2

3007 Words
Abala ako sa pagkakapa ng gamit ko sa bag. Hanggang sa may nakapa akong pera? I guess it's a money. Tsaka alam ko naman ang pinagkaiba ng papel sa pera. I'm not tanga pero para kay Tita Hellen, I'm super duper tanga. Tch. Hindi niya kase alam na matalino ako. Kala niya yata tanga talaga ako. Bulag lang ako pero hindi ako tanga! "Scott, I need your help para makalabas ako sa bahay ni chismosong superman." Kinausap ko ang aso ko. Kahit anong iutos ko kase gagawin niya. Sinarado ko na ang bag ko at tumayo oara agad na ding makaalis dito. Hindi ko naman kase naisip kalkalin ang bag ko kanina noong nasa hotel. Akala ko kase wala akong nadalang pera. Hawak ko ang tali ni Scott. Nagpapahila lang ako kung saan niya ako dadalhin. Si Scott ay isang Siberian Husky. Kaya malaki ito at kaya niya din akong bitbitin. Sa payat kong ito. Nagpapadala lang ako kung saan pumunta si Scott. Maya-maya ay narinig kong kumahol siya. Ang ibig sabihin ng kahol niya ay nakalabas kami ng bahay. Mukhang umalis si chismosang superman ahh. Habang naglalakad hindi ko maiwasang hindi mabunggo sa mga pader at sa mga poste. Buti na lang at hindi tao. "Oh nahihirapan ka na? Tch. Hindi ganon kadali ang magiging buhay mo sa labas ng mansion." L-lucy? Anong ginagawa niya dito? "Sinusundan mo ba ako? Hoy! Wala ka ng makukuha saakin! Doon ka na at magpakasawa sa stage kakasayaw. Kung may manonood sayo! Tch. Sasabihin ko ulit ito sayo ng matauhan ka. Listen okay? You are not a good ballerina. Kaya stop dreaming na sisikat ka diyan sa pagsasayaw mo. Ni hindi mo nga mabalance ng maayos yang paa mo." Ramdam ko ang inis ni Lucy Fer saakin. Ganiyan talaga yan. Palaging aburido. Palaging mainitin ang ulo. Lalo na saakin. Salita ko palang pikon na pikon na yan. "How dare you to say na I'm not a good dancer?! You idiot! Hindi mo pa kase ako nakitang sumayaw. Kase nga you are blind!" Nakaramdam ako ng sampal na malamang galing sa kaniya. Kung nakakakita lang ako mabilis akong nakailag. "Tch. Bagay sayo yan! Tsaka bakit ka pa nagtutungkod? Wala din naman yang silbi at wala kang silbi. Alisin na natin!" Bigla akong napadapa sa sahig. Malamang ay tinanggal niya ng marahas ang tungkod na hawak ko. Tahol naman na ng tahol si Scott. "Mayayari ka talaga saakin!" Umalis na kaya siya? Nakakainis! Bakit kase wala akong makita? "Hey you! What the hell are you doing? Gusto mo bang ipakulong kita? Hindi tamang sinasaktan ang babaeng may kapansanan." Oh here he goes again, acting like a superman as if he's a real superhero but not. Inalalayan niya akong makatayo at hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko. "Don't you dare to go out when I'm not around. Paano ka na lang? Mapapahamak ka na naman niyan." I don't even know that he's also acting like an angel. Pwede na siyang magartista! "Pwede bang ibalik mo na lang ulit ako sa hotel? May pera na ako!" "Hindi ka pwedeng umalis sa tabi ko at sa bahay ko. You can't f*****g go anywhere when I'm not around! Kinausap ako ni Francine. Nakipagkita siya saakin kaya ako umalis ng bahay. Ang sabi niya saakin nasa panganib ang buhay mo!" Panganib? Ako nasa panganib? Duh! Hindi ako tanga para maniwala sa kwento niya. Malamabg gawa gawa niya lang yan. "I don't f*****g care! Stay away from me! Baka sayo ako mapahamak! Tangina! Lubayan mo na ako!" Humawak siya sa magkabila kong braso. "Watch your language, baby." Bulong pa niya. Akala niya ba kikiligin ako sa ginagawa niyang pagtawag na baby saakin? Hell No! "Bakit mo ba ako sinusundan? Malamang isa ka sa mga alipores ni Tita Hellen. Pakitang tao ka lang-" tinakpan niya ang bibig ko. Aish! Nakakaasar talaga ang pagiging bulag. "Nasa puder kita kaya manahimik ka. Dito ka muna titira sa bahay ko." Naramdaman kong pumasok na kami sa bahay niya. Hindi naman pala ganon kalayo ang nilakad ko kanina. Ang lapit lapit lang pala. Tinanggal niya ang kamay niya sa bibig ko. "Ako titira dito? Hell no! I don't even know you! I don't know who the hell are you! And I don't f*****g care!" Hinawakan niya na naman ang kamay ko. "I am Blaire Ezekhiel Gonzales! And I'm a f*****g Architect! Ngayon kilala mo na ako. Dalawa lang ang kwarto ko dito. Kaya pasalamat ka saakin at dalawa ito dahil kung hindi malamang sa sala ka matutulog lalo na kung ganiyan ang ugali mo. Malaki-laki din itong bahay ko. Pasalamat ka ulit dahil wala itong hagdanan. Mabilis ka lang makakakilos." As in? Dito na talaga ako titira? Duh! Ayoko ngang makasama siya! "Give me back my phone! Gusto kong makausap si Francine." Baka mamaya scam lang 'to ni chismosang superman. Ano raw ulit pangalan niya? Jose Manalo ba yun? Kapag hindi ko talaga kilala ang isang tao hindi ko kaagad makakabisado ang pangalan nito. [Angel? Ngayong tinawagan mo ako ibig sabihin nasabi na sayo ni Blaire ang lahat. Sa kaniya muna kita ioapaubaya. Mabaut na tao yan. Buti na lang at siya ang tumulong sayo. Kilala ko yan. He's an old friend of mine. Magiingat ka! Nabalitaan kong sinugod ka doyan ni Lucy kanina lang. Babalitaan kita sa mga balak pa nilang gawin.] And then I heard she hang up na. So? I guess.... I will stay here in my entire life. But sisiguraduhin kong makakalis din ako kaagad dito. "Naniniwala ka na ba? I'm not a scammer! And I don't have a time for that thing. Sino ka ba?" Hindi pa ba ako pinakilala ni Francine? Ano ba yan? Ayoko sa lahat yung tinatanong ang pangalan ko. Nakakatamad magsalita. "I'm.....Duh! Hindi ko sasabihin ang pangalan ko sayo. As if were close." Naramdaman kong inupo niya ako sa sofa. "Okay. For now let me call you baby." Yuck! Baby? Kadiri! Nakakasuka! "I'm not you baby Mr. Manalo!" May pagkasiraulo din pala ang isang 'to. "Well, I'm not Mr. Manalo. I'm Mr. Gonzales your baby. Hahahaha. Tsaka ano yun? Jose Manalo? Matulog ka na. Wait! Kumain ka na ba?" Nung umalis ako kanina yun ang hindi ko nagawa. Ang kumain. "Hindi pa ako kumain. Kung kakain man ako mas gugustuhin kong wag na lang baka lasunin mo pa ako." Dapat pala kumain na ako kanina bago ako umalis para hindi ako nagugutom ng ganito. "Bahala ka. Gugutumin ka din. Baka mamayang natutulog ka lumabas yang kaluluwa mo sa katawan mo tsaka maghalungkat ng pagkain dito sa kusina." Nanakot pa talaga siya. Hindi ako natatakot sa mga ganiyan. "Pero totoo ba yun?" See? Hindi talaga ako madaling matakot, madali lang akong maniwala. "Oo nangyari yun sa kapitbahay ko dati. Namatay." Nakakamatay pala ang hindi pagkain sa gabi. Bakit hindi man yun sinabi saakin ni Lola? "Siguraduhin mo lang walang lason yang papakain mo saakin. Malalagot ka talaga." Paminsan-minsan eh nagda-diet ako pero kapag gutom talaga ako nawawala ang salitang diet saakin. "Hindi ako magaling magluto kaya panay ang order ko sa mga fast food chain. Pero dahil ayaw ko naman na iwan ka dito sa bahay na ikaw lang magisa. Magpapadeliver na lang tayo. Anong gusto mo?" Ang dami niya pang sinabi eh hindi ko naman tinatanong kung anong kinakain niya kapag siya lang magisa dito sa bahay niya. "Kahit ano basta yung makakain." Hindi naman ako mapili sa pagkain. Kahit ano ay kakain ko. Maselan lang ako sa mga taong nakakasalamuha ko. Doon ako magiinarte. Lalo na kung ang pakikisamahan ko ay itong si Alden Richards. Mukhang nag order na siya. May kinakausap na siya sa phone ehh. Ano kayang itsura ng bahay niya? Ang sabi niya malaki. Tapos dalawa lang ang kwarto. Only child lang ba siya? Nasaan naman ang pamilya niya? Bakit parang magisa lang siya dito sa bahay? Namatay na din kaya parents niya? "Nakapag order na ako. Oh eto ang mga tatandaan mo. Si Mama at Papa kapag friday nandito sila. Kaya wag mong susubukan na magsungit sakanila." Ayun naman pala. So tama nga ako. Siya lang talaga ang magisa dito sa bahay niya. Pero ano nga naman bang pakialam ko? Isa pa ayokong makipag close sakaniya. After a few minutes agad ding dumating ang order namin. "Para hindi ka na mahirapan. Tutulungan kitang kumain. Ako na ang ngunguya para sayo." What the hell? Edi siya lang din ang mabubusog! "Biro lang! Susubuan na kita. Wag ka ng maginarte pa. Ikaw din naman ang mahihirapan." Ano pa nga bang magagawa ko? Dati sa mansion si Francine ang tumutulong saakin para makakain ako. Hindi lang siya naging secretary ni Lola, parang siya na din ang kinilala kong katulong. Palagi niya kase akong pinagsisilbihan. "Kung nagtataka ka kung bakit ako lang magisa dito. Ikukwento ko sayo." Nagsalita na naman si Coco Martin. Ang dami niyang kwento. "Kung magkukwento ka saakin kung bakit magisa ka lang dito. Huwag ka ng magabala. Dahil hindi naman ako nagtataka." Ganiyan ka dapat makipagusap sa mga taong ayaw mo anmang kausapin. Yan ang aking Angel Tips 101. Oh diba! Padami ng oadami ang mga tips ko. Kaya dapat palagi niyo akong susundan para naman hindi kayo napapahamak. "Sige. Kwento ko na lang. Gusto ko kaseng maging independent. Simula noong namatay si Kuya ay gusto ko ng mapagisa. Gusto ko ding hanapin kung sinong hayop ang pumatay sakaniya." Kwento niya pa. May Kuya pala siya. Kaya lang namatay. "Wag mo na akomg hatid sa kwarto ko. Kaya ko ang sarili ko." Natapos din naman ako kaagad na kumain. Gusto niya pa akong ihatid sa kwarto ko kaso ayaw ko na. Dapat kanina pa sana ako nakapasok sa kwarto kaso ang kulit niya eh sinabi ko namang kaya ko. "Hindi mo kaya. Hindi ka pa sanay dito sa bahay. Tara na. Wag ng makulit." Wag daw makulit eh siya kaya ang makulit. Inalalayan niya na akong tumayo at dahan dahan kaming naglakad papunta sa kwarto. Hanggang sa naramdaman ko na yung kama. "Matulog ka na." Hindi ko alam kung makakatulog ako dito kaagad. Hindi pa din kase ako ganon kasanay. Habang nakahiga ako naramdaman kong may katabi ako. Hinawakan ko ito. May braso siya. Teka! Ito ba si Shawn Mendes? "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. "Ano pa? Edi matutulog din. Baka hindi ka makatulog. Papatulugin kita. Tulog na baby ko..... tulog na..." kumanta kanta pa yung mokong. "Hindi ako bata para patulugin alis na. Ayaw ko sa lahat yung may katabi akong natutulog." Naramdaman ko ang pagalis niya sa tabi ko. "Goodnight baby." Nadinig ko ang pagsara ng pintuan sa kwarto ko. Kinabukasan.... Nagising ako kaagad. Wala yata si chismosong superman? Wala akong nararamdamang kaluskos sa kusina. Malamang ay tulog pa yun. Nakalabas ako ng kwarto sa tulong ni Scott. Paano kaya ako makakapagluto kung hindi ko naman nakikita ang mga gamit? Hindi ko nga alam kung nasa kusina ba ako o sa sala. Kinapa ko ang lahat ng mga gamit. Tama! Nasa kusina nga ako. Nahawakan ko ang stove eh. Hinawakan ko ang mga gamit dito. Hinahanap ko ang kawali. "Ouch!" Singhal ko ng mabagsakan ng kung ano ang paa ko. Ang sakit ahh. Naglakad lakad pa ako hanggang sa nadapa ako. Aish! Nakakainis! Bakit ba kase ganito ang kalagayan ko? Naramdaman ko ang paglapit ni Scott saakin. Yinakap ko siya at iyak ako ng iyak. Hindi ko na kase alam kung anong pwede kong gawin ngayong bulag na ako. Kung hindi sana ako nabulag edi sana hindi ako nahihirapan ng ganito. "Hey!" Nagulat ako sa boses ni Rico J Puno. Mabilis kong pinunasan ang luha ko tsaka agad na tumayo kahit na nahihirapan na ako. "What happened here?" Nagaalalang tanong niya. "Wala. Babalik na lang ako sa kwarto." Sinakap kong bumalik sa kwarto pero hindi ko nagawa dahil nabunggo ako sa pader yata yun. Naramdaman ko ang kamay ni Justin Beiber sa braso ko. "Tutulungan na kita." Sabi pa nito. "Ayoko! Pwede ba? Huwag mo akong tulungan! Hindi ko kailangan ng tulong mo! Kaya ko ang sarili ko! Bulag ako! Pero nakakaramdam ako!" Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makapasok ako sa kwarto. Nakailang bukol yata ako bago makarating dito. "Hoy!" Sigaw pa niya. Ang kulit ng lalaking yun. "Wag mo akong ma Hoy hoy! Tsaka wag mo akong sinusundan!" Naramdaman ko na lang na hinila niya ako dahilan para mapatayo ako. "Tch. Gusto ko lang sabihin na kwarto ko yung pinasok mo. Tara. Ihahatid na kita sa kwarto mo." Medyo napahiya ako doon ahh. Inalalayan niya akong makalabas ng kwarto hangang sa makarating kami sa kwarto ko. "Ayaw mong kumain? O diyan ka na lang kakain?" Tanong niya ng makaupo ako sa kama. "Ayokong kumain. Wala akong gana." Nakakawalang gana talagang kumain ngayon dahil sa nangyari saakin. Lumabas na yata siya ng kwarto. Narinig ko kase ang pagbukas ng pintuan. --- "Kailangan ako sa trabaho ngayon. Nasa side table ang pagkain mo incase na magutom ka. Iiwan kong nakalock ang bahay para walang makapasok. Papapuntahin ko din dito si Manang Sonya. Mabait yun. Aalagaan ka non. Kumain ka kapag nagutom ka ah. Hindi ka kumain ng almusal kanina. Kaya dapat kumain ka ng tanghalian. Babalik din ako kaagad." Saglit niyang hinawakan ang kamay ko pagkatapos ay umalis na siya. Ano namang gagawin ko dito? Baka buong araw na lang akong matulog. Tahol naman ng tahol si Scott. Gusto niya sigurong makipaglaro. "Scott bawal maglaro ngayon. Baka mamaya mapadpad na naman tayo sa kwarto ni James Reid. Kaya dito na lang tayo." Nakikinig naman si Scott sa mga sinasabi ko. Masunuring bata yan este masunuring aso pala. Buong maghapon akong natulog. Nagising lang ako nung may narinug akong kaluskos galing sa labas. "Scott wag kang tatahol. Behave ka lang. Baka kung sino yung nasa labas." Natatakot ako baka mamaya ay magnanakaw ang pumasok dito sa bahay. "Baka si Jimmy Santos lang yan." Sabi ko pa sa sarili ko. Naramdaman kong bumukas ang pintuan ng kwarto ko. "Oh? Ang bilis naman yata ng trabaho mo?" Sabi ko pa dahil alam kong siya lang naman yan. Wala akong narinig na boses. Hindi siya nagsalita. Baka pagod. Naramdaman ko na lang ang paghila nito sa buhok ko. Kaya naoatayo na ako. "Hoy! Bakit ka ba nananabunot? Bakla ka ba?" Inis kong binawi ang buhok ko. Bigla niya naman akong tinulak. "Hello pamangkin. This is me Tita Hellen." Paano siya nakapunta dito? Paano niya anlaman na nandito ako? Malamang ay pinasundan na ako niyan sa mga alagad niya. "Alam mo? Dapat namatay ka na lang eh. Para saakin na mapupunta ang lahat ng yaman ni Mama." Masyadong masama si Tita Hellen. Ampon lang siguro yan. Kaya siya ganiyan. Kaya iba ang ugali niya. Ang layo ng ugali niya sa ugali ni Mama at Lola. "Gawin mo na ang pinapagawa ko sayo." Utos niya sa kung sino. Naramdaman kong hinila ako ng isang tao at dinala kung saan. Nagulat na lang ako ng ilublob nila ako sa galon yata ito ng tubig. "Para yan sa pangaagaw mo! Kung sanang namatay ka kasama ni Alysia edi sana hindi ako nahirapang kunin ang lahat ng yaman! Bakit ka pa kase nabuhay? Buti na lang at nabulag ka." Iyak na ako ng iyak habang ilang beses nila akong nilublob sa tubig. Halos makainom na ako ng tubig. Tumigil din sila sa paglulublob saakin sa tubig pero hindi pa sila nakuntento. "Unti-unti kitang pahihirapan." Kasunod non ay ang malakas na pagtulak saakin dahilan para mapaupo ako sa sahig. "Ikaw ang sagabal sa mga plano ko." Nakatanggap ako ng isang malakas na sampal. "Bakit mo ba ito ginagawa? Nakuha mo an ang lahat! Kaya ano pang habol mo saakin? Bakit hindi mo ako tigilan? Umalis na ako sa mansion! Pero bakit mo pa din ako hinahabol? Sana ay hindi na alng ako umalis kung alam kong papahirapan mo lang ako!" Sa wakas nakapagsalita na din ako. "Matapang ka na ngayon ahh. Ikaw ang dahilan kung bakit hindi na ako pinakasalan ng magaling mong ama!" Ano? May relasyon sila ni Papa dati? Sa tingin niya ba maniniwala ako sakaniya? Hindi! Kahit kailan hindi ako naniwala sa mga pinagsasabi niya. Dahil walang kapani-paniwala doon. "Aalis na ako. Ikaw na ang bahala diyan." Buti naman at aalis na din siya. Pasalamat ka at bulag ako kundi baka kanina pa kita nasipa sa mukha. "Ang ganda mo naman." Manyakis pala 'to eh! Hinawakan niya ang braso ko mabilis ko naman yun binawi. "Hoy! Hindi ako paparape sa isang katulad mo!" Naramdaman ko ang paglapit saakin ni Scott. Hinawakan nung lalaki ang mukha ko. Agad ko namang iniwas ang mukha ko sakaniya. "Ano namang magagawa ng isang bulag?" Aba! Nanginsulto pa ang mokong. Jusko! Mare-rape pa yata ako ng wala sa oras. Nasaan na ba kase si Harry Styles? Bakit parang ang tagal niya naman yata? Ganon ka ba talaga katagal ang trabaho niya? Paano na niyan ako? Siya lang ang pwedeng makatulong saakin. Kahol ng kahol si Scott. Aha! Alam ko na kung anong gagawin ko! "Scott! Attack him!" Utos ko. Narinig ko ang matinding kahol ni Scott. Sorry siya pero magaling ang aso ko. Napadaing naman ito sa sakit. Mukhang kinagat siya ni Scott. "Goodjob Scott!" Nagmadali akong tumayo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. "Scott, pwede bang gabayan mo ako kung saan ang palabas?" Kumahol ito bilang sagot. Hawak-hawak ko ang tali niya. Hindi ko alam kung saan ako dinala ni Scott. Parang wala yata akong nabangga na pintuan? Siguro iniwan nila itong nakabujas. Pero paano nila ito binuksan kung ni-lock ito ni Prince William? Baka sinira nila ang pintuan kaya nakapasok sila. Saan naman ako pupunta? Malamang ay kapag umuwi si Blaire hahanapin niya ako. Tsaka bakit pa ako magstay doon sa bahay? Eh may rapist doon! Gusto niya bang mpaahamak ako? Naku! Wala akong dalang phone. Hindi ko naman kase naisip na papasukin ang bahay at ako lang magisa. Saan kaya ako dadalhin ni Scott? Gusto kong puntahan si Francine pero paano? Wala akong phone para tawagan siya. Naramdaman ko na parang may nasagi ako, napaupo pa tuloy ako, ang sakit ng pagkakabagsa ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD