8.8

3076 Words
Unti-unti siyang lumapit sa mukha ko kaya napapikit naman ako. Naramdaman ko na lang na hinuyupan niya ang mukha ko. Hindi ko alam kung bakit. Pinunasan niya ang gilid ng noo ko. Dumilat ako. "May dumi ka kase sa mukha. Hindi ka pa ba magbibihis? Aalis na tayo niyan." Siya na ang nagtanggal ng apron ko. Umakyat na muna ako sa kwarto ko para naman makapagpalit na ako. Nagsuot ako ng square pants at v-neck na shirt. Naka tuck in ang shirt ko sa square pants para may style pa ding tignan. Nagdala ako ng sling bag para doon ko na lang ilagay ang phone at wallet ko. Agad na akong bumaba para makaalis kami kaagad. Van na lang ang ginamot naming sasakyan. Tinulungan kami ni Manong Dan na ilagay sa loob ng van ang mga pagkain. Si Blaire na lang din ang mag dadrive nung van para hindi na maistorbo si Manong Dan. Sinabi ko kay Blaire ang location kung saan kami pupunta. Kababa namin ng sasakyan ay agad na akong sinalubong ng mga bata. Tuwang tuwa ako ng makita ko sila. Ilang taon na din akong hindi bumalik dito. I missed this place. "Hello kids! I'm back! May food na dala si ate Angel." Agad naming binaba ni Blaire ang mga pagkaing niluto ko. Sinerve namin ito sa kanila. "Ang saya nila nung nakita ka nila." Tinabihan ako ni Blaire. Nakatayo ako at nakangiting tinitignan kumakain ang mga bata. "Yup. I also noticed that. Almost two years din kase akong hindi nakadaw sa kanila." Pagkukwento ko pa. Nagulat ako ng makita si Francine sa tabi ko. "Wala pang results yung investigation. Pero may nakuha na naman akong another evidence. Si Lucy, may ginagawang milagro ngayon. Nagpapakalat siya ng mga videos." Huh? Ano na namang problema yun? "What videos? Bored na naman ang bruha." Napairap ako bago niya ipakita saakin ang phone niya. Nakita ko si Will at ang sarili ko sa video ko. Ito yung nangyari kanina. "Nasaan siya? Gusto ko siyang makita!" Agad na tinrace ni Francine kung nasaan itong magaling kong pinsan na si Lucy. May tracker si Francine. Bilib nga ako sa kaniya. Kahit na secretary siya, nagagawa niya pa ding mag spy. "Nasa bar siya malapit dito." Bar? Hapon palang ahh. Sabagay, she's a slut. That's why. Inaya ko si Blaire na umalis na. Sinamahan ako ni Francine papunta kay Lucy. "Are you serious? Susugurin mo na siya? Hindi ka ba nagiisip?" Pinapagalitan niya na naman ako. Ano bang pakielam niya? Hindi na lang ako nagsalita hanggang sa nakarating na kami sa bar. Kapasok ko agad ko siyang hinanap. Agad ko naman siyang nakita. "Ohh! Hi couz! Wow! New guy? Kanina lang ay magkasama kayo ni Will ahh. Did you already saw the video? Gosh! Ang haharot ninyo ahh. But nakakilig pa di at the same time. And sino yang guy? A new boyfriend? Gosh! Were same!" Ilang beses napaikot ang mata ko habang nagsasalita siya. "Couz? Really? I don't consider you as my cousin! Yeah! I saw it na already. And damn you! Are you in drugs? Hindi ko siya hinaharot! Were not flirting! And he's my ex. Kaya bakit mo naman kinalat ang video na yun? Alam mo bang nakakasira ka ng buhay ng may buhay! Duh!" Nanggigigil ako dito sa pinsan ko. Paano niya nagawa yun? Malamang, nagkataon na nandon din siya sa lugar na yun kanina. "Oh! Ganiyan kase ugali mo right? Kaya hindi mo ko kino-consider as you cousin kase masama kang tao. Hindi hinaharot. Aminin mo na girl. Tsaka paano mo nakita? eh bulag ka diba? Duh! Wag mong sabihing...." napahawak sa bibig niya. Ang bobo din nito eh. "Oo! Tama ang iniisip mo. Nakikita na kita! Nakikita ko yang pagmumukha mo!" Nakita kong naagaw na namin ang atensyon ng mga tao dito sa loob ng bar. "Everyone! Meet this girl! Her name is Lucy or you can call her Lucy Ferr. That's right! Wala naman yang ibang ginawa kundi sumahaw ng sumayaw even though she can't dance well. Nakakahiya! Sana nga ay ampon na lang siya para wala akong pinsan na kagaya niya. Sobrang nakakahiya siya! You Lucy! I will make your life miserble just like what your Mom did to me! Sisirain ko kayo ng unti-unti. Babawiin ko lahat ng inangkin ninyo saakin." Bigla ko siyang sinampal ng malakas. Naalala ko na naman ang ginawang pagppaahirap saakin ni Tita Hellen. Sinikap kong hindi umiyak. Ayokong makita ng marami na umiyak ako. Mas lalo lang akong mapapahiya lalo na't nandito si Lucy. Mahirap na. "Ito ang tatandaan mo. Kahit kailanman ay hindi ko kayo mapapatawad sa ginawa niyo saakin, sa pamilya ko! Unti-unti kayong lulubog. Unti-unti kayong mahihirapan kagaya ng pagpapahirap na ginawa niyo saakin. Be ready." Umalis na ako sa harapan niya at lumabas sa bar na pinasukan namin kanina. Kalabas ko parang nahihirapan na akong huminga. Tumingin ako sa taas para hindi bumagsak ang luha sa mata ko pero traydor ang luha ko. Bigla na lang bumagsak. Nakatingin na pala saakin si Blaire. Yinakap ko na lang siya at umiyak ng umiyak sa kaniya. I really don't know what to do. May times na matapang ako pero at the end of the day mapapalitan yun ng isang malakas na iyak. Siguro dahil pagod na ako. Sukong suko na ako. Sobrang bigat na ng nararamdaman ko. Inalalayan niya na akong sumakay. Si Francine ay bigla na lang nawala sa tabi namin. "Nakakita na nga ako pero putangina hindi pa din pala masaya. Hindi ako magiging masaya. Ayoko na. Pagod na pagod na ako. I want to escape. I want to go away from the past pero kahit anong tago ko. Alam kong mananatili ang bangungot na yun saakin." Kitang kita ko sa mata ni Blaire ang awa. Awa saakin. Ayoko sa lahat yung kinakaawaan ako. Pero nandiyan na eh. Nakita niya na. "You did well. Pinakita mo kay Lucy kung gaano ka katapang. Nakita kong natakot siya sa ginawa mo. Shhh. Stop crying." Kahit na nakapasok na kami sa van ay hindi niya pa din ito pinaaandar. Humiga na lang ako sa balikat niya at pilit na pinapatahan ang sarili. "I miss my Lola. I miss Mama. I miss Papa. I miss my family. Ako na lang ang magisa. Sana pinatay na lang din nila ako. Para hindi ganito kasakit. Mas okay na yun eh. Si Francine na nga lang ang tinuturing kong pamilya ngayon. Ni wala nga akong kaibigan. Hindi ko naman kase alam na magkakaganito ang buhay ko. Alam mo ba, parati akong humihiling na sana isa lang 'tong panaginip. Sana hindi ito talaga nangyari. Sana pag gising ko mula sa panaginip na ito nandiyan ang pamilya ko para yakapin ako. Pero hindi eh. Wala. Wala sila. Wala na sila." Inakbayan ako ni Blaire. Hindi siya nagsasalita pero sa mga kilos niya ay pinapatahan niya ako. Nakakahiya na kay Blaire. Mukha siguro akong bipolar sa harap niya. Sa una masaya at matapang ako but I always ended up like this. Nauuwi ang lahat sa pagiyak ko. Hindi ko namalayan na nasa bahay na pala kami ni Blaire. Tahimik lang akong lumabas ng van. Napagod ako sa ginawa kong pagiyak. Siguro naman ay makakatulog na ako nito no. Hindi na nagabala si Blaire na kausapin ako magmula noong umiyak ako. Siguro naisip niya din na kailangan ko munang mapagisa at magpahinga. Ilang oras na akong nagpagulong gulong dito sa kama. Hindi pa din ako makatulog. Panay pa din ang pagiyak ko. Bumukas ang pintuan kaya agad kong pinunasan ang luha ko pero halata pa ding umiyak ako. "You need to eat. Magkakasakit ka niyan eh." Kinumbinsi niya akong kumain pero hindi niya ako napilit. Wala akong ganang kumain. Ang gusto ko lang magpahinga pero hindi ako makatulog. "Dinalhan kita ng pagkain. Kung gusto mo dito ka na lang kumain. Lalamig na yun. Kumain ka na. Iiwan muna kita." Tch. Napairap na lang ako. Iiwan niya na naman ako. Sabagay, sanay na akong maiwan. Ako na nga lang magisa, dapat sanay na akong magisa. Tinignan ko lang ang tray kung saan nakalagay ang pagkain. Wala akong gana. Sumandal na lang ako sa headboard at nilibot ang tingin sa buong kwarto. Nakarinig ako ng tawanan mula sa labas. Buti pa sila nakakatawa ng ganon. Ako kahit na patawanin ako nandito pa din ang sakit. Kainis! Imbes na mamanhid ako dahil sa mga napagdaanan ko parang lalo lang akong nasasaktan ngayon. Mapait akong ngumiti sa kawalan. Nakakabaliw na. Tumayo na lang ako at sumilip sa bintana kung saan makikita mo ang buong subdivision. Sana kung gaano katahimik ang lugar na ito, sana ganito din katahimik ang buhay ko. Ano kayang ginagawa ng pamilya? Masaya ba sila kung nasaan man sila? Bakit kase hindi na lang ako namatay? Ano naman ang gagawin ko dito? Wala na din naman ang pamilya ko. Ah! Oo nga pala, papahirapan ko nga pala ang magaling kong tiyahin. Napangiti na naman ako ng mapait. Malalagot talaga kayong lahat saakin. Iisa-isahin ko ang pamilya nila. Hindi ko man sila magawang patayin pero nasisiguro kong pagbabayaran nila ang mga ginawa nilang kahayupan saakin. Inayos ko ang sarili ko at tahimik na lumabas sa kwarto ko. Hindi ko alam kung nasaan ang mga tao dito. Buti naman at wala si Blaire. Malamang ay nasa kwarto na din siya. Lumabas ako ng bahay nila. Gabi na at sobrang daming stars sa langit. "Hoy! Anong ginagawa mo sa labas? Kumain ka na ba niyan? Gabi na. Pasok ka na." Akala ko nakaligtas na ako. Hindi pa pala. Nandito si Blaire. Hindi ko na lang siya pinansin. "Gusto kong lumabas ngayon. Ano bang pakialam mo? Hah? Masyado ka ng nakakainis!" Umalis ako sa harapan niya at hindi na hinintay ang sasabihin niya. "Hoy! Hoy! Angel! Bumalik ka nga dito! Alam kong hindi ka pa kumain! Bakit ba ganiyan ka? Lalo mo lang pinapahirapan ang sarili mo eh." Hindi ko pinansin ang mga sinasabi niya. Tumakbo ako na parang nakawalang bata. Naramdaman ko ang malamig na hangin habang tumatakbo ako. Habang pabilis ako ng pabilis ng takbo bigla na naman tumulo ang luha ko. Ang drama ko! Naiinis ako sa sarili ko dahil sobrang OA ko. Bigla na lang akong natumba ng walang dahilan. Umupo muna ako sa gitna ng kalsada. Wala namang dumadaan eh. "Hoy! Ano bang ginagawa mo sa buhay mo? Masasagasaan ka diyan! Gusto mo ng mamatay? Halika! Ako ang tatapos sa buhay mo! Hindi mo naman din pinapahalagahan yan!" Hinila niya ako paalis sa gitna ng kalsada. Sinandal niya ako sa pader at galit na galit siyang nakatingin saakin. Hinawakan niya ang magkabilang braso ko. "Ano bang gusto mo? Bakit ka ba nagkakaganiyan?" Naguguluhan siya sa mga nangyayari saakin. "Ang gusto ko pamilya ko! Ano? Maibabalik mo ba sila? Sumagot ka! Diba hindi!" Huminga siya ng malalim. Naamoy ko ang hininga niya. Parang amoy kung ano. Ano bang kinain nito? "Teka nga! Nakainom ka ba?" Ngumiti lang siya. Sabi na eh. Kaya pala iba amoy niya. "Pero sating dalawa mas mukha kang lasing sa mga ginagawa mo. Nakuha mo pang umupo sa gitna ng kalsada! Ano bang nasinghot mo?" Tch. Kala mo naman kung sino siya kung umasta. Wala naman akong Kuya pero kapag kasama ko siya parang nagkakaroon ako ng kuya. "Nasinghot ko yang amoy mo. Ang baho! Lasinggero!" Tawa naman siya ng tawa. Umalis na siya sa harapan ko at hinila na ako. "Sabi ko sayo hindi ako lasing. Nakainom lang ako. Pero hindi ako natamaan ng alak." Baliw na ang isang 'to. Pumasok na kami sa loob ng bahay at dumiretso sa kwarto ko. Tinignan niya ang pagkain na kanina pa lumamig. "Tch. Hindi ka kumain. Bakit ba hindi ka kumain? Tama na yang pagiyak mo." Pipilitin niya na naman yata akong kumain. "Bakit ba nagpupumilit kang kumain ako? Hindi mo naman 'to katawan. Kaya kahit ibenta ko pa ito wala kang magagawa." Umupo na lang ako sa kama at bored na bored akong tumingin sakaniya. "Magkakasakit ka. Diba may event kang pupuntahan. Kaya kailangan mong kumain para pagdating doon sa event malakas ka. Concern lang naman ako sayo." Palihim akong ngumiti sa sinabi niya. Kapag talaga si Blaire ang nagsasalita ang lakas ng impact saakin. Parang magwawala ako sa tuwa. "Hoy! Nakikita ko yang pag ngiti mo ah. Hindi ka pa ba matutulog? Hay nako Angel! Pasaway ka talaga kahit kailan." Inis ko siyang tinignan. Nahuli niya pala akong nakangiti. "Ayoko ngang matulog. Kapag natulog ako baka maalala ko lang mga paghihirap ko." Kanina gusto kong matulog pero ngayon hindi na. "Papatulugin kita. Napano ka ba? Nalulungkot ka na naman ba?" Umupo siya sa tabi ko at inakbayan ako. Lasing na yata ito eh. "Hoy! Wag mo akong aakbayan baka mamaya dumikit ang amoy mo saakin. Marami ka yatang nainom. Bumalik ka na sa kwarto mo." Gusto ko pa sana siyang magtagal dito kaya lang mas mukhang kailangan niyang magpahinga kesa saakin. "Let's talk about your problem muna. I'm drunk a little. But I can manage. I can handle myself. Look oh nakakapagsalita pa ako ng maayos. Tsaka bakit ka ba natatakot saakin ngayon? Lasing lang ako hindi ako mamatay tao." Line ko yun dati ahh. Tch. Pinitik niya pa ang noo ko. "I don't have a problem okay? Kaya you shut up there kung ayaw mong palabasin kita dito." He chuckled. Tinanggal niya ang pagkakaakbay saakin at tumingin saakin ng seryoso. "Wala kang problema pero kanina sobrang basa ng damit ko dahil umiyak ka sa harapan ko at binasa mo yun ng luha ko." Tch. Kala mo naman ikakamatay niya yun. Nabasa lang naman eh. Ang arte. "So kasalanan ko? Sinisisi mo ba ako bakit nabasa yun? Edi hindi na kase ako iiyak sa harapan mo. Makabalik na nga kay Will. Mukhang seryoso naman siya ngayon saakin." Tumayo na ako at akmang lalabas kaso bigla niyang hinawakan ang braso ko. Hindi pa din ako humaharap sa kaniya. I smirked out of nowhere. Seloso! "Don't you dare." Madiin at nagbabanta ang tono nito. Humarap na ako sa kaniya. "Oh ano na naman gagawin mo ngayon?" Seryoso lang siyang nakatingin at unti-unting tinanggal ang kamay niya sa braso ko. Bumalik siya sa kama at umupo. Ako naman ay sumilip sa bintana."Ouch!" Napaurong ako sa bintana at napahawak sa gilid ng noo ko. Mabilis namang lumapit saakin si Blaire. Hinarap niya ako sa kaniya at tinignan ang noo ko. Inalis niya ang kamay ko sa noo ko. Nakangiwi ako habang tinitignan niya ang noo ko. "s**t! Napano yan?" Tinuro ko ang bato na maliit na nasa sahig. Agad siyang kumuha ng first aid kit at pinaupo ako sa kama. Ginamot niya iyon bago tinignan ang bintana. Nakabukas ito kanina kaya nakapasok ang binatong bato dito. Pero bakit naman nila babatuhin ang bintanang ito? Nakadungaw pa din sa bintana si Blaire at tinitignan kung saan nanggaling ang bato at kung sino ang nagbato nito. Nung wala siyang nakita. Sinarado niya ang bintana at sinarado din ang kurtina. "Papaimbestigahan ko ang nangyari bukas. Kailangan mong magingat. Hindi biro ang nangyari sayo kanina. Masakit pa ba?" Umupo siya sa tabi ko at tinignan ulit ang naka bandage na sugat. "Medyo. Huwag ka ng mag abalang gawin yun. May pasok ka bukas diba? Baka mga kabataan lang yun na gumagawa ng kalokohan." Ayoko na kaseng magisip ng kung ano ang parents niya. Ayokong magalala sila at matakot. Baka akala nila ay hinahunting ako ni Tita Hellen. "What? Anong wag na? Hindi pwede. It's for your own sake. Wala akong pakialam kung may pasok ako bukas. Kaya kong magtrabaho at kaya ko ring imbestigahan ang nangyari. Gusto kong makasiguro na walang kinalaman ang Tita mo dito." Bakit ba ang pilit niya? Syempre kung magiimbestiga siya magtataka ang parents niya tapos magtatanong sila kung anong nangyari. "Blaire, alam ko. Alam kong walang kinalaman dito si Tita Hellen. I know her very well, hindi siya gagawa ng ganito kaliit na gulo. She's a demon. Malaking gulo ang gustong gawin non. Trust me. Inaalala ko din ang magiging reaksyon ng parents mo. Baka mamaya ay magalala sila at matakot." Hinawakan niya ang kamay ko. Ayan na naman siya. Simpleng paghawak lang sa kamay ko pero ang lakas talaga ng impact nito saakin. Lahat ng kilos niya. "Hindi ko na lang sasabihin sa kanila. Gusto ko lang makasiguro na wala nga talaga siyang kinalaman dito. I don't want you to hurt. Ngayong nasa puder kita hindi ko hahayang masasaktan ka na naman. Napahamak ka na dati nung wala ako sa tabi mo at hindi ko na hahayaan na mangyari ulit yun." Nakakatouch naman ang sinabi niya saakin. He squeezed my hand and smiled. "Sobrang dami mo ng nagawa, Blaire. Sobra na yata ito. Si Francine na ang bahala dito." Naalala ko sa kaniya si Papa. Ganiyan na ganiyan din si Papa saakin noon kapag nadadapa ako or napapahamak. Ayaw niyang nalalagay ako sa panganib. Sobrang maalaga siya saakin. Katulad ni Blaire, ganiyan din siya ka OA. "Oh? Bakit mukhang nalungkot ka? Masakit pa ba?" Umiling ako at yumuko. Ngumiti din ako ng kaunti. "Hindi. Naalala ko lang si Papa sayo." Hindi niya pa din pala tinatanggal ang pagkakahawak sa kamay ko. "Nalungkot ka na naman dahil namimiss mo sila." Tumango ako at nanatiling nakayuko. Tinanggal niya ang pagkakahawak sa kamay ko at nilipat ito sa baba ko. Hinarap niya ako sakaniya. "Kapag namimiss mo sila. Pwede kang umiyak, pwede kang yumakap saakin. Huwag mong sinasarili yan. Natulungan na kita't lahat lahat tapos ngayon ka pa mahihiya. Kung gusto mo dalawin natin sila bukas? I'm sure miss ka na rin nila." Grabe! Nakakatuwa at nakilala ko itong si Blaire. Mukhang kulang pa ang salitang thank you para suklian ang kabutihang binibigay niya saakin. "Blaire." Tinawag ko ang pangalan niya. Gusto kong pasalamatan siya. Alam kong hindi pa ako dapat nagpapasalamat sakaniya ngayon dahil for sure marami pa siyang itutulong saakin. Pero mas okay na din. Tinaas niya ang kilay niya. "Gusto ko lang mag thank you. Thank you for helping me. Thank you for always saving me when I' am in danger. Thank you-" he cut me of. "You don't have to say thank you. Hindi ko kailangan yun. Kapag namimiss mo sila pwede mong lapitan ang parents ko kung gusto mo ulit maramdaman ang magkaroon ng parents. Hindi ko naman sila ipagdadamot sayo. Wag ka ding mahiya sa family ko. Part ka na ng family namin ngayon." Katapos non ay yinakap ko siya ng mahigpit. Sobrang bait ng taong ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD