap niya pa ang sahig. Baliw! Inis ko siyang sinipa. Hindi naman yun malakas. "Ouch! It hurts! How dare you?" Taray! May pa english! Sinaman ko lang siya ng tingin.
Inatupag ko na lang ang panonood ng TV. Bukas na pala ang birthday niya. Ano kayang magiging reaksyon niya? Natawa naman ako habang ini-imagine ang itsura niya. "Sa lahat ng nakakaiyak na movie ikaw yung tumatawa." Nakaupi na pala siya sa tabi ko at nanonood. Hindi ko na lang siya pinansin. Alam kong pipikunin niya lang ako. "Oh? LQ?" Natatawang tanong ni Tito Edward saamin. "LQ? Si Papa pauso." Sabay naman silang nagtawanan. That reminds me of my Papa. He always teased me. And I miss that. Also my Mama. "Uyy. Inggit siya. Why don't you tease me?" Hindi ko na kinakaya ang isang 'to. "Why don't you tease yourself instead? You even talked to the floor. Crazy!" Tawa naman siya ng tawa. Nilakasan ko ng kaunti ang TV dahil hindi ko naririnig ang sinasabi nung bida. I was watching K Drama. "Why? Are you jealous?" Ako magseselos? Saan sa floorings dahil mas nagalala pa siya dito kesa saakin? "Shut up crazy man! I'm watching." Tinuro ko pa ang TV.
Tumingin muna ako sa phone ko. It's already 11: 00 pm in the evening. "Ilang oras na lang birthday mo na." I talked to him like nothing happened. Parang hindi niya ako pinikon kung makapagsalita ako. "Oooh. I'm scared. There's a sadako here. May nagsasalita." Tawa nang tawa ang katuling na naglilinis.
"Hey, umayos ka nga. You're not funny! I'm damn serious Gonzales!" Hindi siya nagtigil sa kakasabing may nagsasalitang multo. Hinagis ko sakaniya ang damit na hawak ko. "Okay! Okay! How did you know?" Umayos na siya ng upo at sumeryoso. "Tita Beatrice told me. What's your plan?" He didn't know that we already talked about it and we already planned it. "Nothing. Hindi na lang ako papasok sa trabaho so I can celebrate with you and with my parents. Let's have a dinner tomorrow." Tumango tango lang ako at nakikinig sa mga plano niya. Simple nga ang gusto niya. "Oh Hi there Scott!" Tumakbo siya papunta saakin. He licked my cheek. Tawa naman ako ng tawa. "Stop flirting guys." Flirting? Were not flirting. Crazy! "This is my pet! Were not flirting. Duh!" Nagoatuloy ako sa pakikipaglaro kay Scott. "f**k! I'm jealous! I also want to play with you." Seriously? So childish! "If you want to play. Then play with the maids." He glared at me. "I also want to lick your cheek like what Scott did." Mabilis akong napangiwi sa sinabi niya. "Yuck! Disgusting! Kadiri ka!" Tawa naman siya ng tawa. Kala niya siguro natawa ako doon sa sinabi niya. It's not funny naman. Siya lang ang natuwa. Bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan sa labas. Napatili ako at tumakbo papunta sa labas. Nagpabasa ako sa malakas na ulan. Gosh! Ngayon ko na lang ulit nagawa ito. "Angel! What are you doing here? You're wet." Sinundan niya ako at nakapayong. Luh! Ang arte! "I was about to enjoy and then you cam here para lang sermonan. Come on! Don't use that umbrella! Let's dance on the rain!" Malakas kong tinabig ang hawak niyang payong. Nahulog ito at unti-unti siyang nabasa sa ulan. "s**t!" Inis niya akong tinignan. Ang KJ! Inis na inis siyang nakatingin saakin. "Ang KJ mo! Ang arte mo pa!" He rolled his eyes and let out a heavy sigh. Buti naman at sinabayan niya ang kabaliwan ko.
Hinawakan ko ang kamay niya at nagtatakbo. Tawa naman ako ng tawa habang siya ay seryoso pa ding nakatingin. Tumigil siya saglit at hinarap ako sa kaniya. Tinitigan niya ako. Nakakailang ahhh. Pero mas pinili kong makipagtitigan din sa kaniya. He smiled at me. Nakakatunaw ang ngiti niyang yun. Killer smile! Tapos yung dimples niya pa nasilayan ko. Hinawi niya ang buhok ko na nakapanpan sa mukha ko. Hindi pa din nawawala ang ngiti sa mukha niya.
"Angel! Blaire! Pumasok na kayo! Magkakasakit na kayo niyan eh!" Psh. Istorbo! Yun na yun eh. Sayang! Tumawa siya at sabay kaming pumasok sa loob. Inabutan kami ng towel ng katulong. Agad akong naligo para hindi ako lagnatin. Katapos kong maligo bumaba ako para kumain. "Alam niyo kayong dalawa ang dami niyong alam. Magkakasakit kayo sa ginagawa ninyo." Nakatanggap kami ng maraming sermon but in a good way mula kay Tita Beatrice. "Beatrice, hayaan mo na sila. Nageenjoy nga sila eh. That's what you call Bonding. Buti nga sila nakakapaglandian pa tayo hindi na." Bumulalas ng tawa itong si Blaire agad naman siyang sinamaan ng tingin ni Tita kaya tumigil na siya at kumain. "Hoy! Edwardo! Manahimik ka!" Tawa ng tawa si Tito Edward kay Tita Beatrice. "What? My name is Edward not Edwardo? f**k! Ginawa mo naman akong arabo." Nagtawanan silang dalawang magtatay. Magkasundo nga talaga sila. "Angel, wag mong papakinggan yung dalawang mokong na yan. Sige na. Balik ka na sa kwarto mo or if you want sa sala ka muna." Pansin ko na oras na pala kaming kumain ng dinner. Hindi ko na yata matatawag na dinner ito dahil mukhang midnight snack na. Oras na din kaseng dumating si Tito. Eh gusto ni Tita na sabay sabay kaming kumain. Kaya pumayag na lang kami. Umalis na ako at pumunta na sa sala. Hindi din naman ako makakatulog. Nanuod na lang ako ng iba't ibang movies. Tumabi naman saakin si Blaire. "Hindi halatang bored ka. Kanina mo pa nililipat yang channel. Hindi ka na nakakanood ng maayos." Inagaw niya saakin ang remote at naghanap ng magandang palabas. "Gosh! Bakit naman iniwan niya yung guy? Dapat kahit anong mangyari hindi niya iniwan! Tch. I hate tragic endings! Pero may side na medyo nagugustuhan ko din. Kase yan talaga yung mga totoong nangyayari sa mga tao." Nakatapos kami ng isang movie. "Hoy! Wag ka ngang madrama! Palabas lang yan." Aish! Kahit na. Masyado kaya akong nadala sa palabas. Parang hindi naman siya nanonood. Nakakadala kaya. "Masyadong sad ang movie. Naimagine ko tuloy na ako yun." Tumawa pa ako dahil sobrang lakas lang ng imagination ko para isiping ako yung babaeng bida. Nasisiraan na talaga ako.
"Ang lakas ng topak mo. Hindi ka pa ba matutulog? Oras na ahh." Hindi pa naman ako inaantok ah. "Nope. Magpupuyat na muna ako. Wala naman akong trabaho kagaya mo." Umayos ako ng upo at tumutok na sa Tv.
"Matulog ka na. Masama ang nagpupuyat sa mga batang katulad mo. Sleep now. Kung gusto mo ihehele pa kita." Sinamaan ko siya ng tingin. "I don't want to sleep pa nga. Bakit hindi ka na mauna? Malamang inaantok ka na. Go to your room and take a rest. Baka malate ka pa sa trabaho niyan bukas." Sa halip na umalis siya at umakyat na sa taas para matulog sa kwarto niya. Humiga siya sa balikat ko kaya agad kong nilayo ang sarili ko sakaniya. "I want to sleep here with you. Please?" Nako! Ito talagang si Blaire ang daming alam. "Go upstairs and rest na. Doon ka humiga. Hindi saakin. I'm not a pillow!" Tumayo na siya at akmang aalis ng sumigaw ako bigla dahil nakita kong 12:00 am na. Ibig sabihin. "It's your birthday!" Nakatayo na siya at parang hindi pa din gets. Lumapit ako sakaniya. "Happy Birthday!" I greeted him na. Ako yata ang unang bumati sakaniya.
Lumapit pa ako lalo sakaniya at tumingkayad para maabot ang pisngi niya. I kissed his cheek. Dali-dali akong tumakbo papunta sa kwarto ko. Napabungisngis ako bago humiga sa kama. Happy birthday Blaire.