1

3089 Words
Simula noong nangyari saakin ang isang trahedyang hindi ko makalimutan at hindi ko matanggap ay hindi na ako lumabas sa kwarto ko. Tinatago ang sarili sa mga taong maaaring makapanakit ng damdamin ko. Sa kwartong ito walang makakapanakit saakin, walang manghuhusga at walang manunukso. Lumabas lang ako noong nandiyan pa sila Mama. Pero noong namatay sila ay hindi na muli ako lumabas ng kwarto ko. Gustuhin ko mang umalis dito pero hindi ko magawa sa kadahilanang hindi ko alam kung paano maguumpisa. Paano ako makakaalis sa puder ng pamilya ko gayong hindi naman ako makakita? Ni-itong kwarto ko hindi ko alam kung maayos pa ba o hindi na. Maging ang pagmumukha ko hindi ko na din alam ang itsura. Hanggang sa nagkaroon na ako ng lakas ng loob upang makaalis sa lugar na ito. Upang makalayo sa masasamang tao na nakapaligid saakin. "Bulag ka! Wala ka ng silbi!" Wow! Wala akong silbi? Sino nagsabi niyan? Mas madami nga akong nagagawa kahit na bulag ako. Kaya kong magluto, kaya kong maglinis. So anong tawag mo saakin? Walang silbi? "Ikaw babangon ulit? Seriously? Hindi ka na makakabalik sa dati! Habang buhay kang magiging ganiyan!" At sinong nagsabi na papayag akong maging ganito na lang habang buhay? Hindi ko hahayaan na mangyari yun no. Never in your wildest dreams! "Kaya mo bang pabalikin sa dati ang mata mo? Diba hindi! Wala ka ng magagawa! Dahil wala kang kwenta!" Baka kayo ang walang kwenta! Wala kayong ginawa kundi agawin ang kayamanan nila Mama at Papa. "Umalis ka na dito! Hindi namin kailangan ng bulag!" Bakit hindi sila ang umalis dito? Hindi naman sila welcome sa mansion na ito. Kung nabubuhay ng alang si Lola hindi niya hahayaang makapasok ang mga ito sa mansion. Kaya niyang gawin yun kay Tita na sarili niyang anak dahil napakasama nito. Kung gusto nilang umalis ako, edi aalis. Ayaw ko na din anman silang kasama eh. "Wala kang maitutulong saamin! Lumayas ka na!" Sigaw ng magaling kong Tita. Magmula noong namatay si Lola, Mama at Papa ay wala ng nagmamahal saakin , wala ng natira saakin. Meron man natira saakin pero hindi naman ako pinahalagahan at ngayo'y tinatakwil ako. Walang iba kundi ang magagaling kong kamag-anak. Nangunguna diyan ang kapatid ni Mama at ang asawa nito. Magmula noong namatay si Lola, itong mansion ay napunta sa kamay nung bruha kong tiyahin. Kaya ngayon eto at pinapalayas ako. "Wag kayong magalala, aalis ako ng kusa." Ngumiti pa ako ng nakakapang-asar sakanila. "Edi good! Mas magandang wala ka dito. Sa wakas at mapupunta na saakin ang kwarto mo!" Nagsalita ang maldita kong pinsan. Magkasing edad lang kami pero kung tratuhin niya ako ay para niya akong katulong at hindi kamag-anak. "Sinong may sabing sayo mapupunta ang kwarto ko? Hoy! Aalis lang ako pansamantala pero babalik din ako. Siguro mga bukas. Kaya itigil mo yang pagcecelebrate mo. Wag naman masyadong maaga!" Sa pamamagitan ng tungkod na pinagawa ni Lola para saakin, naglakad ako papunta sa kwarto ko. Mabuti na lang at hindi ako nakakakita. Hindi ko nakita ang pagmumukha nung maldita kong pinsan, kung maldita siya mas maldita ako. Ayaw ko lang ipakita sa kaniya ngayon dahil wala na akong panahong makipagaway pa sa bobita kong pinsan. Nagempake ako ng mga gamit. Kahit na hindi ako nakakakita, hindi ito naging sagabal para hindi makagalaw ng maayos at para hindi mailigpit ang gamit ko. Halos kabisado ko na ang buong mansion namin. "Talaga bang aalis ka na dito? Paano ka na? Saan ka naman pupunta?" Siya si Francine. Ang dating secretary ni Lola na ngayoy secretary na ni Tita Hellen. Inangkin niya din pati mismong secretary ni Lola. Wala namang magagawa itong si Francine kundi ang pumayag dahil kung hindi wala siyang trabaho at wala siyang ipapangtustos sa mga kapatid niya na nagaaral. "Aalis na ako. Kahit saan pupunta ako. Gusto kong makaalis sa impyernong lugar na ito. Sawang sawa na akong matalakan ng magaling kong tiyahin. I can handle myself. Bulag lang ako pero kaya ko pa ring tumayo sa sarili kong paa. I have money. I have everything what I need kaya kahit saan ako pumunta kakayanin ko at mabubuhay ako." Nakakalungkot nga lang dahil sa kauna-uanahang pagkakataon ay lilisanin ko ang lugar na kinalakihan ko na. "Gustuhin man kitang samahan pero hindi ko magawa. Alam mo naman sigurong robot ako ni Hellen. Ngayon ka na aalis? Baka mapahamak ka ngayong gabi?" Umiling ako habang natapos ng ayusin ang gamit ko. "Hindi ako mapapahamak ngayong gabi. Mas magandang umalis kapag gabi dahil walang makakakita saakin. Wala masyadong lumalabas kapag ganitong oras." Binitbit ko na ang mga gamit ko at handa ng umalis. -- Nagawa kong makalabas ng mansion. Kapag wala ang mahiwaga kong tungkod, nandiyan si Scott. Ang aso ko na nagsisilbi kong gabay sa paglalakad. "Will, pwede ba akomg tumira muna sa condo mo? I need you. I don't know where I should go. Please. Ngayon lang naman." Nagmakaaawa pa ako sa ex boyfriend ko na alam kong siya lang ang makakatulong saakin. "No! Wala na tayo! Kaya bakit pa kita papatuluyin dito? Matagal na tayong wala! Simula noong nabulag-" "Simula noong nabulag ako, nakipaghiwalay ka! Dahil alam mong magiging pabigat lang ako sa relasyon natin! Alam ko na yun. Kailangan pa bang ulit-ulitin? Edi ako na itong bulag! Ako na itong walang silbi! Tangina Will!" Umalos ako kung nasaan siya. Kahol naman ng kahol si Scott. Saan ako pwedeng pumunta? Palalim na ng palalim ang gabi pero wala pa din akong mapupuntahan at matutuluyan. Wala naman akong kaibigan na pwede akong tungulan. I hate friendships dahil alam kong sa huli ay mapupunta din yan sa friendship over. Tsaka sawang sawa na akong makipagplastikan sa kung sino-sino. "Paano ba yan Scott? Mukhang mararanasan nating matulog sa kalsada." Pagbibiro ko. Hindi ko naman hahayaan na matulog ako sa kalsadang madumi no. No way! I came from a really rich family and because I was just an only child, I could easily get what I want. Kahit anong gusto ko ay ibibigay saakin ng magulang ko. Pero bakit ko pa pinagsisiksikan ang sarili ko kay Will eh samantalang kayang kaya kong bumili ng condo gamit ang pera ko sa bangko. Nakaramdam ako ng kung anong bagay sa bandang leeg ko. "Miss huwag kang gagalaw. Holdap 'to. Ibigay mo saakin ang lahat ng gamit mo." May narinig akong boses ng isang lalaki. Seriously? Mahoholdap pa talaga ako hindi ko na nga alam kunh san ako pwedeng pumunta ngayong gabi babawasan niya pa ang pera ko. "Tch. Shut up your f*****g mouth! Kahit hindi kita nakikita alam kong panget ka. Ang isang panget na holdapper ay hindi makakakuha ng kahit na anong bagay mula saakin." Nanatili akong kalmado. Magaling yata akong umarte. Nanatili akong nakatayo at ramdam ko pa din ang bagay sa leeg ko. "Gusto mo bang isaksak ko ito sa leeg mo?" Nagtanong pa siya. Malamang ayaw kong gawin niya yun. "Anong klaseng holdapper ka? Kung ayaw kong ibigay ang gamit ko edi sana kanina mo pa ako sinaksak. Weak!" Parang nainis yata siya nung sinabihan ko siyang Weak. Eh toto naman kase yun. Sobrang hina niya para mangholdap. Biglang tumahol ang aso ko. Ang lakas ng pagsigaw ng lalaki. Mukhang kinagat nga siya ni Scott. Nang matanggal ang bagay na yun sa leeg ko mabilis akong tumakbo pero nagulat na lang ako ng may humablot saakin. "Lintik! Kala mo makakatakas ka no." Kainis! Ang bilis na ng takbo kung yun ahh, nahabol pa din ako? "Let her go!" May narinig na naman akong boses ng lalaki. Mukhang may magliligtas na saakin. Naramdaman kong nabitawan na ako nung lalaking holdapper. Nakakarinig ako ng mga suntok. Malamang nagsuntukan na sila. Nagpatuloy na ako aa paglalakad. Bigla namang may bumusina sa harapan ko. Ang lakas ng busina niya. May humatak saakin kaya bigla akong napaupo sa sobrang lakas ng paghatak. "Hindi ka man lang ba magpapasalamat saakin? Agad agad ka na lang aalis? Tapos hindi ka pa tumitingin sa dinadaanan mo. Miss, magingat ka naman." Inalalayan niya akong makatayo. Kinapa ko naman kung buhay pa ang aso ko. Nakahinga ako ng maluwag ng maramdaaman sa kamay ko si Scott. Mukhang binigay ito saakin nung lalaki. "Hindi uso saakin ang mag Thank you. Aalis ako kaagad kase nga nagsusuntukan na yata kayo at baka madamay pa ako. Paano ako makakatingin sa daan ngayong wala akong makita?! Bulag ako incase na hindi mo alam." Hinimas ko ang balahibo ng munti kong aso. "Sorry. Hindi ko alam. Pasensiya ka na kung napagtaasan kita ng boses. Tara! Hatid na kita kung saan ka man pupunta. Teka! Bakit ba naglalakad ka ng ganitong oras? Hating gabi na ahh. Delikado para sa katulad mo ang lumabas." Eh ano bang pake niya. Bakit ba napakachismoso niya? "Wag mo nga akong pakelaman! Hindi naman kita kaano-ano. Kaya ko ang sarili ko." Mas magandang sinusungitan ang mga hindi kakilala para hindi na sila lumapit pa sayo. Yan ang aking Angel Tips 101. "Sumama ka na saakin. Mas safe pa. Promise hindi kita ipapahamak. Kaya tara na. Baka mamaya mapano ka na naman diyan." Napaka concern niya naman pero i don't care. Masyado siyang mabait para saakin. Ayoko sa mga masyadong mabait. Kapag maldita ako dapat maldita din ang mga kumakausap saakin. Singka-maldita kaming dalawa. Mas masaya. "Sa sobrang bait mo baka kunin ka ni Lord niyan. Pag sinabi kong kaya ko ang sarili ko, kaya ko. Kaya pwede bang iwanan mo na ako?" Binuhat ko ng maayos si Scott habang bitbit ang isang pang bag ko. May backpack kase ako. Para ngang hindi ito backpack. Parang magha-hiking ako sa laki nito. Oh diba! Alam ko kung gaano kalaki ang bag ko, alam niyo secret diyan? Tamang kapa lang yan. Ganon talaga kapag bulag. Kapa kapa lang. Wala ka namang magagawa kundi yun lang diba. Kahit na gusto kong makita ito hindi ko magawa. Mukhang umalis na yung lalaki na nagligtas saakin. Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Hanggang sa may mabunggo akong kung sino. "Miss, tumingin ka naman sa dinadaanan mo!" Pinakaganiyan niya pa. Base sa tono ng boses niya ay babae siya. Sarap niyang guntingin. "Wow! Miss, gustuhin ko mang tumingin sa dinadaanan ko kaso hindi ko magawa. Kase nga bulag ako. Tch. Miss naman." Mukha kase akong hindi bulag dahil wala naman kung anong puti ang nakalagay sa mata ko. Sabi ng doktor noon, kapag tinignan mo ang mata ko parang normal lang ito pero hindi ako nakakakita. Itim lahat ng nakikita ko. "Aba! Ikaw na nga itong nakatama saakin hindi ka man lang nag sorry." Ayy gusto ko na siya ahh. Palaban ang lola niyo. "Sorry? Ano yun? Nakakain ba yun? Kasalanan ko bang bulag ako at hindi kita nakita? Ikaw ang mag adjust! Duhh!" Ramdam ko ang inis niya. Ganon tlaga pag bulag, magaling sa pakiramdaman. "Tch. Sino ba ang nagpalaki sayo at ganiyan ka magsalita? Siguro masamang tao ang magulang mo." Ayoko sa lahat yung dinadamay ang magulang ko na matagal ng patay. "Miss, tinanong ko ba sayo kung sino ang nagpalaki sayo? Diba hindi! Kaya shut up ka na lang diyan. Iniistorbo mo ako eh!" Imbis na maganda ang pagalis ko sa mansion ngayon, naging miserbale pa sa mga nakakasalamuha kong tao. "Woah!! Miss pagpasensiyahan mo na. Magaspang talaga ang ugali nito. Sige!" May biglang umakay saakin. Malamang ito yung lalaking nagligtas saakin kanina. Akala ko bang umalis na siya? "Oh? Bakit mo ako sinusundan?" Nagtataka ako dahil sunod siya ng sunod saakin. "Mapapahamak ka talaga sa ginagawa mo. Tara na. Sumama ka na kase saakin." Hinila niya ako. Para naman akong aso na hila hila niya. "Hoy! Bitawan mo nga ako!" Pilit akong naglilikot para matanggal ang kamay niya sa pagkakahawak sa kamay ko. Pero sobrang higpit. Naramdaman ko na lang binuhat niya ako. Ano itong sinasakyan namin? "Motor yan. Akina backpack mo." San niya naman ilalagay yun? Eh ang laki non eh. Bakit ba ang bait nito? Anong nakain niya at ako ang tinutulungan niya? "Dalhin mo na lang ako sa pinakamalapit na hotel." Magho-hotel na lang ako para hindi na ako mastress. Marami namang nakalagay na pera sa atm card ko. Hindi ko alam kung saang lupalop ng mundo niya nilagay ang bag ko. Baka mamaya nilagay niya yun sa kung saan o iniwan niya. Si Scott naman ay nakakandong saakin. Ramdam ko ang malamig na hangin sa balat ko. "Bakit ba nagiisa ka lang? Nasaan na ang magulang mo?" Chismoso talaga siya eh. Kalalaking tao. "Nasa langit na bakit gusto mong sumunod? Okay lang naman saakin. Walang magagalit. Sumunod ka na. Abg daldal mo eh." Narinig ko naman ang pagtawa niya. Kala niya yata joke yun, totoo kaya yun. "Nagtatanong lang naman ako. Nandito na tayo." Aba! Ang bilis naman. Kung kailan nageenjoy ako sa pagsakay sa motor. Ngayon lang kase ako nakasakay dito. Kadalasan sa kotse ako sumasakay. "Ang bilis!" Namangha ako. Binuhat niya na naman ako para hindi na ako mahirapang makababa. Kinuha niya muna si Scott bago niya ako binuhat. "Sabi mo sa pinakamalapit na hotel. Edi dito tayo sa mas malapit." Hinawakan niya ang kamay ko at naglakad na. Mukhang papasok na nga kami sa hotel. Ramdam ko na kase ang lamig. Baka aircon yun. "Goodevening po Ma'am and Sir! Magpapabook po ba kayo ng room?" Nakakaasar talaga yung mga ganitong nagtatanong no? "Yup. At hindi ko siya kasama. Ibigay mo saakin ang pinakamalaking room ninyo dito. Eto card ko oh." Binigay ko sakaniya ang card ko na nasa bulsa ng pants ko. "Check ko lang po kung may laman." Sa tagal ng pagche-check niya nanikal na ako kakatayo. "Ma'am wala po itong laman. Sorry po." What? Walang laman? Gosh! Hindi ko naman ginamit ang card ko sa kung ano. "Miss na double check mo na ba? Triple check? Ano? Ganon pa din?" Hala! Napano ang card ko? Bakit wala ng laman yun? Kinapa ko ang phone ko sa bulsa ng pants ko. "Pakihanap yung pangalan ni Francine diyan." Utos sa kasama ko. Mukhang ginawa niya naman dahil narinig kong tumunog ang phone ko. "Tatawagan ko ba?" Tanong niya, tumango na lang ako. Naramdaman kong tinutok niya saakin ang phone ko at narinig ko ang boses ni Francine. [Naku! Angel! Ang Tita mo. Narinig kong nilipat niya ang pera mo sa bank account niya. Hindi ko alam kung paano niya yun nagawa pero yun ang dinig ko. Kaya ka ba tumawag dahil doon?] "Buysit talaga si tita Hellen! Bakit niya ba pinalipat lahat ng pera ko sakaniya? Marami na siyang pera kaya ano pang gagawin niya doon? Hindi pa ba siya kontento sa kompanya na inangkin niya at sa milyon-milyong pera na nakuha niya?" [Hindi ko alam kung anong balak niya. Pero magiingat ka, Angel. Kahit na umalis ka na dito sa mansion malamang ay pinapasundan ka na non.] "Tch. Mukhang pinagisisihan kong umalis ako sa mansion. Pero mas okay na ito." [Sige na Angel. Baka marinig niya akong nakikipagusap sayo. Mag ingat ka ahh.] "Hmm. Sige. Ikaw din. Magiingat ka sa demonyo. Mahirap na." Binaba niya na yata ang telepono dahil wala na akong narinig na nagsalita. "Papano ka niyan? Anong gagawin mo?" Tanong nung chismosomg superman. Superman ang tawag ko sakaniya dahil niligtas niya ako. "Iwan mo na lang ako dito. Ako na bahala sa sarili ko." Bigla niya na lang akong hinila at inupo sa kung saan. "Miss! Antayin ko lang si Dad ahh! Para maprocess mo na yung hotel room ko!" Sigaw ko dahil hindi ko alam kung saang lupalop ng mundo ako dinala ni chismosang superman. Ang totoo niyan ay nagsinungaling ako. Pano ko hihintayin si Dad kung 2 years na siyang patay? Gusto ko lang muna kaseng magstay dito dahil wala pa akong maisip kung saan ako titira. Kasalanan ito ng demonyita kong tiyahin. "Aish! Too noisy." Aba! Akalain mo nga namang english speaking itong si Chismosang superman. "Tch. Bakit kase hindi ka na umalis dito. I can manage. Kaya ko. Bulag lang ako pero hindi ako pilay para palagi mong alalayan. Nakakalakad ako! Wala lang akong makita! Alis na! Alis! Alis! I don't need you!" I heard him sigh. "Fine! Kung yan ang gusto mo. Takecare!" Buti naman at aalis din siya. Sawang sawa na ako sa boses niya. Paano kaya nilipat ang mga pera ko sa bank account ni Tita Hellen. Well, That's impossible! Pero baka mamaya may alagad na naman siya. I know her very well. She's a walking demon. Literal na demon. Yup she is. Kaya nga Hellen ang pinangalan sakaniya. Tagalan mo lang yun letter e at n. Magiging siyang Hell. Habang wala ako sa mansion, hindi pa din naman ako titigil kakatanong kay Francine kung anong ginagawa ng mga kampon ng kadiliman. Malamang nasa kwarto ko na yung intrimitidang maldita na si Lucy. Ang gaganda ng pangalan nila no? Yung tiyahin ko si Hell tapos yung pinsan kong walang kwenta si Lucy Fer. Perfect na perfect! Kaya nababagay silang lahat sa impyerno! "Ma'am, bakit hindi na po kayo pumasok sa room ninyo?" Istorbo naman ito. Sino kaya siya? "Mamaya na. Wag mo nga akong utusan. May iniintay pa ako eh! Tsaka paano ako makakapasok kung hindi pa naman na process ang kwarto ko? Tch." Madami talagang pakielamera sa mundo no. Medyo bobo din itong si ateng ahh. Habang nakakandong saakin si Scott, napagdesisyunan kong umidlip muna. Beauty rest muna para fresh tayo. --- Nagising ako ng maramdaman ko ang malambot na kamang hinihigaan ko. Nakapasok na ba ako sa hotel? Pero paano? "Gising ka na? Matulog ka pa. Gabi pa din eh." O to the M to the G! Bakit ko kasama yan sa kwarto ko? Paanong...? Aish! Bakit ba ganon? "And what the hell are you doing in my room? Paano ka nakapasok dito? Wala bang guard sa hotel na ito?" Tawa naman na siya ng tawa. "Wala ka sa hotel no. Nasa bahay ka. Bahay ko." Nasa bahay naman pala ako eh kaya no prob- wait! What? Bahay niya? "Seriously? Paano naman ako makakapunta sa bahay mo aber?" Napaupo ako sa kama, naramdaman ko naman ang paglapit niya saakin. "Listen carefully, napunta ka dito dahil binalikan kita sa hotel kanina. Ilang oras ka na kayang natutulog doon. Kanina ka pa nila pinapaalis pero hindi ka naman magising gising. Matulog ka na ulit." What? Seriously? Gosh! Mukha akong kawawa nito eh! Pero aalis ako dito ngayong gabi din mismo. Like duh! Were not even close. Wala nga akong kaibigan tapos makikitira pa ako diyan kay kuyang chismosong superman. I'm not makapal ang mukha para makitira sa bahay ng hindi ko kakilala. Aalis ako dito! Ngayon din!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD